webnovel

CHAPTER 5

Chapter 5

Nagtungo ako sa Pink Palace— ito ung pinuntahan namin ni Donovan nung araw na dumating ang mga magulang ko at araw na pumanaw ang kanyang lolo na dating emperor. Imbento ko lang yung Pink Palace dahil nakalimutan kong tanungin kay Donovan kung ano ang pangalan ng lugar na ito.

Ayoko naman na magtanong sa iba kahit na kay Ami dahil sigurado akong pagmumulan iyon ng napakalaking confusion knowing na ginawa itong Palace para sa'kin. Hindi ko kasi matandaan kung nabanggit ba ang lugar na ito sa kwento.

And actually, for some weird reason, halos nakalimutan ko na ang pangyayari sa libro except sa plot twist.

Going back, nagpahatid ako dito gamit ang carriage. Sinabi ko lang na gusto kong pumunta sa palasyo na ibinigay sa akin ng kamahalan at alam na iyon ng servant.

I decided to go here para makapag-isip isip. I really have no idea kung paano ako makakabalik sa mundo ko. Ilang tulog ba ang dapat kong gawin? Anong klaseng pananakit ba ang dapat kong gawin sa sarili ko.

"Tama nga ako, dito kita makikita."

Nagulat ako nang may biglang nagsalita.

Mas nagulat ako nang makita si Clayton.

Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko na siya pero pinili kong manahimik.

Nakaupo ako sa front stone ng palace.

Nagbigay pugay siya; ung nakaluhod ang isang tuhod tapos nakayuko ang ulo niya.

Tumayo siyang muli at inabot sa'kin ang isang basket.

"Para sa'yo, Prinsesa Callista."

Tinitigan ko siya sa mata. Nakangiti siya. His eyes sparkle as he stares at me.

I really miss you, Clayton.

Tinanggap ko ang basket bago ko pa sya masunggaban ng yakap. Inalis ko ang puting tela na nakatakip rito at bumungad sa'kin ang manggang hinog. Take note: nabalatan na at hiwa hiwa.

Napangiti ako ng malawak. Clayton is aware that this is my favorite fruit. Isa ito sa mga pa-surprise nya sa'kin nung nanliligaw palang siya.

I looked up at Zane. I feel that he is Clayton, then I remember he is the villain in this story.

What if he put something on it and I will die?

Pero hindi naman ganon ang nangyaring plot twist sa story.

And what if mamatay nga ako dito? Makakabalik na ba ako sa realidad?

"May problema ka po ba?" Nakitaan ko ng pag-aalala sa mga mata niya. At sinseridad.

Umiling-iling ako. "Wag mo ako masyadong i-po kapag nasa lugar na ito. Ginawa ito para doon, hindi ba?"

Tumango siya. "Tama po kayo, Prinsesa Callista. Ngunit di mawala sa isip ko na kayo ay prinsesa at—"

"Ginawa itong lugar para mamuhay ako bilang isang normal at ordinaryo." Ngumiti ako sa kanya. Tinapik ko ang sahig sa tabi ko, gesturing him to sit beside me.

Hesitant at first, sumunod naman siya. Ramdam ko ang pagkailang nung una pero nawala rin naman.

"Gusto mo ba talagang maranasan maging ordinaryong tao kahit sandali lang?"

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Nais kitang dalhin sa Carlos kung ako po ay inyong pahihintulutan."

Carlos. Bakit pamilyar sa'kin ang lugar na iyon?

Matagal akong nag-isip. In the end, I realize I need to explore this kingdom. Baka sakaling makatulong kung paano ako makakabalik sa totoo kong mundo.

"Let's go, then." Hinawakan ko siya sa braso na ikinabigla niya.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya nung una ngunit di kalaunan ay humingi ako ng paumanhin. Nakalimutan ko lang naman na siya si Zane— hindi siya si Clayton.

Sa tulong ni Ami, nakatakas kami sa palasyo. Binihisan at inayusan niya rin ako para magmukhang commoner. She even put some kind of natural make-up and lotion to my skin to make it look tanned. Kilala kasi si Prinsesa Callista na may mala-snow na balat. Golden-eyed din si Callista, which coincidentally same with mine dahil foreigner ang ama ko. Parehas sa buhok ko na natural golden blonde. Ito daw ang trademark ko as a Princess of the Golden Country.

Mayroong festival na nagaganap sa Carlos. Nag-enjoy akong kasama si Zane. He let me taste different kinds of street foods; ang iba existed na sa mundo ko, ang iba naman ay hindi which taste fascinating. Mayroon ding mga exotic food which I refused to try. Hindi si Zane ang nag-alok sa akin non, ung mismong tindera ng mga pagkain. Kahit na sabihing for experience, ayoko pa ring subukan.

Ang tinder ay hindi nagpatalo, pilit akong inabutan ng maliit na paper bowl na naglalaman ng matabang uod na pinrito. Their skin are already crisp. Halos maduwal ako nang makita iyon. Inagaw naman sa akin iyon ni Zane at binalik sa tindera.

"Hindi po pwede sa kanya ang mga ganyan," magalang na pagtanggi ni Zane. Hinila niya ako para makaalis na sa pwestong iyon.

Nagpalipad din kami ng wishing lantern. Yung sinusulatan ng hiling at ang paniniwala ay magkakakatotoo kung babagsak ito sa karagatan ng Setar, where one couldn't figure out unless they will go to that place to check if ever their lantern landed in there. Ang dagat na ito ay iyong namamagitan sa Situia Kingdom at Palean Palace.

Na-touch ako dahil ang isinulat ni Zane ay: Gusto kong protektahan ang prinsesa habang-buhay.

Ang bata niya pa rito, ngunit boyfriend-material na agad ang datingan.

Matapos namin paliparin ang lantern, hinila niya ako sa crowd para makisali sa mga nagsasayaw.

"Sandali," awat ko sakanya.

Tumigil siya sa paghila sa akin at nilingon ako.

Nilingon ko ang paligid. May malakas na tugtog, mga nagsasayaw, kumakanta ng pasigaw at may mga nagbubuhos ng tubig. Music Fest in my world.

Binalik ko ang tingin kay Zane at nginitian siya. He somewhat reminds me of some of my memories with Clayton. Dalawang beses na rin kaming umattend ng Music Fest ni Clayton noon. Although this event is kind of old-fashioned, the fun is as exciting as the Z Generation.

Nakita ko ang pagkabigla sa reaksyon ni Zane. Malamang, nawala lang naman kasi ang poise ko as a princess.

"Tayo ay mangdiwang 'pagkat tayo lang ang mayroon tayo! Kailanman ay hindi nagkaroon ng paki sa atin ang mga nasa palasyo! Tayo'y pinabayaan dahil hindi naman tayo dugong maharlika!" Sigaw ng isang lalake habang itinataas ang malaking bote ng alak. Tumatawa siya pero maririnig ang sama ng loob sa tinig niya.

Bumaling ako ng tingin kay Zane nang may pagtataka. He then stared at me with a glimpse of worried look on his face. Tila mag-e-explain pa siya pero nagkaroon ng commotion sa crowd. Parang may dinumog sila sa gitna. Nagkasiksikan. Narinig kong sinigaw ni Zane ang pangalan ko pero hindi ko na siya nakita pa dahil naipit ako ng mga tao. I struggled. Nang makawala ako sa siksikang crowd, Zane is nowhere to be seen.

Panay ang tawag ko sa pangalan niya. I even shouted several times pero as if naman masasapawan ko ang ingay ng mga taong nagkakasiyahan.

Naglakad lakad ako para hanapin si Zane hanggang sa napunta ako sa iskinita na medyo madilim. May nasalubong akong limang mga lasing na lalake. Nag-iwas ako ng tingin at hindi ko ipinahalata na natatakot ako sa presensya nila at sa kung paano nila ako tingnan mula ulo hanggang paa.

Binilisan ko ang lakad ko. Ngunit naramdaman kong pumihit sila upang sundan ako. Tumakbo na ako. May mga pagkakataon na pakiramdam ko madadapa ako dahil nahihirapan akong tumakbo. Nanlalambot kasi ang mga tuhod ko dahil sa nerbyos. Nararamdaman ko rin ang panlalamig ng mga kamay ko.

May nakita akong makitid na iskinita ay doon ako pumasok. Dito ay wala na talagang ilaw kaya madilim. Tumakbo ako hanggang sa hindi ko namalayang may kung ano sa dinaraanan ko. Natapilok ko. Napasigaw ako sa sakit, nakalimutang may mga manyakis na humahabol.

May kamay na nagtakip sa bibig ko. Hindi ako makalingon sa kaba at nararamdaman ko ang pagpatak ng pawis sa noo ko.

"I'm here. You're safe."

Kumabog ang dibdib ko nang marinig iyon. The voice was so familiar. And so do the lines. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Naalala ko ang kaganapang ito sa libro.

Tinulungan akong tumayo ni Donovan. Nasilayan ko ang mukha niya sa pamamagitan lamang ng liwanag na nanggagaling sa buwan. Balak ko na sanang sabihin ang mangyayari ngunit huli na. Ilang sandali lang ay may mga espada ng nakatutok sa amin. Maliwanag na rin dahil ang mga bagong dating ay may hawak na lampara. They are not wearing casual fits, but uniform of a guard. Hindi katulad ng Palace Guards, though.

"Marapat na kayo ay makulong sapagkat kayo ay nagnakaw."

Kinagulat ko ang narinig ko dahil hindi ito ang dahilan na inaasahan ko. Sa libro, curfew ang nilabag namin. This was worse.

"Kami? Magnanakaw? Kilala niyo ba kami?" iritang tanong ko sa kanila.

Hinawakan ako in Donovan sa braso na tila pinipigilan ako.

Pinandilatan ko siya ng mata. "What, you can understand me now?"

Nakakairita lang na matapos may mga lasing na humabol sa akin ay pagbibintangan akong nagnakaw. Stealing is cheap! It hits different when you get something because of hardwork. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magnakaw dahil kaya kong pagtrabahuan para makuha ang bagay na gustuhin ko.

Tinalian kami ng mga gwardya sibil sa kamay and they cover our mouths with a cloth.

Dinala nila kami sa kulungan tapos tinanggalan kami ng tali sa kamay at tapal sa bibig.

"Pagsisisihan niyo ito!" singhal ko sa mga guwardya pero ngumisi lang sila at sinirado ang kulungan kung saan nila kami itinapon.

Sinipa ko ang kahoy na pinto sa inis. Napaaray ako dahil nasaktan ako. Agad akong nilapitan ni Donovan at sinuri ang paa ko.

Napatili ako nang buhatin niya ako ng parang sako ng bigas. Ibinaba niya ako sa pinakasulok ng pasilyo.

"How can they arrest us without even doing a proper investigation? They can't even prove we're the real thieves! Where is the justice in this kingdom?"

"There is no proper justice in YOUR kingdom, Your Highness. This is why this town is a rebellion in your monarchy system."

"Are you saying my father is not an effective leader?" Mahahalata mo ang tono sa boses ko.

"I'm not saying he is, but maybe he's not pivoting to another resolution to fix this issue."

Tapos ang dami niyang sinabing suggestion upang mabigyang pansin ang bayan na gustong tumiwalag sa pangangalaga ng palasyo at nagrerebelde. Hindi na ako nakipagtalo pa kasi he actually makes sense. Ang talinong bata nito.

As a defense, inirapan ko nalang siya.

"Anyway, I can't understand you a while ago. I just felt that based on your tone you wanted to tell them who we truly are. That we are royals..."

And that's the time na napansin kong naka-disguise din siya as a commoner. Ang kasuotan niya ay pang-ordinaryo. Pero ang mukha, pang-prinsipe talaga.

"And so what? If they knew that, they will release us."

Tumingin muna siya sa paligid. Nilapit niya ang mukha niya sa akin bago sinabing, "I bet they won't. More likely they will kill us both. Or just you."

Nagulantang ako sa sinabi niya.

"Why just me? Not you?"

"They have nothing against me," aniya. "As you can see, Your Highness, your subject in this town is full of hatred towards your palace because they think the royals neglected them. Aren't you aware of how many death threats the royal family is receiving each and every day?"

Marahan akong umiling. Bakit hindi ito nabanggit sa libro? At gaano na ba kalala ang issue na ito?

"You should stay away from your ugly servant." Nakasimangot na sabi niya at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang mga dahon na nagkalat sa sahig at pinilas isa-isa ang mga iyon.

"Are you referring to Clay— Zane? He's not ugly and he's a nice person. He lets me unwind and live like normal even for some time."

"How can a nice person bring you to the most dangerous area? Of all the places in your kingdom? Here? Really?"

Napatitig ako sa kanya. Napakaseryoso ng mukha niya and I notice how his jaw clenches. Kaya ba ako dinala ni Zane dito dahil may masama siyang pakay? Knowing he is the villain in this story...

"Why are you wearing a disguise, anyway? And what brought you here?" bigla kong naitanong amidst the thought of Zane being so nice to me but plotting a crime behind.

Saglit niya akong tinitigan tapos tumigin na uli sa mga dahon na pinaglalaruan niya.

"I came to your palace to see you but I caught you sneaking out with your ugly servant. I followed you. Then the rest is history."

"Why would you follow me?"

"Because I'm worried. You were with the ugly servant whom I can tell can't be trusted just by the look of his face." Kitang-kita ang pagka-irita sa mukha niya.

"You are the prince, but that does not give you the right to judge someone so easily. You should try to know him better."

"Have you forgotten that royals can't be friends with commoners?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"And what we're doing; disguising in lower class and leaving the palace without permission is against the law? We can be punished."

"You already knew what I'm doing?" seryosong tanong ko sakanya.

Nagtitigan kami.

"And you didn't tell others... hence, you followed me."

Nanlambot ang puso ko. Tama naman ang mga sinabi niya. Labag sa batas ang pagtakas sa palasyo at pag-disguise ko dahil part na rin iyon ng pagsisinunglang sa paraang itinatago ang totoong pagkatao, ngunit hindi niya ako sinumbong. Bagkus, lumabag rin siya para masamahan ako... para protektahan ako.

"You are one wreckless princess. You always make me worry."

"And you always make my nose bleed. When will you stop talking to me in english?"

Nagbiro lang naman ako. Pero lalong naging seryoso ang mukha niya.

Hinawakan ko siya sa kamay. Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon niya dahil sa ginawa ko. "I'm happy you're here with me, Your Highness. Although you do not deserve to be in this filthy prison."

"And so do you. I'd rather be in a stinky place as long as I'm with you."

Napakunot ang noo ko.

"Don't worry, we are minors. They will release us tomorrow morning," paniniguro niya sa akin. "Even if this town is rebelling, they are good people after all."

Hindi naman dahil doon 'yon. Kundi dahil sa mga linyahan namin. I just find it sweet. I almost forgot I'm inside a romance-fantasy book.

"If you are feeling sleepy, you can sleep on my shoulder."

Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya. Saka ko napansin na nakahawak pa din ako sa kamay niya kaya binitawan ko iyon.

"Your highness," he murmurs.

Nakapikit na ako dahil inaantok na.

"I can't wait until we're 18."

"Why so, Your Highness?" tanong ko habang nakapikit pa din.

"So I can kiss you."

Natawa ako sa sinabi niya. Gusto ko sana syang kurutin sa tagiliran kaso that would be too much of disrespect to him as a prince. Besides, I find him very sweet.

Imagine he's from a different empire but he's here, in our kingdom's most dangerous town, protecting me.

The leading male in a book, indeed.

Bigla kong naalala yung sinabi nya nung nakaraan na matagal pa uli bago niya ako makita. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon ngunit nung tingnan ko siya ay natutulog na siya. Napangiti ako habang pinapanood siyang payapang natutulog.

Hinawakan ko ang ulo niya para siya naman ang sumandal sa balikat ko. Hinaplos ko ang buhok niya.

"You are indeed a good prince. You don't deserve a tragic kind of love."