NAGISING si Myla sa magandang musikang ni hindi niya sigurado kung saan nagmumula. It was an organ being played beautifully. Hindi niya tuloy masigurado kung nananaginip lamang siya dahil maganda sa pandinig niya ang malamyos na tunog.
Dahan dahan siyang bumangon sa kama kasabay ng pag-alingawngaw naman ng isang malamyos ngunit gwapong tinig. Yup, she was probably dreaming. Kung hindi ay bakit nakakarinig siya ng anghel na umaawit?
Spend all your time waiting
for that second chance
for a break that would make it okay
there's always one reason
to feel not good enough
and it's hard at the end of the day
At dahil pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya, dire-diretso siyang lumabas ng kuwarto niya. She followed the sound of the angelic voice and ended up in front of one of the guest rooms.
in the arms of an angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you're in the arms of the angel
may you find some comfort here
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang pinakamaganda na yatang likod na nakita niya. The guy was still singing while delicately playing the organ in front of him. Ni hindi niya nakikita ang mukha nito ngunit bakit pakiramdam niya ay kilala niya ito?
Wari namang naramdaman nitong may ibang tao na sa kuwarto kaya naman tumigil na ito sa pagtugtog bago dahan dahan ding lumingon. At habang nakikilala niya ang lalaki ay lalo namang lumalalim ang kunot ng noo niya.
I am dreaming. Oh Lord, please make it a dream! Tili ng isip niya.
"Good Morning, Bansot." Nakangising sabi ng lalaking kaharap. No it was not a dream. It was probably a nightmare. "Nice hair."
And then she was screaming. This better be a nightmare! Just a nightmare!