webnovel

Encuèntrame En España

_CagayanValley_ · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
10 Chs

CHAPTER 4

*Knock

*Knock

*Knock

*Knock

*Knock

"Mierda" gulat akong napabangon dahil sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko. "Who the fuck is that?" frustrated kong kinuha yung phone ko para tingnan kung anong oras na.

It's already 11:23 am.

*Knock

*Knock

*Knock

"What the hell! Sige sirain mo na yang pinto!" asar na sigaw ko sa kung sino man ang walang hiyang katok ng katok.

Fuck.

Padabog akong bumangon at pinagbuksan ang sinumang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"What the fuck do y---LIMUELL?!" halos mapatalon ako sa gulat ng makita kong salubong na salubong ang kilay nya.

'Mierda'

"Limuell?!" he asked in disbelief. "Donde creesque estan tus modales, mujer? (Where do you think is your manners, woman?)"bulyaw nito sakin kaya napayuko ako at napakagat ng labi.

Pahamak na bibig.

"Lo siento, hermano. (I'm sorry, brother.)"

"Preparate mujer. (Prepare yourself woman)"

"Bakit?" takang tanong ko.

Don't tell me he's going to torture me dahil sa pagtakas ko?

"Go to my office" makahulugang tanong nito habang masama ang tingin sakin.

I'm dead.

Lalabas na sana sya sa kwarto ko nang may ibato ito sakin na tumama sa mukha ko.

"Ouch!" daing ko nang maramdaman kong matigas 'yon.

Bastos.

"Eres tan malo! (You're so mean!)" I shouted.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong binuksan yung laman ng paper bag at laking gulat ko nang makita ang laman nun.

My ukulele!My happiness! I love music.

Patakbo kong sinundan si Limuell at papasok na sana sya sa room nya ng bigla ko syang niyakap.

"What the fuck!"

"Kuya thank you! I love you!"

Kahit ang sama sama nya sakin love na love ko tong kapatid ko duh!

"Yeah whatever. Lumayo ka sakin ang baho ng hininga mo" nandidiring saad nito kaya napasimangot naman ako.

"Ang sama mo talaga sakin"

"Shut up. We're not done yet. May kasalanan ka pa sakin." He glared at me before leaving.

Limuell is a sweet person naman pero minsanan lang. Kadalasan kasi galit sya, malay ko ba dyan sa lalaking yan. We've been together in 3 years sa Spain. Ayaw nya akong payagan bumalik dito sa Pinas sa hindi ko alam na kadahilanan.

Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako. I'm just wearing a simple plain shirt na kulay yellow and ripped jeans na black with my paired white sneakers. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko.

I was about to go down nang makita ko si Limuell na papaakyat kaya napaatras ako. Magtatago na sana ako but it's too late dahil nakita nya ko.

"Where do you think you're going? Didn't I told you to go in my office?" masama ang tingin nito sakin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Im asking you Grazia Blezz Petalona." He was about to grab my hand ng tumakbo ako pababa.

Kapag di ko sya natakasan. I'm sure ako rin ang kawawa.

"GRAZIA COME BACK HERE!" napapikit ako nang umalingawngaw ang boses nito sa loob ng bahay. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa gate. Saktong may dadaan na sasakyan at yun ang pinara ko. "GRAZIA DON'T YOU DARE!" I opened the car's door and hopped in.

"Ah miss I'm n---"

"Shut up and let's go!" sigaw ko sa mamang driver habang nakatingin pa rink ay Limuell na kumakatok sa may bintana ng kotse.

"Hey Mr. driver don't you dare na patakbuhin tong sasakyan mo! Grazia get back here!"

"Miss bumaba ka nalan---"

"I said let's go!" sigaw ko sa driver na ikinatahimik nya.

"Okay..?"

"Take me to St. Petalona Hospital please"

Pinatakbo na nya yung kotse habang si kuya naman ay sigaw ng sigaw sa daan. Nakalayo na kami kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag.

"I'm sorry Limuell" bulong ko ay lumingon ulit sa bahay pero wala na sya dun. I'm sure susundan nya ko.

"Are you okay now?" napatingin naman ako sa driver nang magsalita ito.

"Aldridge?" fuck

"Your reaction is priceless" he laughed.

Happy na sya nyan?

"I...thought this is taxi mygoosh I'm so sorry" nahihiyang saad ko pero nginitian nya lang ako.

"Taxi? We're riding a lambhorghini Grazia." pagyayabang nito. Ngayon ko lang din napansin na totoo yung sinabi niya.

I swear I saw a taxi kanina.

"I'm sorry, my mistake." He just laughed at me.

"It's okay." sagot naman nya habang nakatutok sa daan. "Is this what they called destiny?" he mocked while looking at me.

"Oh come'n" natatawang saad ko habang inayos ang buhok ko. "You believed on those shits?" I mocked too at nakita kong tiningnan nya ako sa rear view.

"Shits? Why don't you believe in destiny?"

"No." parang naghihintay pa sya ng karugtong kaya napabuntong hininga nalang ako. "No, because I do believe that we're the beholder of our own destiny." Nakangting sagot ko at napa- 'oh' naman sya.

"Is that so?" I just nodded as an answer. "I should start creating my own destiny then." Makahulugang saad nito kaya napataas ang kilay ko.

"What do you mean?"

"I should start creating it by courting you." Mas lalong napataas ang kilay ko na ikinatawa nya. "I want you to be my destiny. Don't you want to create your destiny with me?"

Woah, real quick.

"Are you trying to flirt with me Mr.?"

Well, hindi ko sya uurungan. I told you, kaya kong sumabay kapag landian ang usapan.

"What? I'm just asking" he laughed again and I just shrugged.

Pagkarating namin sa Hospital ya kaagad syang nag-park. Nagpasalamat ako sa kanya and nalaman ko rin na dito rin pala ang punta nya. He needs to undergo X-ray. Bilang pasasalamat na rin ay nag- decide ako na samahan nalang sya na pumunta sa office ni mommy since sya naman young doctor nito.

" Good morning ma'am"

"Ma'am good morning"

Good morning ma'am GB"

Puro ganyan lang ang narinig ko pagpasok naming ni Al sa hospital at puro ngiti at tango lang din ang sinagot ko.

"You seemed to be famous here." he said.

"Yeah. Ah pwede bang mauna ka nalang sa loob? I'll just get some coffee there" sabay turo ko sa vending machine.

"Okay" he smiled. Pumasok na sya sa loob at na rinig ko pa ang pagbati nila sa isa't-is ni mommy.

Naglakad ako papuntang vending machine. I inserted my ATM card at hinintay na lumabas yung coffee. Agad kong kinuha yung coffee pagkalabas at ng buksan ko na sana ito ay nahagip ng mata ko ang isang babae na pumasok sa office na mama.

Looks like she's not only having a one client for today.

Pagpasok ko sa loob ay agad napatigil sa pagsasalita si mommy at pati na rin si Al and the girl shifted her gaze on me.

Oh she look very familiar.

"Oh hija nandito ka pala." Nakangiting saad ni mommy. Lumapit ako sa kanya at nakipag- beso.

"I think I saw you somewhere. Have we met before?" napatingin ako sa babeng kliyente ni mama.

I told you she looks familiar.

Wait...Oh she's the flight attendant. It's Lexie.

"You're Lexie right? The flight attendant." I smiled.

"Ah yeah. Nice meeting you again miss...?"

"Call me Grazia"

"Oh yeah, Grazia, nice meeting you again" she smiled

"My pleasure" I smiled back.

"You know each other?" sabay na tanong ni Al at mommy.

"Ah yeah, she's the one who assist me in the airplane." I explained.

"Hon, she's the one I'm telling you na maganda" lumingkis ito sa braso ni Al at kitang kita naman sa mukha ni Al ang pagkairita.

How dare him tried to flirt with me.

"Are you two in a relat---"

"Yes/No" my right eyebrow automatically went up.

"Oh come'n hon why are deny---"

"Mom, where the fuck is Grazia?" kasabay ng pagbukas ng pintuan ng office ni mommy ay ang mapanganib na sigaw ni Limuell.

Uh-oh.

"Oh son/Kuya/Limuell?"

----------------------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to vote and comment. Thankyouu❤