webnovel

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantasi
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 7: Just the two of us

Pagkapos ng klase ay syempre nagmamadali na naman akong umuwi para makapunta agad sa Ekbasis. Pagdating ko doon ay naabutan ko sa tree house si Felix na natutulog. Lumapit ako sa kanya at yumuko para magkalapit kami.

Tiitigan ko ang maamong mukha niya. Napaka inosente niya kung titignan. Hindi mo aakalain sa unang tingin na may nagawa 'tong kasalanan sa mundo nila kaya nandito siya ngayon mag isa sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung gaano kabigat yung kasalanang nagawa niya sa mundo nila kaya siya pinarusahan ng ganyan.

Sino ba naman ako para husgahan sila ng ganon kadali. Isa lang naman akong hamak na taga kabilang mundo na hindi parin alam kung paano ako nakakapunta dito. Bumaba ang tingin ko mula sa mata niya pababa sa labi. Napalunok ako. Ilang babae na kaya ang nakahalikan nito?

Nagulat ako sa sarili kong naisip kaya dali dali kong inilayo ang mukha ko sa kanya

"Bakit ko naisip yon? Nababaliw ka na ba?" natatarantang sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako at lumabas sa lugar na 'yon

"Ano 'yon? Bakit may ganon? Sira na ba ulo mo. Huwag kang marupok jusko si Felix lang yon" sabi ko pa. Huminto ako sa harap ng water falls saka tumitig sa rumaragasang tubig.

"Taga lupa!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Speaking of, si Felix.

Kumakaway siya papalapit sakin sak ngumiti ng malawak. Parang nag iba ang ihip ng hangin. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok non.

Sa hindi malamang dahilan, biglang nag slow mo ang paligid. Simula sa pagkad niya papunta hanggang sa galaw ng kamay niyang kumakaway. Ultimo mga dahong nalalaglag mula sa puno ay bumagal din. Nabalik lang ako sa wisyo ng tinawag niya ulit ako

"Taga lupa, ayos ka lang?" tanong nito. Nasa harap ko na pala siya hindi ko pa nalalaman

Umubo ako. "O-oo, ayos lang" sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya

"Kanina ka pa nandito?"

"Hindi naman, kararating ko lang"

Tumango siya biglang pagsagot. Nag isip siya saglit.

"Diba sabi mo pagbalik mo ay gagawin natin ang guto ko" sabi niya

Nako paktay tayo dyan.

Parang alam ko kung saan punta neto ah. Kinakabahang tumango lang ako

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko saka tumakbo kaya napatakbo din ako ng wala sa oras. Malawak ang ngiti.

Hindi ko alam kung kami pupunta. Naging mabato ang dinadaanan namin kaya nahirapan ako. Nakita yon ni Felix kaya binagalan niya ang pagtakbo saka inalalayan ako sa dinadaanan ko dahil puro bato ang daan

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi niya binitawan iyon. Bigla siyang huminto kaya napahinto din ako. Humarap siya sakin.

Hindi na nawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Ipikit mo ang mga mata mo" utos niya kaya nagtaka naman ako bigla.

"Sige na" pilit niya kaya wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata.

"Kapag ako nadapa lagot ka sakin" banta ko sa kanya. Narinig ko naman ang tawa niya

Ramdam kong nakaalalay siya sakin. Nagtaka ako ng biglang maging mauga ang tinatapakan ko. Kinabahan ako bigla

"Hoy Felix ano ba kasing plano mo" tanong ko

"Basta" sagot niya. Grane ha napaka effort mong sumagot. Ang haba sobra. Yawa ka

Ilang saglit pa ay sa wakas naramdaman kong tumigil na kami sa paglalakad

"Pwede na ba akong dumilat?"

"Oo, pwede na" sagot niya

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya nag adjust pa ako.

Nang makapag adjust ang mata ko ay saka ko lang nakita ang paligid. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masyado akong naooverwhelmed sa nakikita ko. Sa lahat ng lugar ay eto ang hindi ko inaasahan sa lahat. Hindi ko alam kung maguglat ba ako, maiiyak o matutuwa ngayon.

Sobrang ganda ng paligid. Ang gusto ko lang na gawin ngayon ay iappreciate ang ganda ng nature

Napalingo ako kay Felix. Nakita kong nakatingin siya sakin. Ngumiti ako ng malawak

"Salamat" masayang sabi ko bago lumapit sa kanya at yumakap. Hindi ko alam kung sapat ba ang salitang salamat pero masyado akong matutuwa. Naramdaman kong nagulat siya sa biglaang pagyakap ko sa kanya kaya bumitiw na ako at tumingin sa paligid.

Nasa hanging bridge kaming dalawa. Hindi ko expect na dito ako dadalhin ni Felix. Sobrang natutuwa lang ako at nakapunta ako sa ganitong lugar ngayon

Matatanaw mula dito ang mga naglalakihang mga bundok at isang lawa sa pagitan nito. Malinaw ang tubig at malamig ang simoy ng hangin

Humangin ng malakas kaya medyo umuga yung tulay.

Napakapit ako bigla sa braso ni Felix. Ngayon lang ako napatingin sa baba at shuta ang taas pala namin! Natakot ako bigla

Ilang oras kaming nanatili doon. Dinadama ang simoy ng hangin at ang magandang paligid. May lugar pa ba dito sa Ekbasis na hindi ko nakikita. Sabihin niyo na para hindi ako nabibigla

Saka ko lang naalala kung anong oras na

"Balik na tayo kaylangan ko ng umalis" sabi ko sabay tingin sa kanya

Nagtaka ko ng sa unang pagkakataon ay nakita kong hindi lumungkot ang mukha niya

Ngumiti siya sakin. "Alam kong babalik ka kaya hihintayin na lang kita" sabi niya

Nagulat ako don. Hindi ko inaasahang ganon ang isasagot niya sakin. Hindi ako naka imik dahil doon. Nauna na siyang maglakad kaya umuga nang bahagya yung tulay. Antakot naman ako. Jusko baka mahulog ako sa mali tao. Chour

"H-hoy hintayin mo ako" sabi ko. Hindi ako maalis din dahil umuuga yung tulay. Naiisip ko na baka biglang maputol yun

Imbes na hintayin ako ay tumakbo pa siya kaya lalong gumalaw yung tulay. Napasigaw ako sa takot. Nakahawak ako ng mahigpit sa lubid ng tulay. Hindi ko man lang maihakbang yung paa ko dahil sa takot.

Kapag ako naka alis dito depungal ka yari ka sakin yawa

Tumatawang nilapitan niya ako sabay aboy ng kamay. Inabot ko naman yun saka dahan dahang nag lakad paalis dun. Tuwing gumagalaw ng malakas yung tulay ay napapasigaw ako.

Etong kupal na kasama ko naman ay tinatawanan lang ako. Tuwang tuwa ka ghorl?. Sakalin kita eh. Kitang mamamatay nako sa takot tapos ikaw tatawa tawa lang

Ilang minuto ang lumipas ay nakaalis din kami doon. Hinampas ko agad siya sa braso

"Pisteng yawa ka yari ka sakin" gigil na sabi ko habang pinaghahampas siya sa braso. Tumakbo naman siya sakin palayo pero hindi ako basta basta magpapatalo kaya hinabol din siya kaya ang ending ay naghabulan kami 

Depungal nato