webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Ikalabing-anim Na Kabanata

Pagharap sa May Sala

Ikalabing-anim na Kabanata

Marahan akong naglakad papalapit sa mga cloning machines. Imposible ito, diba? Kung matagal na palang nadiskubre ang mga cloning machines, maraming hayop na ang maliligtas. Bakit nandito ang mga ito? Sino ang nagpapaandar ng mga ito.

Ang babaeng nakahiga sa glass coffin, siya na ba si Erzeclein? Ibig bang sabihin nito ang taong nasa likod ng lahat ng ito, ay si Erginald Solomon? Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Nasaan na ba siya? Kailangan ko siyang kausapin upang makaalis na kami dito at mailigtas ang aming sarili kapalit ng ninanais niya.

May kakaiba akong napansin sa mga machines. Ito'y mga may laman, kulay berdeng likido, at may kung anong bagay ang nakakonekta sa mga bagay na iyon. Ano kaya... "At last, we met again." bigkas ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako kung saan nagmula ang boses. Nakatalikod ito at may kinakalikot sa mga machines. Ano kaya ang mga ito?

"Mister Dimorsnol?" bigkas ko. Hindi ko lubos maisip, siya ba ang may pakana ng lahat ng ito. "Mhm. A fashioned name will do to cover everything that happened in the past." saad niya. Fashioned name? At anong ibig sabihin niyang cover everything from the past. "Pathetic, are we, Ms. Natividad?" sabi niya atsaka naglakad papalapit saakin. Itinaas niya ang hibla ng aking buhok gamit ang kanyang kamay na mabilis ko namang tinapik.

"Ikaw! Ikaw ang may gawa ng lahat ng ito! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga kaibigan ko!" sigaw ko. He laughed at my words. Nakita ko siyang pinagmamasdan ang babaeng nasa loob ng glass. "Erzeclein, soon enough, you will be freed from death." Hinawakan niya ang salamin, ikinukuskos ang kamay dito.

"Kaano-ano mo si Erzeclein!? Bakit mo ba 'to ginagawa saamin?" sigaw kong muli sakanya. Iniikot niya ang kanyang mga kamay at unti-unting lumiwanag. Isang papel ang lumulutang ngayon sa pagitan ng dalawa niyang kamay. "You know what is this Ms. Natividad?" tanong niya. Pinagmasdan kong maigi ang hawak niya.

"I have to fill this," ani niya atsaka tumingin muli sa babaeng nasa loob ng glass na tinukoy niyang si Erzeclein. "So she could rise from the dead." Nanlaki ang mga mata ko matapos ang marinig. "You can't bring back a dead person, Mr. Dimorsnol. Can't you just accept the fact na matagal nang patay si Erzeclein!? Bakit mo naman ito ginagawa? Kaano-ano mo siya?"

"STOP CALLING ME THAT NOW! Retarded, bitch." sabi niya, atsaka inikot ang isang white board paharap saakin. Dinampot niya ang marker atsaka isinulat ang kanyang pangalan. 'Angelo Dimorsnol' May isinusulat pa siya sana nang matigilan siya. "Will you rumble the letters, Ms. Natividad?"

Wala akong pakialam sa pangalan niya. Ampangit ng pangalan niya. Bagay lang sakanya. "You don't get it?" Natahimik ako. "What a dim-witted." "Mas mahina ang utak mo kumpara saakin. Atleast ginagamit ko ng tama ang akin!"

"ERGINALD SOLOMON, Ms. Natividad. I am pleased to meet you." Naistatwa ako matapos ang marinig. "Come on my dear. Write my name in this board, and then I'll show you what I mean." Hindi ko alam at bigla na lamang akong naglakad papalapit. Isinulat ko ang pangalang 'Erginald Solomon' at bawat letra ay tinatanggal ko na nasa pangalang 'Angelo Dimorsnol.'

Natigilan ako nang isulat ko ang huling letra. Si... Erginald at Angelo ay iisa? Kaya pala pamilyar ang kanyang mukha. Kaya pala siya ang pumalit sa pangalan ng school. Kaya pala alam niya ang tungkol sa class picture. "Very good, Ms. Natividad. Now you know who I am? Your slow mind can't apprehend what I mean at first, eh?"

"P-Paano? Imposibleng ginawa mo ang lahat ng ito ng mag-isa?" Nanginginig na ang mga tuhod ko. Pumalakpak siya na para bang may tinatawag sa kung saan. Lumabas ang isang babae mula sa kwarto. May bitbit itong isang malaking kahon. Nag-iwas ng tingin ang babae saakin.

"You know what is this, right Ms. Natividad?" Pinakita niya ang isang kulay itim na damit at isang mask. "M-Ma'am Carmelita." "My brilliant idea worked. Not only I had fun. Maibabalik kona ang aking anak at magkakasama na kami ng matagal."

"Paano? Ginawa mo ang lahat ng ito ng mag-isa? Si Liza, Markie, Nathaniel, at Jerome, Ikaw ang pumatay sakanila?" Naiiyak na bigkas ko. He gave me smirk. "Of course, you were so easy. All my inventions worked." May inilabas pa siyang mga bagay mula sakanyang kahon. "Another invention of mine, Ms. Natividad. This is what I call Relmet Gun. It can melt anything, once the laser hits the body."

Naalala ko ang lusaw na katawan ni Liza. "Liza..." mahinang bulong ko. "And this." Itinaas niya ang isang itim na jacket na may claws sa dulo ng sleeves. "This is an invisibility jacket. Remember your faggot friend, and how he died? Well, I just used this so called invisibility jacket. I found out that there are these elements, if combined, they will form a so called invisible layer. But of course, I won't tell you what are these elements."

Naalala ko na. Nagkaroon ng isang malaking sugat si Markie sa dibdib. Iyon pala ang ginamit ng hayop na walang pusong ito. "Of course. Do you wonder how I killed those two guys? The one you call Nath and Jerome?" tanong niya. Napupuno na ako. Hindi ko na naramdaman ang takot sa mga oras na iyon. Ang gusto ko lamang gawin ay patayin ang lalaking ito, na nasa harap ko. "Actually, he won't be dead kung hinayaan niya lang akong patayin si Ms. Roque."

Now I know how Jerome died. He sacrificed his life for Lyneth. "Well I- no, she used this dagger with poison. Oh, Ms. Natividad, do you remember the poison that Ms. Santillan had drank? It's the same as the poison I put onto this dagger. Also, Ms. Roque will die anytime now. I used it to cut her skin." bigkas niya habang ibinabalik ang mga gamit sa kahon. "This poison contains Dandelion extract. Mixing it with another element will make a poisonous substance. And I know, that you know if Dandelion is mixed with another element, you can formulate a healing potion." He stared at the green liquid inside the machines.

"These flowers are really beneficial. That's why I asked someone to cut them all. And so you created this layer which surrounds the Dandelion Garden. To protect these because you can use them." Nakikinig lang ako sakanya, nag-iisip ng plano kung paano makakatakas. "I can't go in. And I realized you are Dela Vara's descendant. Teaching you her old magic tricks."

"Why aren't you uttering something, Ms. Natividad? You fell awestruck because of how great I am, don't you?" I clenched my fists. I can't believe everything was planned by this evil monster. I don't know, but I want...

I want him dead.

Napatingin ako sa aking gilid at nakita ang isang upuan sa tabi. "Do you want to see your friends again, am I right, Ms. Natividad?" Hindi ko siya sinagot. "If you do, come closer. Just take a look of my greatest invention."

Lumapit ako. Kanina pa ako naku-curious kung ano ba ang nasa loob ng mga cloning machines na 'yon. Nang makalapit ako, nakita ko ang mga mukha ng kaibigan ko. "Liza, Markie, Nathaniel, at Jerome." bigkas ko. "Also, maybe you are wondering why Ms. Romero reappeared after you saw her dead. It's actually because of these. The bodies I used to pretend that Ms. Romero was dead and the one that attacked Nathaniel, are just clones, oh course."

Namuo ang pag-asa sa akin. Ibig bang sabihin nito ay buhay pa sila pero nasa loob lang sila ng mga machine na ito. "I know what you're thinking right now. Of course, they are alive. Everything happened only because you have a wild imagination." Takang napatingin ako kay Mr. Erginald na nasa harap ngayon ng altar ni Erzeclein.

"You thought the pictures are moving, and as an effect, you can see them moving. You thought of the next task, that's why it appeared right infront of you." Hindi ko parin siya maunawaan sakanyang mga binabanggit. "Remember the feast you ate on the first day? I put something in it. That's why you hallucinate. You can see something that doesn't actually exists."

"One of the things I learned from Ms. Dela Vara, of course. The potion to make people suffer hallucinations." "Anong ibig mong sabihin na natutunan mo kay Ms. Vara? Alam ko kung sino si Ms. Vara, at hindi siya basta-basta magbibigay ng impormasyon sa mga taong tulad mo na gagamitin sa mali ang kapangyarihan!"

"I used her. Funny how love make people weak and careless. The thing that Ms. Dela Vara was desperate for, Love, of course."

"Ikaw, ang manliligaw niya na nangiwan sakanyang dahil sa ibang babae. Wala ka talaga puso! Lahat nalang gagawin mo para lang sa kapakanan mo!" sabi niya. "For power, I guess." Nagtungo siya sa isa sa mga operating system.

"Did I satisfy you with my answers? Well then enough of the chit-chat. All I need to do is kill those four and then Erzeclein will be back." Nakita ko siyang may pinindot na button. Unti-unting natanggal ang berdeng likido na nasa machines. Nasilayan ko nang mas malinaw ang mukha ng mga kaibigan ko.

Kailangan kong basagin ang mga machines na iyon. Kailangan kong maalis ang mga wires na nakadikit sa mga balat nila. Pero paano? Muli ay may pinindot siyang button at bumaba ang mga katawan nila sa kung saan. "HINDEE!" sigaw ko. Nagmadali akong naghanap ng bagay na mahahampas sa salamin, pero sa halip ay naalala ko ang gamit ng Relmet Gun. Hinigit ko ito mula sa kahon at itinutok sa mga sulok ng salamin ni Jerome upang malusaw ito.

"How dare you use my own-" natigilan siya ng may manghampas sakanya mula sakanyang likod na dahilan ng pagkawalan niya ng malay. Tumigil ang paggalaw ng mga machines. "Ikaw-"

"I'm sorry, Becca. I realized it too late." sabi ng babaeng naglabas ng kahon kanina. Itinanggal niya ang kanyang face mask. "Rinnah..." "Mamaya mo na ako awayin, Becca. Iligtas na natin sila. Hindi natin alam kung hanggang kailan makakatulog ang tito ko. Kailangan na nating makaalis dito."

"Tito? Tito mo si Mr. Solomon?" Hindi siya sumagot, sa halip ay kaagad kaming nagtungo sa mga cloning machines. Akmang itututok kong muli ang melter nang pigilan ako ni Rinnah. "Huwag. Delikado. Baka matamaan mo ang mga katawan nila." sabi niya. "Ano nang gagawin natin?"

"Imposibleng walang button upang bumukas ang mga iyon. Kailangan nating mahanap iyon." Nagtungo kami sa operation machines at tinignan isa-isa ang mga labels ng button. Nang makita namin ang purple na button na may nakasulat sa ilalim nito na 'Clones Open', sabay naming pinindot iyon.

Nakita naming bumukas ang mga machine. Nagtungo kami kaagad doon atsaka pinagtulungang buhatin si Jerome palabas. Isinunod namin ang iba pa. Palabas na kami ng sumalubong saamin ang balisang si Jack. "Coooool!" bigkas niya. "Mamaya ka na magsalita, Jack, tulungan mona kami!" bigkas ni Rinnah. Mabilis na sinundan ni Jack ang sinabi ni Rinnah at ipinasa namin si Jerome sakanya.

Tumapak sila sa floating platform at nakita ko si Mikee na hinihila ang lever. Hinintay naming makabalik sila at ipinasa ang mga katawan nina Lisa at Markie katapos. Binuhat na namin ang katawan ni Nath papalabas. Nang buhatin siya ni Jack sa platform ay hinintay naming makabalik ito. "Tara na, Becca." bigkas ni Rinnah at aapak na sana kami nang may manghila sa mga buhok namin.

"Saan kayo pupunta? Akala niyo ba matatakasan niyo ko!?" sigaw niya saamin. Pilit kaming nagpumiglas sa paghila niya sa mga buhok namin. "Bitawan mo kami!" sigaw namin ni Rinnah.

"Kung hindi niyo kayang isakripisiyo ang mga kaluluwa niyo para sa anak ko, mabuti pang mamatay na tayong lahat!" bigkas niya. "Anong gagawin natin?" rinig kong tanong ni Jack kay Mikee. Naramdaman namin ang pagbitaw niya saamin nang dumapo sa mukha niya si Betty. Mabilis na sumakay kami sa platform. Narinig namin siyang sumigaw matapos galusin ni Betty ang mata niya.

"Mamatay ka na!" bigkas ni Mr. Erginald atsaka sinakal ang pusa. "Betty!" sigaw ko. Huli na nang itapon niya ito mud water. Nawalan siya nang balanse at maging siya'y nahulog 'din sa putik.

Nang makatapak kami sa kabilang lupa, napaluhod ako. Nakita ko ang unti-unting paglubog ni Betty at ni Mr. Erginald sa putik. Sa tingin ko'y malalim iyon kaya hindi siya makaahon. Tumulo ang mga luha ko.

Paalam, Betty. Maraming salamat sa lahat.