webnovel

Chapter 15

Kasalukuyan pa ring nawawasak ang lugar ng Royal Clans. Marami ding mamamayan ang namatay at sugatan lalo pa't walang awang nagpapaulan ang Tribulation dahil sa galit nito. Nagmistulang walang depensa ang Sentrong lugar na ito.

Wasak rin ang lahat ng mga primaryang depensa ng lugar katulad ng mga Stone Valley Formations, Dragon Wall Formations at iba pa na naging paunang depensa ng lugar na hindi kayang wasakin ng ibang tao maging ng isang tao.

Nangyari na ang hindi inaasahang pangyayari ng Royal Clans at iyon ay ang pagkawasak ng lugar nila.

Halos siyamnapong porsyento ng lugar ng Royal Clans ay wasak na maging halos lahat ng imprastraktura't maging ang mga pangunahing resources nila ay wasak na at yung iba naman ay tuluyan ng tinupok ng apoy dahil na rin sa mataas na porsyento ng enerhiya galing sa mapangwasak na kidlat.

Lubos na nagsisisi ang mga Opisyales ng Royal Clans lalo na at nahuli na sila. Nagkaroon ng hindi inaasahang pag-atake na siyang wawasak sa kanilang mala-paraisong lugar. Nasa bingit na ng pagkawasak ang lugar nila't maging ang mamamayan ng Royal Clans ay patuloy na nalalagasan.

Natapos na ng sphere ang siyam na Tribulation st patuloy pa ring nawawasak ang lugar. Habang ang sphere nama'y patuloy sa pagdevelop ng bawat parte ng estruktura nito. Mas naging madilim ang ulap na katulad ng Tribulation ang nakapalibot sa Sphere at nagkaroon din ng mga kuryente ito kung Kaya't hindi alam ng mga mamamayan dito kung anong klaseng nilalang o bagay itong kanilang nasasaksihan.

Wala ano-ano pa'y natigilan ang Sphere kung kaya't mas pinataasan at kinapalan niya pa lalo ang paunang depensa dahil na rin sa nakapangingilabot na mga presenya na kanyang naramdaman. Patuloy pa sa pagdami ng malalakas na presenya. Kahit na ganon pa man ay hindi pa rin ito nagkaroon ng takot. Isa lang siyang bagay na binigyang buhay at nagkaroon lamang ng kamalayan upang isagawa ang kanyang nasa isipan, ang wasakin ang buong lugar na sakop ng Royal Clan.

Maya-maya pa'y...

"Sino kang nangahas sa Teritoryo kong ito?" Mababakasan mo ang ma-awtoridad nitong pagkakasabi sa bawat salita nito.

Ito ay walang iba kung hindi si King George Helbor na kasalukuyang hari at namumuno sa buong Royal Clanm

Ngunit walang naging tugon o sagot man lang sa kanyang tanong si King George Helbor sa kanyang tinatanungan.

Mistulang wala itong kinakausap o naririnig man lamang dahil patuloy lamang ito sa pagwasak ng mga lugar ng Royal Clan

Paulit-ulit na sinasabi niya ang tanong baka hindi lang narinig pero dahil nagmumukha ng tanga si King Helbor kung kaya't makikita ang napakakunot nitong noo na tanda ng pagkagalit nito ng lubusan.

Naging tahimik ang lahat at nanlaki ang mata nila lalo pa't masyadong napahiya ang lider nila. Hindi lang lider kundi siya'y itinuturing na pinakamalakas na tao ng Royal Clans kung Kaya't isa itong pambabastos sa kaniya maging sa mamamayang sakop niya.

"Dahil sa kalapastangan at pagpapakita mo ng pag-aalsa laban sa angkan ko ay hinahatulan kita ng parusang Kamatayan! Nanggagaliting sigaw ni King George Helbor ng Helbor Family.

Patayin siya!

Wag niyo siyang patakasin!

Siguradong malaking pabuya ang naghihintay sa inyong lahat!

Sigaw ng mga galit na galit na mga mamamayan at maging ng mga Opisyales ng bawat Royal Families dahil sa kawalang-hiyaang ginawa ng di kilalang nilalang.

Maraming nakisali sa labanan at gustong huliin o patayin ang hindi matukoy na nilalang na nababalutan ng sobrang itim na makakapal na ulap (yung Sphere ang tinutukoy nila).

Marami din ang hindi nakisali sapagkat alam nilang masasaktan lang sila lalo pa't nasaksihan nila kani-kanina lang ang delubyong humagupit sa kapwa nila mamamayan ng Royal Clans kung Kaya't natakot sila kahit sabihing malaki ang pabuya dahil ayaw pa nilang mawala sa mundong ito lalo pa't may mga pamilya pa silang kailangang suportahan.

"Sugod!" malakas na sigaw ni King George Helbor lalo pa't nalamon na siya ng galit dahil sa pagkawasak ng lugar nila.

Halos lahat ng mga mamamayan ay sumugod maging ang mga lider at Opisyales ng Iba't- ibang miyembro ng Royal Clans. Hindi nila inaasahang umatake ng sobrang bilis ang Tribulation. Nagpaulan ang Tribulation ng hindi mabilang na malalaking at mababagsik na mga kidlat na sobrang mapinsala, doble ang laki nito kumpara sa naunang naglalakihang mga kidlat na sobrang bilis na tumama sa bawat mamamayang sumugod sa kanila. Lahat ay napinsala maging ang mga lider ng Royal Clans maging si King George Helbor.

Wala silang nagawa kundi magpalahaw sa sakit. Yung iba ay naging abo ng tumama ang malakas na mga kidlat at yung ibang malalakas ang depensa sa katawan o rank maging ang gumamit ng mga artifacts (weapons, armors, shield etc.) ay nakaligtas ngunit masasabing lubhang naapektuhan at napinsala.

Dahil dito'y tinapos na ng Sphere ang Tribulation which is ang Seal of Tribulation. Huli na para sa mga Royal Families ng Royal Clans na pigilan ang pagsira ng Seal lalo pa't lubhang napinsala sila na halata naman sa malalaki at malalalim nilang mga sugat.

Hindi ito kakayaning pigilan ng isa o dalawang tao lamang. Kung halos lahat ng may Awtoridad ng Royal Clans ang magtutulungan ay kaya pa nila itong pigilan ngunit huli na para ito ay pigilan, halos paubos na ang lakas nila maging ang mga kagamitan nilang sobrang importante sa kanila ay napinsala at nawasak na rin kung Kaya't masasabing ito na ang paglubog nila.

Hindi pa din lahat ng mga Lider ay naririto dahil sa halos lahat ng mga lider ng mga Royal Families ay nasa loob pa rin ng seklusyon at marami ang napapasailalim ngayon ng Tribulation kung kaya't nasa pinakadelikado na sila na sitwasyon ngayon.

Naging kalunos-lunos ang kalagayan ng mga mamamayan ng Royal Clan isama mo pa ang mga Opisyales at ang kanilang Hari.

Maya-maya pa ay naramdaman nilang may namumuong pag-atake ulit ng kidlat sa kanila na galing sa Tribulation kung Kaya't maraming ang nabahala ukol dito. Halos mamutla na ang iba at naiiyak na sa nalalapit nilang kamatayan.

"Tama na!" Sigaw ng babaeng sundalo na may mga malalalim na sugat.

"Hindi na kami lalaban!" Sabi ng lalaking naging sakim sa yaman at nadala lamang sa silaw ng pabuya.

"Hahayaan ka na naming gawin ang gusto mo!" Sambit ng isang Opisyales na wari'y nakikipag-areglo sa nilalang na nasa harapan niya.

"Maawa ka samin!" Sigaw ng ginang na isang napakatanyag dahil sa husay pakikipaglaban gamit ang espada.

"Matutuo ka namang maawa!" Sabi ng isa sa tusong Opisyales na wari'y nakikiusap

"Patayin mo na kami ng matapos na to!" Sabi ng kalunos-lunos na kalagayan ng matandang lalaki na ordinayong mamamayan ng Royal Clan

"Walanghiya ka!" sabi ng matapang na heneral ng hukbo ng Royal Clan

Masunog ka sana sa impyerno!" Sabi ng medyo may katandaang lalaki na may payat na pangangatawan

Sari-saring mga sigaw ang maririnig ng bawat isa sa mga ito. Hindi nila alam na sphere ito kung kaya't hindi ito nakakaintindi sa bagay-bagay na kanyang naririnig, tanging si Van Grego lang ang tanging kanyang nauunawaan kung kaya't ang ginawa niyang ito ay tanging isa lamang sa nakatanim sa sistema ng Sphere kung Kaya't wala itong pinakikinggan maging ang palahaw ay hindi niya ito naiintindihan.

Bagay lamang siya na nataniman ng munting kamalayan at kaunting pag-iisip. Ang masasabi lang ng ibang mga cultivator na saksi ay walang awa ito sa pagwasak sa Royal Clans na kahit sila ay ayaw ng makialam pa at madadamay lamang sila sa kamatayang naghihintay sa ibang sumubok na lumaban.

Alam naman ng karamihan na sa mundong ito, tanging malalakas lang ang may kapangyarihang salungatin ang desisyon ng lahat, ang aani sa lahat ng papuri, tagumpay at makakapaglakbay sa ibang lugar.