webnovel

(Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 100 - Havoc Gangsters Ready

Shannon Petrini Point Of View

Nagpunta lahat ng mga High ranking officers sa opisina liban na lamang kina Alena, Tinzel, Star at Senju.

Magkakatabi na umupo sa iisang sofa sina Gemmalyn, Johnbhel, Franz, Frosh at Rum. Sa kabilang sofa naman ay magkakatabi na umupo sina South, Isda, Meryl, Devorah at Moon.

Nakatayo habang nakasandal naman sa pader sina Mikey, Zayn, Rialyn at Que.

"South, are you sure you're good?" Tanong ko kay South na mayroon paring mga nakatali na benda sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

"Ayos na ako boss. I can't miss this very important meeting." Tugon naman niya sa akin saka ngumite.

"Hindi ka ayos. Matigas lang talaga ulo mo." Bigla namang sabi ni Rialyn na naiinis.

"Anyways, you are all gathered in here for you to know that the spy have returned. Sisimulan na natin ang pagpuksa sa mga Don!" Paunang sabi ko.

Ang ilan sa mga High ranking officers ay parang makinang na bitwin ang kanilang mga mata.

Bigla namang nagtaas ng kaniyang kamay si Zayn.

"Yes?" Sabi ko naman.

"Excuse me for a second boss. Tatawagan ko lang po si Alena nang bumalik na sila dito sa Palkia." Paalam niya.

"Okay." Pagbigay ko naman ng pahintulot sa kaniya.

Lumabas naman siya sa silid.

"The Dons are scary monsters. I'm impressed that someone manage to infiltrate their territories and leave alive." Sabi naman ni Gemmalyn.

"He's good at spying." Sabi naman ni Franz.

"Of course, spying is needed. The Dons are very strong people but their territories are being kept private by the Empire and the Guild. Because of they ridiculous fighting prowess, you don't want other countries who have bad intentions in Vlade Empire to make contact with them." Sabi naman ni Mikey. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinabi. Para siyang mayroong ipinaglalaban na statement sa isang debate.

"But...Don Nervoz's territory was known to the public." Sabi naman ni Devorah. "He's residing in the Region City of Mecha right?" Tanong pa niyang naninigurado na siyang ikintango ng lahat.

"Star Voided got information about the two Dons. I expected him to only get information about the two Dons." Sabi ko naman.

"W-why boss?" Tanong ni Meryl.

"I got some information about Don Nova Chrono from the Imperial Palace when I visited the Emperor." Sabi ko. Nagulat naman silang lahat.

"K-kilala mo ang Emperor?"

"Of course he is my class-" Natigilan agad ako ng si Mikey ay sumigaw. Napagtanto ko din na muntik ko nang sabihin na kaklase ko noon ang Emperador.

"Don't ask about unnecessary details. We're not supposed to waste our time chitchatting instead of preparing." Seryoso na sabi niya.

"The kid was right." Sabi naman ni Franz.

"Going back to what I said earlier. The Emperor told me that Don Nova Chrono have the strongest 'Aura Perception' of all Magi to exist in this Empire. Even my Aura Perception can't cover a whole Region, but Don Nova Chrono can. If our spy Star Voided dared to enter Don Nova Chrono's teritoryo, he will surely be dead. I'm glad that Star knows Don Nova Chrono very well that he didn't do some infiltration to spy. We will figure out ourselves when the time comes we will face Don Nova Chrono on how we will attack her. I will personally do the infiltration to her territory."

"But how will you do that boss?" Tanong ni Johnbhel.

"I will go to every Region and search strong auras. That's the only way."

"I see." Sabi naman ni Gemmalyn.

"Kaya, sa ngayon. Pagtutuonan natin ng pansin ang dalawang teritoryo ng Dons na napasok ni Star. Ang kina Don Mori Sette at Don Farezona. Let me be frank with you guys. We're on a suicide mission if we go to Don Farezona's territory." Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

"Ganoon ba kalakas ang organisasyon ni Don Farezona boss?" Tanong ni South.

"She's trying to avoid so much struggle." Sabi naman ni Franz na ako ang tinutukoy. "She wants you to experience first how it feels to be in a war. So, facing Don Mori Sette will be the ideal choice. Don Mori Sette is known for having the most number of members at 20,000 compared to the other Dons. That idiot Don thinks Quantity is better than Quality. So going to his territory gives us a 50 percent chance of winning." Paliwanag ni Franz.

"Ganoon pala 'yun." Sabay-sabay na sabi naman ng ilan sa mga high ranking officers.

"According to Star's report, Don Mori Sette is protecting a mad scientist who's trying to bring back monsters in this world. That mad scientist already managed to create 5 monsters who are individually belonging to different races of monsters. If he manage to create more while we are still here, the chance of winning will gradually go down." Paliwanag ko naman.

Natahimik ang lahat sa sinabi ko.

*****

Sinabi ko lahat ng impormasyon patungkol sa Zcaford Region na sinabi sa akin ni Star.

Sa pagtatapos ng aming meeting, inutusan ko ang mga high ranking officers na magsipaghanda na para sa mangyayari na labanan.

Pinahanda ko na din kay Zayn ang mga karwahe na sasakyan namin papunta sa Brylee City, upang kami ay magnakaw ng barko na sasakyan namin papunta sa Zcaford Region, para tapusin ang Big Daddy Bandits, ang organisasyon ni Don Mori Sette. Ang walang hiyang traydor sa Silver Panther Gang!

Ilang minuto akong umidlip sa opisina bago ako umalis doon at nagpunta sa hospital kung saan naroon si Senju.

Gaya ng ipinag-utos ko noon kay Zayn, mayroong mga bantay sa hospital na miyembro ng Havoc Gangsters. Binati ako ng mga ito nang makita nila ako. Pinalabas ko muna sila sa silid.

Mahimbing parin na natutulog si Senju.

I smiled looking at him.

"Aalis muna kami...iiwan muna kita dito sa Palkia." Sabi ko sa kaniya. Dahan-dahan ko naman na inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Seeing his face this close, I'm really having a hard time breathing and my chest feels like it's very tight. "I know what's going on inside me, but I still refuse to accept it. But, atleast after the war against Don Mori Sette, if I'll make it out alive...I'm going to accept it. I'm going to accept the fact that indeed, I'm in-love with you, Senju Fanah."

*****

South Avalo Point Of View

It's finally happening. Havoc Gang will fight a Don's organization.

Medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi ko alam kung kakayanin kong makipagsabayan sa mga kalaban gayong ako'y medyo matagal na nanatili sa pagamutan. Kulang ang paghahanda ko para sa pakikipaglaban namin.

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa bahay ko. Medyo matagal-tagal din akong hindi nakauwi dito.

Kasama ko si Isda, siya na ngayon ang bagong tagalinis. Mukhang hindi na din kasi umuwi si boss dito, mukhang sa headquarters na siya natutulog.

"Bakit ang lalim po ng iniisip mo papa?" Tanong sa akin nang lumapit na si Isda. May dala itong tasa ng maligamgam na tubig. Ini-abot niya ito sa akin. Tinanggap ko naman ito pero ipinatong ko sa lamesita.

"You're not going to drink it instantly? Baka po lumamig." Nag-aalala na sabi niya.

"Salamat. Iinumin ko din 'yan. Give me 1 minute."

"Sige po papa. Balik na ako sa kusina. Magluluto po ako ng makakain natin."

"Anong oras na ba?"

"Alas otso ng gabi."

"Alas otso na pala."

"Opo."

"Tao po!" Biglang mayroong sumigaw galing sa labas ng bahay.

"May tao Isda." Sabi ko naman kay Isda na dali-daling nagpunta sa pinto ng bahay at binuksan ito.

"Sino po sil-ate Rialyn!!" Pasigaw na sabi niya.

Rialyn? What is she doing here?

Mabilis kong kinuha ang tasa ng maligamgam na tubig at ininom. Tumayo ako kalaunan ay nagpunta sa may pinto.

May dalang supot ng pagkain si Rialyn.

"I brought some food. Wanna eat?" Tanong pa nito sa amin ni Isda.

"Siyempre naman po." Natutuwa na sabi ni Isda.

Pinapasok namin si Rialyn at dumiretso kami sa kusina kung saan naroon ang din ang dining table.

"Nagabala kapang magdala ng pagkain, anong sadya mo Chibesfri?" Tanong ko agad sa kaniya sa pag-upo namin sa mga upuan na napili namin.

Si Isda naman ay kumuha ng mga plato at kutsara na kaniyang nilatag sa lamesa.

"Parang pinapaalis mo ako ahh?"

"No I'm not." Paninindigan ko naman.

"Anyways, sigurado kabang sasama ka sa laban patungo ng Zcaford? Isn't it going to be bad for your health?"

"Ayos na ang lagay ko. Wala na akong dapat pang ipangamba sa katawan ko. Para makasigurado, hindi ko na muna tatanggalin ang mga nakatali na benda sa katawan ko."

"W-well if you are really insisting, guess there's nothing more I can do." Nagblush na sabi niya.

"You visited my home just to ask about my body condition? Pretty considerate, Chibesfri."

"Siraulo." Sabi niya saka umiwas ng tingin.

"Kumain na po kayo, mamaya na kayo mag-usap." Biglang sabat naman ni Isda sa amin na nauna nang kumain keysa sa amin ni Rialyn.

"Isda!! You-don't eat everything." Saway ko naman sa kaniya. Kumuha na din ako ng pagkain na kakainin ko baka maubusan pa ako ni Isda na parang mayroong kaagaw sa pagkain niyang ginagawa.

*****

Alena Waiters Point Of View

"Sigurado ka bang ngayon na mismo ang alis mo?" Nagaalala na tanong ni mama sa akin, sa aking pagpaalam sa kaniya na kailangan ko nang bumalik sa Palkia City.

"Anak, kung ganoon, ipapasama ko ang ilang mga guwardiya para bantayan ka dahil malalim na ang gabi-"

"Huwag na po. Magiging ayos lang ako. Hindi ba't sinanay niyo ako para lumakas? Bakit po kayo nagaalala sa akin?"

"Dahil anak ka namin." Sabay na tugon nila sa akin.

"Salamat po, mahal na reyna, mahal na hari sa pagaaruga na inyong binigay at pinaramdam sa akin. Hindi ako karapatdapat sa inyong pagmamahal dahil naging isa akong Gangster, isang kriminal." Yumuko ako matapos ko na magsalita.

"Anak, not all law enforcers are abiding the law and not all gangsters are doing disgusting crimes." Pangaral naman ni papa sa akin.

Ngumite ako ng malapad sa sinabi ni papa.

"Mauuna na po ako, mahal na reyna, mahal na hari." Niyakap pa ako ng huling beses ni mama bago ako tuluyan na lumabas sa kanilang throne room.

Lumabas ako sa palasyo, si Tinzel ang sumalubong sa akin, sa aking paglabas sa gate.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"I just want to ask you if you will come with me. I'm planning to go back in Palkia City to check out what's going on now." Paliwanag niya sa akin. "Mukhang may lakad ka?"

"Coincidentally, Tinzel...tinawagan ako ni Zayn sa Contact Orb ko, pinapabalik na tayo sa Palkia City, Havoc Gangsters will attack the Big Daddy Bandits."

"A...Don...!" Matapos magsalita ay huminga siya ng malalim. "Kung ganon, ano pang ginagawa natin dito? Bumalik na tayo sa Palkia City."

"Tama ka." Pag-sangayon ko sa kaniya.

*****

Zayn Erwan Point Of View

Nasa rooftop kami ng isang restaurant. Kasama ko sina Gemmalyn, Johnbhel, Meryl at Devorah na kumakain habang mayroon kaming magandang view ng mga bitwin sa langit.

"This place sure is expensive." Reaksyon ni Gemmalyn sa aming lugar na pinagkakainan.

"Come on, don't complain. The food is great." Sabi naman ni Devorah.

"She's right Gemmalyn, we will miss Palkia City foods because we're going to be out for maybe few weeks." Sabi naman ni Meryl.

"Oo nga pala Zayn..." Bigla naman akong tinawag ni Johnbhel, sa kasagsagan ng aking pagkain.

"Ano?" Tanong ko agad.

"Please listen to my warning...don't use that 'Forbidden Mana Technique'".

"Why did you even teach it to me?"

"Anong pinaguusapan niyo?"

"Oo nga." Sabat nina Devorah at Meryl sa usapan namin.

"Don't mind them." Sabi naman ni Gemmalyn sa kanila. Halatang inilalayo niya sina Devorah at Gemmalyn sa usapan. "Devorah, gusto mong subuan kita nito? Try mo ang sarap." Tinawag ni Gemmalyn si Devorah habang mayroon siyang hawak na tinidor na mayroong nakatusok na steak.

"Talaga? Sige..." Natuwa na sabi naman ni Devorah na agad kinagat ang steak. "Ang sarap." Kinikilig na sabi nito.

"Ang unfair naman. Ako din, Gemmalyn." Reklamo naman ni Meryl.

Napatawa naman ako ng mahina.

"Seriously, don't use it." Sabi naman ni Johnbhel ulit sa akin.

"I'm not planning to use it even though I mastered it. Para lang sa emergency situation iyon 'diba? I don't think we will be put in such dire situation, because we have Boss, Franz and Mikey on our side."

"Even if we're put in a dire situation, don't use it. I feel guilty for teaching it to you. Thinking about it, it looks like that I taught you something to use for commiting peaceful suicide."

I was silent. Wala akong naging tugon sa sinabi niya. Wether will I use it during the battle, depends on the kind of situation Havoc will face.

*****

Rum Costco Point Of View

Kasama ko ngayon dito sa isang libingan na ginawa ko sina Mikey, Que, Moon at Frosh.

I didn't expected them to be here, visiting our fallen comrades against Crimson Orange Gangsters.

"Ang ganda ng ginawa mong libingan para sa kanila." Sabi ni Que sa akin matapos niyang magsindi ng kandila. "Want to have some fun tonight?" Kumindat pa siya sa akin matapos magsalita.

"Que, you're not supposed to act like that infront of our fallen comrades." Sabi naman ni Moon. Himala na hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Que.

"R-Rum, there's something I-I wanted to say to you."

"Don't tell me that it is a confession?"

"You idiot. He's not a woman to confess with you." Sabi naman ni Mikey sa akin.

"Stupid kid. Don't butt in, you're not the one I'm talking to." Nainis na sabi ko agad sa kaniya.

Natawa naman bigla sina Frosh, Mikey at Que.

"He's embarrassed..."

"What did you guys came in here to?!" Reklamo ko sa kanila.

"Nonsense. I'm done visiting, I'm going back to the headquarters, to take my rest, Que." Paalam naman ni Moon.

Kaagad siyang umalis sa lugar.

"Ang shunget tsalaga ng sistser ko." Pabebe na sabi naman ni Que.

"I wonder why you are different from her?" Tanong naman ni Mikey kay Que.

"Wanna know kid?"

"Kind of."

"Because I'm beautiful than her."

"Sounds stupid." Reaksyon ni Mikey sa sinabi ni Que. "Rum, I'm going back to the headquarters. I'll try inviting ate Shannon to play with me." Positibo na sabi niya sa akin.

"What a kid." Sabi ko naman.

Hindi naman nagreact sa sinabi ko si Mikey. Maya-maya'y naglaho siyang bigla. He used his Teleportation Magic.

"Ikaw Que, hindi ka pa ba aalis?"

"Why would he need to go away? He's going to help me explain to you." Sabi naman ni Frosh sa akin. Bigla siyang napahawak sa leeg niya kung saan naka-pwesto ang lalamunan.

"Don't force yourself to speak so much Frosh." Sabi naman ni Que kay Frosh. Biglang nagbago ang pananalita niya.

"What's going on?" Naguluhan na sabi ko naman.

Itutuloy.