webnovel

Ang Munting Matandang Lalaki (3)

Editor: LiberReverieGroup

Pinasadahan ni Jun Wu Xie ng tingin ang matandang lalaki at itinaas ang sariling bote ng

gamot at iwinagayway iyon sa harapan ng matandang lalaki.

"Ako mismo ang gumawa nito."

Halos lumuwa ang mata ng matandang lalaki.

[Ang gamot na iyon ay gawa ng munting bata? Paano nangyari iyon?]

"Wala kang kahit ano dito na magagamit ko. Aalis na ako." Wala sa huwisyo si Jun Wu Xie na

makipag-usap pa sa baliw na matandang lalaking iyon. Sa isang pitik ng kaniyang kamay ay

ibinato niya ang kaniyang bote ng gamot sa matandang lalaki na iyon at pagkatapos ay

humakbang na si Jun Wu Xie upang umalis.

Nasalo ng matandang lalaki ang bote at naiwan sa puwestong iyon na bahagyang tigagal pa

rin, tinitigan ang palayong likod ni Jun Wu Xie.

Maya-maya, isang nagmamadaling mga yabag ang biglang narinig mula sa kagubatan. Ang

matandang lalaki na natigagal sa kaniyang puwesto ay agad sinupil ang gulat sa mukha at ang

tingin niya ay lumalim habang nakatuon sa lalaking papalabas sa gitna ng mga puno.

"Bakit ang aking Lord ay bumaba na naman dito sa bundok?" Tanong ng lalaki nang makita

ang matandang lalaki.

Maingat na itinago ng matandang lalaki ang bote ng gamot ni Jun Wu Xie sa kaniyang

kasuotan at lumingo sa lalaki at sinabi: "Bakit? Hindi ba akoa maaring lumabas upang

maglakad-lakad? Isa pa, bumaba lamang ako dito sa kalagitnaan at hindi ko nilisan ang

bundok. Ano ba ang dahilan at natataranta ka?"

Ang lalaki ay paulit-ulit na sumagot ng oo oo oo, ang paningin nito ay nalipat sa mga nakakalat

na bote ng mga gamot sa lupa.

"Aking Lord, ikaw ay… lumabas upang muling subukan na naman ang iyong mga gamot?"

Maingat na tanong ng lalaki.

Biglang nanigas ang mukha ng matandang lalaki at nagdilim.

"Kailangan ba kita upang sabihin sa akin kung paano gagawin ang mga nais kong gawin?"

"Hindi, siyempre hindi!"

"Pulutin mong lahat ng mga ito para sa akin. Bilis!" Biglang sabi ng matandang lalaki, inalala

kung paanong hinamak ni Jun Wu Xie ang kaniyang "obra maestra" at naramdaman niyang

nag-init ang mukha at kumalat iyon sa buong mukha niya.

"Tama, ang Battle of Deities Grand Meet ay malapit na magsimula at maraming tao ang

nagpupuntahan sa Mount Fu Yao, na ibig sabihin din ay mas magiging marami rin ang hindi

katiwa-tiwalang mga tao sa paligid. Humayo ka at siguraduhin mo na didisiplinahin nila ang

kanilang mga sarili. Bawat isang uri na hindi tao dito sa buong Mount Fu Yao ay pagmamay-ari

ko at sabihin mo samga tao mula sa Nine Temples at Twelve Palaces na bantayan ang mga

sarili. Kung nais nilang gumawa ng gulo ay gawin nila sa kanilang teritoryo at hindi sila dapat

nagpunta dito upang bulabugin ang aking kapayapaan! At! Hanapin mo kung sino ang

puminsala kay Little Spotty at palayasin mo sa Mount Fu Yao." Saad ng matandang lalaki na

ang kilay ay salubong.

"Napnsala si Little Spotty?" Nabakasan ng bahagyang pagkagulat ang mukha ng lalaki at

akmang sisipatin ang kalagayan ng batik-batik na usa nang madiskubre niyang nakakatayo

mag-isa ang usa at naglalakad palapit upang tumayo sa kanilang harapan.

"Aking Lord… tila wala namang pinsala si Little Spotty…"

"Paano nangyari iyon? Nakita mismo ng aking mga mata…" May nais sanang sabihin ang

matandang lalaki ngunit nang lumingon ito at nakita ang batik-batik na usa na masigla at

lumulundag-lundag sa paligid, ang mata nito'y nabahiran ng panggigilalas. Ang sulyap nito'y

nalipat upang tingnan ang sugat ng batik-batik na usa na ngayon ay naghilom na nang tuluyan.

[Sigurado siyang nakita niya ang sugat na kani-kanina'y nagdurugo pa!]

"Dahil sa gamot na ito." Tila may napagtanto ang matandang lalaki. "Letse! Kasalanan mo ito!

Isa kang tanga! Nais ko sanang "imbitahin" ang litlle brother na iyon upang mag-tsaa!"

Ang lalaki'y nalito kung bakit bigla siyang kinagalitan at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Ang matandang lalaki ay nanatili sa kinatatayuan at tila may inisip sandali nang biglang

magtanong ito: "Ang munting mga pilyo mula sa Twelve Palaces ba'y sinabi na gaganapin ang

Battle of Deities matapos ang ilang araw?"

"Oo."

"Ah, kaya ang mga taong nag-aakyatan dito sa bundok nitong mga nakaraan ay narito upang

lumahok sa grand meet?"

"Tama."

"Sige. Sabihin mo sa kanila na iusog ang pagdaos ng Battle of Deities Grand Meet pagkatapos

ng kalahating buwan." Biglang na lamang binitawan ng matandang lalaki ang nakagugulat na

mga salitang iyon.

"Ha?"

"Ha mo yang ulo mong malaki! Hindi ka ba magmamadali upang sabihin ang pinasasabi ko!?"

Pinandilatan ng munting matanda ang lalaki. [Ang little brother na iyon ay mayroong kahanga-

hangang kakayahan sa Medicine at siguradong kukunin ito ng mga tao mula sa Twelve Palaces

sa Battle of Deities Grand Meet. Hindi niya pakakawalan ang piraso ng matabang karne na

iyon na halos nasa kaniyang bibig na.]