webnovel

EMBRACE OF WINTER

Helia and her family moved to a new place to start a new life but unexpectedly, she met her mother's bestfriend. They met again after so many years of being apart to each other. Everything is fine not until she excountered a cold and unapproachable guy with trust issue and trauma. Helia become very curious about the guy behavior and why he became like that so she involved her self into the life of this mysterious boy but what would Helia do if she found out that the strange guy is the son of her mother's bestfriend and worse, her neighbor.

glitterr_fairy · Realistis
Peringkat tidak cukup
33 Chs

Chapter 13

"Pasok na 'ko" sabi ko sabay bukas ng pinto at nagdire diretso ng pasok sa loob ng kwarto ni Brynthx.

Nadatnan kong nakahiga pa sa kama at taimtim na natutulog pa si Brynth. Napatingin naman ako bigla sa orasan.

8:32 pa lang ng umaga.

Napangiwi na lang ako nang mapansin na maaga pa pala. Maaga kasi akong gumising para mag jogging kaya hindi ko na napansin pa ang oras nang pumunta ako sa kanila.

Hindi ko inistorbo pa si Brynthx sa kanyang pagtulog. Tahimik na lumabas na lamang ako ng kanyang kwarto at nagtungo sa sala para hanapin si Tita.

"Tita Kristine, uwi po muna ako saglit samin. Babalik na lang po ulit ako mamaya." paalam ko.

"Sige, basta dito ka na lang kumain ng lunch" sagot naman nito sabay abot ng remote control saka naglipat ng channel.

Pagkatapos kong mag paalam ay bumalik na ako samin saka dumiretso sa banyo para maligo dahil hindi mainam kung matutuyuan ang ng pawis.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalipas muna akong ng oras sa bahay. Naisipan kong magwalis at magdilig ng halaman dahil lagi ko na lang itong nakalilimutang gawing tuwing umaga dahil ang pagpunta kila Brynthx ang laging nasa isip ko.

Gaya nang sinabi ni Tita Kristine ay bumalik ako sa kanila bago magtanghalian.

"Tuloy na po ako" sabi ko pagkatapos kumatok sa kanilang pinto.

Naabutan kong naghahain na si Tita para sa tanghalian kaya naman agad akong lumapit sa kanya para tumulong.

"Si Brynthx po?" tanong ko kay Tita habang nagsasalin ng tubig sa baso saka lumagok don.

"Anong oras na nga pero natutulog parin ang batong 'yon" sagot ni Tita sabay buntong hininga at may paghawak pa sa kanyang beywang na akala mong stress na stress na sa kanyang anak.

Halos masamid naman ako sa aking narinig. Anong oras na pero hindi parin bumabangon ni Brynthx. Baka kung ano ano pa ang ginawa niya bago matulog.

"Gisingin ko na po ba?" tanong ko kay Tita

"Yes please, thank you" sagot naman nito

Agad naman akong umakyat sa taas para gisingin si Brynthx. Hindi ko na naisipnang pang kumatok. Nangdire diretso na lang ako nang pasok sa kanyang kwarto.

Ngunit pagpasok ko sa loob ay wala na akong nakitang pigurang nakahiga. May narinig ako na kung anong ingay sa loob ng kanyang banyo. Lumapit ako at kinatok ang pinto.

"Brynthx." sabi ko habang kumakatok. "Tara na kakain na daw tayo."

Pagkasabi ko non ay biglang bumukas ang pinto ng banyo at bumungad sakin ang mukha ni Brynthx. Basa at magulo ang buhok nito na para bang natatapos lang maligo. May nakapasok din na toothbrush sa kanyang bibig.

Dahil sa kanyang basang buhok, tumutulo sa sahig ang ilang patak ng tubig. Dali dali akong pumasok sa loob ng kanyang banyo at kumuha ng tuwalya.

Sumenyas ako kay Brynthx na yumuko ng bahagya para magpantay kami saka ko pinunasan ang kanyang basang buhok. Nung una ay natigil pa siya sa aking ginawa ngunit maya maya ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagsisipilyo dahil alam niyang hindi niya ako kanyang pigilan sa gusto kong gawin.

Hindi naman ako nagtagal sa aking ginagawa kaya natapos ako agad at ganon din si Brynthx sa kanyang ginagawa. Sabay kaming bumaba at nagtungo sa kusina.

Palihim na napangiti na lamang ako dahil hindi na siya nagsuot ng damit na may mahabang manggas. Pagkababa namin ay naupo ako sa katapat na upuan ni Tita habang si Brynthx naman ay tumabi sa kanyang Ina.

"Brynthx, mukhang napapadalas na ata ang pagpupuyat mo" biglang sabi Tita habang naglalagay ng pagkain sa manyang plato.

"Hindi naman" maikling sagot naman ni Brynthx at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kanyang Ina.

Napailing na lang ako.

"Halos araw-araw ka na kung anong gumising tapos 'hindi naman' ang isasagot mo sakin" sermon naman ni Tita.

Tahimik na nakinig na lamang ako sa usapan nilang mag ina.

"Kukunin ko lahat ng games at console mo kapag nagpuyat ka ulit" sabi ni Tita

Doon na napatingin si Brynthx sa kanyang ina.

"Why staring at me like that? Naku Brynthx, hindi ako nagbibiro" banta naman ni Tita.

"Fine, basta huwag lang magpupuyat" sagot naman ni Brynthx saka hinarap ulit ang kanyang pagkain. Nahuli ko pa siyang palihim na ngumisi bago sumubo.

Tsk tsk tsk. Ano kaya binabalak mo?

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay dali daling umakyat sa taas si Brynthx saka bumalik sa kanyang kwarto. Sinundan ko naman siya.

"What are you planning to do?" curious na tanong ko sa kanya

"What are you taking about?" maang na sagot naman nito.

"Alam kong may ibig sabihin yung ngisi mo kanina."

Hindi ako sinagot nito saka pumasok sa kanyang kwarto kaya naman ganon din ang ginawa ko.

Binuksan ko ang ilaw at bintana ng kanyang kwarto para naman may pumasok sa linawag kahit papano.

"Bakit ba ang hilig mong magpatay ng ilaw at magsara ng bintana? Hindi kaba nadidiliman?" tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

"Just because...." sabi nito

"What? just because?"

"Because for me, black means darkness and blackness is my comfort zone." pabulong na sabi nito.

What? What does he mean?

"How about the other color? You don't like it?"

"Yeah, I don't like the others" sagot niya sabay sabay kuha ng nitendo console at nagpipindot don.

Hindi na ako nagsalita pa ulit. Tumayo ako saka nagtingin tignin sa kwarto ni Brynthx. Lumapit ako sa bookshelf niya saka naghanap ng mga libro na pwedeng mapaglibangan pero naagaw ng isang picture frame ang buo kong atensyon.

Katabi ito ng computer ni Brynthx. May naaninag akong apat na tao sa frame. Lumapit ako don para makita ito nang maayos.

Kukunahin ko na sana yung picture frame pero biglang hinablot 'yon ni Bynthx sa kamay ko kaya hindi ko na nakita ang kabuuan ng litrato. Nakakunot ang noong napatingin ako sa kanya.

"You don't need to see it" tukoy nya sa litrato

"Is there something wrong with it?" tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang hawak,

"That's none of your business" sagot nito at nag iwas ng tingin.

Napaamang ako sa kanyang sinabi at wala sa sariling tinignan siya.

W-what?

I see.....

He's right. That's none of my business.