webnovel

Dream (Book 1 of Princess Trilogy)

Kyle_Llagas · Fantasi
Peringkat tidak cukup
1 Chs

Simula

"Anak gumising kana!! nanaginip kana naman! anong sinasabi ko dyan na prinsesa ako!?"

"Si Mama naman ang ganda ng panaginip ko e!"

inis na sabi ko sa mama ko

"Aba ngayon ang test mo sa Jeguk Empire School anong plano mo!?"

"Ay shet oo nga pala!!"

Tiningnan ko muna kung anong oras di pa naman masyadong late. Nag ayos nako ng gamit na dadalhin ko at naligo. Ang Jeguk Empire School ay isa sa mga sikat at mahal na eskwelahan sa buong bansa.

"Mama sa tingin moba kaya kong pumasa sa scholarship?" nag aalinlangan kong tanong

"Oo naman anak. Sa sobrang talino mo panigurado na makakapasa ka. E takot nga mag turo sayo mga guro mo nung high school ka e."

"Salamat po mama. Sana po talaga ay isa ako sa mga 10 na makuha. Aalis napo ako bye ma!!"

"Sige anak mag ingat ka at ipagdadasal kita na sana pakapasa ka. Goodluck!!" sabay flying kiss sakin.

Habang nasa byahe ako ay pinag papawisan ako sa kaba at sa init ng panahon ngayon.

"Manong para po!!"

Sabay baba at pumunta sa Jeguk School

"Grabe sa labas palang ang ganda na at sosyalin na!" mangha na sabi ko na dahilan kung bakit ako pinag tinginan at sinuri mula taas hanggan baba na para bang nandidiri. Siguro ay mga istudyante ito. Bukod kasi Enrollan para sa scholarship na 10 lang ang matatanggap ay enrollan rin ng mga studyante na anak mayaman. Sa eskwelahan na ito ay may anak ng politician, businessman at mga successfull na tao. Nag patuloy lang ako sa pag lakad at agad na pumasok sa main entrance. Pag pasok ko andaming sasakyan na nag kikinangan sa ganda na naka hilera at nag lalabasan ang mga istudyante na sa mukha palang ay halatang mayaman na.

"Grabe sis naka sama ko si Zach sa isang Business Gathering, ang pogi talaga niya!!" ani ng isang babae na tila kilig na kilig

"Buti kapa nga naka punta sa Gathering na yon alam mo naman ako 4th class lang e ikaw 2nd class"

Huh? takang taka ako sa sinasabi nila kung anong class-class na sinabi nila di nako nakinig dahil wala naman akong naiintindihan

"Grabe pre totoo ba yung na nakipag business partner kayo sa pipitchugin na company?"

"Oo pare nanakawan kasi kami nung secretary namin ng 200 million kaya napilitan kami"

o_o

o_O

O_O

200 million?! napaka laki nun grabe naman yun. kahit mag trabaho ako ng 100 years ay diko maiipon ata yon. Grabe pala talaga tao dito! Ang yayaman!!

Kanina pako nag lalakad pero diko alam kung saan nako nakaka abot. Sa sobrang laki nitong school nato ay maaring diko matagpuan ang hinahanap ko kung di ako mag tatanong.

"Miss san po ang nag tetest yung mga nag aapply ng scholarship?" tanong ko sa naka talikod na babae. Pag harap palang nito ay mukha itong masungit, makapal ang make-up at blush on. Tinignan lang ako nito mula ulo hanggang babae atsaka inirapan. Umalis nalang ako sa harap ng babae at nag tanong sa isang medyo may edad na lalaki. Sa tingin ko ay utility to.

"Manong saan po yung building ng mga mag aapply ng scholarship?" tanong ko rito

"Ay iba dun lang sa building na yon sa unang pinto" tsaka tinuro yung building na medyo malaki. Para lang syang simpleng eskwelehan pero 5th floor ito ata modern ang design at may elevatod din. Di tulad ng ibang building sa eskwelahan na ito na kala mo hotel dahil sa building talaga ang style nito at umaabot 10-12 floor. Ang sabi sabi 15 daw na building na mayroong ganon dito.

Pag ka pasok sa pinto na sinabi ni manong ay mag isang guro akong nabungaran na naupo sa harapan.

"Kukuha karin ba?" sigurado ako na ako kinakausap nito kase sakin naka tingin.

"Opo ma'am" magalang na sagot ko dito

"Hindi kami nag papatawag dito ng maam ang tawag nila sa mga guro ay Ms. at Mr. kahit na may asawa pa. By the way, I'm Ms. Manzano and here fill up-an mo at ito sagutan mo yang mga questions na may kinalaman sa buhay mo at academics." "Salamat po Ms. Manzano" sabay kuha dun sa folder na nag lalaman ng sasagutan ko. Marami ito at alam ko na matatagalan pako.

After 3 hours....

Natapos narin ako. Grabe 400 questions pala yon. Sa katanuyan ay madali lang ang lahat para sakin. Pero ayaw kong maging sure na magatanggap ako. Pag ka tapos kong ipasa..

"Okay, since tapos na kayong lahat ay babalitaan ko nalang kayo kung nakapasa kayo. After 2 weeks ay may darating sa inyong letter na nag papahayag kung nakapasa kayo o hindi. Sige pwede na kayong umuwi.."

Pag ka labas ko ay unti nalang ang tao at 5 na pala ng hapon. Dumeretso nako ng bahay at naabutan ko si mama na nag lilinis pagka tapos ay nag kinamusta nya lang yung test ko at inutusan nakong mag luto ng ulam. Pag katapos ay kumain kami at nag pa hinga.

Kinabukasan...