webnovel

Finding Ethan: The Dream That You Seek (Tagalog, Filipino) - Falling For the Secret Superstar

“Kahit nakatayo ka lang diyan at nakangiti sa akin, kinikilig na ako.” Ethan Ravales just wanted to escape from his suffocating life as the Philippine’s prime leading man. Pakiramdam niya ay kinakain na ng kanyang sistema ang kanyang kaluluwa. Para hanapin ang sarili ay tumakas siya hanggang mapadpad sa Isla Juventus matapos iligtas mula sa isang magnanakaw ang isang magandang dalaga—si Aurora. Hindi inakala ni Ethan na makakaya niyang mabuhay sa Isla Juventus—na walang kuryente, Internet, o signal man lang ng cell phone, at bilang Alvaro Baltazar na isang ordinaryong lalaki. Hindi rin niya napaghandaan ang espesyal na naramdaman nang makilala at makasama niya sa isla si Aurora. Handa na siyang iwan ang mundong nakagisnan para kay Aurora. Ngunit nang may magpaalala kay Ethan ng mundong iniwan niya ay napaisip siya. Ano ang kaya niyang gawin para kay Aurora? Handa ba siya sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Aurora ang tunay niyang pagkatao? The final book of Finding Ethan Series, a collaboration with Leonna, Gezille and @Tyramisu.

Sofia_PHR · Umum
Peringkat tidak cukup
55 Chs

Prologue

Nakatulala si Ethan sa kisame ng penthouse condo niya sa Quezon City. Hindi pa rin siya kumikilos kahit na dapat ay kanina pa siya umalis ng bahay para sa schedule niya sa gym at spa. May date pa siya mamayang gabi sa susunod niyang leading lady na si Shaira Mercado kung saan lalagyan na naman ng romantic angle para paingayin ang paparating nilang proyekto.

"I can't do this anymore," usal niya at hinaplos ang balbas na ilang araw na niyang hindi naaahit. He was supposed to shave it after shower. Gusto ng manager niyang si Jessica "Icca" Ramos na malinis ang mukha niya, malibang hinihingi ng character niya.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Kung tatanungin ang ibang tao kung ano ang nakikita ng mga ito sa kanya, sasabihin ng mga ito na siya si Ethan Ravales – Philippine's hottest leading man. His face graced billboards, magazines, televisions and the internet. Women of all ages are crazy over him. Habang kinaiinggitan siya ng mga kalalakihan. Who wouldn't? Biro sa kanya ng iba, anino pa lang niya ay tinitilian na.

Pero ang nakikita niya ay ang isang lalaking may pagod at malulungkot na mga mata. Isang lalaking mabubuhay lang sa susunod niyang gagampanang papel pero hindi kayang mabuhay nang ayon sa gusto niya sa likod ng camera. He felt like a robot. An actor through and through twenty-four-seven.

Hindi na niya gusto ang nakikita niya. Mula pagkapanganak pa lang niya ay kailangan na niyang magpanggap para sa publiko. Kumilos nang ayon sa gusto ng publiko. He was very good in acting. He was a top caliber actor. Even Hollywood wanted him now.

I-date ang mga babaeng di naman niya gusto. At huwag i-date ang mga babaeng gusto niya sa takot na makaapekto sa career niya.

Buong buhay niya ay inalay niya sa sining ng pag-arte. Sa showbiz. And his life was all about pretense. Sa galing niyang umarte. Hindi na niya alam kung ano ba ang totoong gusto niya o kumikilos lang siya ayon sa gusto ng ibang tao sa kanya. Di na niya kilala kung sino talaga siya. Na parang isang kasinungalingan lang lahat.

Ito ba talaga ang gusto niyang buhay? Ang magpanggap habambuhay? Kahit siya ay hindi alam kung sino talaga siya.

Sinubukan na niyang sabihin sa ibang tao ang tungkol sa dilemma niya – mula sa personal assistant niyang si Paola, ang manager niyang si Jessica o kahit ang susunod niyang leading lady na si Shaira pero walang nakinig sa kanya. Gusto lang ng mga ito na magpatuloy siya sa pagiging Ethan Ravales – ang lalaking minahal ng lahat. Dahil ang imaheng binuo niya ay tiyak na magpapasok ng malaking pera. Si Ethan Ravales ay simbolo ng isang matagumpay na artista - ng salapi at kasikatan.

Hindi na siya makahinga. Isang minuto pa sa ganoong buhay at parang mamamatay na ang kaluluwa niya. Kailangan na niyang lumayo doon habang may oras pa siya. Habang kaya pa niyang isalba ang totoong siya. Kailangan niyang hanapin ang sarili bago siya tuluyang lamunin ng pagpapanggap.

Inilabas niya ang isang backpack at kinuha lang ang ilang pirasong damit. Isinalaksak niya doon ang ATM, credit card at cash na naka-stash sa safety deposit box niya. Nasu-suffocate na siya sa penthouse niya. Nasu-suffocate na siya sa mga mata ng tao na nakasunod sa kanya at ang bawat pagkilos niya ay pag-aari ng mga ito.

Inside his bag was a solar charger for his phone and several tool that he would use. Ihinanda niya iyon para sa camping niya na hindi natuloy. Humatak siya ng isa pang pantalong maong at short, limang T-shirt at cap niya na di pa nagagamit.

Nanginginig ang kamay niya. He was leaving. Lalabas siya ng Metro Manila nang mag-isa, natitiyak niya iyon. Magpapakalayo-layo siya gaya nang pangarap niya noong bata pa siya. Nang buhay pa ang mga magulang niya at di pa siya nasasadlak sa masalimuot na mundo ng showbiz at makulong doon.

Kundi pa siya makakalabas ngayon, baka wala na siyang pagkakataon. Kailangan na niyang lumayo bago pa siya mawalan ng tsansa at lakas ng loob.

Nag-send siya ng text message sa manager ni Shaira para sabihing cancel ang date nila dahil masama ang pakiramdam niya. Sumunod ay nag-compose siya ng text message para sa PA niya at manager pero nagkuli siya na ipadala. Oras na matanggap ng mga ito ang mensahe niya ay tiyak na susugod ang mga ito sa penthouse at pipigilan siya ng mga ito.

Sa huli in-off niya ang cellphone at pumilas siya ng notepad saka mabilis na isinulat ang mensahe.

I need to get away for a while. I am tired. I am burn out. I need some ME time. Huwag na ninyo akong hanapin. - Ethan

Inilagay niya iyon sa refrigerator at idinikat ng ref magnet kung saan siya nag-iiwan ng mensahe para sa manager at PA niya. Siguro naman bago dumating ang mga ito sa condo niya ay malayo na siya.

Isinuot niya ang bull cap at ang shades saka isinukbit ang backpack sa balikat. Nakayuko lang siya habang naglalakad at sa halip na sa main entrance dumaan ay sa service entrance ng condo building siya dumaan. Maingat siya na may makakilala sa kanya. Mabuti na lang at di pa siya nag-aahit at mahaba ang buhok niya ngayon kaya di siya basta-basta makikilala. He looked... Ordinary. Hindi na siya nag-abala sa sportscar sa pagkakataong ito at pumara siya ng taxi.

"Boss, saan tayo?" tanong sa kanya ng driver.

"Sa bus terminal," sabi niya agad. Kapag sa bus terminal ay di siya basta-basta hihingan ng kung anu-anong dokumento o manifesto.

"Saang bus terminal, boss?"

Pumikit siya nang mariin dahil di niya alam kung saan siya pupunta. "Sa bus na papuntang Visayas," nausal na lang niya.

Pinakatitigan pa siya ng driver na parang sinisino siya. Nakikilala ba siya nito o iniisip nito na isa siyang wanted at pinaghahanap ng batas?

Tumikhim siya. "Pakibilisan, Manong. Dodoblehin ko ang bayad ninyo kapag nakarating tayo sa bus station bago mag-tres ng hapon."

Biglang tumuwid ng upo ang driver. "Areglado, boss."

Nang makasakay siya ng bus nang walang aberya at walang nakakakilala sa kanya ay isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Ni walang nakakilala sa kanya bilang Ethan Ravales. Di siya tinilian o pinagkaguluhan. Walang kumuwestiyon kung bumili man siya ng itlog ng pugo sa sidewalk vendor at balut bilang baon niya sa biyahe na posibleng makasira sa imahe. He felt normal just like the next man.

Gusto niya ang ganitong pakiramdam. Wala siyang sagutin sa kahit na sino. Wala siyang kailangang isipin kung ano ang repercussions ng mga kilos niya. O kung ano ang iisipin ng mga ito kay Ethan Ravales. The anonymity was exciting.

Nakangiti siyang pumikit nang dahan-dahan nang umandar ang bus palayo ng terminal. Samar. Papunta daw ng Calbayog City ang bus na sinakyan niya at aabutin ng labingsiyam na oras ang biyahe. Napuno ng tao at bagahe ang bus at isang matandang lalaki ang katabi niya. It was supposed to make him comfortable because the bus was overloaded with baggages, but it was fine. It somehow offered him protection and privacy.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. He was leaving Manila behind. He was leaving his Ethan Ravales persona behind. Pero sa paglayong iyon, unti-unti niyang mahahanap ang sarili niya. Natitiyak niya iyon.