webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · perkotaan
Peringkat tidak cukup
56 Chs

Mang Liam's Heaven

"Holy molly! This is not a piece of land, bro!" bulalas ni Wonhi ng marating nila ang bukid.

"This is nothing compared to other farms," natatawang saad ni Rain. "It's common for residents to own at least five hectares in this region."

Namamanghang pinagmamasadan ni Wonhi ang mga matatayog na puno ng niyog at mayayabong na iba't ibang namumungang puno tulad ng mangga, lansones, lychee at iba pa. Sa di kalayuang burol kung saan maraming luntiang damo at dayami ay malayang nagtatakbuhan ang mga baka, kambing at mga kabayo.

"This is my father's paradise!" may pagmamalaking saad ni Rain sa kaibigan habang binabaybay nila ang makitid na tulay patungo sa isang bahay- kubo.

"Nice house!" saad ni Wonhi.

"Oh... thanks! This was Jei's idea. She loves it here, especially during picking season. She comes here with her best friend, Archie!"

Napapatango lang siya sa sinasabi ni Rain habang pinagmamasdan ang dalawang palapag na bahay- kubo. Ang unang palapag ay yari sa bato at ang ikalawang palapag ay gawa sa pine lumber. Habang ang double wall at mga furniture ay yari sa pinaghalong kawayan at tabla.

Ang kaaya-ayang amoy ng pine woods ang sumalubong sa kanila ng buksan ni Rain ang pintuan. Hindi lubos malaman ni Wonhi ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkasabik. Parang may kung ano parte ng kanyang utak ang natrigger sa amoy ng silid.

"Hey~" saad ni Rain sa kaibigan sabay tapik sa braso nito. Agad namang lumingon si Wonhi sa kanya ngunit bakas ang pagkabigla nito. "Gwenchana? (Are you okay?)."

Tumango si Wonhi saka tipid na ngumiti. Nagkibit- balikat lamang si Rain kahit di siya kumbinsido sa sagot nito.

"Where are they anyway?" tanong nito sa kaibigan.

"Not sure. Maybe, at the fish pond," sagot ni Rain.

Mula sa likuran ng kubo ay dumaan sila sa isang sementadong daan patungo sa di kalakihang palaisdaan sa di kalayuan.

"Aaaaaaaah!" tili ni Jei ng biglang pumalag ang hawak na tilapia pabalik sa fish pond. Natatawang sinungkit ng ama ang isda gamit ang tangkay na may net sa dulo.

"Taaaaaaaaaaaay!" tili ulit nito ng kamuntikan na siyang mahulog kasama ng malaking isda. Makalipas ang ilang saglit ay matagumpay niyang nailagay ang tilapia sa balde. Saka niya pinunasan ang kanyang pawis gamit ang sleeve ng kanyang shirt.

"Aigo! Do you wanna try?" tukso ni Rain sa manghang kaibigan. Kumikislap ang mga mata nito na animo'y batang sabik maglaro sa tubig at putikan.

"Can I?!" excited niyang sagot.

"Sure! Kaja!"

Nagtaka sina Jie at Mang Liam ng makita sina Wonhi at Rain na papalapit sa kanila. Hawak- hawak ni Rain ang panghuli ng isda habang bitbit ng kaibigan ang balde.

"Are you sure you wanna do this?" tanong ni mang Liam kay Wonhi. Masayang tumango naman ito.

"Yes, po! Can you teach me?" saad niya sa matanda.

"Anong ginagawa niyo dito kuya?" bulong ni Jei kay Rain habang pinagmamasdan si Wonhi na humuhuli ng tilapia.

"Malay ko diyan! Nang makita kayong masayang humuhuli ng isda, parang batang naiinggit!"

Di lingid sa kanila na galing ang binata sa isang broken family. Bata pa ito ng maghiwalay ang mga magulang dahil sa irreconcilable differences--- bagay na hindi maintindihan ng binata hanggang ngayon. Kaya hindi ito naniniwala ng lubusan sa pag- ibig.

"Hala tay baka mahulog po siya!" sigaw ni Jei ng makitang isang paa lamang ni Wonhi ang nakaapak sa sementadong pilapil. Naka- focus itong hulihin ang malaking tilapiang nasa kabilang panig ng palaisdaan.

"Ya. Wonhi! Josim hae!" sigaw ni Rain sa kaibigan. Narinig din nila ang babala ng kanilang tatay subalit parang wala itong naririnig hanggang sa nagulat na lang ang lahat ng makitang bumulusok ito sa fish pond.

"Are you okay?" nag- aalalang tanong ni mang Liam habang tinutulungan siya. Basang- basa ito kaya ng makaahon mula sa tubig kaya dagli niyang tinanggal ang kanyang t- shirt.

"I am okay po, tito! Can I do it again?" sagot nito sa nag- aalalang matanda.

"No! Go and change before you get sick!" sita naman ni mang Liam sa kanya. Natawa ang binata sa reaksiyon ng matanda ngunit kitang- kita na nasiyahan ito sa kanyang pag- aalala.

"Okay po, tito!" nakangiti nitong tugon.

Sa di kalayuan ay pilit iniiwasan ni Jei ang nanunuksong tingin ng kanyang kuya.

"Hoy, baka biglang magliyab ang katawan ni Wonhi sa init ng tingin mo!" tukso ni Rain sa kanyang kapatid. Bigla siyang nagbaling ng tingin saka tiningnan ng masama ang kanyang kuya.

"Excuse me, kuya! Hindi sa kanya ako nakatingin no... sa tilapiang hawak niya!" dipensang sagot ni Jei.

"Uhm... wala kayang tilapia si Wonhi!" saad ni Rain. Napaisip ang dalaga saka pinalo ng pinalo ang kanyang kuya.

"Yuck! Kadiri ka kuya!" naririnding sabi ng dalaga.

"Hey... I mean, he's empty- handed! Hala, Jei, ikaw ang kadiri! Anong iniisip mo?" natatawang sabi ni Rain. Dahil sa kahihiyan, tinadyakan niya ang kanyang kuya bago nagmartsang paalis.

"What's with her?" tanong ni Wonhi ng marating ang kinauupuan ng kaibigan.

"Dunno. Better ask her later!" sagot ni Rain. "Anyway, we need to go home."

"Why?"

"You need to change or else, dad will kill us both!"

"Can we come back?"

"Hmmmm.... maybe we can join them for lunch. Dad's gonna grill the fish and we'll pick some fruits later."

"Sounds fun!"

Nagdesisyon silang gamitin ang motor para mas madaling makabalik. At wala pang trenta minutos ay nakabalik ang dalawa. Saktong ihinahanda ni mang Liam ang sariwang tilapiang iihawin.

"Jei, mamitas ka ng hilaw na mangga at hinog na kamatis paris ng bagoong."

"Sige po, tay!"

Nagtaka ang binata ng biglang tumayo ang dalaga bitbit ang isang ratan basket saka tinungo ang isang puno ng mangga na hitik sa bunga.

"Do you wanna join her?" tanong ni Rain.

"Yep!" masayang sagot nito.

Sinundan nila ang dalaga na nakaakyat na sa isang puno ng mayabong na mangga.

"Oh my god, Jei! You might fall down!" sigaw ni Wonhi na nakahawak sa kanyang dibdib dahil sa nerbyos.

"I already did many times!" sagot naman ni Jei habang pumipitas ng malalaking hilaw na mangga.

"Is she crazy?!" saad ni Wonhi sa natatawang kaibigan.

"Watch until she climbs down!" pagkasabi ni Rain ay nag- alaTarzan si Jei pababa ng puno.

"Shit!" bulalas ni Wonhi ng tumalon ang dalaga at nag- landing ito sa harapan niya.

"Ta- da!" saad ni Jei na nakataas ang mga kamay na parang gymnast.

"I told you, she's monkeyish!" nakangising saad ni Rain sa nakamaang na kaibigan.

"Che!" sigaw niya sa kanyang kuya saka pilit na inaabot ang isang malaking mangga.

"How did you do that?" tanong ni Wonhi habang pinipitas ang mangga na hindi maabot ni Jei.

"Archie and I usually have been doing it when we were little!" sagot ng dalaga. Tumikhim si Rain ng mapansing masyadong magkalapit ang dalawa habang nagkukwentuhan. Dali naman silang naghiwalay.

"Let's pick some tomatoes!" saad ni Jei saka sila iniwang magkaibigan.

"Wonhi! I am warning you! Not my sister!" babala ni Rain sa kaibigan ng makaalis ang kapatid.

"I don't have any intentions to. Don't worry!" sagot naman ni Wonhi sa kaibigan. Tumango ito bilang pagsang- ayon.

"Catch!" sigaw ni Jei sa dalawa sabay hagis ng dalawang hinog na kamatis.

"Akala mo ha! Baka nakakalimutan mo, naglalaro kami ng baseball sa Korea," sabi ni Rain matapos nilang ma-catch ang mga kamatis. Ngumisi si Jei saka walang sabi-sabing ibinato sa dalawang binata ang limang malalaking hinog na kamatis.

"What the-!" tanging nasambit ng mga ito saka nagkandaugagang sinalo ang mga kamatis. Sa malas sapul sa noo ang kanyang kuya.

"Jei!!!!!" sigaw ni Rain ng mapagtantong naliligo siya sa katas ng kamatis. Tawang- tawa naman si Jei habang tumatakbo palayo sa dalawa.

"A-are you okay?!" hindi mapigilan ni Wonhing mapabungisngis.

"I'm fine~" sagot naman ni Rain habang pinuunasan ang kamatis sa kanyang mukha.

"Anong nagyari sa yo?" tanong ni Mang Liam kay Rain ng makabalik sila sa farm house.

Dumiretso si Rain sa lababo at agad na naghilamos saka humarap sa ama. "Wala po," sagot nito saka tumingin sa nakayukong dalaga.

"So, pinanghilamos mo yung kamatis, ganun? Wonhi, do you wash you face with tomato in Korea?" tanong ng matanda sa napangangang si Wonhi habang si Jei ay nanlalaki ang butas ng ilong sa matinding pagpipigil ng tawa.

"Uhm... maybe, but I've never seen one," alanganing sagot ni Wonhi na natatawa na rin.

Maya- maya ay biglang nagulangtang ang lahat ng biglang humiyaw si Jei.

"Bakit? Anong nangyari sa yo?" nag-aalalang tanong ni Rain sa kapatid. Napailing na lamang si Jei sa sobrang sakit.

"Hay naku! I-check niyo na lamang yung iniihaw natin diyan sa may likuran kung pwede na. Kumuha na rin kayo ng dahon ng saging para paglagyan," saad ng matanda kay Rain.

"Opo, tay," sagot nito saka sila lumabas ni Wonhi.

Naiwan si Jei na namimilipit pa rin sa sakit. Ang hindi alam ng kanyang ama, napahiyaw siya ng malakas na pisilin ni Rain ang kanyang ilong dahilan upang mapisa ang tigyawat sa kanyang nostril. Halos mapaluha siya ngunit hindi makapagsumbong dahil alam niyang may kasalanan siya sa kanyang kuya.