webnovel

Empire High University: University of monsters

The utopian world you're living in. Everybody wants this perfect world. But not for her. She knows crystal clear that the world she's living in is a dystopian one. No perfect prince and princes, only ruthless and tyrannic monsters larks in their dark kingdoms. Vampires, werewolves, shapeshifters, warlocks, witches, and other evils. Aeon Hitter Black doesn't believe in all these shits. Yes, she called the perfect world, fairy tales, happy endings, and love a huge shit. For her, these words are something that people put into their minds and believe to mend and fill the hole in their hearts. She is walking trouble where all mess and chaos are tailing her but it seems like she is the unluckiest person alive for entering the evil school. Empire High University."Empire High University. The University of monsters, where all demons lark and lie"

thumanoid · Fantasi
Peringkat tidak cukup
38 Chs

Chapter 13. New girl

Chapter 13. New girl

Aeon's POV

"Aaahhhh!" napabalikwas nalang ako sa kinauupuan ko. Panaginip. Panaginip ngunit parang totoo. That dream again. Mag iilang linggo na akong nananaginip, at ilang linggo naring laging iyon ang laman ng panaginip ko. Ano bang meron sa panaginip kong yun?

Mabuti nalang at nasa sulok na parte ako ng library at malayo sa mga estudyanteng nagbabasa at sa librarian dahil kung hindi kanina pa ako nasita. Nasapo ko nalang ang mukha ko, basang basa na pala ako sa pawis. Kailangan ko na ata talagang magpatingin sa doctor.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko tsaka ako nagtype.

"Get me an appointment with a psychiatrist" diretsong sabi ko saka ko sinend kay T. Napatingin ako sa oras at alas onse na pala, tanghalian na, at pagkaisip na pagkaisip ko ng salitang tanghalian ay bigla nalang tumunog ang tiyan ko, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko, hindi na rin kasi ako makakain ng maayos dahil sa nangyayari sakin.

Nilagay ko sa loob ng bag ang libro at papel na nasa mesa tsaka ko ito sinukbit sa isang balikat ko at naglakad ako palabas ng library at tumungo na sa canteen. Ng makapasok ako sa canteen ay marami na rin ang estudyanteng kumakain, dumiretso nako sa counter para pumila at mag order, mabuti nalang at hindi ito kahabaan. Nag order lang ako ng fries, large burger, medium na ice cream at spaghetti. Ng makapag order nako, naghanap ako ng mauupuan, sakto namang nalingunan ko ang mesa malapit sa may glass wall. Naglakad ako papunta roon at nilapag ko ang tray na hawak ko tsaka ako umupo at nagsimula ng kumain.

"What the hell" narinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon nalang ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Cally na galit na galit and she looks like a mess. Puno ng pagkain ang ulo niya, mukhang natapunan ata.

"Look at me!" galit nanamang sigaw niya sa isang babae. Hindi ko makita ang babaeng pinaahiya niya dahil nakatalikod ito sakin, but the girl has a really light blond hair, yun lang kasi ang nakaagaw ng pansin sakin.

"I'm sorry" rinig kong sabi ng babae. Her voice is soft, angelic.

"Anong nangyayari dito?" tanong naman ng kadarating na si Thalia.

"Tignan mo kung anong ginawa sakin ng babaeng yan" sigaw nanaman ni Cally sakanya saka siya dinuro. Nakakairita ang boses niya.

"I'm really sorry, I didn't mean it, may pumatid kasi sakin eh" paumanhin ulit ng babae.

"So? I don't care. Kung hindi ka ba naman kasi tanga eh di sana hindi ka napatid" maarteng sagot niya.

"Hindi ko naman kayang basahin ng sabay sabay ang utak ng lahat ng tao dito para malaman kung papatirin ako o hindi" narinig kong sagot ng isa. I raised my eyebrow in amusement. This is fun. Nakita kong nagbubulungan ang mga estudyante habang pinaanood sila.

"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Cally.

"Hindi naman kasi niya sinasadya Cally" sagot naman ni Thalia saka siya tumingin sa isa. "Nakita mo ba kung sino ang pumatid sayo?" tanong niya.

"Hindi eh" sagot naman nito.

"Are you f*cking serious?" galit nanaman nitong sigaw. "O baka naman wala talagang pumatid sayo at sinadya mo yun" dagdag pa niya habang pinupunasan ang nagkalat na pagkain sa ulo at mukha niya. Sumubo ako ng isang fries habang pinapanood sila.

"Ano namang makukuha ko sa pagbuhos sayo ng pagkain. Hindi naman ako tanga para gustuhin kong masinghalan" sagot nanaman niya. Bravo, sabi ko nalang sa utak ko. Nakita kong mas lalong namula si Cally sa galit and I can feel the heat radiating through her body. Looks like she's losing it.

"Do not taunt me, you prick" sagot niya saka sana niya sasampalin ito ng may nagsalita.

"Cally" suway ng kadarating na si Arius at ang mga kaybigan nito kasama na si Ire.

"Arius, mabuti nalang dumating ka" nakangusong sabi nito.

"What happened to you? You look like a mess" sabi naman ni Arius habang sinisipat ang kabuuan ni Cally.

"That happened" singhal niya saka dinuro nanaman ang babaeng nagbuhos sakanya ng pagkain.

"What happened?" rinig ko namang tanong ng kadarating na si Dark kay Thalia. Great.

"Nabuhusan siya ng pagkain kaso hindi naman niya sinasadya" sagot nito sakanya.

"Hindi niya sinasadya? She doesn't even know who tripped her, she's just plain stupid" maarte nitong sabi.

"Kung ikaw kaya patirin namin tapos may aksidente kang nabuhusan tapos hindi tatanggapin yung sorry mo? Sige nga subukan natin" wala namang emosyong sabi ni Dark. She's more dangerous if she's like this.

"Bat ka sumasabat?" galit na saad niya kay Dark. Ng hindi pinansin it ni Dark ay si Thalia na ang sumagot.

"Cally ang gusto niya lang sabihin ay hindi naman sinasadya ni" she paused then looks at the new girl. "Ah what's your name?" nahihiyang tanong nito sakanya. Kanina pa kasi sila nagbabangayan tapos hindi naman pala nila alam kung anong pangalan nito.

"Holly" simpleng sagot naman nito.

"Holly. You're Holly Cassia Cozbi?" tanong naman ni Thalia. Tumango naman ang babaeng nagngangalang Holly bilang sagot.

"You're the new student?" tanong ulit ni Thalia at tango lang din ulit ang sagot nito.

"I've been looking for yo---"

"Hello? San na napunta ang pag uusap niyo?" inis na saad ni Cally.

"Stop acting like a brat, Cally. Hindi nga niya sinasadya di ba?" ani Thalia.

"At ako pa ngayon ang brat?" she scoff. "Why don't you tell her who I am, little sister" maangas na sabi ni Cally. Thalia just looks at her flatly. Ng hindi umimik si Thalia ay magsasalita na sana si Cally ng biglang magsalita si Holly.

"I don't care who you are" Holly said.

"You b*tch!" nanggagalaiti na sigaw ni Cally saka sana niya susugurin ito ng bigla siyang hawakan ni Arius sa braso.

"Stop. Just let it go" sabi nito.

"What? No!" galit niyang sabi saka nagpupumiglas sa hawak ni Arius. Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin saka naglakad at naghanap ng upuan. Hinabol siya ni Dark at Thalia saka giniya sa mesa ko nung nakita ako nung dalawa.

"Intense" tanging sabi ko nalang nung nakaupo na sila upuan. Ngumiti lang siya sakin.

"Anong kakainin mo ngayon?" tanong naman ni Dark sakanya.

"It's fine. May baon akong sandwhich and yogurt" sabi niya saka siya naglabas ng sandwhich at yogurt sa bag niya.

"I'm Holly Cassia Cozbi" pagpapakilala niya sa aming tatlo.

"I'm Viennathalia Evans, I'm the president of the student council" pagpapakilala naman ni Thalia.

"Ako naman si Dark Angel Whitham" sabi naman ni Dark.

"Dark Angel. Cool" nakangiting sabi nito. Napansin kong napatingin silang tatlo sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"And you are?" nakangiti parin nitong tanong.

"Aeon Hitter" tanging sagot ko, saka ako nagpatuloy sa pagkain.

"Ow" tanging sabi niya tsaka nagpatuloy na sa pagkain ng sandwhich niya. Napansin ko naman yung dalawa na nakatitig samin ni Holly.

"Oh kayo, hindi ba kayo kakain? Asan ang mga pagkain niyo?" tanong ko nalang sakanila.

"Nauna na kaming kumain ni Thalia kanina, pumunta lang kami dito sa canteen para hanapin ka, wala ka na kasi kanina sa library nung puntahan ka namin" sagot naman ni Dark.

"Ahh" sagot ko nalang saka ako nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa ay naramdaman ko nanaman ang mga titig nila.

"May gusto ba kayong sabihin na dalawa?" tanong ko nalang sakanila habang inuubos ang ice cream ko. Napakurap kurap lang sila saglit saka nilipat ang tingin kay Holly habang inuubos ang kanyang yogurt. Nag angat naman ito ng tingin saka tinaasan ng kilay ang dalawa.

"There's something similar between you two" sabi ni Dark na parang nag iisip.

"Hah?" takang tanong naman ni Holly.

"Parang magkamukha kayong dalawa, kung black lang siguro ang buhok mo, pagkakamalan ko kayong magkapatid" seryosong sabi ni Dark.

"Oo nga. Hindi siguro napapansin ng iba yun sa una pero pag pinagtabi kasi kayo parang magka mukha kayo" sang ayon naman ni Thalia. Sabay kaming nagkatinginan ni Holly at tinitigan ang mukha ng isa't isa. Nanlaki ng bahagya ang mata naming dalawa ng mapagtanto ang sinasabi ng dalawa. Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata ang pagkakahawig namin pero kung titingnan mo ito ng mabuti ay mayroon nga. The difference is Holly's hair is curly silver blond habang ako kasi ay unat na unat at itim na itim. Maputi ako pero sobrang puti ni Holly, parang nakainom ng sangkatutak na gluta. That's the only difference, maliban dun wala na. We have the same ocean blue eyes, strong and proud nose and plump lips and the structure of our face is similar. My forehead crease at the thought that we are somehow related. Wala akong kilalang kamag anak namin dito.

"Are you related to each other?" nakakunot noong tanong ni Thalia.

"Nope. Kilala ko lahat ng kamag anak namin and my parents never mention that I have a twin or a sister" simpleng sagot naman ni Holly. Napatingin naman silang tatlo sakin. Mukhang naghihintay sila ng sagot ko. I just shook my head as an answer.

"Sigurado ba kayo?" tanong naman ni Dark.

"You both can pass as twins" dagdag pa ni Thalia. "I had a twin" nasabi ko nalang sa utak ko. Nakita kong napakunot ang noo ni Holly saka siya tumingin sakin ng may pagtatanong na reaksyon sa mukha. I just raised an eyebrow at her saka ako nag iwas ng tingin. Hindi naman siguro niya nabasa ang nasa utak ko unless she's an abomination. This two can't read abominations' minds, Dark is a half vampire half human while Thalia is a wolf bourne.