3rd person pov
Habang nakatayo sa isang malaking dome na laboratoryo sila henry at ang anak niyang si max sa kalagitnaan ng mga napakaraming workers at scientist.
Napasigaw ang matanda "Sa wakas natapos narin ang portal!!"sabay tinapik ang katabing scientist gamit ang hawak niyang cane"Rodger ipaliwanag mo na ang plano".
Lumapit naman ang scientist na si roger sa imbensiyon sabay sinabing"Ito ang isekai portal, gamit ito magagawa nating makapunta sa kabilang mundo na nababalutan ng mahika"sabay naglakad ulit ng kakaunti at bumakas ang isang ilaw at may nakadisplay na relo.
"Tulad ng sinabing plano ni Boss henry, ang relong ito ay may kakayahan maging armas sa kung ano mang naisin ng may ari, at gamit ang armas na ito ay sasakupin natin ang kabilang mundo, kukunin ang resources nila at aangkinin ang lupa gamit ang mahika at technology, sa kapangayarihang makikuha natin ay magmimistulan tayong isang diyos!"mahabang paliwanag nito ng plano ni henry sa maraming tao na nagsipalakpalakan.
sabay siyang pina-alis ni henry sa gitna, at kinuha ang stage para sa sarili"At ang napili kung gumamit ng relong ito na magsisilbing messiah natin sa ibang mundo"sabay lumingon at ang tinatayuan ng maraming tao ay nahati dahil moveable ang semento at naglabas ito ng pulang carpet sabay dumaan ang anak niyang si max patungo sa relo.
"Oras ng mapasaakin ang kabilang mundo"bangit nito sabay sinuot ang relo.
"Kung ganoon rodger, simulan na ang plano"utos nito at parang langam na nagmadali ang kanyang mga tauhan sa sari-sariling mga estasyon.
samantala habang kumakain naman sa hapag-kainan at diniriwang ang kaarawan ni edgar.
"Salamat para sa salo-salong ito"sincere na sinabi ni edgar.
"Wala yun sila adelie naman naka isip nito"sagot ni kc.
"Pero nagbigay ka ng malaking effort at para doon maraming salamat"nirelax niya ang sarili sa isang posturang parang humihiga na sa upuan at huminga ng malalim, habang tumitingin sa mga pulubing batang inaalagaan niya na nagkakaroon ng mga palaro na hinost nila silva at vica",sa totoo lang di ko alam na magkakaroon ako ng maraming kaibigan bago kita nakilala, maraming salamat sayo at sa kakaibang relo mo"kuntentong feeling na paliwanag nito.
Sa saglit na iyon ay natigilan si kc at natanong sa sarili"Kung wala ba ang kapangyarihan ng relo natangap niyo ba ako?"bulong nito.
Pero sa kalagitnaan ng kasiyahan may bumukas na portal.
napatayo sa pagkabigla si kc, alam niya ang portal na ito, natatandaan niya kung san galing ito"wag mung sabihing?"di makapaniwalang bulong.
Sabay lumabas si max sa postura nitong nakatingin ng nang-aasar na sobrang bilib sa sariling postura"Kamusta kana kc"Bati nito.
Nang makita ang imahe nito mistulang nagising sa mahimbing na panaginip si kc papunta sa bangungot, bumalik wa ala-ala niya lahat ng mapapait na nangyare.
Na nagpa-usog sa mga paa ni kc sa takot at kaba dahil ito ang bully niya"Anong ginagawa mo dito?"litong tanong nito.
"May kailangan akong bagay sayo"bangit nito sabay tumingin sa relo ni kc at ini-abot ang kamay"Ibigay muna o sasaktan uli kita uli tulad ng dati, para di kana matulad sa kaibigan mung imbentor na natusta"banta nito.
"kilala mo ba siya kc?"litong Tanong ni edgar habang kinakalabit si kc.
Nangigil si kc kitang kitang kinagat niya ang ngipin niya sa galit at sabay pinindot ang relo"Magbabayad kayo sa ginawa niyo!!"sigaw nito habang umaatake papunta kay max.
Nag anyong napakalaking espada ang relo na may barena sa duko ng blades.
iwinasiwas niya iyon kay max.
Ngunit di man lang natibag ito sa kinalalagyan bagkus patuloy lang na nakatayo at nakangiting nang-aasar"Tulad nga ng dati kc di moko kaya"pagyayabang nito habang pinigilan ang atake ni kc gamit ang sarili niyang armas na isa ding malaking espada.
"Paanong?"bigla ni kc hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Kinopya namin ang gawa ng gurang na kaibigan mo, Wag kang mag-alala mas malakas ang akin"at iniwasis din ang espada niya na wumasak sa espada ni kc at piniraso ito ng isa lamang slice halos mahiwa ang relo niya sa atake.
sa lakas ng atake ay tumalsik at nagpagulong gulong ang binata.
Tumama ang ulo niya sa malaking bato at nawalan ng malay.
pinalayo na nila manong ang mga bata.
"Anong bang balak mo!"sigaw nila silva.
"bakit mo ginagawa ito ano bang kailangan mo!" ani ni vica at sabay silang umatake.
at sinabayan narin sila ni edgar at blake"Wala kang karapatang gulihin ang handaan ko!!"sigaw nito.
sabay-sabay silang umatake.
kaso mabilis na nagpalit ang armas ni max at naging itong isang malaking kalasag na sinalag lahat ng kanilang mga atake.
Ngunit natigilan silang lahat, dahil lahat ng napalapit sa kalasag na ito ay na pa-paraliza.
"Plano ko lang naman sakupin ang mundo niyo"bangit ni max sabay nagbago muli ang kanyang sandata at naging itong isang hammer
Sabay inihampas ng ubod ng lakas si vica at napitpit ito at nagkalasog-lasog ang katawan.
"Vica!!!"boung galit na sigaw ni silva at mabilis na umatake at ganoon din ang sinapit tulad sa kaibigan matapos ng isang hampas kaso mas bumaon ito sa lupa.
"Silva!!" pagpigil ni edgar kaso huli na ang lahat sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso sa nakita"Di to totoo"bangit ni edgar na halos napatulala sa lakas ng kapangyarihan na nakikita, nabou ng pinaghalong takot at galit ang nararamdaman niya.
"Saan mo nakuha ang ganyang lakas?"di makapaniwalang bangit ni blake, dahil pa siyang nakikitang ganoong kapangyarihan.
"Nakita niyo na? kung may balak pa kayong pigilan ako ganyan din ang mangyayare sa inyo, eto na ang huli niyong pagkakataon upang tumakas"sabay itinutok ang armas sa dalawang halos nanginginig sa takot na nakatayo.
Subalit pinilit ngumiti ni edgar kahit sa takot alam niyang ito ang pinakamalakas na nilalang na nakilala niya"Diyan ka nagkakamali, di kita aatrasan"sagot nito dahil handa niyang gawin ang lahat para protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya, sabay nag charge ng pinakamalakas na atake.
"Mamatay ng lumalaban ay isang karangalan sa isang adventurer"katang binitawan ni blake ng boung loob, sabay gumawa si blake ng umiikot ng tubig na whirlpool sa paligid nila at nag stream ang lakas ng mala kidlat ang kuryente ni edgar.
Nanlaki ang mata ni max na parang masaya sa susunod na gagawin at sobra ang kanyang ngiti abot pisngi"Gusto ko ang sagot niyong iyan"madaling pumormang aatake kita sa mata niyang ang sabik.
Sabay umatake ang dalawa at sinundan ito ni max.
at napuno ng usok ang paligid at matapos mawala ang usok nakahandusay ang katawan ng dalawa.
tumalsik ang dugo sa paligid.
Nang makita ng mga batang pumanaw ang kanilang tumayong tatay ay napasigaw at hindi makapaniwala.
Pinunasan ni max ang kumalat na dugo sa kanyang katawan.
sabay unti-unting lumapit kay kc na halos hirap paring gumalaw napapagapang nalang ito at malapit ng mawalan ng malay sa natamong sugat"ang pagkakaiba ng armas natin ay saakin ay walang time limit"bangit nito habang sakal sakal ang kalaban, nakatingin ito sobrang saya kita sa mata nito na sarap na sarap sa ginawang pagpaslang at sa brutality, halatang gustong-gusto nito ang pagpapahirap ng iba na animoy isang sadista kahit nabahiran pa ng dugo ang kanyang mukha.
"Osiya nga pala oras ng kukunin kona ang kailangan ko"sambit nito sabay hinablot ang kamay ni kc na may relo.
"Wag, hindi maari, wag mung gawin yan"nanghihinang pagpupumiglas nito.
Sabay hinigop ng relo ni max ang enerhiya ng relo ni kc"Ayan na ramdam ko na ang umaapaw na walang katapusang lakas!"sigaw nito.
sabay inihagis si kc ng mawala ang liwanag ng relo nito"Sa wakas nakumpleto ko narin ang kapanyarihan ng relo"bangit nito sabay sinipa ng ubod ng lakas ang nakahandusay na si kc na nagpa-ikot ikot sa lupa.
"Kung wala ang relo wala ka narin kuwenta, your nothing"
at naglakad papa-alis papunta sa capital ng siyudad.
Ginapang naman ni kc ang malapit na mental herb sa bag ng mga kasamang adventurer.
nang maabot ito ay unti-unting ininom at mabal na gumagaling ang kanyang mga natamo pinsala, sabay napahiga at hinintay tumalab boung epekto.
Habang papalapit naman sa gitna ng capital ay pinauulanan ni max ng lazer at missle ang daan at mga bahay sa siyudad na iyon.
nagsisipagtakbuhan at naghihiyawan sa takot lahat ng mga taong kanyang nadadaanan, lahat sila ay natutusta o napuputol ang katawan sa mga missle at lazers na inilalabas niya.
Sabay lumabas si maximus magnus sa kanyang lunga at kasama narin si qougre.
"Saan ka nangaling pangahas" sigaw nito sabay umatake kay max.
Pinaulanan sila ng lazers,missle, bala at canyon ng mga atake ni max.
subalit iyon ay nasalag ng kanilang elemento at kapangyarihan.
Ngunit napangiti lang si max at sabay sinabing"Tignan natin kung kayanin niyo ang nakuhang bagong lakas ng aking relo"bangit nito sabay naglabas ng madilim na aura na sumakop sa ubod ng laking siyudad parang nakulong ito sa lobo ng kadiliman.
Itinuloy ni qougre at magnus ang atake ngunit ikinabigla nila ng makitang wala na silang mahika.
"Paano ito nangyare? nawalan kami ng mahika"lito ni magnus.
"Paano mo nagawa ito?"di makapaniwalang bangit ni qougre habang nalusaw ang armas niyang cestus sa kamay dahil malapit siya sa sumabog na aura sa relo.
"Ngayon tignan natin ang lakas niyo"sabay naglabas ng napakatalas na scyte si max at pinutalan ng ulo ang dalawa.
Sabay pinagpag ang mga natamong dumi sa laban na parang pumatay lang ng insekto.
Kaso ikinabigla naman niya ng unti-unting bumalik ang ulo ni magnus sa katawan nito, gamit ang kaluluwa at enerhiya ng mga katawan na napatay niya sa paligid, hinigop ito ni magnus.
"Nagkamali ka ng binanga bata"at sinipsip ang natitirang enerhiya na galing sa kaluluwa ng mga namatay na tao sa paligid at ginawa itong napakalaking espada na iwinasiwas kay max.
"Yan lang ba ang kaya mo, hindi nakakamangha"sabay itinaas lang ni max ang kanyang relo at sinipsip ang enerhiyang espada hangang sa masimot ito at hinawakan ang katawan ng umaatakeng si magnus at sinimot din ang kaluluwa ng mga batang ginamit nito papunta sa relo.
Natapos ang lahat ng pangyayare ng malanta ang katawan ni magnus.
at nakatayo lang na itsurang is just a normal day na naglalakad, sa napakaraming bangkay si max"walang kuwenta di man ako namangha, yun na ba yun"bangit nito at nagpatuloy sa kalagitnaan ng siyudad.
"Oras nang tapusin ang plano, on to the final phase"sabay naglabas ng malaking poste na naka minimize kanina, mula lang ito sa isang maliit na box at lumake ito ng lumake.
sabay naglabas ang posteng ito ng ibang klaseng hangin at sinipsip ang magic sa boung mundo.
Gamit ang mahikang iyon ay may mala karayom sa liit na butas sa langit na unti-unting lumalake.
Balak niyang gumawa ng malaking tulay na mag-uugnay sa dalawang mundo para makapasok ang armada ng kanyang, dahil ubos na ang resources sa earth na magagamit sa portal.
"Ano ba iyan tatlong oras pa ang itatagal para mabou ang bridge"nababagot na sabi nito.
Samantala nanumbalik na ang lakas ni kc at madaling nilapitan ang bangkay ni edgar na pinalilibutan ng mga umiiyak na bata.
Hahawakan niya sana ito kaso pinigalan siya ni adelie"Ang akala ko kaibigan ka namin, ang akala ko mapoportektahan mo si kuya, bat mo hinayaan mangyare sa kanya ito, bakit!!"sigaw ng humahagus-gus na bata.
Napayuko nalang si kc at napaluha kahit magsabi ng patawad ay hindi niya magawa ayaw ng gumana ng kanyang utak speechless sa poot, dahil balot ng paghihinagpis at nakakadurog na lungkot ang boung parte ng kanyang katawan, blanko na ang isipan na parang manhid na sa pagdudusa.
"Umalis kana!! umalis ka"pagtataboy sa kanya ni adelie.
walang buhay at nakayuko lang siyang naglakad papalayo, dinampot ang dagger ng kaibigan.
balak niyang sasakin ang sarili at magpahulog sa malapit na bundok.
Doon nagpapakamatay ang mag adventurer, kabalyero at mga tao pag ramdam nilang wala ng say-say ang kanilang buhay, dahil may kasabihan na wala daw mararamdaman na sakit sa huling pagkakataon oras na doon mo tinapos ang buhay mo.
Habang parang bangkay siyang naglalakad sa kagubatan paakyat ng bundok.
Naisip niyang walang magandang nadulot ang buhay niya kung hindi puro kamalasan.
Simple lang naman ang gusto niya ang may mga taong tunay na tumangap sa kanya at ipagmalaki kung ano ang mga kakayahan niya.
to have some place that he could feel he belong at ma-appreciate ang mga ginagawa niya.
Pero after finding it tulad dati he's powerless to protect ang mga lahat ng bagay na pinahahalagahan niya, he always let it slipt on his fingers.
Samantala habang naka-upo sa ginawa niyang trono si max, inip na inip na pinaglalaruan ang parte ng mga bangkay ng mga napatay niyang nakalaban.
napansin niyang biglang may dalawang naglalakad papunta sa kanya ang isa ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwa na magkabilaang parte ng siyudad.
Ang nasa kanan ay si kryge at ang sa kaliwa naman ay si yunya at kahit walang magagamit na mahika ang dalawa ay desididong lumusob sa kanya.
"Ako lang ang may karapatang umupo diyan!" sigaw ng umaatakeng si kryge.
Habang si yunya na lumulusob sa kabilang banda ay tumititig ng malamig at napakaseryoso na nagbigay intimidation kay max.
"This would entertain me for a little bit"excited na bangit nito.
habang patuloy na sinisipsip ng poste ang enerhiya sa paligid, unang tinablan ang mga mahihina napahandusay na si manong na kaibigan ni kc habang inalalalayan ang mga batang pulubi na nanghina narin at napahandusay na sila adelie, dahil sa patuloy na pagsipsip ng life energy ng poste ni max.
pagdating sa tuktok ni kc mapapansin niyang andaming buto ng bangkay katabi ang mga armas at pagburito nilang gamit na gusto nilang makasama bago mamatay.
Balot ng walang pag-asa at kalungkutan ang tahimik na paligid na walang sounds at tangin malamig lang na hanging na minsan ay ubod ng lakas na bumubugsu, hatid ng nagbabadyang huling hantungan.
Hinubad niya ang dina gumagananh relo at balak itapon.
Hindi rin nabago nang kapangyarihan ang sarili ko, ako parin ang dating talunan.
sabay ubod ng galit na ihahagis ang relo, ngunit bago to maihagis biglang natigilan siya dahil may narinig na salitang nangagaling dito.
Narinig niya muli ang boses ni doc"Kc kung tinangal mo na ang relo sigurado akong naririnig mo ito, kahit pa wala ng enerhiya ang relo ang parteng ito ay hindi mawawala"napaluhod si kc at hindi makapaniwala ng marinig muli ang boses ng kaibigan.
Nagpatuloy si doc sa pagsasalita.
"Sigurado akong sa panahong ito sumusuko kana at nawalan ng pag asa"napatango si kc at biglang bumuhos ang napakaraming luha sa kanyang mga mata.
"Kahit ano mang masasamang bagay ang iniisip mo sa sarili mo, tandaan mung hindi totoo yun, dahil ikaw ang nagbigay sakin ng lakas na magpatuloy sa mga pangarap ko na dati ang akala ko lang ay mamatay akong mag-isa ng walang nakakakilala, pero binago mo yun, tinulungan moko at ipinaramdam mung pwedi akong magkaroon ng tunay na kaibigan, hindi ka malas kc at lalong hindi ka salot, may kakayahan kang magbigay ng pag-asa, It just that masyado kang natakot sa kung ano ang iisipin sayo ng iba at ituring ka nilang talunan, hindi muna kailangan ipakita sa iba ang halaga mo o ang kapangyarihan ng relo para patunayan yun, ang tanging sagot lang ay,,"bago pa matapos ang sasabihin ng kaibigan ay nawasak ang relo sa dami ng crack nito at nagkapirapiraso.
Sabay siyang napalingon sa dagger ni edgar at naka-ukit doon ang lahat ng batang itinuring niyang pamilya at nasa dulo ang pangalan ni kc.
Kahit hindi narinig ang boung sinabi ng kaibigan, ay nabou ang loob ni kc at tumayo kaagad ng tuwid pinunasan ang luha at napalitan ang lungkot ng determinasyon, sabay desididong lumingon muli sa capital.
"Tama kayo doc, hindi ko man lang pinahalagahan ang mga kakayahan ko at hindi ko man lang nagawang magtiwala sa sarili kahit isang beses, at lalong hindi ko tinangap ang pagkatao ko, masyado kung hinanap ang halaga ko sa iba at nakalimutang kung may kakayahan din akong baguhin ang tadhana ko"sabay kinuha kaagad ang lahat ng kaya niyang magamit sa paligid at tinandaan lahat ng turo at ginawa kasama si doc
samantala sa gitna naman ng capital kung saan nilalabanan ni kryge at yunya si max.
Kahit walang kapangyarihan ay sanay ang dalawa na makipaglaban na armas lang gamit.
Medyo nahirapan si max sa liksi ng dalawa.
Sabay dumistansiya si kryge at ginamit ang technique nito habang hawak ang spear sabay umasad ng todong bilis at ng makalapit ay tinadtad niya ng mga tusok ang kalaban.
Ngunit si max ay maabilidad, dahil sa sobrang kumpiyansa ay inalis pa ang kanyang kalasag at mala boxidor na inaligan ang atake ni kryge na pure skills lang ang gamit.
"yan ang kakayahan pag nagsanay ka na advance A.I ang gamit, tataas lahat ng skills mo kaysa sa normal na tao"pagayayabang nito.
At mabilis namang umatake si yunya sa likuran niya inaakalang napabayaan, pero mabilis na naglabas ng armor ang relo ni max na bumalot sa kanyang boung katawan.
at wala man lang nakapenetrate dito sa atake ng dalawa.
"At ngayong wala na kayong kapangyarihan, mas malubha pa kayo sa normal na tao"paliwanag nito at ipinitik lang niya ang kanyang kamay at hinila ng magnet ng armor nito ang mga bakal sa paligid kasama na doon ang dalawa dahil sa armor nila, sabay silang binigyan ng ubod na lakas na suntok matapos mapalapit kay max.
Na bumasag sa mukha ng dalawa.
"magaling mga 30 minutes niyo ding akong naaliw"bangit nito sa mga nakahandusay niyang kalaban.
At napansin ang kagandahan ni yunya"Aba maganda ka sa tingin ko kaya mo pa akong aliwin"sabay itinaas ang dalaga sa pagsabunot nito.
"Not over my dead body, magpakamatay ka nalang"sabay dinuraan ng babae ng dugo sa pagmumukha si max at dinagdagan pa ng headbut kahit nakahelmet ito.
Kaso no effect at inihagis ni max si yunya sa sobrang inis na nagpagulong sa babae sa semento.
"Di mo matutupad ang balak mo"bangit naman ni kryge habang unti-unting tumatayo sa likuran ni max.
"Aba at sinong naman pipigil sakin? napatay kona ang lahat ng malalakas sa paligid"paliwanag ni max sabay sinipa si kryge na nagpatalsik din dito.
Ngunit patuloy parin tumatayo ang dalawa.
"Aba may laban pa palang natitira sa inyo"sabay inunat ang kanyang mga buto.
Habang si kc naman ay natapos na sa pag-aayos na mga kakailanganin.
Hawak hawak niya ang isang glider na gawa sa malalaking dahon at twigs sa paligid.
Sabay tumayo sa napakalaking cliff at napalingon sa napakalawak na kalangitan.
He grits he's teeth at sabay unti-unting tumakbo at ng makarating sa dulo ng cliff ay tumalon ng ubod ng taas.
Ipinikit niya nalang ang mga mata dahil wala siyang kasigaruduhang lilipad ang sinasakayan.
at unti-unting bumababa ang glider.
Habang pabagsak ay boung tapang niyang iminulat ang mga mata na puno ng determinasyon at pag-asa.
Ramdam niya ang malakas na ihip ng hangin na paparating at ipinilit niyang sumabay dito.
Ginawa niya lahat para pa-angatin ang glider at sabayan ang bugso ng hangin.
Walang mechanical na technolohiya ang glider isang simpleng twigs at leaves lang ito, Alam niya sa kaibuturan ng puso niyang di na niya kailangan ng kahit ano pamang technolohiya para ayusin ang kanyang tadhana.
at unti-unting limipad ang glider at dinala siya nang hangin papataas "Yahoooo!!!"boung lakas na sigaw nito sa sayang nadarama.
dahil sa lakas ng ihip ng hangin ay bumilis ang paglipad niya na para bang ang kalikasan na ang nagbigay ng pakpak sa kanya.
at nakarating siya agad sa capital ng mabilis gamit ang glider na iyon.
habang unti-unting binabaon ng saksak ni max si kryge sa kanyang espada"Sabihin mo kung sino pang may kakayahang humamon sakin!?"pagpipilit nito, sa halos walang laban na nakahandusay nitong katungali.
"Ako!!"sigaw ni kc sabay ibinanga sa kay max ang glider at naglabas ito ng smoke bomb ng mga ninja na ginawa niya galing uling at mga mineral at kagamitan ng bundok.
"i know there is something special on you"bahagyang ngiti ni kryge bago mawalan ng malay.
"Kc!!"bigla ni yunya kita sa mukha ang pagkamanghang nakitang lumaban ang binata.
at napuno ng makapal usok ang paligid matapos mabanga ng glider si max.
pagkalaho ng usok wala narin si kc at yunya sa kanilang puwesto.
"Magpakita ka sakin kc, harapin mo ako wag kang magtago",sabay lingon nang lingon sa paligid.
"garantisadong natatakot ka na namang mabugbog"at sabay ginamit niya ang eagle eye ng relo at nakita ang likuran ni kc na tumatakbo papunta sa kanlurang bahagi ng siyudad.
Mabilis niyang pinalitan ang armas ng booster nagkaroon siya ng dalawang boost sa likod
agad sinundan ang kalaban, binanga at binutas niya lahat ng bahay na madadaanan.
At napasok siya sa pabrika ng mga pulbura at bomba na pagmamay-ari ng teritory leader na si kryge, kung saan nagtrabaho dati si kc.
bago niya narealize yoon ay huli na ang lahat wala na si kc doon.
at biglang sumabog ang paligid dahil kanina pa sinindihan ni kc ang mga pasabog doon.
paglabas niya sa napakalakas na pagsabog na iyon, ay ginamit niya muli ang eagle eye, subalit sumigaw na si kc sa hilagang parte ng capital para ibigay ang posisyun niya "Nandito ako max!!"habang nakatayo sa malaking dam ng tubig na pagmamay-ari ni blake ang isa pa sa teritory leader.
"Ikaw!! Magbabayad ka duwag!!"sigaw nito at mabilis muling nag boost papunta sa posisyon ni kc.
kaso pagdating niya doon ay sumabog ang dam at nalublub siya sa tubig.
"Hindi man lang ako tatablan nito!!"sigaw niya.
Kaagad nilublub din ni kc ang mga hawak niyang mahahabang kable ng kuryente na gawa ni qougre.
at nagkaroon ng malakas na electric current sinlakas ng kidlat ang kumuryente sa tubig.
Pero di man lang ininda ni max yun konting napabagal lang ng ground ng kuryente ang kanyang pag-ahon.
Ng maka-ahon sa tubig si max mabilis niyang naabutan si kc kahit todo bilis na tumatakbo ito at sinakal paitaas, imbis na patayin gusto niya munang itong pahirapan"Anong ma-achive ng mga laro mo boy, sa tingin mo uubra yun sakin, im basically a god?"nangagalaiti sa galit dahil di niya ma comprehend ang point na ginagawa ng kalaban.
Ngumit lang si kc habang nahihirapang huminga"Kunin ang atensiyon mo long enough para magawa ang kinakailngan"sabay napalingon sa centro.
Kung saan winawasak na ni yunya ang poste na nag-uugnay sa dalawang mundo.
Hindi ito maari, bangit ni max sabay itinapon si kc na nagpagulong-gulong sa daan at nagmadali para pigilan si yunya.
bago pa matasak ng huling beses ni yunya ang poste.
"Hindi yan puweding mangyare!!"nagawang pigilan ni max si yunya gamit ang mahabang espada na pumigil sa pagwasiwas nito at nagpatalsik.
Napahinga siya ng malalim as a sign of relief ng mapigilan niya ang plano"Ang akala niyo siguro magtatagumpay ang balak niyo".
Napangiti lang si kc at unti-unting kampanteng tumayo sabay sinabing"wag kang mag-alala hindi yan ang plano"sabay binuksan ang palad at may nakita si max na kung anong maliit na bagay na hawak nito.
"Ano naman yan?"litong tanong ni max nagtataka bakit kampante parin ang kalaban.
Habang nakangiti si kc nasabi sa sariling salamat sa turo mung pag pickpocket edgar.
at nagpaliwanag"Tanda niyong kinopya niyo ang desenyo ng relo ni doc, kung ganoon dito nangagaling ang enerhiya ng relo"
napamulagat ang mata ni max at tarantang nasabing"Wag mung sabihin"kita ang pagkabigla at hindi pagkapaniwala nito"nahablot mo kanina yan?"di niya napansin iyon nung sinakal ang kalaban.
"Tama ka ang parteng ito ay ang storage ng kapangyarihan ng relo"sagot ni kc at sinabing"Ngayon ikaw naman ang may time limit"kampanteng dag-dag nito.
At halos di makapaniwala si max ng unti-unting naglaho ang kanyang mga armas"Hindi maari ito, kalokohan hindi ito puwedi!!"galit na galit niyang sigaw.
"Ngayon patas na tayo"bangit ni kc sabay lumusob hawak hawak ang dagger ni edgar.
Kinuha ni max ang espada ni magnus sa paligid at sabay umatake din kay kc"Magbabayad ka kc!!"sigaw nito.
Sa segundong ito naaninag ni kc ang reflection ng sarili, ang dating siya nung panahong nabusbuska palamang, nakayuko at walang pag-asa tumatakas at umiiwas sa problema.
Ang imaheng ng sarili niyang iyon ay parang mistulang nakasalubong niya at parang inaanyayahan siyang muling tumakas.
he answered by gritting his teeth sabay sinabing"Hindi na sa pagkakataong ito!!"desididong sabi nito.
Sa pagkakataong iyon, sa daming beses na nagkasama si edgar at kc halos naging isa nalang ang galaw nilang dalawa sa pag-slice ng dagger, dahil ilang beses ng makita ni kc ang paboritong atake ng kaibigan memoryado niya na ito.
Nagkasalubong si kc at max sa gitna at iwinasiwas ang kanilang mga sandata.
Nagsabayan ang dalawa, ngunit hindi alam gamitin ni max ang kanyang napulot na armas kaya madaling nabasa ang atake nito, dahil doon nagawang maputol ni kc ang sandatang ito ng walang kahirap-hirap at nasamang nahiwa rin ang kanang mukha ni max.
Nag iwan ito ng malaking scar na guhit kita sa mukha nito ang sadistic na galit ng isang psycho.
at sabay siyang natumba habang puno ng dugo ang kanyang kaliwang mukha.
"Sumuko kana max"sabay itinutok ang dagger sa kalaban, ngunit di man lang ito natinag.
"Bakit pa? ngayong tapos na ang plano"pagmamalaki nito kahit galit na galit kita ang pangigil sa ngipin niya.
at napansin nilang nabuo na ang bridge na nag-uugnay sa dalawang mundo.
"Huli kana kc"sabay humalagakgak sa tawa.
habang nagmadaling isara ni kc ang lagusan.
Kaso ng makita iyon ay natarantang sumigaw si max"Yan na ang huli mung tiyansang makabalik, ginamit na lahat ng resources ng ama ko sa mundo natin para lang makapunta ako dito, pag winasak mo iyan wala ng balikan!!"Nagmadaling paliwanag nito.
Nang marinig iyon ay nagdalawang isip si kc na itasak ang dagger, pero sa pagkakataong ito hindi niya na uunahin ang sarili, siya ang nagdala sa mga dayuhan dito at ang dahilan kung bakit marami ang nasawi, kaya siya rin dapat ang tamapos nito.
buong lakas niyang tinasak ang dagger.
at bumagsak ang boung poste"nahihibang ka na talaga, pagkakataon na iyon ng humankind para umasenso pero sinira mo, dati pa tinik kana sa lalamunan ko!!"puno ng gigil na pagwawala nito.
Sabay tumunog ang kanyang relo dahil full charge na ito"Tignan mo nga naman ang oras, siguradong pagbabayaran mo ang mga ginawa mung iyon!!"bangit nito sabay pipindutin ang relo.
Kaso bago niya pa magawa iyon napapalibutan na siya ng napakaraming adventurers na puno ng elemento ang kanilang mga sandata.
Dahil nasira na ang poste na dahilan ng pagkahigop ng mahika ng mga tao nanumbalik na ang kanilang lakas at hindi narin bou ang kapangyarihan ng relo ni max, wala na itong kakayahang sipsipin ang mahika sa paligid.
"Di pa tayo tapos kc, magbabayad ka"banta nito sabay pinindot ang relo at nag anyo itong pakpak ng jet na nakakabit sa likod ni max"Tandaan mo magkikita pa tayo kc, sinisigurado ko yan"sinabi niya bago bumulusok at umalis.
Lumapit lahat ang adventurers sa gitna kung nasaan si yunya, kryge at kc.
Tumayo si kryge kahit nanghihina at sinabing"Ngayong naglaho na halos lahat ng matataas na rangong adventurers, ako na ang may pinakamataas na rango at ang may karapatang tawagin chief"paliwanag nito.
Napayuko lahat ng adventurers sa paligid"Opo panginoon"sagot nila sabay lumuhod.
Kaso biglang may sinabi ang mga taong bayan na nakakita sa pagdating ni max sa paligid.
"Panginoon siya po ang may dala ng sakuna, dahil po sa kanya ay nakapunta dito ang mamatay na iyon"sabi nito sabay turo kay kc.
Napalingon lang si kryge habang unti unting sumasang-ayon ang boung masa.
"Hinihiling po namin panginoon na patalsikin siya sa siyudad"sambit nila.
At sabay sabay silang sumigaw"Patalsikin ang salot, patalsikin ang salot!!"sigaw ng boung mga tao sabay pinagbabato anh binata.
Napatingin nalang si kryge kay kc at sinabing"Kung ganoon pinapalayas kita kc, at kung nandito kapa paglipas ng isang oras ipapatugis kita!!"utos nito.
kahit binabato ay taas noong naglakad ang binata walang bahid ng pagmamaliit sa sariling lumabas sa siyudad.
Pagalabas ng siyudad ay pinuntahan niya sila adelie at manong.
"Umalis kana, ayaw na naming makita ang pagmumukha mo dito"pagsusungit nito sabay tumalikod.
"Nandito ako para humingi ng tawad at magpaalam"nakayukong sambit nito"Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nangyare alam kung ako ang dahilan ng mga iyon at mahirap matangap ang mga naidulot ko, alam kung di sapat ang pag hingi ko ng tawad, ngunit ito lang ang kaya ko"malungkot na dagdag ni kc sabay inabot ang dagger ni edgar"Ibabalik ko na ang pinakamahalagang gamit ng kaibigan ko".
"Sayo nayan"sagot ni adelie sabay napalingon ng bahagya"Mas gugustuhin niyang gamitin mo yan"dagdag niya sabay naglakad papalayo.
Habang naglakad paalis ang binata, nagpaalam si manong"Mag ingat ka kc"sambit nito.
"Oo manong, kayo ng bahala sa kanila"sagot ni kc at nagpaalam nadin.
Bago tuluyang makalayo tumingin muli si kc sa bahay kubo ni manong, gusto niyang magpaalam sa mga labi ni edgar ngunit di siya pinapayagang makalapit ng mga bata.
kaya naisipan niyang sabihin nalang paalam sa kaibigan dito.
Yumuko siya at tinitigan ang sandata ni edgar"Iingatan ko ito, lagi kang nasa ala-ala ko, hindi kita makakalimutan kaibigan"sabay malakas na hangin ang umihip sa puwesto niya na parang itinutulak siyang magpatuloy, napapikit nalang siya at dinama at kampanteng iminulat ng dahan-dahan ang mata, dahil alam niyang laging nasa tabi ang kaibigan at mas gugustuhin nitong siya ay mag move on ng may tiwala sa sarili.
Pumunta uli siya sa bundok kung saan nagkapira-piraso ang relo at pinulot ito.
Sinubukan niyang ayusin ito at pagtagpi-tagpiin.
hangang sa may narinig siyang boses ng babae sa paligid.
paglingon niya nakita niyang si yunya ito.
"Saan mo na balak pumunta niyan?"tanong nito habang naka crossed ang kanyang kamay na nakasandal sa isang puno.
"Siguro maghahanap ng paraan para makabalik sa mundo ko"sagot nito habang patuloy na sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang relo.
Lumapit naman si yunya at hinawakan ang relo habang dinidikumpini ni kc at gamit ng kanyang mahika ay pinagbuklod-buklod niya uli ito.
"Ang yelong ginamit ko diyan ay mas matibay pa sa bakal at hindi ito nalulusaw?"paliwanag nito sabay nakitang nabou ulit ang gamit.
"Maraming salamat yunya"masayang bangit kita ang full of sigh relief ni kc.
"Ito nga pala, ipinabibigay ni kryge, mas karapat-dapat ka para diyan"dagdag ni yunya sabay iniwan ang magical stone sa tabi ni kc.
Nabigla ito ng makita at nagbigay ng malaking ngiti sa pa-paalis na si yunya na sabay itinaas ang kanyang kamay tanda ng paalam na parang may pupuntahan sa kung saan.
Matapos makaalis ng babae isinuot na ni kc ang relo sabay kinabit ang parte na nakuha niya kay max at muli itong gumana.
Huminga siya ng malalim at dinama ang simoy ng hangin sabay muling tumayo at tumakbo papunta sa cliff ng makarating sa dulo ay mabilis na tumalon.
Sinabayan niya ito ng malakas na pindot sa relo at nag-anyo itong hoverboard.
Sabay bumulusok ito paitaas"Simulan na natin ang panibagong adventure!!"masayang sigaw nito habang mabilis na lumilipad ang hoberboard.
"Yahooo!!!"excited na nagpatuloy siya sa paglalakbay.
Book 1 end.