"Wake up!" sabi ni Wonhi sabay yugyog sa balikat ni Jei. Umungol ngunit ni hindi man lang nagmulat ng mata ang dalaga ng bumaling siya sa kanyang nobyo.
Napahiyaw si Jei ng hilain ni Wonhi ang kanyang mga paa hanggang kalahati ng kanyang katawan lamang ang nakasampa sa kama. Saka niya biglang binitawan ang mga ito kaya't nalaglag si Jei sa sahig. "We have to hurry!"
"It's just four in the morning!"
Hindi man maintindihan ni Jei ang mga pinagsasabi ng binata ay nacurious din siya kung anuman iyon. Kaya naman mabilis siyang naghilamos at nagsipilyo saka nila tinungo ang dalampasigan. Madilim pa ang paligid kaya't maingat silang naglakad gamit ang flashlight ng kanilang mga cellphone.
"What are we gonna do here?" takang tanong ni Jei kay Wonhi ng dalhin siya nito sa dulo ng pampang na may malalaking rock formations.
"You'll know when you see it," tipid na sagot ni Wonhi.
"Hey! Be careful!" kabadong sigaw ni Jei ng muntik madulas si Wonhi ng umuga ang natapakan niyang bato.
"Relax! I'm not gonna die if I stumble down, ain't I?" biro ng binata. Pero hindi natawa si Jei kaya't biglang naglaho ang ngiti at tawa nito saka tumikhim. "Alright! I'll be careful!"
Hindi na rin umalma si Wonhi ng hawakan siya ni Jei sa kamay saka sila nagpatuloy sa paglalakad. Matapos ang mahigit limang minuto ay narating nila ang bukana ng isang maliit na kweba.
"What is this place?" nagtatakang tanong ni Jei ng akayin siya ni Wonhi papasok doon. Hindi sumagot si Wonhi kaya't sumunod na lamang ang dalaga.
Namangha si Jei sa mga rock formations na kumikingang sa sinag ng kanilang flashlights. Ang mga stalactites at stalagmites ay nagsama at bumuo ng mga matatayog na columns. May mga rock formations din na tulad ng mahabang kurtina sa magkabilang panig ng kweba kaya't nagmistulang maliit na royal chamber ito.
"Wait!" saad ng binata ng marating nila ang hangganan ng kweba. Maya- maya ay bumalik si Wonhi na may dalang folding chair at kumot.
"W-what are those for?" hindi malaman ni Jei kung naeexcite siya o kinakabahan ngunit naramdaman niyang nag-init ang kanyang katawan.
"What are they for? Unless you want to lie on this cold damp floor," simpleng sagot ng binata.
"Shyet! Lie down? Omg! Wonhi, anong binabalak mong gawin? Pero bakit kailangan namin pumunta dito, pwede naman sa cottage! Iba din ang taste nito ah, primitive. Jusko!" sabi ni Jei sa sarili. Naputol ang mga imahinasyon ng dalaga ng magsalita si Wonhi.
"Turn those flashlights off," saad ng binata matapos iayos ang upuan at kumot.
Lumunok si Jei upang basain ang nanunuyong lalamunan habang nagririgodon ang kanyang puso.
"Oh my gosh! Eto na!" sigaw ng isip ng dalaga.
"W-why?" kinakabahang sagot ng dalaga.
Sa kabila ng mapusyaw na liwanag mula sa kanilang mga cellphone ay bakas ang pagngisi ni Wonhi saka ito lumapit sa kanya at yakapin.
"Are you ready?" bulong ni Wonhi saka niya hinalikan si Jei sa dilim. Napayakap ng mahigpit sa binata si Jei ng lumalim ang kanilang mga halik.
"Calm yourself, love. This is not why we're here," bulong ni Wonhi kay Jei.
"Walang hiya ka, Wonhi! Pagkatapos mong buhayin lahat ng pagnanasa sa katawan ko!" inis na saad ni Jei sa sarili. "Paasa ka! Shyet!"
"Look!" sabi ng binata na walang kamuwang- muwang sa pagdurusa ng dalaga.
Agad nalusaw ang inis na nararamdaman ni Jei ng lumingon siya sa dakong silangan ng kweba kung saan may malaking lagusan na hindi niya napansin dahil sa takbo ng kanyang isip. Mula dito ay tanaw nila ang malawak na karagatang unti- unting sinisinagan ng gintong araw.
"Come here!" saad ni Wonhi sabay hila sa dalaga upang maupo sa tabi niya.
"Wow!" This is breathtaking," bulalas ng dalaga. Magkasama nilang inabangan ang pagsikat ng araw habang magkayakap na nakahiga sa folding chair.
Ang itim na kalangitan ay unti- unting napapalitan ng kulay pula, orange, at berde habang ang mga alon ay kumikislap sa sinag ng araw. Ang mga pang-umagang kulisap at hayop ay nagsikantahan.
"Rain and I always camp here to watch the sunrise. It has always been magical then but with you, suddenly it turned ethereal," masuyong saad ni Wonhi sa kanyang nobya habang hinahaplos ang buhok nito.
Tumagilid si Jei paharap sa kanyang nobyo at umayos ng pagkakaunan sa braso ng binata habang ang isang kamay niya ay nakayakap sa matipunong dibdib ni Wonhi.
"I wish we could stay like this forever," madamdaming saad ng dalaga. Hindi nagsalita si Wonhi. Nakatuon lamang ang kanyang atensiyon sa karagatan.
"Hey, are you okay?" masuyong tanong ng dalaga. Bumaling si Wonhi sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"If I say yes, I would be lying," seryosong sagot nito. Tumingala si Jei sa binata saka niya hinaplos ang mukha nito. Hinawakan ni Wonhi ang kamay ni Jei at dinala sa kanyang mga labi.
"Everything's gonna be fine! Just like the dawn after every darkest hour of the night. Some dawns may not be as majestic as the others but they give us hope for a better tomorrow," saad ng dalaga.
Ngumiti ng tipid si Wonhi. "Sometimes, I am caught between two options, to stay and deal with my chaotic life or to escape and live a peaceful life?"
"What did you choose?"
"For whatever reason, I often chose to stay."
"Why?"
"Looking back, I often chose to stay because of the people around me, my mom, Rain, my fans, and now... you! Without all of you, it would have been so easy to leave."
"I am so happy to be part of your life and be a source of strength but... can't you just stay because you want to not because you have to?"
Mag- aalas dyes na ng umaga ng mapagpasiyahan nilang bumalik sa cottage upang mag- almusal. Kasalukuyang nagluluto ng pancake si Wonhi ng bumungad si Jei na may dalang isang basket ng strawberries at ubas mula sa maliit na greenhouse.
"Brunch is ready!"
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa beach upang magtampisaw. Nakapulang two- piece bandeaukini at mahabang sheer floral kimono cardigan habang si Wonhi ay naka-blue at white stripes undershirt at blue ding Hawaiian shorts. Dahil sa mamula-mula pang peklat nito ay nahihiyang tanggalin ang kanyang undershirt.
"Why do you have to wear that?" inis na saad ni Wonhi kay Jei ng tanggalin nito ang cardigan.
"This is a beach! What do you expect me to wear? Sweatshirts and sweat pants?!" exaggerated na sagot ng dalaga.
"No! But... that's too much skin! What if someone will see you?" inis pa ring saad ng binata.
"This is a private resort, love. And too much skin? Besides, you let wear something similar when we were in Isla del Fuego!" nakapamaywang na sabi ng dalaga.
"Alright, these or without these?" nagbabantang tanong ni Jei at akmang tatanggalin ang tali ng kanyang bikini.
"Unbelievable!" tanging sambit ni Wonhi saka nagmartsa patungo sa dagat. Naiwan namang nakangiti ang dalaga.
"Should I take them off now?" sigaw ni Jei sa papalayong binata.
"Oh! Shut up!" sagot naman ni Wonhi. Natatawang hinabol siya ng dalaga.
Masayang nagtampisaw ang dalawa. Para silang mga paslit na ngayon lamang nakapunta sa dagat. Nagsabuyan at nag- enjoy sila sa paglangoy. Nag-snorkling din sila. Labis- labis ang tuwa ni Jei ng makakita ng iba't ibang uri ng isa. Dahil sa kalagayan ni Wonhi, hindi siya pinayagan ni Jei na sumisid o lumangoy sa malalim na parte ng dagat. Nakuntento na lang ang binatang pagmasdan ang kasintahan na sige sa pagsisid.
"Look!" excited na saad ni Jei sabay turo sa dalawang baby green turtles na gumagapang sa malapit na batuhan. Marahil ay tinangay ng alon ang mga ito. "I think they need help. We have to put them back to the sea," sabi ni Jei.
"Oh, this one's injured its hind leg," ani ni Wonhi ng pulutin niya ang dalawang maliliit na pagong.
"Oh! We have to take it with us then. If we leave them here, predators might feast on this poor turtle," sagot ni Jei.
"Seriously? How long are you planning to keep it?" tanong ni Wonhi.
"Until its leg heals," sagot ni Jei.
"Wait, both of them?" takang tanong ng binata ng ilagay din ni Jei ang isa pang pagong sa snorkel mask na nilagyan nila ng tubig- dagat.
"Yep! Both of them! Can't you see they're friends? Or maybe brothers," paliwanag ni Jei.
"Fine!" sagot lang ni Wonhi dahil alam niyang di siya mananalo sa arguement nilang dalawa. Isa pa, nagugutom na siya. "We can have them for lunch!" biro niya.
"Hell, no! Don't you even think about it!" nanlalaki ang mga matang sigaw ni Jei sabay tapik sa braso ng binata.
"I'm just kidding!" natatawang sabi ni Wonhi. "Let's go. I am really starving."
"I'll carry this," saad ni Jei sabay kuha ng snorkel mask na kinalalagyan ng mga pagong at naunang naglakad. Nakangiting sumunod si Wonhi.
Matapos silang magshower at kumain ay iginupo sila ng pagod mula sa paglalaro sa dagat at hindi nila namalayang naidlip sila habang nagkukwentuhan. Nagising si Jei na yakap- yakap ng nobyo. Umayos siya ng pagkakahiga at lalo siyang sumiksik dito bago maidlip ulit. Nakangiti pa siya na tila nasa isang masarap na panaginip.