webnovel

CHAPTER 06

CHAPTER SIX

Hariette's POV

'~RING~ ~RING~ ~RING~ ~RING~ ~RING~ ~RING~'

Nagising ako nang mag-ring ang cellphone ko. Wala sana akong balak sagutin kaya lang nang makita ko kung sinong tumatawag ay sinagot ko na.

"Yes, ma?" inaantok pang sagot ko.

"Good morning, baby. Sorry, nagising ba kita?"

"Okay lang po. Mabuti nga't tumawag kayo. Nakakahiya naman kung tanghali na ako magising." totoo 'yon. Lalo na't hindi namin bahay 'to.

"Anyway, gusto ko lang kumustahin kayo diyan."

"We're fine naman po, ma. Natulog na agad kami no'ng nag text ako sa inyo. Kumusta kayo riyan ni ate Jenny?"

"We're good. Nami-miss lang kita, baby. Uwi ka agad ha."

"Opo. Sige na, ma. Maliligo na po muna ako. I love you."

"I love you too, baby. Take care." saka niya pinatay ang tawag.

Gaya ng sinabi ko ay bumangon na rin ako at naligo. Kaya naman pala hindi na kami pinagdala ni Dylan ng mga gamit kasi kompleto na ang gamit dito. May mga damit, underwears, toothbrush and iba't ibang personal hygienes na dito.

Tulog pa ang mga kaibigan ko pagkatapos kong maligo kaya lumabas muna ako ng kwarto at nagpasyang pumunta ng garden dala-dala ang kaha ng sigarilyo at lighter. May nakasalubong pa akong mga kasambahay na bumabati sa'kin kaya binati ko pabalik. Hindi talaga maipagkakailang mayaman sina Dylan, I mean sobrang yaman!

Hindi kagaya kagabi, sa may bench ako naupo. Ang garden kasi nila ay may fountain sa gitna na napapalibutan ng mga iba't ibang bulaklak na ngayon ko lang nakita. Malalim na kasi ang gabi no'ng nag-inuman kami kagabi kaya hindi ko masyadong klaro ang view. Ang malalaking pader ay napuno na nang mga climbing plants kaya nakaka-relax talaga dito. Meron ding mga bench sa gilid kaya doon ko naisipang maupo.

Nagsindi ako ng isang stick ng yosi at nag-isip-isip ulit. Kailangan ko na talagang kausapin si mama pagkauwi mamaya. Sana sagutin na niya ako ng diretso para hindi na ako lalong maguluhan.

"Hi. Good morning. " narinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses. Nilingon ko naman ito at nakita ang nakangiting may edad na lalaki ngunit halata pa rin ang kagandang lalaki nung kabataan nito.

"Good morning, po." nahihiyang bati ko pabalik sa tiyuhin ni Dylan. Siya 'yong nakita ko sa family picture nila na may kulay berdeng mata.

"You're one of Dylan's friends. You woke up so early." sabi niya pa. Lalo pa akong nahiya nang sulyapan niya ang hawak kong smokey. "And you're smoking." he added.

"I'm sorry, sir. I will just throw it away..." pertaining to my smokey. " And I'm sorry if I roamed around your house, sir. My friends are still sleeping and my feet brought me here." I answered shyly. Natawa naman siya animong libang na libang sa naging sagot ko.

"No problem." natatawa pa ring sabi niya. "I can roam you around if you want since your friends are still sleeping. Siguradong mamaya pa magigising ang mga 'yon at hating-gabi na kayo natulog kagabi." bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang magsalita siya ng tagalog na napansin din niya kaya mas lalo siyang natawa." You can call me tito. Mas nakakatandang pakinggan ang 'sir', hija." tumatawang dagdag niya pa.

"Okay po, tito-"

"Harry, call me tito Harry. I'm Dylan's uncle. " inabot niya ang kamay niya.

"Hariette Lei po, tito Harry." pakilala ko rin tsaka inabot ang kamay niya.

"Oh! Do you know that Hariette is the opposite name of Harry?" namamanghang tanong niya. Hindi ko alam 'yon.

"Talaga po? Ngayon ko lang din po nalaman." medyo nahihiya ko pang sagot.

"Anyway, mag-agahan muna tayo nang mailibot kita dito sa bahay. I will show you something after we eat." excited na ani Tito Harley. Medyo nahihiya pa rin ako pero dahil sa kabaitan ni tito Harry ay parang medyo nawala bigla.

Hindi ako palakibo sa ibang tao lalo na sa kakikilala ko pa lang pero sa kaniya ay ang gaan-gaan ng loob ko. 'Yung parang matagal na kaming magkakilala? Ganoon na gano' n ang feeling. Siguro dahil na rin sa ang bait niya sa'kin.

Nahihiya man ay sumunod din ako sa kaniya papasok sa loob na hindi ko inaasahang mas sobrang mamangha pa ako. Pagpasok kasi namin ay do'n ko lang nakita ang ganda ng buong mansion, palibhasa madilim kagabi. Pumasok kami sa dining area nila na ubod ng laki. May mga naka-unipormeng kasambahay na hinahanda ang agahan namin. May ham, pancakes, egg, tocino at marami pang iba na nakahanda na sa mahabang mesa.

Pinaghila niya ako ng upuan. Nakangiti pa rin. "Thank you, po."

"Feel at home, hija. Eat, eat." tumatangong sabi niya sabay inaalok ang mga pagkain. Tumango rin ako saka nag-umpisang kumain. Nakakahiya. 'Ba' t ba kasi angtagal gumising ng mga yun?'

"You know, when I saw you, you look familiar. Now I know why." sabi niya habang kumakain kami. Naningkit pa ang mga mata na para bang kinaklaro talaga niya ang mukha ko.

Parang alam ko na kung bakit sinabi niyang familiar. Maybe because of the picture upstair. In their wide hallway."Ngayon lang po tayo nagkita, tito." ani ko.

"Hindi tayo nagkita kagabi dahil sa dami ng mga bisita. I hope you and your friends are fine last night. Naasikaso ba kayo ni Dylan ng maayos?"

"We're fine naman, po. Thank you, po. Nag-enjoy po kami kagabi. Pasenya na po kung ang iingay ng mga kaibigan ko ha. Mga takas kasi yun eh" paumanhin ko kasi talagang ang ingay namin kagabi.

"No, it's okay. Nasa garden naman kayo kaya hindi rin namin kayo narinig." saka kami nagtuloy sa pagkain. Ang daldal ni tito Harry. Hindi ko hilig makipag-kwentuhan pero dahil sa kaniya nakapagsasalita ako. Hanggang natapos kaming kumain na panay si Tito Harry ang nag-k-kwento.

Ngayon ay paakyat na kami kasi may gusto nga siyang ipakita sa akin. Parang alam ko na kung ano 'yon. Ang kwarto na tinulugan namin kagabi ay sa kabilang side ng grand staircase nila. Doon daw kasi ang mga guess room para sa mga bisita. Dito sa side ay ang mga room ng buong pamilya.

Tumapat kami sa malaking picture ng mag-kambal. Kahit nakita ko na ito kagabi, hindi ko pa rin maiwasang mamangha at mabigla. Sino ba naman hindi kung parang sariling imahe mo ang makikita mo.

"That's why you look familiar." panimula ni tito Harry. "I thought I just saw you somewhere but its not. You look like my father's sister. His twin. She died after taking that picture." pagku-kwento niya. Nakatingin sa picture.

"Honestly po, nakita ko na po ito kagabi at nabigla rin po ako. Bakit ko siya kamukha? Sino ba siya? Tanong na hindi ko alam kung sino ang kailangan sumagot."

"Where's your parents by the way? I'm sorry if I ask too personal things. It's just that, I'm curious too.. Wala namn akong alam na may iba pang kapatid si Daddy."

"I'm also a Bridge po." nakita kong nagulat siya. "But I don't know who my father is."

"I-I'm sorry 'bout that. You mean, you don't know who is your father but you use his last name? How is that?" nakita kong may lungkot sa mga mata niya.

"Palagi kong tinatanong si mama kung anong pangalan ng papa ko. Sinasagot na niya malalaman ko rin pagdating ng tamang panahon. Hindi sa pinag-iisipan ko ng masama si mama pero bakit niya pinagdadamot sa'kin ang tungkol sa papa ko?"

"Maybe she has a reason. What is your mother's name? Baka kilala ko ang mama mo."

"Erina Martinez, po." nabigla siya. Parang kilala niya si mama. "Pero kasal po sila ni papa kaya dala-dala rin niya ang apilyedo ni papa." hindi ko pinahalatang napansin ko ang pagkabigla niya.

"I..." tumingin siya sa mga mata ko. "Know your mom." pagpapatuloy niya. "May I know how is she? How are you? Will you give me your address? If it's okay..." tuloy-tuloy na tanong niya.

"Well... As you can see, tito, we're fine. Of course yes, I will give you our address . Seems like you're close to my mother." natigilan siya.

'Are you my father? Please tell me you are.' gustong-gusto kong sabihin pero ang hirap isatinig.

"Yeah. We're close back then. But it's not my story to tell. I don't know if I have the right to tell you. You should ask your mom." so kilala nga niya si mama. Napabuntong hininga nalng ako.

"Sas--" nag-ring ang cellphone ko.

"Go ahead. 'Yan lang naman ang gusto kong ipakita sa' yo. I hope to see you again soon, Hariette." nakangiti na ulit si tito.

Tumango ako. "Sasagutin ko po muna si mama." naglakad na kami papunta sa may hagdanan.

"Hello, baby. How are you? I miss you na, anak. Go home na, please." hindi talaga makatagal si mama ng wala ako sa bahay.

"I miss you too, ma. Hihintayin ko lang po magising sina Angel, ma tapos uuwi rin kami agad."

"Okay, baby. Take care. Anong gusto mong kainin?" natuwa ako sa tanong niya. Nami-miss talaga niya ko. 'Hihi'

"Hmm... Buttered chicken, ma. Alam mo naman paborito ko lahat basta luto mo." masarap kasi talaga magluto ang mama ko. Kaya nga palaging pumupunta sa bahay ang mga bruha.

"Suss. Bolera mo, baby. Sige na at maghahanda na ako. Isama mo na rin mga kaibigan mo dito para dito na sila mag-dinner." natatawang ani mama.

"Totoo naman po, ma. Hindi kita binobola." nang tingnan ko si tito Harry ay tumatawa siya ng mahina.

"Oo na. O, sige na, baby. Bilisan mo ng umuwi. I love you."

"I love you too, ma." saka pinatay ang tawag.

"You really do love you mother." komento agad ni tito Harry.

"Oo naman po. Kami lang naman kasing dalawa." napayuko siya.

"I'm sorry." malungkot na paumanhin niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. "I mean, I'm sorry to asked that." bawi niya agad.

"Wala po sa'kin yun."

"O siya, baka gising na 'yong mga kaibigan mo. Napataas yata ang kwentuhan natin."

"Oo nga po e. Salamat po. Nice to meet you, tito Harry." nakangiti na ako sa kaniya. Ewan ko ba, sobrang bait lang siguro siya kaya napahaba ang pag-uusap namin. O nahihiya lang siguro ako. Kung ibang tao lang kasi ang kausap ko, malamang hindi aabot ng isang minuto.

Hinatid niya ako sa kabilang hagdanan bago siya bumaba. Tuloy-tuloy lang hanggang sa nakapasok na ako sa kwarto. Nagbihis ako ng maong short at white v-neck shirt. Paglabas ko sa banyo. 'Tulog pa ang mga gaga. Ma-gising nga. Mabuti soundproof itong kwarto. Hihi." Hinanda ko na ang cellphone ni Angel at nilakasan ang volume at kinonek sa speaker. May wifi naman dito sa buong bahay. Auto-connect na kasi kaya nakita ko kanina'ng connected na pala ang phone ko. Sinet ko rin ang phone ko for a video record. Nilagay ko sa tabi na hindi nila makikita. And start!

' WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW!! WEEE-OWWW!!! WEEE-OWWW! WEEE-OWWW!!!' (A/N' wag kayong ano, tunog ng fire truck 'yan😅)

"OH MY GOD! SUNOOOGGGG!! SUNOOOGGGGG!!! GISINGGGG!! MAY SUNOOOOGGGGG!!!" malakas na sigaw ko.

"WAAAAHHHH!!!!" Nakita ko si Angel na bumangon bigla habang sumisigaw saka nagtatakbo paikot sa loob ng kwarto. Buti nasa gilid ako nakatayo. Si Charlisa at Sandie ay tumayo at biglang nagyakapan saka tumakbo sa banyo.

Si Zally naman ay nahulog pa sa kama bago sumunod kina Charlisa. Tawa lang ako nang tawa lalo na nung makita ko si Zally may dala-dalang anirola. Si Sandie at Charlisa ay tulong-tulong na binuhat ang batya. Napalakas pa ang tawa ko ng makitang wala 'yung laman na tubig.

"Sunog! Saan ang sunod?!" Zally.

"Bilisan mo, gurl! Oh my god! Sunogggg!" Sandie na feel na feel na nakahawak sa batya.

"Heto na! Heto na!" Charlisa na mas lalong nataranta.

"BWAHAHA!! BWAHAHA!! BWAHAHA!! BWAHAHA!!"

😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂 😂 😂 😂 😂

"BWAHAHA!! BWAHAHA!"tawa pa rin ako nang tawa hanggang sa... "HAAA... HAA...HA..."pahina nang pahina ang boses ko kasi bukod sa hiningal ako kakatawa, nakatingin silang apat sa akin!

'Oh noes!' NOES talaga kasi apat sila. Nanganganib na ako!!

" Hehehe." nakangiti akong tumingin sa kanila. "Good morning, gurls." naka-peace sign pa 'yan✌️😅. 'Sana umobra'

"Tuwang-tuwa ka ah." si Sandie habang papalapit sa akin. Si Charlisa na lang ngayon ang may hawak ng batya na dahan-dahan niyang ibinaba. Gano'n din si Zally. Si Angel nakahawak sa dibdib ngunit nakakunot noo'ng tumingin sa akin.

Lumapit sina Zally at Charlisa sa'kin."'Shett!' "Anong gagawin niyo? Joke lang yun, gurls." kinakabahang sabi ko.

"Akala mo ba natutuwa kami sa joke mo?" si Angel na may kinukuha sa pouch niya. Parang alam ko na ang punishment ko ah.

"Ang tagal niyo naman kasing gumising. Hehe." biro ko. Pero hinawakan na ako nina Zally sa magkabilang kamay. "O-o-oy, joke lang sabi. Uwi na tayo."

"Kakaliskisan ka lang naman namin. Diba, gurls? And surely, magugustuhan mo ang master piece namin." malambing na sabi ni Angel na may hawak na fountain pen.

"May naisip na akong design! " Si Sandie habang pinapatay ang tunog fire truck alarm sa phone ko.

"Simulan niyo na. Ang ganda pa naman sana ng panaginip ko tapos binulabog lang ne'to" itinuro niya pa ako kaya napanguso na lang ako.

"Bati na tayo, gurls. Joke lang namin kasi 'yon. Tumawag kasi si mama eh. Doon daw kayo mag-dinner." pang-uuto ko.

Kaya lang, dahil ambabait ng mga kaibigan ko, hindi nila ako tinigilan. Dinaganan ako ni Charlisa para hindi ako makagalaw. Si Zally naman nakahawak sa dalawang kamay ko. Si Angel at Sandie salitan sa pagsusulat ng kung anu-ano sa katawan ko.

"WAHHHH! MAMA! STOP NA! WALA KAYONG MGA PUSO!! HUWAG SA LEEG!!!"

"' WAG D'YAN! MAY KILITI AKO D'YAN!! MAMAAAAAA!! HELPPP!! TULONGGG!!! HINDI KO NA KAYO BATI!! STOP NA PLEASEEEEE!!"

Hanggang matapos na. Nanghina talaga ako kakasigaw. Sila rin ay isa-isang nagbihis. Tiningnan ko ang kamay ko na puro sulat na walang ink. Ilang minuto pa.

I love you, Lei. I love you, tita Erin! Gaga to da max! It's been a year! Happy writing!

Ilan lang 'yan sa nabasa ko sa buong katawan ko. May pa-heart pa. May flower pa. Mga peste! Nakasimangot tuloy ako hanggang sa matapos sila. Lumabas na rin kami ng kwarto. Nakakunot pa rin ang noo ko.

"Sorry na, kasalanan mo naman kaya ka nagkaganyan eh." Si Angel. Hindi na kasi ako umiimik. Nakasalubong namin ang mga lalaki na parang papunta sa kwarto namin. Nakangiti silang lumapit pero hindi ko sila pinapansin.

"Forgive us na, gurl. It's your fault naman diba? Mawawala rin naman 'yan mamaya." si Sandie na angkla sa mga braso ko. Natatawa naman kaming pinanood nila Blaze, Kendrick, Gavin at Dylan. Si Harley ay parang hindi makatingin sa akin ng maayos. Inirapan ko silang lahat at tinanggal ang kamay ni Sandie saka nagpaumunang maglakad.

Nakarinig naman agad ako ng mga yabag na nagmamadali. Pagtingin ko sa ay nasa harap ko na si Harley at Blaze.

"What happen to your..." si Harley. Nakahawak pa sa magkabilang balikat ko. "Skin?" patuloy niya. Inalis ko ang mga kamay niya saka bumaba ng hagdanan.

Nung nasa sala na kami ay ako ang unang nakita ni tito Harry na naka-pandekwatrong pambabae sa sofa. Tumayo siya at lumapit sa akin nang makita akong nakasimangot.

"What happen, Hariette? What are these?" inikutan niya pa ako at tiningnan ang buong katawan ko saka natawa. Pati na rin ang mga kaibigan ko ay malakas na tumawa.

"'I love you, Lei. We love you. I love you, tita Erin. It's been a year what?'" tumatawang basa ni Blaze.

"Its been a year na ginawa ulit namin sa kaniya 'yan. Well, it's her fault though." si Zally. Napanguso na naman tuloy ako. Kasalanan ko naman talaga. Kaya lang may iba kasing nakakita.

"Tito, pinagtulungan nila ako." pagsusumbong ko kay tito Harry. Tumawa naman sila.

"Why did you do that? Come here, baby. We'll eat lunch later." lumapit naman ako sa kaniya. Nag-make face pa ako sa mga kaibigan ko kaya natawa sila. Lumabas muna kami sa garden nila kasi nagluluto pa ang kasam-bahay nila. "I'm Harry. Just call me tito Harry. I'm Dylan's uncle." pagpapakilala niya sa mga kaibigan ko na nagpakilala rin pabalik.

"Ano ba kasing ginawa niyo? Ba't nagka ganyan katawan niya?" tanong ni Blaze. Kinuwento naman ng mga bruha at sabay-sabay pa silang sinamaan ako ng tingin. Panay tawa naman ng mga lalaki pati si tito Harry.

"Grabe! Nagawa mo 'yon, Lei? Akala ko tahi-tahimik ka lang eh." tumatawa pa si Blaze niyan.

"Hindi ko akalain na may ganiyan ka palang ugali, Lei." si Gavin.

"Sana ni-record mo para makita namin ang reaction nila. Si Kendrick. Napatawa naman ako ng mahina at may kinalikot sa phone ko. Sinend ko sa group chat naming magkakaibigan ang video. Sabay pang tumunog ang cellphone nila.

"No no no no no! It's not what I think right? Right, Lei?" si Angel. Nagbabakasali.

"It is what you think it is HAHA HAHA HAHA!"

"Noooo! Why are you so bad? Ang epic ko kanina for sure."

"Epic nga HAHA HAHA." tumawa ako nang na play ko ang video.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Si Zally may dalang arinola haha"

"Where's the water Sands and Charls?"

"Si Angel parang si Sisa na hinahanap sina Basilio"

"Ang cute ni Lei 'pag tumatawa" si Harley. "Anong nangyayari? Anong kinuha mo, Angel?" tanong niya.

' Oh my! Hindi ko pala naputol ang video!!'

"Fountain pen! 'Yan ang ginamit niyo sa katawan ni Lei. Cooooool! " si Dylan. Anong cool dun? May saltik din.

"Ang cool nga. Parang writing pad lang haha." si Blaze saka tumawa. "Pasulat din ako, Lei." pesteeee!

"It's like your skin, tito." napatingin naman ako sa kaniya na nakaturo kay tito Harry. "It's called Dermatophobia or skin writing disorder. I used to wrote tito Harry's skin when I was a little. Diba, tito?" nawala ang ngiti ko at napaisip na naman ulit. 'Ba't ba andami naming pagkakapareha? '

"Yes. We're same ,Hariette." tumango lang ako. Sakto naman tumawag si mama. Tumingin muna ako sa kanila bago sinagot ang phone ko.

"Yes, ma?"

"What time kayo uuwi, baby?"

"Mamayang 3pm po, ma. Dito daw kami kakain ng lunch."

"Sige. Basta isama mo ang mga friends mo ha."

"Ay, ma! Hindi daw sila makakapunta. Di-diretso daw sila ng uwi eh." napatingin silang lahat sa akin,including my friends na napasimangot.

"Pilitin mo, baby. Magluluto ako ng madami mamaya. And I want to meet your new friends."

"Talaga, ma? Magluluto ka ng rice cake? Tsaka 'yong buttered chicken. Oh! Buko salad din? Wow! Caldereta at menudo pa. Choco moist icing din? Kaya lang hindi sila makakapunta eh. Ayaw magpapilit, ma." umasta pa akong nalungkot kaya lalong sumimangot ang mga kaibigan ko.

"You're tripping your friends again, aren't you? You're so bad, baby." natawa pa siya.

"No, ma. They are bad." nakikinig lang silang lahat sa'min kahit hindi naman nila naririnig si mama.

"Parang alam ko na 'yan haha. I' ll prepare everthing after lunch, baby, para ready na pagdating niyo."

"Okay po, ma.' Wag ka na mag-abala ha. Busy'ng-busy daw sila kasi." napanguso naman ang magagaling kong kaibigan. Buti nga sa kanila.

"Haha ang bad mo, baby. Bye na. I love you."

"I love you too, ma. Bye."

"Anong nangyari sa inyo?" natatawang tanong ko. Sumimangot sila lalo. Si Angel parang naiiyak na.

"Sorry na, gurl. Bati na tayo." si Zally.

"No!"

"Lei naman eeeeehhhh. Nami-miss na namin luto ni tita." si Angel.

"Tingnan niyo katawan ko. Hindi pa nga nawala 'to eh. Para akong walking pad."

"Ang ganda kaya. May heart pa nga eh hihi." inosente'ng sabi ni Charlisa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Natawa ang mga lalaki kaya pati sila tinaasan ko ng kilay.

"Oo na! Suss kung 'di lang talaga kayo pinapunta ni mama."

"Sorry na nga eh." si Sandie.

"Tatawagin ko na lang kayo kapag tapos nang magluto para makauwi na rin kayo." pumasok na ulit sa loob si tito Harry.

Nilabas ko ulit ang smokey at lighter ko. Kumuha naman si Zally at Sandie. Lumapit din si Harley, Kendrick at Gavin kaya inabot ko na lang sa kanila.

"Sorry for last night, Lei." Si Harley.

"Okay lang. Alam ko namang lasing ka lang eh." sabi ko.

Tumingin siya sa'kin at bumuntong hininga ng malalim. "I mean what I said, Lei." napakunot ang noo ko.

"Shut it, Harley." napairap ako. "Kakakilala pa nga lang natin."

"I like you." sabi niya. Nasa malayo ang mga kaibigan namin pareho nagtitingin sa garden kaya kami lang ang naiwan sa bench.

"Enough." diing sabi ko.

"No. Whether you like it or not, I like you and will still like you. And I don't want to stop this feeling. So don't try to push me away 'cause I will still stick with you. I tried to stop it but it's no use."

"Nahihibang ka na." nabibiglang sabi ko. Hindi ko matanggap ang sinabi niya kasi kailan lang naman kami nagkakilala.

"You don't care. I still like you." sabi niya. "And I will never stop this feeling even if it keeps me drowning." pinal na sabi niya saka tumayo.

' I will never stop this feeling even if it keeps me drowning

' I will never stop this feeling even if it keeps me drowning'

(💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓)

'Anyareee?! Ba' t ang lakas ng pintig ng puso ko?'

***