webnovel

Fulfilled Duties (Tagalog)

Kahit panay ‘No results found’ ang napapala ni Byeongyun gamit ang kaniyang mga robot sa paghahanap niya sa nobya niyang misteryosong inilayo sa kaniya apat na taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Kahit kasi iniwan na niya ang South Korea para manirahan sa Pilipinas upang magsimula muli ay hindi siya iniiwanan ng bangungot ng kaniyang nakaraan. Ngunit sa tulong ni Deborah ay marami ang mahahalungkat na sikreto at mga tanong na unti-unti ng mabibigyan ng sagot. Bukod sa may babalik upang manira ay maraming magbabalat-kayo para lamang makapaghiganti.

AMBANDOL · Realistis
Peringkat tidak cukup
39 Chs

Chapter 14

DEBORAH'S POV

"Sige, Mama," sabi ko bago ko ibaba ang tawag.

Dahil sa pagkabalisa ay naibato ko sa ibabaw ng mesa ang aking telepono. Nalukot pa ng aking mga kamay ang suot kong palda.

"Excuse me? May nakakita ba sa papel ko?" pasigaw kong sabi sabay tayo mula sa aking pagkakaupo. "May mga sulat iyon para sa sanaysay."

Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko sa aking gawi ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

"Ano'ng problema, Deborah?"

Nilingon ko si Einon na kapapasok lamang sa loob ng classroom kasama si Watt na kasunod niya lamang sa kaniyang likuran.

"Nawawala iyong draft ng aking sanaysay para bukas," tugon ko.

"Ha? Paano?"

Umiling ako. "H-hindi ko rin a-alam."

"Aw. Poor you." Binalingan ko naman ng tingin si Soobin na kapapasok lamang din sa loob ng classroom.

"I'm so right na nasa risk ang Department natin if you will be the representative of essay category," aniya pa. "Ije mwoya?" What now?

Mas lalo pa akong na-frustrate dahil sa pagngisi niya.

"Ya! Geuman!" Hey! Stop it! saway ni Watt kay Soobin dahilan para kalabitin siya ni Einon. Samantalang si Soobin naman ay napataas lamang ang kilay dahil sa sinabi ni Watt.

"Anong sinabi mo? Saan mo natutunan iyon?" tanong naman ni Einon.

"Ang cool ko, 'di ba?" ngiting sagot ni Watt. "Kay Byeongyun."

Maya-maya'y lumapit sa akin sa Soobin. Suot ang nakakalokong tingin ay kaniyang sinabi, "Goodluck."

Sa halip na patulan siya ay tiningnan ko na lamang kung paano niya ako nginisian. Bukod sa ayaw ko ng away ay wala akong lakas para patulan pa siya.

Napabuntong-hininga ako bago napaupong pabalik. Habang sapo ng magkabila kong kamay ang aking ulo ay napapikit ako.

Ano ba'ng gagawin ko?

"Miss Macalintal?"

Awtomatikong pumihit ang aking ulo sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Professor Descalsota.

"Ma'am?" tugon ko sabay tayo. Nang mapansin kong sinulyapan niya ang aking katabing upuan ay alam ko na kung ano'ng pakay niya.

"Do you know where Byeongyun is?" tanong niya sa akin.

"Oo nga, Deborah. Nasaan na ba si Byeongyun?" sabat ni Watt.

"Ngayon lang siya naging late. Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong din ni Einon.

Naiikot ko ang aking daliri sa aking sintido bago muling binalingan ng tingin si Professor Descalsota.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Baka po na-traffic," saad ko.

So tama pala siya noon pa man na kapag nawala siya ay sa akin siya hahanapin ng mga tao rito? Wow. Malay ko ba kung saan pa siya nasuot. Mabuti sana kung asawa ko siya... joke.

"Can you contact him for me?" tanong pa niya. Nang tumango ako ay saka siya umalis.

Napanguso ako saka ko hinablot ang aking telepono sa aking mesa. Hinanap ko ang pangalan ni Byeongyun sa aking contacts saka nagtipa ng mensahe sa kaniya.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang presensya ng isang maputing kapre. Pero nang malaman niya ang problema ko, sa halip na puntahan si Professor Descalsota ay nagboluntaryo siyang tulungan ako.

Sa katunayan nga ay ilang oras na akong nakaharap sa mga papel, nagsusulat ng draft para sa contest ng sanaysay bukas.

"Oh. I'm just going to use the bathroom. I'll be... I'll be right back," paalam ni Byeongyun sa akin.

"Okay. Tae well."

"Pee only. Crazy."

"Whatever," mapang-asar na tugon ko pa.

Napabuntong-hininga ako.

Hinalughog ko na kasi ang kasuluk-sulukan ng aking bag simula kanina pati na rin ang aking utak ngunit hindi ko talaga malaman at maisip kung saan maaaring nagsuot iyong papel na pinagsulatan ko kagabi. Napuyat ako dahil sa kasusulat tapos mawawala lang din pala.

Iiyak na sana ako kanina, mabuti na nga lang at tinulungan ako ni Byeongyun the Goliath.

Maya-maya'y narinig ko na naman ang boses niya.

Akala ko ba ay iihi ang isang ito?

"Hang on, midget," nasa tonong pang-aasar na sabi niya kaya agad ko siyang nilingon sa may pinto. Naroon pa pala siya at nakasandal pa sa gilid.

"Umihi ka na. Bilisan mo. Baka may mumu dito. Wala akong kasama," dire-diretso kong sabi.

Mahirap na. Malapit na dumilim. Ganoon naman yata ang kuwento sa lahat ng school, may mga kung anu-anong elemento ang lumalabas kapag gabi na.

"Kinakausap mo nga mag-isa ang sarili mo tapos takot ka sa multo?"

"King ina!" singhal ko agad sa kaniya.

"Fine. Tss. Bunganga mo talaga," sabi niya bago siya sumimangot at saka umalis.

Napangiti naman ako. Kapagkuwa'y saglit akong napatigil sa aking pagsulat nang maalala ko ang kaniyang sinabi kanina habang nasa may gate pa kami.

"Let me finish first, you rude brat. Tutulungan kitang gumawa ulit ng draft," saad ko dahilan para mapatitig siya sa akin.

"Eh?"

"Ayokong nahihirapan ang midget ko. I'm your Byeongyun, right? Tutulungan kita. Tara na," nakangiting sabi ko saka siya hinila pabalik sa aming classroom. Wala naman siyang naging angal doon.

"Ano raw? 'Midget ko'? Tama ba iyong narinig ko kanina?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili bago ko nakamot ang aking ulo. "Ano kayang nakain niya? Ang lakas makaangkin a. Tss."

Napailing ako bago ko napagpasyahang ipagpatuloy na ulit ang aking pagsusulat.

Dahil sa pokus matapos ko lang ang tatlong libong salita para sa sanaysay ay hindi ko na ulit namalayan ang oras.

"Hangad na maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng Wikang Filipino..."

Itinigil ko ang aking pagbabasa. Lumingon ako sa may pinto saka ko kinuha ang aking telepono mula sa bulsa ng aking palda.

"Nasaan na kaya iyon? Isang drum ba siya kung umihi at halos thirty minutes na siyang wala?" bulong ko sa aking sarili nang makita ko ang oras sa aking telepono.

"Baka naman iniwan na niya ako mag-isa? Sus! He won't leave me daw here all by myself tapos siya naman itong hanggang salita lang."

"Napaka—"

Nakiramdam ako sa paligid. Nang marinig ko ang mga yabag papalapit sa classroom ay sumubsob ako sa aking mesa at nagpanggap na tulog.

Si Byeongyun na iyon. Sigurado ako.

Sa isip ko ay sinasapak ko na ang sarili ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko naisipang magpanggap na tulog.

"Midget? Midget?"

Nang makasigurado siyang tulog ako ay naramdaman ko na siya sa aking tabi.

"Kyeopta," Cute, bulong niya. "Mukhang pagod ka na. Thank you for your hardwork, midget."

Hala? Ano raw?

Maya-maya pa'y naramdaman ko na hinahawi niya ang aking buhok na nakatabon sa aking mukha.

King ina? Ano'ng ginagawa niya?

"Thank you for making me happy, little body guard," usal pa niya.

Sandali! Bakit... bakit siya nagdadrama? Hala, Byeongyun! Hindi bagay!

Matapos ang ilang segundo ay narinig ko ang mabigat niyang paghinga.

"Can we stay like this... for awhile?"

Nang marinig ko iyon ay muntik na akong sinukin. Mabuti na nga lamang at agad ko iyong napigilan. Mariin din akong napapikit. Hindi ko magawang gumalaw at magmulat ng mga mata dahil sa biglang inasal niya ngayon.

Deborah, si Byeongyun lang iyan!

May isang minuto na siguro ang nakakalipas nang bigla siyang tumahimik. Nang hindi ko na napigilan ang aking pagsinok ay nagmulat na ako ng aking mga mata. Bukod sa ngalay na ang aking leeg ay hindi ko na rin kayang magpanggap na tulog.

"Byeong—" Napatigil ako dahil sa aking nakita. "Byeongyun?"

Nakasubsob na rin siya sa mesa paharap sa akin at... tulog na.

"Byeongyun? Uy?" usal ko sabay pindot sa makinis niyang pisngi. "Hala, tulog ka na agad?"

Nang wala pa rin akong narinig na tugon mula sa kaniya ay napako lang ang aking mga mata sa maamo niyang mukha.

"Wa. Neo jinjja kyeopta," Wow. You're really cute, nangingiti kong sabi saka ko pinagkrus ang aking mga braso. "Sana tulog ka na lang palagi para masabi ko na cute ka."

Kinuha ko naman ang aking telepono saka nagpunta sa camera.

"Jeongmal joha," Really nice, sabi ko pa habang kinukuhan na ng litrato ang tulog na si Goliath.

Pagtuntong sa panlimang pagkuha ko ng larawan niya ay napapitlag ako sa gulat.

"Na neomu jal saenggyeossji?" I'm so handsome, right? aniya saka unti-unting nagmulat.

"King ina! Gising ka?" bulalas ko sabay tago ng aking telepono sa aking bulsa. Halos mahulog na rin iyon mula sa aking kamay dahil hindi ko agad magawang ipasok iyon sa loob.

Uminat siya. "Obviously," tugon niya sabay kindat sa akin.

"Don't hide it. Your camera has sound. Alam kong kinuhanan mo ako ng picture," ngiting-ngiti pa niyang sabi sabay ngiti nang malapad.

King ina! Patay!

"H-huwag kang assuming! Nag... nag-selfie lang ako kanina!" palusot ko pa saka siya dinilaan.

"It's okay. Deny it all you want," sambit niya sabay lapit ng mukha niya sa akin.

"A-ano... h-hoy, huwag kang lumapit sa a-akin!"

Namimilog ang aking mga mata habang umuurong sa aking kinauupuan.

"Bakit mo ako kinukuhanan ng picture, huh?" nakangisi niyang tanong habang patuloy pa rin sa paglapit sa akin.

"Hindi nga kita kinuhanan!" nauutal kong tanggi.

"Stop lying, midget. Give me your phone," utos niya na inilingan ko nang paulit-ulit.

"No! Lumayo ka nga sa akin!" bulyaw ko sa kaniya.

"Give me your—midget!"

"Ahhh!"

Ang alam ko lang ay napapikit ako at napahiyaw nang magmali ang aking pagtuon sa mesa. Nawalan ako ng balanse at nahulog sa silya.

Isa na namang eksena.

Pagmulat ko'y nasa ibabaw ko pala si Byeongyun kaya awtomatikong nanlaki ang aking mga mata.

"Our position is actually the best way to kiss. What do you think?" nakangiti niyang sabi.

Agad na nagsalubong ang aking kilay kaya naman ay nagawa ko ang the best way para tigilan niya ako.

"Ya! Neo mitchyeosseo?" Hey! Are you insane? hiyaw ko kasabay ng pagpapakawala ng isang malakas na puwersa sa kaniyang kayamanan. Dahilan iyon para umalis siya sa ibabaw ko.

"Deborah! My egg!" sigaw niya habang nakahiga sa semento at namimilipit sa sakit.

Agad akong tumayo at lumayo sa kaniya.

"Why did you hit my boy? Aw! Ugh!" nakangibit at dumadaing niyang tanong sa akin.

Nagkibit-balikat naman ako.

"Baka nga ginawa ko pa iyang scrambled eggs kapag nagkataon!" singhal ko.

Pagtalikod ko sa kaniya'y napakagat-labi ako.

King ina, Deborah! Baka nabasag mo nga iyon? Hala, sayang kapag hindi siya nakapagpalahi!