webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · perkotaan
Peringkat tidak cukup
129 Chs

HOW TO DEAL WITH A CHILDISH WIFE

Biglang nanginig ang mga kamay niya habang hawak ang bote ng MSG seasoning. Pa'no kung malason ang chairman dahil do'n?

Kinakabahang ibinalik niya ang bote sa lalagyan, nangangatog ang mga tuhod sa takot na lumabas siya ng kitchen at namumutlang hinanap ng paningin ang lalaki.

Pero bago pa niya ito mapansin sa kinauupuan ay nakapasok na si Lemuel sa loob ng opisina.

"S-Sir!" bulalas niya nang makita itong bumubula ang bibig at nanginginig ang katawan.

"Oh my God! Dixal! Ano'ng nangyari?" sambulat ni Lemuel pagkakita sa lalaki sa gano'ng ayos.

Bigla ang pagtulo ng luha sa mga mata niya sa magkahalong awa at takot na baka malason nga ang lalaki sa ginawa niya saka patakbo niya itong nilapitan sabay niyakap.

"Hindi ko sinasadya. Sorry," hagulhol niya habang yakap ang katawan at bibig nito.

Patakbo na ring lumapit si Lemuel at itinayo ang binata saka iniupo sa mahabang sofa.

Patuloy ang pag-iyak niya habang umaalalay sa dalawa hanggang sa maiupo na nila sa sofa ang amo.

"My God ano ba'ng nangyari? Bakit ganito na si Dixal? Ano'ng ipinakain mo sa kanya?" nag-aalalang usisa nito.

"Sir, 'di ko po sinasadyang malagyan ng MSG ang cappuccinong tinimpla ko. Akala ko asi--akala ko po asukal 'yon," umiiyak niyang pagtatapat habang ipinapahid ang manggas ng damit sa bibig ni Dixal.

"MSG?! Wala namang--" bigla itong napahinto at pabulong na nag "ouch!" saka yumuko at kunut-noong tumingin sa kaibigang bahagyang dilat ang isang mata.

"Uhm-Uhm-" umubo ito at bumaling sa kanyang panay ang iyak habang pinapahiran ang bumubula pa ring bibig ng lalaki.

"Gusto mo ba siyang patayin kaya pinainom mo ng lason? Idedemanda kita ng attempted murder sa ginawa mo!" sigaw nito kasabay ng pang-aakusa at pananakot sa kanya.

"Sir, gumawa ka pong paraan. Tumawag ka ng doctor please. Baka po tuluyang mamatay si Sir Dixal," pagmamakaawa niya sa habang 'di nakuntentong katabi lang ang amo, isinandig nito ang katawan sa kanyang dibdib saka pinunit ang sleeve ng kanyang damit at 'yon ang ipinampahid sa bumubulang bibig ng lalaki ngunit hindi pinansin ang sinabi ng una.

Natutuliro na ring tumakbo sa kusina si Lemuel at nang makalapit ay may dala na itong towel.

"O ayan ipampahid mo sa bibig niya't tatawag ako ng doktor," anito saka nagmamadaling lumabas ng opisina.

"A-Amor..." maya-maya'y anas ni Dixal saka nanghihinang hinawakan siya sa braso.

"Sorry. Hindi ko talaga alam na MSG ang nailagay ko. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. 'Wag kang mamamatay parang awa mo na." Patuloy ang pag-iyak niya habang nagsasalita at yakap-yakap ang katawan ng lalaki.

"Sshhh, wala kang kasalanan." Kahit na nanginginig ang katawan at bumubula ang bibig ay pilit pa rin itong nagsalita.

Umiling-iling siya.

"Hindi! Kasalanan ko. Pero hindi ko alam na MSG pala ang nailagay ko. Sorry talaga," sagot niya sa pagitan ng iyak habang paulit-ulit na pinupunasan ang bibig nito.

Hinawakan nito ang kamay niyang may hawak na towel saka muling nagsalita.

"Ssshhh. It's my fault, really. May hiling lang ako sa'yo. Gusto kong sundin mo lahat ng gusto ko without resistance."

"Oo, kahit ano susundin ko basta 'wag ka lang mamamatay. Ayukong makulong habambuhay," maagap niyang sagot sabay tango.

"Stay with me for a week and be my wife."

"Okay--okay. Kahit ano'ng gusto mo gagawin ko."

"Kunin mo 'yung medicine kit ko sa ref," anito pagkatapos kumawala sa pagkakayakap niya at umayos ng upo.

Siya nama'y mabilis na nakatayo at halos patakbong tinungo ang kusina, kinuha ang sinasabi nitong medicine kit sa ibabaw ng ref saka bumalik sa sofa dala ang isang basong malamig na tubig at ibinigay dito ang hinihingi.

"Kunin mo 'yong pulang capsule."

Sumunod na uli siya, kinuha ang sinasabing capsule saka ipinainom dito, pagkuwa'y ibinigay niya ang isang basong tubig.

Sa wakas tumigil ito sa panginginig at pagbula ng bibig saka napapikit. Saka lang din siya tumigil sa pag-iyak nang makitang hindi na bumubula ang bibig nito, pagkuwa'y inilapit niya ang daliri sa ilong nito para masegurong humihinga pa nga ang lalaki subalit nahuli nito ang kanyang kamay at bigla siyang hinila paupo sa sofa sa tabi nito.

Muntik na siyang mapasubsob sa katawan ng lalaki, nang ideretso niya ang tingin dito'y nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya makaimik, kumurap-kurap lang ngunit nanatiling tikom ang bibig.

"Amor..." anas nito.

Ewan pero kumabog bigla ang kanyang dibdib na tila nahuhulaan kung anong sunod nitong gagawin, pero bakit para yatang ambilis nitong gumaling mula sa pagkakalason?

Tulad ng inaasaha'y kinabig nito ang kanyang leeg at siniil ng halik, padampi lang sa una, pinakiramdaman kung ano'ng maggiging reaksyon niya. Subalit nang maalalang nangako siya rito ngayon lang ay pinigilan niya ang sariling itulak ang lalaki, bagkus ay hinayaan lang ito sa ginagawa.

"I missed you, Amor." Bahagya nitong inilayo ang mukha pagkuwan saka muli siyang tinitigan.

With those green eyes na malagkit na nakatitig sa kanya ngayon, pakiramdam niya hinahatak siya ng kung ano'ng pwersa para halikan ito.

"Do you still remember that you used to kiss me first?"

"Ha?" Naguluhan siya sa sinabi nito.

"You were also impulsive even before at madalas ako ang nagpipigil sa nararamdaman."

Namula agad ang kanyang pisngi pagkarinig niyon.

"No, hindi ako gano'n. I never kissed a man before," tanggi niya, sinubukang lumayo ngunit lalong humigpit ang kapit nito sa kanyang leeg.

"Close your eyes," marahan nitong utos, ewan kung bakit pero sumunod siya.

Pagkatapos niyang ipikit ang mga mata'y naramdaman niyang binuhat siya ng lalaki. Hindi siya pumalag, ni hindi niya idinilat ang mga mata, naging masunurin siyang parang bata ng mga oras na 'yon. Bakit? Dahil baka 'pag kinuntra niya ito'y idemanda nga siyang attempted murder sa ginawa niya kanina kaya hanggat maaari, susunod muna siya sa gusto nitong mangyari ngayon at kusang ipinulupot ang kamay sa leeg nito saka inihilig ang ulo sa dibdib ng lalaki.

Bigla ang pagbugso ng kabog sa kanyang dibdib habang nakikita sa balintataw ang isang eksena. Iniaakyat siya ng lalaki sa isang mesanin at sa ibabaw ng kama'y mapusok siyang gumaganti ng halik.

'No! It can't be. It never happened before!' tanggi ng kanyang isip.

Kilala niya ang sarili. Hindi niya gagawin ang bagay na 'yon maliban lang kung kasal na siya at mahal niya ang lalaking kaulayaw.

Napilitan siyang idilat ang mga mata ngunit nagulat nang makitang nasa panibagong kwarto na sila at siya'y nakahiga na sa ibabaw ng kama habang nananatiling nakakapit ang leeg sa lalaking nakadukwang ang mukha sa kanya.

"Nasaan tayo?" taka niyang tanong.

"Nasa bed ko," pasimple nitong sagot saka siya muling dinampian ng halik.

"Okay na ba pakiramdam mo?" pakli niya upang maiba ang atensyon nito.

Tumabi ito ng higa sa kanya saka siya niyakap at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib while inserting his hand under her undies.

Muntik na siyang mapasigaw sa pagkagulat na kung hindi lang siya nangakong susunod sa gusto nitong mangyari sa takot na baka maipakulong siya nang di-oras ay talaga namang masasapak niya ang lalaking ito.

Subalit hinayaan niya lang ito sa gustong gawin at kagat-labing pinigilan ang anumang damdaming biglang pumaimbabaw sa kanyang pagkatao ng mga sandaling 'yon.

"I used to cuddle you like this," paanas na sambit pagkuwan .

Ilang beses siyang nag-inhale-exhale upang kampantihin ang sarili at nang matapos iyong gawin, he found him fast asleep already.

'What? Nakatulog siyang ando'n ang kamay sa undies ko?!' bulalas ng kanyang isip.

Napaka-weird naman ng lalaking 'to. Pero nang maramdaman ang malalim na paghinga sa kanyang dibdib, ewan ba kung bakit nakaramdam siya ng kapanatagan ng puso't isip? Kanina lang ay bumubula ang bibig nito at nangingisay subalit ngayo'y mahimbing na agad ang tulog nito. Hindi niya maiwasang hagurin ng kamay ang makapal nitong buhok at may kung ano'ng pwersang nagtulak sa kanya para halikan ang tuktok ng ulo ng huli.

Muling umalingawngaw ang sinabi nito ngayon lang sa kanyang pandinig.

He used to cuddle her like that. Maniniwala ba siya sa sinabi nito kung wala naman siyang matandaan sa mga 'yon? Subalit bakit kanina lang ay nakita niya ang sariling binubuhat rin ng lalaki sa ibang bahay naman at ginagawa nila ang ginagawa ng mga mag-asawa lang?

Naguguluhan na siya. Pa'no kung totoo nga ang sinasabi nitong mag-asawa sila? Pa'no kung ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagka amnesia--na gumawa ito ng kasalanan to the point na hindi niya kayang tanggapin ang lahat kaya pinili niyang kalimutan? Baka muli lang din siyang masaktan. Baka maulit na uli ang nangyari noon.

Naghikab siya sa kabila ng madaming gumugulo sa kanyang isipan. 'Di tulad ng dati, ang kamay ng lalaki sa loob ng kanyang panty ay para na lang natural sa kanya gayong ngayon niya lang naranasan ang gano'ng bagay. Imbes na magalit, para pang iyon ang naging dahilan upang antukin din siya, realizing that the man cuddling her and sleeping tight while hugging her is Dixal.

Muli siyang naghikab hanggang 'di niya mapigilan ang sarili't napapikit na rin, bago siya tuluyang nakatulog ay naalala niyang gumanti siya ng yakap sa lalaki at muling hinalikan ang ulo nito saka hinayaan niyang manatili sila sa gano'ng ayos.