webnovel

Extraordinary Kiss

A simple and ordinary girl who never noticed by everyone. Her existence is full of lies because of her untold memories. Until one day, everything change. A childish and a psycho, he always shows his blank expression face and his mysterious aura, but he is a goddamn't good looking guy. His existence is full of questions and mystery. A vampire hunter whose mission to guard her until death. Falling in love is a forbidden that he can't avoided. A cold blooded vampire, living decades with immortality and power, he hates human because of what happened in his past life.

DeojPage · Fantasi
Peringkat tidak cukup
27 Chs

ENEMIES AND FRIENDS

Loki Dan point of view

"Yeah....I know Sera very well...." Ares said.

Napatingin ako sakanya, pilit ko binabasa ang mga iniisip niya at pilit ko rin inaalam ang mga bagay na tinatago at gagawin pa lang niya. He is full of mysteries, since the day I meet him ganoon na talaga siya. Sometimes, kahit hindi ko aminin sa sarili ko pero alam ko naiirita ako sa kung ano klaseng tipong tao siya, wait...let's correct it, tao ba talaga siya?? That's the big question to me na noon pa man hindi ko parin malaman ang sagot.

We are both enemies and friends. I hate Azrael because he was born to be a vampire while me born to be a vampire hunter and he....that asshole is born nothing but just a big time asshole. But even we are born in different life and purposes we still choice to be like this. Human called this thing, FRIENDS

"Nevermind...I don't care kung kilala mo siya...." Azrael said sabay lingon saakin, "you seem not worry at all??....or everything is just an act???...kanina lang halos patayin mo na ko ng dahil lang sa batang babae na iyon and now...you act as there's nothing happen...." seryosong tanong niya saakin. Alam ko nagtataka siya, kahit naman ako nagtataka at curious sa mga nangyayari. Most of all i want to know everything.

Nilapitan siya ni Ares at inakbayan, "let's have some fun, namiss ko kayong dalawa, isang taon ako nawala why spent this night with beautiful ladies..." nakangiti niyang sabi. Teka?! Tama ba iyong narinig ko o nabibingi lang ako??

"What??...Ares?? Bigla ata ako nabingi sa sinabi mo...SPENT THE NIGHT WITH BEAUTIFUL LADIES???!!!..." lumalaki ang mga mata ni Azrael sa sobrang gulat at pagtataka. Tumawa lang siya at napakamot ng batok.

"HAHAHAHA!!!...wrong timing kasi...gusto ko pa matulog, I still need more rest...."

"You can rest in the mansion Ares, no need to go in the club..." sabi ko sabay hila sakanya palabas ng mansion ni Azrael.

Nasa labas na kami ng bigla siya hilahin ni Azrael, sumunod pala ang vampira na ito saamin. Not again Azrael, trouble na naman.

"Hey!!! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Ares? He said he want to spent the night with...." sabat niya saakin pero hindi ko na siya pinatapos pa, hinila ko ulit si Ares. Ano ba ito maghihilaan nalang ba talaga kami??

"Idiot!...huwag mo idamay si Ares sa kalaswaan na ginagawa mo tuwing gabi!!..." inis na baling ko sakanya.

"Hey!! Ikaw iyong idiot dito!!....si Ares na mismo nagsabi na gusto niya may makasamang babae!!..." inis na baling rin niya saakin.

Sa sobrang inis ko tumingin ako kay Ares he has this look na parang walang problema sa mundo. Nakangiti lang siya dahilan para mas lalo ako mairita sa kanya. "What a face Ares??...iyan nalang ba talaga kaya mo gawin ang NGUMITI???...Bakit kasi kailangan mo pa sabihin na gusto mo ng..." napahinto ako saglit at nagisip ng magandang term na pwede itawag doon, what the hell??? Bakit kailangan ko pa iconsider iyon? "Nevermind...Let's stop this nonsense conversation and I WANT YOU TO COME WITH ME!!! ASSHOLE!!! PERIOD!!!..." binigyan ko talaga ng diin iyong mga salitang sinabi ko para ipakita sakanila na hindi na ko natutuwa.

At hindi naman nasayang iyong ginawa ko kasi pareho lang sila natulala at natahimik habang nakatingin saakin. Huminga ako ng malalim. At binuksan ang pinto ng sasakyan ko na nakaparada pa kanina pa sa labas ng mansion ni Azrael, sa passenger seat ko pinaupo si Ares, akala ko aangal pa siya pero mabuti nalang tahimik lang siya pumasok sa loob. Pagkatapos ko isara ang pinto sa passenger seat agad ako umikot doon sa driver seat at binuksan ang pinto. Bago ako pumasok sa loob tumingin muna ako kay Azrael, "go inside idiot...today was full moon it's better for you to stay inside your mansion..." sabi ko sabay hinga ng malalim at tinuloy na ang pagpasok sa loob ng kotse. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at umalis na kami.

Azrael point of view

"Azrael...go inside right now..." Rea said, nasa likod ko siya, nakatayo at hinihintay ako pumasok sa loob. "Master Loki was right, today is full moon and I already prepare everything for you...don't make things more complicated..." dagdag pa niya.

"Yeahh..." walang gana na sagot ko.

Nakapasok na ko sa loob ng mansion ng bigla ako maalala kaya napahinto ako sa paglalakad.

"That kid...where did she go???...." wala sa sariling tanong ko. Hindi ko alam pero I smell something fishy, those two idiot somehow, parang may kung ano sila hindi sinasabi saakin. Tsss....What are FRIENDS for???

Loki Dan point of view

Nasa mansion na kami. Nakaupo lang ako sa sala, and i can't help myself thinking so much. Why is this happening? What is the reason?? ARES WHO REALLY ARE YOU???...

"Thinking so much can make you older, alam mo ba iyon??...." sabi niya, kakarating lang niya sa sala, at mabuti naman nakasuot na rin siya ng maayos na damit.

Tinignan ko lang siya. Umupo siya sa sofa na nakaharap sa kinauupoan ko. Hinihintay ko lang siya na magsalita. I want him to answer all my question. Hindi naman siya babae para magpaspecial sa kwento na ito. This story belong to us not just for him.

"Natutunaw na ko, Loki...."

"I don't care..."

"Kung may question ka save mo muna..." sabi niya sabay ngiti kaya hindi ko na naman maiwasan na mairita, tumaas ang isa kung kilay.

"Hindi ka babae para pagtaasan ako ng kilay....from now on stop that kind of hobbies, baka mapagkamalan kang bading....sige ka, ikaw rin...." walang gana pa niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.

"The f*ck Ares!!??...tell me everything!!..." sa sobrang inis ko napatayo ako sa pagkakaupo.

"Relax! upo ka ulit...." sabi niya with calm voice. The hell! Mabuti pa siya nagagawa pa niya maging kalmado sa ganitong sitwasyon. Napaupo nalang din ako tulad ng gusto niya. Tsss...because of his childish attitude hindi ko maiwasan maging sunod sunuran sa mga gusto niya.

Gusto ko magtampo. Wait!! Tama ba iyong sinabi ko? Magtatampo ako for what reason? Tsss...Ano bang nangyayari saakin?? Bading lang ang nakakaramdam ng pagtatampo sa kapwa niya lalaki. What the hell?? Ibig sabihin nito, nagiging bading na talaga ako??? Ito ba ang resulta ng pagiging sunod sunuran sa asshole na ito??

"Let me prove it..."

"Huh?!!...what you mean?..."

"Right now...nababasa ko iniisip mo...Ah! I mean, let me rephrase it...sa nakikita ko sa expression ng mukha mo, you fell bothered right??..."

"Fell bothered???..."

"Bothered ka na baka bading ka??..."

"The f*ck asshole!!!...Don't play games here!!!...."

"HAHAHAHA!!!!....Sabi ko na nga ba tama ako....don't worry...i will prove it, na hindi ka bading...." sabi niya sabay ngiti ng malaki, i know that kind of smile. Paano pa ko naging kaibigan ng asshole na ito kung hindi ko pa siya kilala sa tagal ng pinagsamahan namin.

Napasandal ako sa pagkakaupo at napahawak ako sa sintido ng ulo ko. I know Azrael is the crazy vampire here, but this asshole is the craziest among of us. Nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko. I don't know why, kung bakit may mga kaibigan ako na mga isip bata. Tanggal na nga sa kalendaryo ang mga edad nila pero sa isip at kilos parang mga 3 or 6 years old.

"Yeahhh...Tell me...I mean prove it..." walang ganang sabi ko at pagsakay ko nalang sa childish kung kaibigan. Huminga ako ng malalim.

"KISS ME, LOKI!!!..."

Mabilis na lumapit ako sakanya at hinigit pataas ang kwelyo ng suot niyang plain balck t-shirt, dahilan para mapatayo siya sa pagkakaupo. Idinikit ko ang ulo ko sakanya at mabilis na headbutt ang ginawa ko. Masakit iyon at kita ko ang pagmumula ng noo niya dahil sa ginawa ko, pero as usual kahit masakit iyong ginawa ko parang wala lang iyon sakanya, binigyan niya lang ako ng blank expression while grinning. Tsss...He is really a PSYCHO.

"Kissing you is the most stupid thing you've said!!!!...." inis na sabi ko habang tinitignan siya ng masama.

"Loki...I'm tired...I need more time to rest, before everything makes complicated..." malumanay na sabi niya, hindi ko maintindihan kung ano ibig niyang sabihin pero ang sunod niyang ginawa ang nagbigay linaw saakin ng lahat.

ARES KISSED ME...

THAT WAS MY FIRST KISS...

Guys!!...Sorry smack lang iyong kiss ah baka kasi isipin niyo M to M itong novel ko, hahaha ?? Thanks for reading ❤️

DeojPagecreators' thoughts