webnovel

IKALABING-ANIM NA KABANATA

"Arghhh!!," malakas na sigaw na gumising kay Ethan. Napatayo siya agad habang kinukusot ang kaniyang mga mata.

Nang tuluyang magising siya ay nakita niya si Zyra na galit habang pinupunasan ang kaniyang damit.

"Anong nangyari bakit nagkaganiyan ka?" tanong ni Ethan na naistorbo sa kaniyang pagtulog.

"Ano pa ba sa tingin mo!?" galit na sabi ni Zyra, natisod pala ito sa isang bato kaya nadapa at nasakto sa isang hukay na puno ng putik. "Bakit ganito ang among ang baho."

"Malamang nasa kamalig tayo," common sense na sabi ni Ethan kasabay ng natatawang mukha.

Nang makita ni Zyra na tinatawanan siya ni Ethan at agad itong kumuha ng putik para ibato sa kaniya. Pero pa man niyan maibato ang putik ay biglang tumunog ang malaking pinto ng kamalig.

Parehong nagulat ang dalawa dahilan para mapatalon si Zyra kay Ethan. Akala nila ay babagsak na ang pinto pero nakita nila na binuksan lang nila 'yon. Nagulat naman sina Aling Lara at Raphael nang makita nila ang dalawa.

"Uy!" natatawang na parang kinikilig na sabi ni Raphael sa dalawa. "Anong nangyari bakit magkayakap kayo?"

"Huh!?" tanong ni Zyra at tumingin sa likod niya at nakitang nakayakap sa kaniya si Ethan kaya tinulak niya ito. "Natumba lang ako kaya tinulungan niya ako."

"Weh, baka palusot mo lang 'yan," sagot pa ni Raphael.

"Tumigil ka na nga di'yan," malapit nang mapikon si Zyra.

"Tama na 'yan," pagbawal sa kanila ng tita Lara nila. "Kayo namang dalawa pinakaba niyo kami kagabi nandito lang pala kayo."

"Natumba po yung puno di'yan kaya natrap kami dito sa loob," paliwanag naman ni Ethan sa kaniya.

Makalipas ang ilang oras...

Nakauwi na sila sa kubo at nakaligo na din si Zyra at nakapagpalit ng kaniyang damit. Pero paglabas niya sa banyo ay nagulat ang mga kasama niya sa suot niyang damit.

"Wala ka na bang damit ate?" biglang tanong ni Raphael, dahil nakasuot na lang ito ng damit pambukid na alam naman nila na ayaw na ayaw niyang sinusuot.

"Sa'kin damit 'yan ah," nagulat na sabi ni Ethan nang makita niya ang suot nito.

"Ako nagbigay sa kaniya, nanghiram kasi siya sa akin kaniya pero madumi na yung nasa kwarto," sagot ni Aling Lara.

"By the way, saan tayo magtatrabaho ngayon?" tanong niya.

"Panaginip ba 'to?" nagulat na sabi ni Raphael sa kaniyang ate. "Ikaw ba talaga yan ate, but it's sunday kaya walang trabaho meaning rest day."

At saka lang narealize ni Zyra na linggo nga pala ay tuwing linggo ay nagpapahinga lang. At yun ang pinakagusto niyang dati. Kaya naman malungkot siyang bumalik sa kwarto at nagpalit ng damit.

"Si ate ba talaga 'yon?" tanong ni Raphael dahil hindi siya sanay na ganon ang kaniyang ate. "Ano ba talagang nangyari doon sa barn?"

"Wala!" mabilis at maikling tugon ni Ethan.

"Dahil wala naman tayong gagawin gala na lang," biglang sabat ni Diego. Sinabi nito sa kanila na punta na lang sila sa talon para maligo. Noong mga bata pa sila ay madalas din silang maligo doon. Sakto din naman na aalisin sina Aling Lara para sa meeting sa sakahan kaya pumayag na din silang lahat.

Habang papunta sa falls...

"Oh my goodness!" sabi ni Zyra sa sarili niya nang makita niya ang dadaanan nilang tulay gawa lang ito sa tali ay mga tabla.

"Tara na!" sabi ni Diego, at sumunod naman agad ang lahat maliban na lang kay Zyra na ayaw tumapak sa tulay.

"Sure ba kayo na dito tayo dadaan?" sabi ni Zyra na kinakabahan na.

"Oo nga pala ate, takot ka nga sa heights," sabi ng kapatid niya habang nakatingin sa kaniya ng nakakaloko.

"Don't look at me like that," sigaw ni Zyra sa kapatid dahil alam na nito ang balak niya.

Bigla na lang siyang hinila nito at napapikit na lang si Zyra. At pagbukas niya ulit ng mga mata ay nakalipat na sila sa tulay.

"Ganon lang kadali ate natatakot ka pa!" sabi sa kaniya ni Raphael.

"Woah!! Meron pa lang ganitong lugar?" namanghang tanong ni Zyra nang makita niya ang falls.

"First time mo ba makakita niyan?" tanong ni Ethan na may natatawang tono ng boses.

"Yeah!" maikling sagot naman nito.

Napakalinaw ng bagsak ng tubig na mula sa bundok. At marami din ang mga taong naliligo doon. Agad na silang kumuha ng cottage para silungan nila habang nandoon

sila. Sina Ethan, Maria at Diego ay agad na ding tumalon sa tubig.

"Ano na talon na kayo!" pasigaw na aya ni Diego sa dalawa. At dahil ayaw nila ay hinila nila ang mga ito sa tubig.

"Woahh!" sigaw ng dalawa nang mabasa sila sa tubig. "Ang lamig naman ng tubig."

Dahil wala na silang nagawa ay winisikan na lang ni Zyra ng tubig ang mga kasama. Nang lumipas ang ilang minuto nang panglangoy nila ay naisipan ni Raphael na umakyat sila doon sa bato ay sabay-sabay silang tumalon.

Umahon agad sila at mabilis na umakyat sa taas na bato. Sinabi ni Raphael na pagbilang niya ng tatlo ay sabay na silang lahat na tatalon.

"3...2...1... talon!" sigaw ni Raphael, pagbagsak nila sa tubig at tawanan silang lahat ng malakas.

Umahon na muna si Diego at Ethan para ihawin ang mga dinala nilang pagkain. Habang ang iba nilang kasama ay naiwan pa din sa paliguan.

"Tignan mo kanina ayaw maligo, pero ngayon nag-eenjoy na sila," sabi ni Diego kay Ethan. "Hoy nakikinig ka ba sa akin?"

"Huh..!?" tanong naman ni Ethan na kanina ay nakatulala.

"Bakit ka ba kasi nakatulala diyan?" tanong pa muli ni Diego at napatingin kung saan ito nakatitig. "Baka matunaw naman yang tinitignan mo."

"A-anong...tini...titigan?" nauutal na tanong ni Ethan na obvious naman na alam ang sagot.

"'Wag ka ngang magkunwari diyan," sagot sa kaniya ni Diego. "Tara na magluto na tayo."

"Mabuti pa nga magluto na lang tayo," pagsangayon ni Ethan.

Pumunta na sila agad sa kanilang kubo at kinuha ang iluluto nila. Dahil isda at pusit ang dala nila ay naisip nila na ihawin na lang ang mga ito. Si Ethan na ang lumabas para magsindi ng uling habang si Diego ang naglinis sa mga lulutuin nila.