webnovel

EMBRACE OF WINTER

Helia and her family moved to a new place to start a new life but unexpectedly, she met her mother's bestfriend. They met again after so many years of being apart to each other. Everything is fine not until she excountered a cold and unapproachable guy with trust issue and trauma. Helia become very curious about the guy behavior and why he became like that so she involved her self into the life of this mysterious boy but what would Helia do if she found out that the strange guy is the son of her mother's bestfriend and worse, her neighbor.

glitterr_fairy · Realistis
Peringkat tidak cukup
33 Chs

Chapter 28

Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa pinto ng bahay nila Tita Kristine ay ang kambal na agad ang narining ko.

"Kahit isang beses lang naman" sabi ni Blythe saka sinundan si Brynthx sa sala.

"Ayoko" maikling sagot ni Brynthx habang nilalayuan ang kapatid.

"Come on. Call me big brother or kuya" pilit ni Blythe sa kapatid habang hindi parin ito tinitigilan

"What?! No way!" kumuha si Brynthx ng unan na nakalagay sa sofa sabay bato kay Blythe pero mabilis na nakailag naman ito.

"Just once. Don't be shy"

"Stop following me!" inis na sabi ni Brynthx at tinakpan na ang tainga para hindi na marinig ang sinasabi ng kakambal.

"Kiss mo na lang si Kuya" nakangusong sabi ni Blythe at aktong lalapit kay Brynthx para yakapin ito

"Kaumay ka!" gigil na sagot naman nito.

Tatawa tawa lang ako habang pinanonood silang maghabulan at mag asaran sa sala hanggang sa magtama ang paningin namin ni Brynthx. Nagulat ako nang biglang siyang tumakbo palapit sakin at nagtago sa likuran ko. Sinundan naman siya ni Blythe.

"Hi Helia!" masayang bati sakin ni Blythe nang makita niya ako. Hindi na ako nakasagot nang bumaling na ulit siya kay Brynthx para asarin ito.

"Sige na kasi. Kiss lang naman 'e. Kahit sa pisngi lang" pagpapatuloy ni Blythe saka sinilip ang kanyang kapatid na nagtatago sa likuran ko.

"So gross..." sagot naman ni Brynthx habang may tingin na nandidiri sa kapatid.

Hindi ko alam ang gagawin dahil nag aasaran sila habang nasa pagitan nila akong dalawa.

"I'll give you ten lollipops if you get me out of this" bulong sakin ni Brynthx

"What?" naguguluhang tanong ko.

"Help me" nahihiyang sabi niya.

"Make it twenty lollipops" nakangising sabi ko. Minsan lang 'to kaya magdi- demand na 'ko

"May balak ka bang sirain yung ngipin mo?"

"Forget it"

"I'm just kidding. Don't be so serious" mabilis na sagot niya nang aktong aalis ako.

"Twenty" sabi ko saka hinarap siya

Umiling siya. "Ten"

"Mura lang naman yung candy. Hwag kang kuripot"

"Kahit na. Twenty pieces of lollipop is too much for your teeth."

"Twenty" pag uulit ko.

Ilang beses muna niya ako tinignan bago bumuntong hininga.

"Fine. I'll make it twenty" sagot niya habang naiiling na lang.

Mabilis na lumawak ang ngiti ko. Alam ko namang hindi niyo ako matatalo pagdating sa ganyan. Wala kayong laban sakin.

"Deal" sabi ko at nagkamay pa kami na parang mga bata.

"Just call me brother"

Napapitlag si Brnthx nang malapitan at yakapin siya ni Blythe..

"Over my dead body" inis na sagot ni Brynthx habang pilit na kumakawala sa yakap ng kakambal.

"TIta Kristine, si Blythe nga po nang aasar na naman!" sigaw ko para marinig ni Tita

Nagulat naman si Blythe sa sinabi ko. Natuon sakin ang atensyon ni Blythe nang sumigaw ako kaya naman nakawala si Brynthx sa yakap ng kapatid. Mabilis na tumakbo ni Brynthx papasok ng kwarto niya. Nakarinig ako ng pagtunong ng door knob senyales na naglock si Brynthx ng pinto ng kanyang kwarto.

"Pinagtutulungan niyo na ako ngayon ah. Tsk tsk tsk." umiiling na sabi ni Blythe.

Mukhang mamaya na ako maniningil ng utang.

Tatawa tawang umupo na lang si Blythe. Tumabi naman ako sa kanya. Nanood siya ng TV samantalang nakaharap naman ako sa aking phone.

Bigla kong nakita yung message ng kaibigan ko kaya naman mabilis na binasa ko iyon para mareplyan siya.

Kaso akala ko naman ay maganda ang sasabihin niya dahil matagal tagal na kaming hindi nagkikita dagil nga lumipat kami ng bahay pero napabusangot na lang ako nang mabasa ang message niya.

'Bakit parang tumaba ka ata?'

Sabi niya sa isang picture na nipost ko. Grabe naman yon. HIndi ba pwedeng ganado lang kumain?

Wala sa sariling napatingin agad ako sa aking katawan. Tumayo pa ako saka humarap sa salimin pa tignan kung tumaba ako pero parang hindi naman. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ako o ano. Siguro ay wala lang siyang magawa sa buhay kaya naisipang asarin ako.

"Tumaba ba ako?" tanong ko kay Blythe saka tumayo sa harap niya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka ilang segundo akong tinitigan sa mata bago magsalita.

"Para kang patatas na hugis gasul" prangkang sabi niya....habang nakangiti pa!

Siraulo!

Lalo naman akong napabusangot dahil sa sinabi niya. Ang sama niyo talaga sakin!

Kinuha ko yung throw pillow sa tabi niya saka ibinato 'yon kay Blythe. Humahagikgik na nasalo naman niya 'yon kaya lalo akong nainis.

"Grabe ka naman!" reklamo ko sa kanya saka padabog na umupo sa tabi.

"Magtatanong tapos hindi ka maniniwala" hinarap niya ako saka niyakap yung unan na hawak niya.

Hindi na ako sumagot. Kung ano anong ideya agad ang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya. Kailangan ko na bang work out? exercise? diet? mag gym?

Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga kaibingan ko kapag nagkita kita kami. Baka sabihin nilang pangit na 'ko o kaya naman ay napag iwanan sa kusina. Syempre ayokong sabihan nila ako ng ganon.

Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko na agad silang takbuhan kapag nag aya sila ng gala.

Why naman ganon.

Nabalik naman ako sa reyalidad nanag maramdaman kong hinawakan ni Blythe yung ulo saka ginulo ang aking buhok.

"Kung ano ano na naman yung naisip mo" sabi niya saka pinitik ang noo ko kaya napaaray naman ako.

"Mukha na ba talaga kong patatas?" tanong ko habang hinimihas yung noo ko na pinitik niya.

"Pero atleast nagiging french fries yung patatas" sagot naman niya.

Minsan talaga ang hirap mo kausap. Naloloka ako sayo.

"Ikaw nga mukhang iltog 'e" ganti ko naman.

Hindi ako papayag na tawagin mo na lang ako basta basta ng patatas. Palaban ata ang Helia na 'to.

Napahawak naman siya sa mukha niya. "Sa lahat ng pwedeng maisip mo, itlog pa talaga.Yun na yon? Sure na?"

"Pero atleast nagiging scrumbled or boiled egg" dugtong ko naman.

"Ayoko non! Gusto ko Leche Flan."

"Ang sosyal mo naman!" hindi ko na mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.

"Bakit kasi itlog pa"

"Pero seryoso, ganon na ba talaga yung itsura ko?" paninigurado ko dahil kung totoo ang sinasabi niya ay sisimula ko nang magwork out at magdiet.

Humarap siya sakin saka tinitigan ako ng diretso sa mata.

"Biro lang 'yon syempre. Maganda ka kahit ano pa ang itsura mo. Hindi mo kailangang magpaganda para magustuhan ka ng iba. Hindi mo kailangang mag adjust para sa kanila dahil kung kaibigan mo talaga sila, handa ka nilang tanggapin kahit ano pa ang ugali at mukha ang meron ka. Helia is Helia. You is you. That's enough for me." sabi niya sabay marahang pinisil ang pisngi ko.

Napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Wlang gustong lumabas na salita mula sa bibig ko kaya natahimik ako pagkatapos niyang magsalita.

That's the moment I realized that want to keep seeing this side of him. The side of him that I feel so valuable and comfortable when talking to him.