webnovel

Extraordinary Kiss

A simple and ordinary girl who never noticed by everyone. Her existence is full of lies because of her untold memories. Until one day, everything change. A childish and a psycho, he always shows his blank expression face and his mysterious aura, but he is a goddamn't good looking guy. His existence is full of questions and mystery. A vampire hunter whose mission to guard her until death. Falling in love is a forbidden that he can't avoided. A cold blooded vampire, living decades with immortality and power, he hates human because of what happened in his past life.

DeojPage · Fantasi
Peringkat tidak cukup
27 Chs

HUG AND THE PLEASURE

SOMEONE point of view

Sa isang club, madilim ang paligid, kaunting ilaw lang ang makikita sa loob, amoy alak at sigarilyo ang buong lugar. Sari-saring mga tao ang makikita sa center stage na sumasayaw at umiindak, mala babae o lalaki na sumasabay sa wild music na tumutunog ng malakas. Lahat sila ay masayang masaya, iyong iba umiinom magisa o grupo.

Sa isang executive room, may walong lalaki na nakaupo, may mga alak at masasarap na pagkain na nakahanda sa lamesa na nasa harap nilang lahat. Iyong iba kumakain at ang iba naman ay umiinom.

"Is this the first time, you failed with your task???...." paninimula ng isa sakanila. Pasimple lang siya nakaupo at umiinom ng alak.

"He never failed...." singit naman ng isa na kumakain ng pizza. May hawak siyang isang family size box ng pizza, mukhang ayaw niya mamigay sa mga kasama niya.

"Yeah!....FAILED, a single word that never exist to his own dictionary...." dagdag ng isa at kumuha rin ng isang pizza doon sa family size box na hawak-hawak ng pangalawang lalaki na nagsalita. Hindi na nakaangal ang isa sa ginawa niya sa halip tinignan lang siya nito ng masama.

"Maybe it was not his lucky day???...." dagdag naman ng isa sabay tungga ng hard beer na kanina pa niya iniinom.

"Oh!? Do you really believe with that???...." mapang-asar na tono na saad naman ng isa doon sa lalaking tumutungga ng alak kanina pa.

"Come on....don't tease him...." pagsusuway naman ng isa sakanila, na nakasandal lang at may hawak na microphone. Halatang gusto niya kumanta. Tumayo siya at hinanap ang remote control ng ni-rent nilang videoke machine.

"Do you need help???...." sabi naman ng isa na kanina pa tahimik kasi busy sa pagkain ng kanyang paboritong FRIED CHICKEN.

"No....I can do and finish it alone...." seryosong saad naman ng pinakahuling lalaki, sumandal siya at napapikit, he feel tired. "That girl....she loves to meddle with other else business....she should stop, if she still want to live, but.....something strange with her....I can't see her lifespan...." dagdag pa niya na ikinatigil ng kanyang kayang gawain ng pitong lalaki at sabay na napatingin sakanya.

"I remember.....I meet someone like her before....." habol niyang sabi.

Loki Dan point of view

Nasa mansion na kami, wala parin malay ang batang lalaki pero pinaasikaso ko sa mga tauhan ko ang bata. Sa sobrang pagod at pagaalala, nakatulog si Sera sa sasakyan, binuhat ko naman siya, nagmumukha tuloy kami bagong kasal. Napailing ako sa kakaibing idea na naisip ko. Kung ano ano iniisip mo Loki!

Habang naglalakad patungo sa kwarto ni Sera, hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang tingin ni Azrael sa akin. Oo nga pala, kasama namin ang childish na ito at kanina pa buntot ng buntot.

Napahinto ako sa tapat ng pintoan ng kwarto ni Sera, hawak ko na ang door knob ng pinto at tumingin kay Azrael, "wala ka ba balak umuwi???....You don't have left business here...." pagtataboy ko sakanya. Alam ko napaka-hard ko para itaboy siya paalis pagkatapos niya ko tulongan na mahanap si Sera. Pero ano magagawa ko?? Ganitong tipong tao na ko, at sa totoosin hindi ko alam kung dapat ko pa ba tawagin na tao ang sarili ko.

"Heartless.....idiot...." bulong niya pero parang hindi bulong kasi mukhang sinandya niya na iparinig saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Later.....parang hindi tayo magkaibigan, tinataboy muna agad ako, ngayon lang ulit ako nakapunta dito sa mansion ni ARES....TAKE NOTE!! MANSION NI ARES.....and not your's....." sabi niya habang binibigyan ng diin ang salitang mansion ni Ares at hindi saakin. Tsss....childish vampire.

"Stay here....no need to come inside...." sabi ko nalang sabay pihit ng door knob at pumasok sa loob ng kwarto ni Sera.

Lumapit ako sa queen size bed at maingat na pinahiga si Sera sa kama, dahan dahan ko rin tinanggal ang suot niyang sapatos. Ayoko siya magising, she need rest, alam ko sobra siya napagod dahil sa mga nangyari sa araw na ito. Pagkatapos ay kinumutan ko siya, napansin ko na gumalaw siya saglit at hindi sinasadya na yakapin ang braso ko. Nabigla ako, ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

Napatingin ako sa maganda niyang mukha, napabuntong hininga ako at umupo ng dahan dahan sa gilid ng kama niya. Hindi ko matanggal ang paningin sa mukha niya, sobrang ganda niya talaga. Umangat ang kabila kong kamay at hindi ko napigilan na haplosin ang kulay pinkish at maganda niyang pisngi. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko ng mapatitig ako sa mapula niyang labi, she has a face of a goddess. She have long eye lashes, pointed nose, pinkish cheek, and red lips.

The first time I saw her, alam ko sa sarili ko at aaminin ko na na-love at first sight ako sakanya. Pero pilit ko tinatanggi iyon, pilit ko binabalewala ang nararamdaman. Hanggang kailan ko kaya mapipigilan ang nararamdaman?? Hanggang kailan ako tatahimik? Hanggang kailan???

Muli ako napabuntong hininga. Hindi matutuwa si Ares pagmalaman niya ang feelings ko para kay Sera. Falling in love is forbidden. That was the rule.

"I can't blame Azrael.....to felt the same feeling....." bulong ko.

Sera Shinto Bia point of view

Nakapikit parin ang mga mata ko, inaantok parin ako, parang ayaw ko na magising sa pagkakatulog at pakiramdam ko nakahiga ako sa sarili kong kama, iyong mabangong amoy na galing sa kama ko naamoy ko, pati kung gaano kalambot iyong kama ko ganoon rin kalambot iyong hinihigaan ko. Kaya hindi ako maaari na magkamali na nasa kwarto ko, ako ngayon.

Habang nakahiga hindi ko maiwasan mapagalawa, hinahanap ko iyong teddy bear ko na parati ko niyayakap sa tuwing natutulog ako, may kakaibang amoy rin ako naamoy, perfume??? Pamilyar saakin ang amoy pero hindi ko maalala kung saan ko naamoy iyong ganoong amoy ng perfume. Baka may bagong inilagay na pampa-bango si Loki sa kwarto ko? Pero bakit ganoon ang amoy?? May pagkamatapang ang amoy at hindi pangbabae.

Pero kung ano man ang naamoy ko hinayaan ko nalang. Muli ko kinakapa ang higaan kasi nakapikit parin ang mga mata ko, parang ayaw ko na talaga imulat pa ang mga mata ko. Hanggang sa may mahawakan ako, matigas na malambot, hindi ko maintindihan kung ano iyong nahawakan ko. Kinapa ko pa, para matukoy ko kung ano iyon, matigas....malambot....mahaba....

Hanggang sa may narinig ako umungol. Huh??? Anong klaseng ungol iyon?? Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong klase ng ungol.

Pero agad na napadilat ang mga mata ko ng marealize na hindi lang ako nagiisa na nakahiga sa kama ko. Kasi kung may umungol ibig sabihin may kasama ako ibang tao.

Napabangon ako sa pagkakahiga at tama nga ako may kasama ako ibang tao sa higaan ko, hindi ko na napigilan pa na mapasigaw sa gulat.

"AAAAAHHHHHHHHHHH!!!!....."

Azrael point of view

May biglang sumigaw ng malakas, ang sakit sa tenga ng tili ng kung sino mapangahas na sirain ang pagtulog ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Wet dreams, huwag niyo na alamin ang buong detalye ng panaginip ko kasi nasira na ang mood ko dahil sa tumitili. May sunog ba?? Makabasag pinggan ang tili niya, nakakairita, sobrang sakit sa tenga kaya napilitan ako bumangon sa pagkakahiga. Pero nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung nasaan ako.

"Shit!!! The f*ck!!!????....." mura ko sabay mabilis na lumapit kay Sera at tinakpan ang bibig niya para mapatigil siya sa pagtitili.

"Ssshhh!!!!...Sera, will you please shut up??!!!!....." pakiusap ko sakanya.

Napatigil siya at gulat na napatingin saakin. Ng maramdaman ko na kalmado na siya, dahan dahan ko tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya, "tsss.....sorry.....wala ako masamang motibo...." pagsisimula ko, napatigil ako saglit sa pagsasalita at nagisip ng magandang explaination.

"I'm just here yesterday night....pumasok ako sa kwarto mo without permission, I know mali iyon!!....but I'm just.....want to know.....if your ok....." may gusto pa sana ako sabihin pero napatigil ako ng makita ko siyang ngumiti.

"Ok lang Azrael.....I know....." sabi niya, hindi parin nawawala ang ngiti niya sa labi. "Masaya ako kasi.....may concern ka saakin....." dagdag pa niya.

Bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto niya ng tatlong beses.

KNOCK.....KNOCK.....KNOCK.....

"Sera???....are you awake??....Somehow, parang I heard you...." boses ni Loki, mukhang siya iyong kumatok. Nasa labas siya ng kwarto ni Sera.

Bigla ako nataranta, pag nalaman ni Loki na nandito ako, sigurado ako na hindi na niya ko sasantohin pa ulit sa pagkakataon na ito. Shit!! Napatayo ako sa higaan at paikot ikot sa loob ng kwarto ni Sera, naghahanap ako ng pwede ko mataguan.

"I'm fine, Loki.....sorry, may nakita kasi ako cute na pusa kaya napasigaw ako sa sobrang tuwa...." sabi ni Sera kaya napatingin ako sakanya at nawala bigla ang pagkataranta ko. Teka?! Did she call me cute?? Cat??? What the hell? Kailan pa ko naging cute na pusa?? Mas cute pa ko sa pusa. GWAPONG PUSA pwede pa sana.

"Ok.....magready kana, I know gusto mong sumama, we need to bring the little kid to his mom...." sabi ni Loki at narinig ko ang footsteps niya palayo sa kwarto ni Sera.

"What a lame excuse, Sera??...." mapang-asar na sabi ko sakanya. Wala eh nakakaasar iyong ngiti niya hindi parin mawala. I think she's enjoying teasing me right now.

"Akala ko pa naman ang sasabihin mo THANK YOU???...." nagtatampong saad niya.

"Tsss.....fine.....Thank you....." sabi ko sabay napaupo doon sa upuan malapit sa desk niya.

Tumayo siya sa higaan, "magreready lang ako Azrael.....sama ka saamin ha??...." sabi niya at napatango nalang ako. Naiintindihan ko kung ano gusto niya ipahiwatig. Pagkatapos ko tumango, nakita ko siya pumasok sa isa pang kwarto na nasa loob ng kwarto niya.

Napaisip ako at inaalala ang nangyari kagabi.

FLASHBACK OF YESTERDAY NIGHT

Naghihintay lang ako sa labas ng kwarto ni Sera, nasa loob si Loki at talagang ayaw niya ko papasokin sa loob. What a selfish vampire hunter?? Hindi ko maiwasan magalala ng husto kay Sera. Napaupo ako sa sahig ng hallway. Gusto ko pumasok sa loob, gusto ko makita si Sera.

Halos isang oras na hindi parin lumalabas si Loki. Baka may ginawa ng kalokohan ang idiot na iyon kay Sera. Napailing ako sa idea na pumasok sa isip ko. "Tsss.....I know....he's an idiot but he will never did stupid against Sera...." bulong ko sa sarili.

Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Sera. Nakita ko si Loki na bumaba ang tingin at tumingin saakin, "still here??....mukhang wala ka balak umuwi...." sarkastik niyang sabi saakin. Ngumisi lang ako.

Tumalikod siya at narinig ko na napabuntong hininga siya, "I'm going to rest.....hopefully, she's fine....you can stay with any guest room at 3rd floor...." huli niyang sabi at iniwan ako.

Napatayo ako sa pagkakaupo sa sahig. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Sera, nagtaka ako ng makita kong hindi naisara ni Loki ng maayos ang pinto, kaya lumapit ako at hinawakan ang door knob para sana isara ang pinto. Pero napatigil ako sa balak na isara ang pinto ng dumako ang mga mata ko sa loob, nakita ko si Sera na nakahiga sa kama niya at mukhang mahimbing na natutulog.

Hindi ko na napigilan na pumasok sa loob, dahan dahan na isinara ko ang pinto ng kwarto ng makapasok ako sa loob. Lumapit ako sakanya, at agad na napatitig ako sa maganda niyang mukha. I don't want to admit this....but she's really a goddess. She's a godamn't beautiful. She has long eye lashes, pointed nose, pinkish cheek and red lips. Napalunok ako ng maalala ko iyong araw na hinalikan ko siya, napatulala na naman ako sa mapupula niyang labi.

Umangat ang isa kong kamay para sana haplosin ang pisngi niya pero napatigil ako. Ano bang ginagawa ko??? Napabuntong hininga ako. I'm not like this before.

Napaupo ako sa gilid ng kama niya, gusto ko nalang siya tignan ulit, kahit 5 minutes lang, o kaya 10 minutes, no....I mean....just for only 30 minutes.

Pero nagulat ako ng bigla siya gumalaw at kahit tulog siya nagawa niya ko hilahin palapit sakanya, napasobsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Agad na namula ang buong mukha ko pati ang tenga ko ng marealize ko kung ano hitsura ng pwesto naming dalawa. Yakap yakap niya ang ulo ko, nakasobsob ang mukha ko sa dibdib niya kaya ramdam na ramdam ko ang malambot niyang hinaharap, amoy na amoy ko rin ang mabango niyang pabango. Kahit pawis siya, hindi siya mabaho o amoy pawis sa halip sobrang mabango siya.

Sa ganoong sitwasyon, hindi ko na napigilan ang sarili na tumugon sa mahigpit niyang yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. I push my self harder to her kaya mas lalong nagdikit ang balat ko sa mainit niyang balat. Somehow, I feel strange....I feel HOT. Yeah!! Nangiinit ang buo kong katawan and I felt like my blood are boiling to the highest point.

"SERA....." mahinang sambit ko sa kabila ng kakaibang init na nararamdaman. Hanggang sa nakatulog nalang ako habang yakap yakap siya.

Guys!!! Gusto ko talaga mabasa ang mga comment niyo here. Please comment and vote. Thank you so much for reading ❤️

DeojPagecreators' thoughts