webnovel

Chapter 6

Dahil sa nalamang ito ni Van Grego, lubos ang kanyang kasiyahan na pinapangarap niyang maging tanyag na Alchemist sa hinaharap. Dahil dito, binasa niyang mabuti ang libro hanggang sa kahuli- hulihang pahina nito. Madami na siyang natutunan sa librong ito patungkol sa Alchemist. Sinunod niya ang mga nabasa niya dito.

Nalaman niya napakadelikado at napakahirap kontrolin ang ganitong klaseng apoy na kanyang taglay. Sinunod niya ang bawat hakbang upang masigurong magiging ligtas at matagumpay niyang makontrol ang Sacred Divine Flames na kulay silvery white na siyang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang apoy sa mundong ito. Nasa number one list ito ng Alchemy Sacred Divine Flames.

Napakaraming apoy ang nakatala dito, napaka rare ng ganitong apoy sa larangan ng Alchemy kung kaya't hindi nila alam kung may nagtataglay nito noon o kaya ay sa kasalukuyang panahong ito. Pero ngayon ay meron na at ito ay si Van Grego na siyang nakasisigurong aangat at gigimbal sa larangan ng Alchemy World.

Walang pag-aalinlangang ginawa niya ang dapat na gawin. Ipinukos niya lang kanyang sarili sa paggising ng natutulog na makapangyarihang apoy sa kaniyang katawan. Kapag nagawa niya ito ay masisigurado niyang kaya niyang tapatan ang mga kaedad niyang alchemist at mga nakakatanda sa kanya. Naging mahinahon at blangko ang pag-iisip ni Van Grego.

Walang dapat sayangin na oras. Kailangan niyang matutunan ang gawain ng isang Alchemist at ipagpatuloy ang kaniyang naputol na Cultivation. Mapanganib sa labas ng Ancient Place na ito. Hindi ito matatawag na Ancient Ruin sapagkat hindi ito nagkaroon ng kahit na anong sira at nananatiling maayos ang lahat dito.

Kaya masasabing napakamisteryoso sapagkat nakatago ito sa kahit na sino. Napakaswerte ng naging kapalaran niya na alam niyang may nagbabadyang panganib sa labas nito, na kung saan ay isang masukal na kagubatan. Kaya kailangan niyang magpalakas muna.

Patuloy pa din siyang nagpopokus sa pagkontrol ng Sacred Divine Flame niya. Ramdam niyang umiinit na ang kanyang mga ugat sa katawan. Parang napapaso siya. Ramdam niya ang apoy sa katawan niya. Patuloy niya paring pinupukos ang kanyang sarili para kontrolin ang sagradong apoy na ito.

Patuloy na umiinit lalo na ang kanyang kamay, masakit man pero pilit parin siyang naging mahinahon.

Napakahirap kontrolin ang mabagsik na apoy na pilit kumakawala sa kontrol ni Van. Ayaw niyang sumuko lalo pa't kapag hindi makokontrol ito ay baka siya ang kontrolin nito at maging abo nalang sa huli.

Unti- unti ng lumilikha ang kamay niya ng apoy, kakaiba sa ordinaryong apoy sapagkat sa kulay palang alam mong kakaiba sapagkat kulay silvery- white ito. Mas malakas sa ordinaryong Alchemist na karaniwang apoy ay kahel o pula.

Sa una ay parang buto lang puno kalaki hanggang sa unti- unting sinasakop nito ang kabuuang kamay niya. Nangangahulugan lang itong naging matagumpay ang kaniyang pagkontrol sa apoy. May ngiti sa kanyang mga labi.

Pero hindi ito nangangahulugan na tunay na siyang Alchemist. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Para maging Alchemist ay kailangan mo ding gumawa ng mga pills at ibang mga gamot sa pamamagitan ng pagluluto, paghalo, pagtantsa ng gagamiting sangkap at pagkontrol sa apoy.

Sinimulan niya ng maghanap ng libro , nang makita na na ito ay binasa niya ang libro na may kakapalan na mahigit kumulang limang daang pahina. Mahilig at mabilis magbasa si Van Grego ng libro kaya parang wala lang ito sa kaniya. Binasa niya ang patungkol sa mga paunang mga sangkap at mga Pills na pwedeng gawin. Dito din masusubok kung paano gumawa ng gamot. Sinimulan niya sa pinakasimpleng Pill at ito ay ang Energy Recovery Pill.

Napakakomplekado ng mga dapat tandaan at mga sangkap. Mabuti na lamang at nagmimistulang malawak na hardin ang sagradong lawang ito na pinalilibutan ng mga iba't ibang halamang gamot (medicinal plants and herbs). Kailangan niyang maging mahinahon sa paggawa ng Pills para hindi pumalpak ang maging resulta ng paggawa.

Naghanap na si Van Grego ng mga sangkap na kakailanganin at naghanap siya ng kawali sa nahakot niyang kagamitan. Mabuti nalang at meron,hindi lang yun, dahil isang top- tier Cauldron ang nahanap niya. Mas malaki ang tsansang maging successful ang isasagawa niyang paggawa ng pill

Marami pang tambak- tambak na libro. Sa pagitan nito ay mas mapapalawak at mapapalalim niya ang kanyang mga kaalaman at ang pinapangarap niyang maging malakas na Adventurer sa kasaysayan.

Madami na siyang naranasang kapighatian kaya sisikapin niyang maabot ang kanyang pangarap, ang mabuhay at lumakas.