webnovel

From Enemies to Lovers?

"From Enemies To Lovers?" tells the story of Kenneth, a teenager who hides his true identity from his family. His life revolves around his family, friends, and studies. But all of it change when he meets Luke, the man who shakes his heart surrounded by high walls. By certain incident and circumstances they went from having a cat-and-dog relationship to being friends. Join Kenneth as he tells you the story of his youth!

introvert_wizard · LGBT+
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Chapter 16 : Just Another Ordinary Day

Kenneth's PoV

Papunta ako ng school ngayon. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Luke na hawak hawak ang bike niya. Nilapitan ko siya para magpasalamat sa pagbili niya ng bag.

"Luke!" nakangiti kong tawag ko sa kaniya. "Good morning!" parang bata kong sigaw at inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Not in the mood" seryoso niyang ani at inilayo ang mukha ko.

"Anyare?" nagtataka kong tanong. Sumakay siya sa bike niya.

"Nothing" ani niya at mabilis na nagpedal paalis.

Problema nun?

Minsan talaga hindi korin maintindihan yung ugali ni Luke. Minsan mabait, minsan naman ang sama ng ugali. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko yung nangyari at masiglang naglakad papuntang school.

"Kenny! Good Morning!" bungad ni Au sa akin.

"Taas ng energy" natatawa kong ani.

"Syempre umaga. Wait---Bago yang bag mo?" curious niyang tanong ng mapansin niya ang suot kong bag ko. Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo.

"Ah oo" nagaalangan kong ani habang nakatingin kay Luke na nakasubsob ang ulo sa desk niya. Mukhang natutulog na naman siya.

Hindi na namin nagawa pang makapag-usap ni Au dahil biglang dumating si Ma'am. Ang lahat ng kaklase ko ay tahimik at naghihintay sa sasabihin ni Ma'am.

"So the results for your exam is out now" nakangiting bungad ni Ma'am na sinundan ng kabi-kabilang bulungan.

"As usual, Mr. Yasu aced the exam and ranked 1 among your batch. Congrats Kenneth, you only got one wrong. Next time, I'll be expecting a perfect score." mapagbirong hirit ni Ma'am na ikinangiti ko. Umalingawngaw ang palakpak ng aking mga kaklase at ang kabi-kabilang  papuri para sa akin. Tanging kasiyahan lang ang namamayani ngayon sa puso ko. Atlast, my hardwork paid off. After the sleepless night, I did it.

"And---Well---I never expected that I'll be seeing this kind of score. 25 over 100, the lowest score belongs to---Mr. Lacson. You better study hard, your position for the basketball team is at risk if you'll continue receiving low scores." ang lahat ng mata ay nakatuon sa direksyon ni Luke. Makikita sa mukha ni Luke ang pagkawala ng interes.

"I'll do better Ma'am" walang ganang sambit ni Luke at inabot ang answer sheet niya. Nagpatuloy si Ma'am sa pagannounce ng mga scores ng mga kaklase ko. Ang lahat ng kaklase ko maliban sa akin ay nakatuon ang pansin sa harapan habang ako ay inoobserbahan ang bawat kilos na ginagawa ni Luke. Nakita ko ang paglakumos niya sa answer sheet at inilagay niya ito sa ilalim ng desk niya.

Bakit parang ang sama ng mood niya ngayon?

Jusme! Bakit ba nangingialam ako? I need to focus on myself. Hindi ko kailangan ng distraction. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang pagaalala at itinuon ang pansin sa harapan.

©introvert_wizard

"Hindi ata kayo magkasama ngayon ng stepsister ko?" napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Troy na papalapit sa akin.

"Mukhang busy siya with her English Club duties" simple kong sagot at itinuon ang pansin sa daanan.

"Are you okay?" napalingon ako kay Troy nang magtanong siya.

"Yeah" ang tanging nasagot.

"Hanggang ngayon, you're still not good at lying" nakangising ani niya. Nanlaki ang mata ko sa walang pasabi niyang pag-akbay. "Spill it out"

Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko. Jusme! Tao lang ako! Marupok ako. Madalas naman gawin sa akin ito ni Troy noong bata pa kami, pero iba ngayon. We're already grown ups. We're at the age where special feelings or attraction to opposite or same sex develops. Hindi maiiwasang magkagulo ang mga paruparu sa tiyan ko tuwing magkakalapit ang aming mga katawan. It feels good but---It's scary. Nakakatakot mahulog sa isang taong alam mong kahit anong gawin mo ay hindi magkakagusto sayo. I better stop this feeling to grow even more. I need to distant myself from him. Kaibigan ko si Troy noon, pero iba na ngayon. Maraming nangyari these past years, I can't just pretend to befriend him knowing na may pagtingin ako sa kaniya.

"Wala talaga Troy. Okay lang ako." Naiilang kong ani at pasimple siyang itinulak palayo dahilan para ibinaba niya ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin.

"Sorry" Paghingi niya ng tawad nang mapansin na hindi ko nagustuhan ang biglaan niyang pag-akbay. Binalot kami pareho nang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang umiimik.

"Luke!" napalingon ako sa likuran ko nang tawagin ni Troy ang pangalan ni Luke. Nakangiting lumapit si Troy kay Luke. Napakunot ang noo ko nang mapansing may kasamang babae si Luke. Nakalingkis ang braso ng babae sa braso ni Luke, siya ba yung girlfriend ni Luke? Leah? Iyon ba ang pangalan niya? Infairness kay ate, maganda. Diyosa ang datingan, hindi nakapagtataka na inlove si Luke dito. Nakapako ang tingin ko sa matamis na ngiting nakaguhit sa mukha ni Luke. Hindi ko alam pero nakaHinga ako nang maluwag pagkatapos kong makita ang matamis na ngiti niya. Maybe nagaalala lang ako dahil kanina ang sama ng mood niya. Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad papuntang cafeteria. Somehow naging maganda narin ang mood ko. Were I worried for Luke? Kaya ba parang wala akong gana kanina? Hayst! Why am I worrying about these things? This is not you, Kenneth. Sa ikalawang pagkakataon ay pinilit kong iwinaksi sa isipan ko ang bagay---bagay?---tao?---tao na bumabagabag sa akin.

Abala ako sa pagkain nang biglang sumulpot sa tabi ko si Troy na may dalang tray ng pagkain. Sunod namang dumating sina Luke kasama yung girlfriend niya, umupo sila sa harapan ko. Nakakunot ang noo kong napatingin kay Troy with my what-are-you-doing-here? look.

"Bakit bigla ka nalang nawala?" takang tanong ni Troy sa akin.

"Nagugutom na ako eh" Pilit kong ani kahit puno ng pagkain ang bibig ko.

"Still eating like a kid" Nanlaki ang mata ko nang biglang pinunasan ni Troy ang dumi sa pisngi ko. Hindi ko alam kung nakailang lunok ako habang nakatingin kay Troy na pinupunasan ang pisngi ko. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang tili ng girlfriend ni Luke dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Care to tell me this cute boy's name?" Nakangiting tanong ni Leah kay Luke.

"Leah meet my childhood bestfriend si linta" Bigla kong nabatukan si Troy dahil sa pagpapakilala niya sa akin. Natatawa ito habang hinihimas ang ulo niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mo akong tawaging linta" inis kong ani kay Troy na mas lalo lang niyang ikinatawa.

"Bakit? Ang cute kaya" ani niya at kinirot ang pisngi ko. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko at pamumula nito kaya agad kong inilayo ang mukha ko sa kaniya.

"You two look cute together" Panunukso ng girlfriend ni Luke sa amin.

"Syempre!" Proud na ani ni Troy at inakbayan ako sabay higit palapit sa kaniya. Natahimik kaming tatlo at napatingin sa gawi ni Luke nang mabasag ang baso sa kamay niya. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa kamay niya.

"Oh My Gosh! What happend Luke?" nagaalalang ani ni Leah kay Luke. Agad akong napatayo para hanapin ang first aid kit nang pigilan ako ni Troy at sinenyasan ako na siya nalang daw ang maghahanap. Hindi ko alam pero tila masama ang tingin na ipinupukol sa akin ni Luke.

"Okay lang ako" Pagpapahinahon ni Luke kay Leah.

"Okay? Your hand is covered with blood and you're telling me you're okay? Bakit ba nabasag yung baso sa kamay mo?"

"Napahigpit lang ng hawak" Nakangiting ani ni Luke to reassure Leah that he is okay. Ilang segundo ang lumipas ay dumating si Troy with the first aid kit. Iniabot niya ito kay Leah at sinimulan ni Leah na gamutin ang mga sugat ni Luke.

©introvert_wizard

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto sa harapan ko si Luke sakay ng bisekleta niya. Napatingin ako sa kamay niyang may benda. Bakit nagbisekleta siya? Alam na niyang may sugat siya. Matigas talaga ang ulo ng lalaking ito. Tssk.

"Sakay" utos niya sa akin.

"Okay lang ako. Mas trip kong maglakad tsaka bakit nakuha mo pangmagbike alam mong may mga sugat ka sa kamay." Pangangaral ko at nilagpasan siya. Narinig ko ang pagpedal niya at pinantayan ang bilis ng pagpedal niya sa bike at ang paglalakad ko.

"Yung paa ko naman yung ginagamit ko sa pagpedal hindi yung kamay ko" Napairap nalang ako dahil sa pilosopo niyang sagot. "Umangkas kana nga, pambawi kona sayo"

"Pambawi saan?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Pambawi sa paglinis mo ng gym. Hindi ba pareho tayong nakaassign na linisin yung gym pero hindi kita natulungan ngayon." paliwanag niya.

"Naku, okay lang iyon. Next time ikaw lang magisa papalinisin ko para kwits tayo" ani ko at nagpatuloy sa paglalakad. Napansin kong huminto si Luke sa pagbike. Lumingon ako para tingnan siya pero nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Niyakap niya ako at binuhat. Hindi ko inaasahan na ganoon lang niya ako kadali mabubuhat at maisasakay sa unahan ng bike niya. Nang maisakay niya ako sa harapan ay agad siyang sumakay. Hinarang niya ang magkabilang dulo gamit ang kamay niyang nakahawak sa handle. Huli na para magpumiglas pa ako.

"Sa harapan mo lang pala gusto umangkas dapat kanina mo pa sinabi nang hindi kita binubuhat." Nakangisi niya ani at nagsimula nang magpedal. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? Bakit ang weird? My heart is not beating fast nor skipping a beat. It's beating in a stable way. Weird. I feel comfortable with him. I feel safe. Alam mo yung pakiramdam na wala kang problemang iniinda? Yung pakiramdam na nakaupo kalang habang ineenjoy ang isang magandang view. That's what I'm feeling right now. Ang hirap iexplain. Kagaya ngayon, this day should have been a normal day but---with him. Why does ordinary things turns special? My days were ordinay until he came.

—Epilogue—

Third Person Point of View

"Thanks for the ride" nakangiting ani ng dalagang si Leah sa kaniyang kasintahan na si Luke. Tumingkayad ang dalaga para mahalikan ang pisngi ni Luke dahilan para otomatikong mapangiti ang binata. Pagkatapos magpalitan ng makahulugang tingin ay tumalikod na si Leah at naglakad papasok ng bahay nila.

"I Love you" malambing na ani ng binata at niyakap ang dalaga sa likuran. Napangiti si Leah at napahawak sa kamay ni Luke na nakapulupot sa kaniyang beywang.

Nang pumasok na ang dalaga sa bahay nila ay sinimulan ni Luke na paandarin ang motor na dala niya. Pinahurarot niya ito na tila nasa isang karera. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad sa bahay na inuupahan niya ang binata. Agad niyang pinarada ang motor niya at dumiretso sa kinaroonan ng bisekleta niya.

"I hope he's still there" Ani ng binata sa sarili at sumakay sa bisekleta. Mabilis niyang pinaandar ang bisekleta hanggang makarating siya malapit sa paaralan na pinapasukan niya. Napahinto siya nang mapansin niya ang isang binatang mag-isang naglalakad. Pinaandar niya ang bisekleta at huminto sa harapan ng binata na halatang nagulat sa biglaang pagsulpot ni Luke.

Ilang minuto silang nagbangayan hanggang napilit niya ang binata na umangkas sa bisekleta. Napatingin si Luke sa sidemirror ng bisekleta niya at gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita niyang ngumiti si Kenneth. Hindi mapaliwanag ni Luke ang labis na sayang nararamdaman niya sa oras na iyon. Ang tanging nasa isip lang niya ay ginagawa niya ang lahat ng ito kay Kenneth dahil sa isang pangakong binitawan ni Luke sa isang tao.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 16 : Just Another Day