webnovel

Chapter 26

Ilang oras matapos ang pagpulong sa mga Opisyales ng Third Rate Class ay nangalap ng impormasyon si Van Grego tungkol sa Royal Clans sa pamamagitan ng pagsuhol niya sa isang mataas na Opisyales ng First Rate Kingdoms pero nabigo siya kahit na nagbayad siya ng napakalaking halaga ukol dito. Pero lumiwanag ang kanyang mukha lalo pa't may importanteng mga impormasyon pa rin siyang nakuha.

Nagtaka siya sa walang balita ang lumabas patungkol sa pagkawasak at pagkawala ng malaking Angkan  ng Royal Clans sa pagitan ng Alyansa ng naglalakihang mga kasapi ng Royal Families.

Hindi ito lumaganap pero ayon sa tanggapan ng mga awtoridad ng mga First Rate  Kingdoms ay binayaran nila lahat ng mga taong sangkot mapa-ordinaryong Cultivator man o maging ang mga Rogue Cultivators ay sinuhulan nila upang maging tahimik muna ang balita upang maiwasan ang pagwawala ng mamamayan.

Nagkakaroon na rin ng mga cold war sa pagitan ng mga First Rate Kingdoms lalo pa't walang ayaw na magpaubaya o mapasailalim ang mga ito.

Ayon sa prediksyon niya, hindi basta-basta aatras at susuko ang mga Royal Families lalo pa't alam niyang maraming kayamanang itinago ang mga Royal Families sa iba't ibang lugar.

Bawat Royal Families ay may Sikretong Vault kung saan naglalaman ng di mapapantayang halaga ng kayamanan. Wala pa iyon sa nakuha ng Sphere niya kung Kaya't alam niyang tuso ang mga ito. Siguradong aalis ang mga ito pag silumalakay ang mga karatig na mas malalaking Kontinente dito. So far, wala pa namang may nakakaalam ng sikretong ito.

Inalam niya din ang kalagayan patungkol sa Grego Clan na matatagpuan sa Aurora Village.

Nalungkot siya sa balitang unti-unting naghihirap ang mga kadugo niya maging ang ibang mga malilit na Clan. Hindi dahil sa pinapabayaan ang mamamayang ito kundi ay dahil sa tagutom ngayon lalo pa't taglamig.

Umuulan ng snow kung Kaya't ang mga water type na mga Halaman lamang ang patuloy na tumutubo at namumunga na madalang lamang makita lalo pa't hindi lamang sila ang nakikinabang nito lalo pa't binabantayan din ito ng mababangis na Martial Beasts kung Kaya't pahirapan ang pagkuha at pag-angkin nito.

Naranasan niya rin na magutom sa ganitong panahon at season lalo pa't nang naninirahan siya sa Aurora Village ay halos wala kang makitang mga puno at pahirapan ang paghanap ng pagkain.

Kung makakaswerte ang kanyang lolo at tatay maging ang mga kadugo niya ay nakakakatay sila ng malalaking mga Martial Beasts kung Kaya't nakakatawid sila ng gutom sa pang-araw araw sa ganitong klima. Mas malala pa ito lalo pat taglagas na sa susunod na buwan.

Nagpadala na din siya ng mga tulong sa pamamagitan ng mga Opisyales na naging kapartner ng kanilang assosasyon sa negosyo. Hindi niya rin maatim ang makitang nagdudusa ang angkan niya lalo pa't andun ang kanyang mapag-arugang ina. Alam niyang walang nagawa ang kanyang ina noon lalo pa't wala itong laban sa lahat ng kaangkan niya. Hindi niya alam kung bakit ang mga kadugo ay galit na galit sa kanya lalo na ang kanyang ama na Second Elder na lamang ngayon lalo pa't wala na siyang maipagmamalaki pa sapagkat ang alam nila ay patay na ang anak nila.

Marami na din ang namatay sa kagubatang iyon at iyon ang totoo. Napakaswerte lang ni Van Grego lalo pa't nakatagpo siya ng Fortunate Encounter na may madaming mga kayamanang kanyang tinamo at sa tulong narin ng kanyang sipag, tiyaga at talino. Tunay ngang pinagpala pa rin siya at binigyan ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang takbo ng kanyang buhay at tumulong sa nangangailangan. Binaliksn niya naman ang mga pangyayaring hindi niya kailanman malilimutan kahit kailan.

Pinakalma niya naman ang kanyang sarili, ayaw niyang madaig siya ng mga pagsubok sa buhay na ito. Kailangan niya pang maging matatag lalo pa't ito palang ang simula at kapag nabigo siya sa mga plano niya, wala na siyang magagawa uko dito. Masyadong mahina pa sila.

Maging ang First at Second Rate na kaharian ay walang maitutulong sa kanya, lalo pa't ayaw magpatalo ng bawat kaharian, maging ang ibigay ang kanilang suporta na humihingi ng malaking kapalit.

Ayaw niyang magkaroon ng utang sa mga taong mga ganito lalo pa't sa ngayon ay kakasimula pa lamang nila dito kung Kaya't ayaw  niyang gumastos ng napakalaking halaga para lamang sa kapakanan ng mga ganid na mga Opisyales ng matataas na Classes. Masyadong mapanganib na makipagsosyo sa kanila lalo pa't tinakpan nila ang  katotohanang wala na ang Royal Clans. Ayaw nilang lumabas ang mga ito.

Ayon sa bali-balita ay nag-uunahan sa pwesto ang mga ganid sa kapangyarihang mga First Rate Kingdoms. Tanging laruan at tau-tauhan lamang ang tingin nila sa Second Rate kingdoms at wala silang pakialam sa Third Rate Kingdoms. Mas mabuti iyon para kay Van Grego. Mas Tahimik na galaw, mas ligtas.

May mainit na kompetisyon na nangyayari na hindi alam ng mga nasa Second at Third Rate Class.

Samantala...

Kani-kanina lamang ay marami na silang napagplanuhan ng mga Opisyales ng Third Rate Class patungkol sa palihim na paggalaw sa pagpapaangat ng lakas nila mapapolitika man,sandatahan o kapangyarihan. Una na dito ay ang pagsuhol ng napakalaki sa mga negosyante ng Second Rate kingdoms upang magbenta.

Tanging 3% lamang ang makukuha ng mga ito sa pagbentana napakalaki na nito dahil 1.5 % lang ang nakukuha ng mga negosyante sa pagbebenta. Uunti-untiin niya ang pagkuha ng mga loob ng mga ito. Tanging kapitalismo lamang ang kailangan niya sa First at Second Rate Class kung kaya't wala siyang pakialam sa mga ito lalo pa't sila ang nang-aabuso sa kapangyarihang politikal.

Sa kabilang banda naman ay balak niya ding pumunta sa mga karatig-kontinente at magtatag ng mga Main Branches para na rin maiwasan ang malaking pinsalang kanilang matatamo. Lahat ng ito ay kanila ng napagplanuhang maigi ng kanyang mga trabahador.Magrerecruit sila ng mga tao upang gawing trabahador at mas mapapabilis ang proseso nila. Isasagawa niya ito nitong isang araw lamang.

Nagpadala na siya ng ilang mga tauhan maging ang mga Leader ang  pupunta sa iba't ibang kontinente upang makipagsapalaran lalo pa't walang dapat sayangin na oras. Mas malaki ang tsansa kung ang mga lider ang ipapadala lalo pa't halos marunong itong mag-handle sa alinmang sitwasyon idagdag pang mahuhusay din ito sa pakikipaglaban at gumawa ng plano Kaya't panatag siyang magtatagumpay ito.

Binigyan niya ito lahat ng dapat ihanda lalong-lalo na ang napakaling halaga ng pera (Martial Money). Pupunta din siya sa iba't ibang kontinente para siguraduhin ang matagumpay na pagpapatayo ng negosyo.

(A/N: Di ko lahat sasabihin ang detalye, for future updates pa)

Marami pa siyang ginawang pagsasaayos ng plano lalo't walang lugar sa kanya ang papalpak lalo pa't buhay ng mamamayan ang nakasalalay dito, ayaw niyang iasa ito sa Intelligence Department lalo pa't sila ang utak ng Alchemy Powerhouse Association kung Kaya't hindi niya aabalahin pa ang mga ito dahil marami at tambak pa ang trabahong nakaatang sa mga balikat nila.

Kahit sila ang pinakakonte sa lahat ng grupo ng Departamento ay masasabing hindi basta-basta sila magpapatalo lalo pa't gawain nila ito at malaki ang respeto nila kay Mr. V hindi lamang sa pagpapalaya sa pang-aalipin kundi dahil sa pagbibigay pag-asa sa kanilang lahat na kahit na anong bagay ay hindi matutumbasan ng kahit na sino.

Karamihan sa mga noo'y alipin ay napabilib sila, hindi lamang sa hindi ito naghihintay ng kapalit bagkus ay binigay niya nag lahat ng matutulong niya na nagpapahayag lamang ng napakabuting puso na kahit sila ay ayaw maging pabigat kay Mr. V kahit pa sabihing walang nakikitang reklamo o masamang reaksyon sa kanila pero hanggang ngayon ayaw nilang i-disappoint si Mr. V lalo pa't alam nilang may malaking delubyo ang dadating sa kanila.

Hindi ito alam ng lahat, tanging ang Vice Leader at Leader lamang ng bawat Department ang nakakaalam nito lalo pa't nakamit nila ang lubos na pagtitiwala sa kanila ni Mr. V na ayaw din nilang ipaalam ito lalo pa't magdudulot lamang ito ng mas maagang digmaan. Kaya't tikom na tikom na sila lalo't magkaiba ang kanilang adhikain sa mga ganid na mga Opisyales ng First Rate Kingdoms.

Dahil sa nalaman nila ay mas napabilib sila. Tanging pagpapalawak ng negosyo at pagpaatupad ni Mr. V ng puspusang pagcucultivate upang mas lumakas pa lalo ang Assosasyong ito at sinunod ito ng mga Opisyales ng Alchemy Powerhouse Association at inanunsyo ito sa kani-kanilang mga Departamento.

Nagpapatunay lamang na gustong iligtas ni Mr. V ang lahat ng mamamayan kahit na wala itong naitulong sa kanya. Mas lumaki ang respeto at pagtitiwala nila sa magagawa ng isang Mr. V na iniidolo nila na kahit sila'y pilit inaabot ng misteryosong lalaking may napakapurong puso para sa maliit na kontinenteng ito.