webnovel

From Enemies to Lovers?

"From Enemies To Lovers?" tells the story of Kenneth, a teenager who hides his true identity from his family. His life revolves around his family, friends, and studies. But all of it change when he meets Luke, the man who shakes his heart surrounded by high walls. By certain incident and circumstances they went from having a cat-and-dog relationship to being friends. Join Kenneth as he tells you the story of his youth!

introvert_wizard
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Chapter 15 : Weird Feeling

Kenneth's PoV

"Bata" napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Luke. Inis akong tumingin sa kaniya at hinintay kong ano man ang sasabihin niya.

"Sama ka sakin" nahihiya niyang ani.

"Saan?"

"Palengke" napakunot ang noo ko sa sagot niya.

"Ano naman gagawin natin doon?" taka kong tanong at naglakad papunta sa kaniya.

"Bibilhan kita ng bag mukhang nasira ko" napapakamot sa ulo niyang ani.

"Mukha lang? Nasira mo kamo!" inis kong ani at ipinakita sa kaniya ang bag kong may iba't ibang tapal na tela dahil sa dami ng butas nito. Pabiro naman siyang natawa at hinablot ang bag ko.

"Naks marunong ka palang magopera" pagaasar niya habang tinitingnan ang mga itinapal kong tela.

"Che! Tara na, hindi ko tatanggihan yang alok mo." inabot ko yung bag ko na agad niya naman binitawan. Hindi ko naman ikakaila na kailangan ko ang bag. Dapat lang na si Luke ang magbayad dahil siya naman ang nakasira at isa pa nagtitipid ako ngayon. Nakangisi kong sinukbit sa balikat ko ang bag at naglakad papuntang palengke.

Muli akong napahinto nang humarang sa harapan ko ang bisekleta ni Luke. Nagtatanong naman ang aking mga mata na tumingin sa kaniya.

"Sakay" ani niya at ininguso ang likuran ng bisekleta niya.

"Hindi ako marunong umangkas nang nakatayo--" napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin kong may upuan na pala sa likuran ng bisekleta niya. Madalas kong makita yung bisekleta niya na nakaparada sa bakuran niya at hindi ako nagkakamali na wala itong angkasan. Nakapagtataka na biglang nagkaroon ito ngayon.

"Angkas na" muli niyang anyaya. Nagaalangan naman akong lumapit sa  kaniya at patalikod na umangkas.

"Let's Go!" excited kong sambit na nakataas ang kaliwa kong kamay sa ere habang ang kanan ay nakahawak sa upuan.

"Bakit ka nakatalikod?" takang tanong ni Luke. Hindi ko naman siya magawang lingonin dahil nakatalikod ako sa kaniya.

"Gusto ko lang iappreciate yung view dito sa likod. Huwag ng madaming tanong! Larga na!" naeexcite kong utos na bahagyang tinatapik pa ang upuan na parang kabayo. Narinig ko naman ang mahinang pag-tssk ni Luke. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magpedal.

"Bibili lang ba tayo ng bag?" tanong ko habang abala sa pagtingin sa paligid.

"Bibili narin ako ng gamit ko sa bahay" naalala kong kaunti lang pala yung gamit ni Luke sa bahay niya.

"Para! Para! Itigil mo muna!" tumama ang likuran ko sa likod ni Luke dahil sa biglaang pagpreno niya.

"Bakit?" halata ang inis sa tono ng pananalita niya. Bumaba ako at pumunta sa harapan.

"Libre mo ako" nakangiti kong ani habang tinuturo ang ihawan.

"Barbeque? Akala ko hindi ka kumakain niyan" napakunot ang noo ko sa sagot niya. Paano niya nalaman na hindi ako kumakain ng barbeque? "Kumakain kaba niyan?" pagiiba niya.

"Hindi, pero hindi naman barbeque yung ipapalibre ko. Nagbebenta rin kasi sila ng fishball at kwekwek yun sana ipapalibre ko. Pero teka nga, Paano---" bago ko paman matapos ang sasabihin ko ay agad siyang bumaba sa bisekleta niya.

"Tumahimik kana diyan. Tara na" inakbayan niya ako at naglakad kami papunta sa tindahan.

Weird---

Something's weird---

Bakit pakiramdam ko ay kilalang kilala ako ni Luke?

"Benteng fishball at limang kwek-kwek po" nakangiting ani ni Luke sa tindera. Patuloy parin siyang nakaakbay sa akin, hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang taglay niyang kagwapuhan.

"Yun lang ba ang gusto mo?" agad kong inilayo ang tingin ko nang bigla siyang lumingon sa akin. Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sa akin at tumingin sa mga tinitinda. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Nakatalikod akong tumango sa kaniya at hinintay na maluto ang binili namin. Mabilis ko namang hinablot ang fishball at kwek-kwek nang maluto na ito. Hindi ko na siya hinintay pa at naglakad na ako papunta sa bisekleta niya.

"Talagang hindi mo ako hinintay no" hindi makapaniwalang ani ni Luke nang matapos siyang magbayad.

"Baka kasi may magnakaw ng bisekleta mo" ani ko na hindi parin tumitingin sa kaniya.

Bakit naawkward ako bigla?

Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kaniya pagkatapos ng nangyari kanina. Nahalata niya kayang tumitig ako sa kaniya?

"Bilisan na natin at maggagabi na" napansin kong nakatitig siya sa akin habang nilalapitan ang bisekleta niya. Nang sumakay na siya rito ay ang siyang pagangkas ko. Napakagat ako ng fishball at pilit pinapakalma ang sarili ko.

"Teka lang---Hindi naman ito ang daan sa palengke." binasag ko ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin nang mapansing iba ang dinadaan namin.

"Still know how to talk? Akala ko ay napipi kana" halos pabulong na niyang sambit.

"Huh?" nakakunot kong ani.

"I changed my mind. Sa mall na tayo bibili."

"Ah--Okay" simple kong sagot. Agad akong napakapit sa upuan nang bilisan niya ang pagpepedal.

"Hoy! Teka lang! Sobrang bilis! Bagalan mo! Luke!" natataranta kong ani. Mahigpit na mahigpit ang hawak ko sa upuan dahil anomang oras ay pwede akong mahulog dahil sa bilis nang pagpapatakbo niya. Ano bang problema niya?

"Hoy! Luke! Yah! Naririnig mo ba ako? Ang bilis ng patakbo mo! Bagalan mo! Letche!" hindi ko na naiwasang hindi mapamura dahil sa inis.

Mabuti nalang ay pumara siya bago paman ako makapagbuhat ng kamay dahil sa labis na inis. Agad akong bumaba para sana pagalitan siya nang bigla niyang paandarin ang bisekleta nang mabilis.

"HOY! LUKE! BUMALIK KA DITO!" naiirita kong sigaw. Napahawak ako sa bulsa ko nang marinig kong nagring ito.

From: Tanda

Bumili ka muna ng pagkain diyan. Ako nalang pupunta sa Mall.

Nakakunot ang noo kong ibinulsa ang cellphone ko pagkatapos kong mabasa ang message ni Luke. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang karinderyang madalas kong bilhan. Ano bang nangyari doon? Mas malala pa sa babae kong magiba ng ugali.

Iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang nangyari at nakangiting umorder ng pagkain sa karinderya. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Luke na may hawak hawak na bagong bag. Inihagis niya ito papunta sa akin na agad ko namang sinalo.

"Tapos kana?" tanong ni Luke habang nakatingin sa relo niya.

"May pupuntahan kaba? Hindi kaba muna kakain?" nagaalala kong tanong.

"Hindi na. Tara na gumagabi na." nakaramdam ako nang kaunting kirot sa puso ko. Why does he seem so cold? May nangyari ba sa kaniya? Bakit biglang nagbago yung mood niya?

Bagsak ang balikat kong umangkas ng patalikod sa likuran ng bisekleta niya. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang tunog ng pagpedal niya ang maririnig. Nakapako ang paningin ko sa anino naming dalawa. Hindi ko namalayang may ngiti na palang gumuguhit sa gilid ng aking labi habang nakatingin ako sa aming anino. Itinapat ko ang kamay ko sa aking dibdib at napapikit. Tila naging musika sa aking tenga ang unti unting paglakas ng tibok ng aking puso.

On that night, where the moon seems unusually bright my heart beats fast.

As I look at our shadow, a part of my heart opened.

Without a specific reason, in an unexpected time during an awkward moment he suddenly became a special person for me.

Napabuntong hininga ako matapos kong mabasa ang isinulat ko sa notebook ko. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at tumingin sa bahay ni Luke. Napansin kong nakasara ang lahat ng ilaw nito. Hindi paba siya umuuwi? Kanina lang ay hinatid niya ako sa bahay pero tila may pinuntahan siya dahil hindi siya dumiretso sa bahay niya.

AHHHHHH!

Bakit ba iniisip ko siya?

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinikit ang mata ko. Hinayaan kong lamunin nang antok ang katawan ko.

✿✿✿✿✿

Luke's PoV

"Did you have fun?" Leah was startled as she open her apartment's door. I throw the remaining cigarette butt and step on it to put out the fire.

"Naalala mo pa pala ako?" she sarcastically uttered. She was a little tipsy as she walk towards the kitchen.

"Where have you been?" I'm trying to suppress my anger as I walk towards her.

"Bakit? Hindi ko alam na concern ka pala sa ginagawa ko?"

"What were you doing at the bar late at night?"

"Probably drinking"

"Drinking with men you mean?" she snicker with what I said.

"So kanino mo gusto ako makiinom? Sa mga hayop?"

"So you're going to continue acting like this?" I irritatedly ask.

"Acting like what? You know Luke, go out!" she suddenly shouted while pointing at the door.

"I won't leave until we settle things" I firmly said.

"What's there to settle? If you want to stay here, then suit yourself. Ako nalang aalis." she then grab her clutch bag and hurriedly walk out. I then furiously shut the door and drag her inside her room. I toss her on the bed as I started to kiss her.

"What the fck are you doing Luke!?" she curse after she push me.

"Why? Mas magaling ba siyang humalik?" napangisi ako habang dahan dahang tumayo.

"What!? Ano bang sinasabi mo?" she frustratedly ask.

"Explain it" I toss my phone infront of her. My phone contain a photo of her with another guy.

"Explain what? This photo. What's wrong with it? May kasama akong lalaki. So? Anong problema doon?"

"Anong problema? You're with a guy, late at night going inside a hotel after drinking from a bar."

"So? Don't tell me you're thinking that we had sex? Oh God! You really think I would stoop that low! You think I would cheat on you? I can't believe you Luke." nakaramdam ako ng panghihina nang makita ko ang unti unting pagtulo ng butil ng luha mula sa kaniyang mata.

"How did we end up like this? Sa loob ng tatlong taon na relasyon natin, hindi ko inisip na magloko Luke. Alam mong mahal na mahal kita. Why are you acting that I'm the one at fault here? Ikaw yung nanlamig, Luke. Ikaw yung lumalayo. I should be the one angry but I'm trying to hold it back. I don't want to worsen the situation." Leah said between her sobs.

I hurriedly hug her tigthly as I caress her back.

Hindi ko alam na sobra na pala siyang nasasaktan dahil sa ginagawa ko lately.

I didn't know--

I didn't know that I'm slowly walking away from her.

It's not my intention.

I love her so much.

It's just that---

I need to do it.

I need to do something.

Something I owe to someone--

"I'm sorry. I'm really sorry babe. I love you, you know that right?" paulit ulit kong ani habang hinahayaan na tumulo ang luha niya sa balikat ko.

©introvert_wizard

I lit up my cigarette and started smoking. I've been thinking a lot of things these days that I neglected the person I love the most. Kailangan ko talagang bumawi kay Leah.

"Jero, yung mga damit niyo nagkakalat na naman!" napalingon ako sa bahay nina Kenneth nang pagalitan niya ang kapatid niya.

"Teka lang kuya!"

"Anong teka lang! Akyat! Linisin mo yun!" hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ko siyang may dalang sandok habang pinapagalitan ang kapatid.

Here I go again--

Why am I involving myself on him?

I hate it

I repeatedly shook my head as a scenario came flashing on my mind.

[FLASHBACK]

"I saw it" napalingon ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Aurora.

"Saw what?" I nonchalantly ask as I blow smoke from my cigarette.

"Sinadya mong ilagay yung malaking bato sa bag ni Kenneth not to get back on him, but to buy him a new bag" napahinto ako at itinapon ang sigarilyo.

"I guess there's no point denying it" nakapamulsa ko siyang nilagpasan.

"Why are you doing it? Why are you acting like you care for him?" I was caught off guard with Aurora's sudden flood of question.

"Not sure" I blurted and took a step forward.

"But you know what? You taking care of him is not the issue here. Bakit umaasta kang parang may pakialam ka sa kaniya? You know that Kenny is gay right? He might took things in another way. I'm just worried cause it's obvious that you have no special feelings for him. So why? Why are you doing this?" naramdaman ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko at ang pagkalabog ng puso ko sa sunod sunod na tanong ni Aurora. Iwinaksi ko ito sa isipan ko at naglakad na palayo sa kaniya.

<end of flashback>

"Hoy!" natigil ako sa malalim na pagiisip nang bigla akong batukan ni Troy.

"Gago, problema mo?" inis kong ani habang hinihimas ang batok ko.

"You're spacing out. Nga pala pinakabitan mo ba ng upuan yung likod ng bisekleta mo? Naks sinong chiks yung iaangkas mo doon?" napatahimik ako sa tanong ni Troy.

"Ulol, hindi ako katulad mo." hindi ko makapaniwalang sambit.

"So para kanino nga?" paguusisa niya.

"Kenneth!"

"HINDI" madiin kong pagtanggi kasabay nang pagkabog ng puso ko.

"Huh?" napakunot ang noo ko nang mapansing kumakaway siya kay Kenneth na nasa labas.

"Troy!" nakangiting sigaw ni Kenneth habang kumakaway kay Troy.

Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko nang tila tumigil ito sa pagtibok. I thought things around me come to a halt as I saw Kenneth wave his hand with a smile plastered on his face.

It's weird--

What I'm feeling is weird?

It's weird.

but--

but--

Why do I like it?

Why do I like this weird feeling?

©introvert_wizard

✒End of Chapter 15 : Weird Feeling