webnovel

Fated To A Curse Vampire

FATED TO A CURSE VAMPIRE Alzack, a 20 years old handsome boy. He is not a human and very different with human being. He came from different worlds, which is in a vampires world. He is known to be a curse Vampire. At age of 20 he choose to live in human world. Not to live peacefully but to meet at find his future. He's too weak in physical appearance but too strong in his own. When he knew what's the curse for being him he decided to face it and came to human world. Athena Belle? Who's this girl? Is this the girl for him? A girl who fated to be with him? Or a girl who makes his life much worst? Or the one that can fade the curse? Is he related to any history of Vampires? Athena Belle Magenlle, a girl who fated to be with the curse vampire.

Mearacles · Fantasi
Peringkat tidak cukup
11 Chs

PROLOGUE (Part 2)

"Hindi naman uubusin ng kapatid mo ang niluto ko. Ang papa mo mamayang gabi pa 'yon uuwi. Kailan mo dalhin 'yan do'n kay Lola mo at baka lumamig na," paliwanag ni mama. 

Ba't kaya nakayanan niya pa ring huminahon. Sa tuwing nakapamewang si mama alam naming galit o naiinis na siya pero kahit papaano ang bait-bait niya pa rin. Hindi niya na ako pinapalo at maging si Jaspher din. 

Napayakap na lang agad ako sa kaniya. "M-mama, na-miss ko po kayo." 

"Mama, 'wag kayo magpauto. Nagpabait-baitan lang 'yan siya para hindi niyo mautusan." Bumitaw naman ako kay mama at piningutan ang tenga niya. 

"Athena, tama na 'yan. Kayong dalawa kahit kailan–" 

"Mama, si Ate ang nauna oh!" Napabuntong-hininga ako at hinalikan siya sa pisngi. 

"Na-miss ka din naman kasi ni Ate, kunwari ka pa d'yan. Alam ko naman na naiingit ka lang." Napatayo siya sa upuan niya at nagkunwaring mas matangkad sa akin. 

"Hindi kita na-miss at hindi ako naiingit! Huwag mo nga akong halikan!" naiinis na singhal niya sa akin. 

Narinig kong tumawa si mama at binuhat si Jaspher. "Sige na anak at malalamig na 'yang dadalhin mo." 

"Mama, ibaba niyo ako. Hindi na ako bata, isusumbong ko kayo kay Papa." Natawa rin tuloy ako sa inasta ni Jaspher. 

Malapit na siya mag-siyam ng taong gulang. Ang bilis lang at malaki na nga si Jaspher. 

"Si mama pa talaga tinatakot mo. Baby ka pa rin ni Papa mo," sabi ni mama kay Jaspher. 

Kakauwi ko lang kahapon at parang ayaw ko ng mag-aral sa tuwing kasama ako sila. 

"Athena," pag-aagaw atensyon ni mama. "Na-miss ka rin naming ng husto, anak. Huwag ka ng sumimangot d'yan." 

"Mama, ilang beses niyo na akong tinatawag na Athena. May punishment kayo sa akin mamaya pagbalik ko." 

"Mama, tinatakot ka ni Ate oh. Kung ako n'yan hindi ko palalagpasin," parinig ni Jaspher habang nasa bisig pa rin ni mama. 

"Tama na 'yan, mag-aaway na naman kayo dalawang. Athena, sige na."