Hindi nakakibo si Jei sa narinig mula sa kanyang kuya. Naroon pa rin si Khamila ng umuwi siya mula sa cafe.
"We need your testimony against her," saad ni Rain. Tumango ito.
"I'll do whatever I can to help," iyak nito.
"Gumawo! (Salamat!) I'll see to it that you'll be safe. And everything we have discussed here should remain a secret. Do you understand?" dagdag ni Rain.
"Of course," sagot ni Khamila bago magpaalam. Naiwan ang magkapatid na hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari. Lalong lumakas ang kanilang kutob na sangkot ang nanay ni Wonhi sa tangkang pagpatay sa kanya ngunit ang tanong ay "Bakit?"
"Are you okay?" masuyong tanong ni Jei ng pumasok siya sa kwarto ng nobyo. Hindi ito sumagot. "I'm sorry."
Lumingon ang binata. Halata pa rin ang inis sa kanyang mukha. "Sorry for what? Why? Did you have fun with that manager?!" asik nito.
"What?!" di makapaniwalang tanong ni Jei.
"Well, I am sorry if I can't go out with you. I shouldn't have been your boyfriend. I can't even make you happy!" patuloy na pagrarant ng binata. Nakanganga si Jei sa kawalan ng masabi. Hindi siya makapaniwalang mas galit itong lumabas siya kaysa sa impormasyong ibinahagi ni Khamila.
"What are you talking about?" naguguluhang saad ng dalaga.
"Look at me! Who would want me? I can't even protect myself, I can't even protect you. I'm such a loser, a f*cking idle and imbecile!" inis na saad niya.
"Wonhi! You're not! What are you talking about?"
"I think, it would be better if we just call it~,"
Biglang natahimik si Wonhi ng agad lumapit si Jei at halikan siya. Kunot ang noong tinitigan si Jei. "What's that for?" tanong ng binata.
"Stopping you from the shenanigans. You're blabbering shits and I couldn't take it any longer. Can we talk now? Like for real? No shits attached?" tanong ng dalaga habang nakalambitin sa binata.
"No," nakaingos na saad niya.
Nakasimangot pa rin si Wonhi ngunit di naman nito pinigilan ang dalaga ng muli nitong halikan ito bagkus ay hinapit pa nito ang baywang ni Jei upang lalo silang mapalapit sa isa't isa.
"Wonhi. Hmmm... now, who's greedy?" nanunuksong tanong ni Jei habang magkayakap silang dalawa. "Wonhi~"
"Hmmmm,"
"Do you trust me?"
Bumuntong hininga si Wonhi bago sumagot, "Oo, I trust you but..."
Kumalas si Jei sa yakap ng nobyo at tumingin ng diretso sa mga mata nito. "Wae gurae, oppa? (What's wrong, sweetheart?)"
"What?!" nanlalaki ang mga matang saad ni Jei ng biglang humalagpak ng tawa si Wonhi. Saka biglang dumaing habang hawak ang sugat nito.
"Sige! Tawanan mo pa ako. Kainis ka," nanggigigil na litanya ni Jei.
"Sorry," nakangiwi ngunit nangingiting sagot ni Wonhi. "It's just. You were so cute when you spoke in Korean. I haven't seen that coming," paliwanag nito.
Tumikwas ang kilay ni Jei ngunit hindi maikukubli ang kasiyahan niya sa sinabi ng kanyang kasintahan.
"Can you say that again?" mungkahi ni Wonhi sa dalaga. Agad umiling si Jei. "Please," pa- cute nito.
"'yoko nga! Not a chance! Anyway, serious talk now. What's your plan?" seryosong tanong ni Jei. Bigla namang bumuntong- hininga si Wonhi at nag-iwas ng tingin.
"I don't know," mahina ngunit may bahid ng pait na saad ni Wonhi. Naguguluhan ang binata sa takbo ng pangyayari sa kanyang buhay. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan.
Biglang nanariwa ang mga ala- ala ng kanyang nakaraan.
"Wonhiya oreuni dwemyon kkumi mwoya? (Wonhi, anong gusto mong maging paglaki mo?) tanong ng kanyang ina habang inaayos nito ang kanyang polo na maaga nitong plinantsya.
Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay mag-isang itinaguyod ng kanyang ina ang kanilang buhay kahit pa magkandaugaga ito sa pagtatrabaho.
"Nan geujo nol dasi haengbokage haejugo sipeul ppuniya omma (Gusto lang kitang lumigaya inay), nakangiting sagot ni Wonhi sa ina. Hindi napigilang lumuha ni Haneul at niyakap ng mahigpit ang anak.
"Wonhiya gumawo! No gateun adeuri itttani jongmal haenguniya. (Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng anak na tulad mo.)" masayang saad ni aling Haneul sa anak.
Nagyakap ang dalawa bago pumasok si Wonhi sa eskwelahaan. Para kay Wonhi, kontento na siya sa piling ng kanyang ina. Masaya siya kahit dalawa lang sila at proud din siya sa ina dahil sa masipag at mapagmahal ito. Ngunit ang lahat nito ay magbabago ng tumuntong siya ng high school.
Isang araw ay naabutan niyang nagtatawanan ang kanyang mga kaklase habang pasulyap- sulyap sa dako niya. Dahil sa kanyang inis, sinugod niya ang mga ito at sinipa ang bench na kinauupuan mga ito.
"Mwo? (Ano?)" singhal ni Wonhi sa mga ito. "Naega utkkyo?! (Nakakatawa ba ako?)
Biglang tumayo ang isa nitong kaklase na basagulero at hinablot si Wonhi sa kanyang collar. "Wae? (Bakit?)" singhal din nito. "No utkkyo! No jongmal utkkyo! Wae anida? Ne ommaneun maechunbuya! Hah! Moreusindagu? (Nakakatawa ka. Nakakatawa kang sobra. Bakit hindi? Ang nanay mo ay isang p*ta. Hah! Hindi mo ba alam?)
Napanting ang tainga ni Wonhi sa mga paratang ng kanyang mga kaklase kaya't hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at nakipag-away na ito. "Mworago? Chugulle? (Anong sabi mo? Gusto mong mamatay?)
Ayon sa mga ito, narinig daw ng isa niyang kaklase na pinag- uusapan ng kanyang ama at kaibigan nito ang nanay ni Wonhi at nagkakantiyawan pa ang mga ito patungkol sa kung gaano kagaling ito sa kama.
Dahil doon ay agad nagsend ang kanyang kaklase sa Kakao group chat nilang magkakaibigan at ibinalita ang narinig na eskandalo. Ang masaklap ay may kuha pa itong mga video clips habang nagkakantiyawan ang mga ito.
Maya- maya ay dumating ang kanyang ina dahil pinatawag siya ng guidance counsilor ng eskwelahan.
"Museun irimnikka sonnim? (What's going on, sir?) takang tanong ni aling Haneul. "Wonhiya! No gwenchana? Wae dachin goya? (Wonhi, are you okay? Bakit ka may sugat?)" nag- aalalang tanong ni aling Haneul.
Hindi kumibo si Wonhi bagkus ay galit na iniwan nito ang kanyang ina at ang guidance councilor at dumiretso sa parkeng malapit sa kanilang eskwelahan.
"Uri ommaneun changnyoga anida! Nae ommaneun sarangseuropkko chinjolhan yojaya. (Hindi pokpok ang aking ina !Isa siyang mapagmahal at mabait ina.)" iyak ni Wonhi ng mapag- isa.
Hindi siya naniniwala sa mga paratang ng kanyang mga kaklase kaya't labis- labis ang kahihiyang naramdaman ni Wonhi ng malamang nagpublic apology ang kanyang ina sa harap ng buong eskwelaan. At inamin ang malaswang paratang sa kanya.
Mula sa araw na iyon ay hindi niya kinausap ang kanyang ina. Nag- drop din siya sa kanilang eskwelahan at pilit kinalimutan ang bangungot ng kanyang nakaraan.
"Hey... everything's gonna be fine," masuyong sabi ni Jei na pumukaw sa pagbabalik- tanaw ni Wonhi. Pinunasan din nito ang nag-uunahang luha ni binata.
"You know what's unfair? I am ready to give her another chance in my life," may pait na saad ng binata. Yumakap lang si Jei dito habang malaya itong umiiyak sa kanyang balikat.
Hindi nakatulog si Wonhi dahil sa pag- atake ng kanyang terror kaya't nahihilo siya kinaumagahang binisita siya ni Jei sa kanyang kwarto.
"Morning! How are you feeling? Here's a warm milk for you," saad ni Jei habang iniaabot ang tasa ng gatas sa kasintahan.
"Thanks. Better... now that you're here," sagot nito saka nilagok ang inumin.
"Now, you have to sleep. You have to take a rest," sabi ni Jei. Ng akmang aalis ang dalaga, pinigilan siya ni Wonhi. "Hey, is there something wrong? I have to prepare for work."
Hindi agad nagsalita ang binata. Tumanaw ito sa bintana saka bumuntong hininga. "I've already decided," sabi niya. Nagkunot-noo naman si Jei dahil hindi masyadong maintindihan ang nais sabihin ng binata.
"I mean...," tumikhim muna si Wonhi, "I mean, Rain and I talked last night. We contacted Martina's brother and our friend, attorney Kim. Later today, we will have a meeting.
"What? Are you saying that you've already decided to take legal actions against your... mom?" tanong ni Jei. Muling hindi nakapagsalita ang binata at nakatingin lamang ito sa sahig.
"Wonhi, look at me."
Tumingin naman ito sa kanya ngunit agad nagbawi ng tingin.
"Wonhi, are you sure about this? I don't want you to regret it someday. Besides, we are still unsure whether your mom is behind all these. All we have is a piece of circumstantial evidence."
"I know. All I want is an answer. I just wanna know if she is behind all these," mapait ngunit mariing sagot ni Wonhi. Napabuga naman ng hangin ang dalaga ngunit wala siyang nagawa.
"Alright, whatever happens, know that I am always with you. I love you so much," saad ng dalaga saka hinalikan ang binata. Napangiti naman ito.
"You do know how to lighten my mood," nakangiting sabi ni Wonhi.
"I'm glad I have that effect on you," masuyong sagot ng dalaga. "I really have to go."
"Yep," saad nito.
Matapos magbihis ay nagpaalam siya kina Wonhi at Rain na kasalukuyang nag-aalmusal.