webnovel

DIE INTO YOU

Danyan · Realistis
Peringkat tidak cukup
17 Chs

CHAPTER 4:

Chapter 4:

"Steph, hinahanap ka ni Kurt." Napatigil ako sa pangungulit kay Kelvin ng tawagin ako ng kaklase ko.

Tinignan ko si Kelvin na tila napahinto rin sa paglalaro ng online games, kahit hindi siya tumingin sa akin ay ramdam ko ang pagbabago ng expression niya. Sigurado akong gusto na niya akong tignan ng masama.

Nagpaalam na ako sa kanya kahit hindi naman siya interesado. Nakangiti akong lumabas nang classroom at bumungad sa akin ang malapad niyang ngiti. Kelan ko ba makikitang hindi nakangiti ang lalaking ito?

"Sino yung kinukulit mo dun sa loob?" Tanong niya sa akin at timuro pa si Kelvin.

"Crush ko iyon, kinukulit ko baka sakaling mapansin ulit ako." Pag-amin ko sa kanya. Siguro ay hindi naman niya ako huhusgahan ngayong nalaman niya.

"Ang swerte niya." Rinig kong sambit niya kaya napangiti ako.

Naiisip din kaya ni Kelvin na maswerte siya kasi kinukulit at kinakausap ko siya kahit na hindi niya ako pinapansin? Naiisip din niya kaya ang kakulitan ko? Nam-miss din kaya niya ang pangungulit ko sa kanya?

Napailing at mapait nalang siyang napangiti sa naisip. Kahit alam ko na kung bakit gano'n ang binata ay hindi parin ako sigurado kung anong nararamdaman nito. Kung may pag-asa nga bang mapansin niya ako.

"Bakit naman siya maswerte?" Inosenteng tanong ko dito.

"Wala, maswerte lang siya kasi may nagungulit sa kanya na kagaya mo."

Napatingin ako sa kanya, para namang walang gumagawa nuon sa kanya. Di hamak naman na mas kilala siya kaysa kay Kelvin.

Muli ay sinulyapan ko si Kelvin at halos uminit ang ulo ko ng makita ko siyang kinakausap si Janah. Since when he talked to someone? Since when he had an interest for someone? Tinignan niya pa ako at nginisian. Fuck. I'm jealous.

"Hayaan mo na iyang Kelvin mo, he's not worth it. Mag-ready ka nalang at pupunta na tayo sa gym."

Nawala man ako sa mood dahil kay Kelvin, pilit parin akong ngumiti kay Kurt at sinunod siya. Kinuha ko ang gamit ko at inayos iyon bawat isa, nakita ko naman na lalong pinaglapitan ni Janah ang katawan niya kay Kelvin. And that jerk, enjoy na enjoy sa ginagawa sa kanya. Hindi naman niya sinabing mukhang aso ang gusto niya, sana binili ko nalang siya o kaya naman hiningi ko siya ng aspin sa kapitbahay namin.

"What's that face?" Tinignan ko ng masama si Shean. "Oh, kaya naman pala, gusto mo gulpihin na natin ang babaeng iyan? Haliparot." Tinuro niya pa ang dalawa matapos sabihin ang katagang iyon.

"Huwag na. Manunuod nalang ako ng laban nila Kurt, bahala siya sa buhay niya." Iritable kong sabi.

" Kurt? Napapansin kong palagi na kayong magkasama, tapos ngayon manunuod ka pa ng laban nila." Pinagtaasan niya ako ng kilay at sinulyapan si Kurt. "Baka mamaya mabalitaan kong kayo na." Mapang-asar pa niyang dugtong.

"Manahimik ka nga. Kayo ni Yohanne ang kamusta? Baka mamaya kayo na, hindi mo lang sinasabi sa akin." Pag-iiba ko nang usapan.

Ayaw ko nang intindihin pa ang lalaking iyon. Nakakaasiwa.

"Hindi pa nga siya nanliligaw. Huwag kang mag-alala ikaw ang unang makakaalam kapag naging kami na."

"Siguraduhin mo, kakalbuhin kita kapag naglihim ka sa akin."

" Oo na. Puntahan mo na nga lang si Kurt, masamang pinaghihintay ang mga gwapong katulad niya."

"Hindi ka sasama?"

" Susunod kami ni Yohanne."

Nginisian ko siya,  sabi na si Yohanne nanaman ang dahilan kung bakit hindi siya sasabay sa akin. Buti nalang sinundo ako ni Kurt.

Tinignan kong muli ang pwesto ni Kelvin nanduon parin si Janah kasama ang alalay niyang si Kyla. Masama ang tingin na ibinigay sa akin ni Kelvin ngunit nginisian ko lang ito.

"Bakit ka tumatawa diyan?" Inis kong singhal kay Kurt nang makita ko siyang tumatawa ng makalapit ako sa kanya.

"Ang epic kasi ng itsura ni Kelvin habang kausap yung babae, halatang pinagseselos ka lang niya." Natatawang turan nito.

Pinagseselos? Bakit naman gagawin ni Kelvin iyon? Hindi nga ako matignan ng matino nang lalaking iyon, puro masasamang tingin nalang ang natanggap ko mula sa kanya. 

"Bakit naman niya gagawin iyon? Malabo pa sa maduming kanal na mapansin ako ng lalaking iyon, sa apat na taon kong pangungulit sa kanya, isang beses pa lang niya akong kinausap." Iyon ay yung nakulong pa kami sa library. How I wish na palagi nalang kaming nasa loob ng library?

"Ang lalaki, magaling magtago ng feelings iyan. Pero mas maganda kung ako nalang ang crush mo, siguradong crushback agad kita."

Kahit sarili ko tinatanong ko kung bakit hindi nalang ikaw. Bakit ngayon kita nakilala kung kailan malalim na ang nararamdaman ko para kay Kelvin? Hindi nalang basta crush itong nararamdaman ko para sa kanya, mahal ko na yata ang lalaking iyon.

Nang makarating kami sa gym ay sinalubong si Kurt nang mga sigawan mula sa mga babaeng humahanga sa kanya. Madami pala talagang bubugbog sa akin kung sakaling si Kurt ang nagustuhan ko. Ang dami kong kaagaw.

Sinalubong din kami ng mga nakakalokong ngiti ng kanyang mga ka-grupo.

"Yown, nandito ang inspirasyon ng ating MVP." Pang-aasar ng isa sa kaibigan niya.

"Sure win na ito."

"Cheer mo si Kurt, Steph."

" Para sa'yo ang bawat pagtira niyan."

Kung ano-ano pang pang-aasar mula sa kanila ang narinig ko at lahat iyon ay tinawanan ko lang. Ilang araw ko narin silang nakasama kaya sanay na ako sa bawat pang-aasar nila. Si Kurt naman ang taga-saway sa kanila.

"Tigilan niyo na nga si Steph." Turan nito habang tinataboy ang mga kaibigan. " Dito ka nalang pumwesto, Steph." Pinaupo ako ni Kurt kung saan malapit sa kanila.

Umayos na silang grupo at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang laban. Inayos na sila ni coach, kahit na nakangiti silang lahat at parang walang balak seryosohin ang laro ay ramdam ko ang kagustuhan nilang manalo.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang laban, hindi ko maikakailang matatangkad at mukhang malalakas ang kalaban nila pero may tiwala ako sa grupo nila Kurt na gagawin nila ang lahat para manalo. Siguro naman ay ayaw nilang umuwing luhaan.

Halos dumagundong ang buong gym ng magsihiyawan ang mga tagahanga ni Kurt ng maka-three points agad ito. Sumulyap pa siya sa akin at kumindat nang magawa niya iyon. Kapag nakita iyon ng mga babaeng taga-hanga niya patay ako.

Luminga ako sa paligid para tignan kung dumating na sila Steph, pero ibang tao ang nakita ko. Si Kelvin na masama ang tingin sa akin at si Janah kasama nanaman ang alalay niya na nakapulupot parin sa braso nito. Dinaig pa ang ahas kung lumingkis.

Sa kasamaang palad ay sa tabi niya umupo ang mga ito, parang nananadya. Hindi ko nalang sila pinansin at nag-focus ako sa panunuod ng laro ni Kurt.

"Kayo na ni Kurt?" Mataray na tanong bi Kyla.

"Pakaelam mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinadya kong tarayan ang boses ko.

"Kung kayo na, siguro naman ay hindi mo na guguluhin ang Kelvin ko?"

'Kelvin ko?' Halos mabinge ano sa sinabi niya. Kelan pa nuya naging pagmamay-ari si Kelvin?

Nginisian ko siya. "At kailan mo pa naging pagmamay-ari ang pagmamay-ari ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Wala akong pake kung naririnig ako ni Kelvin.

"Well, he's already mine." Sagot nito sa mataray din na tono. Palaban ka girl?

Nilapit ko ang nukha ko kay Janah, gusto kong marinig niya ng nalinaw ang bawat sasabihin ko.

"Own him and I'll slap you, 360 degree. And oh, he's already not yours, pinahiram ko lang siya sa'yo." Nginisian ko siya at inerapan.

Natapos ang first quarter na sila Kurt ang lamang, tumayo naman ako para bigyan ng towel si Kurt at maiinom narin niya. Hindi niya ako girlfriend pero kaibigan niya ako at sa akin niya pinahawak ang mga gamit niya kaya natural lang na ako ang magbibigay sa kanya nuon.

"Sanaol, may supportive girlfriend." Pang-aasar ulit ng kaibigan niya na ikinatawa naming lahat.

"Puro talaga kayo kalokohan, magkaibigan lang kami." Tinignan ko si Kurt na nagpupunas ng pawis niya. "Diba Kurt?" Tanong ko pa dito.

"Dun din naman kayo papunta, pinatatagal niyo lang." Kantyaw ulit ng isa.

"Tigilan niyo na nga iyan. Puro nanaman kayo pang-aasar."

"Defensive ka lang, Kurt."

Nagtawanan lang kami dahil sa kakulitan narin ng mga kaibigan niya. Huminto lang kami ng sumipol na ulit tanda na simula na ng second quarter.

Naging mainit ang laban, gano'n pa man ay hindi ko makikitaan ng tensyon si Kurt. Parang natural lang ang kilos niya nung practice at ngayon. Sadyang magaling ito sa larangan ng basketball, hindi magpapatalo.

Sakto namang natapos ang second quarter nang dumating si Shean kasama si Yohanne, malapad pa ang ngiti nito ng makalapit sa akin. Nakapulupot din siya sa braso ni Yohanne, babaeng ito kung ano anong kaharutan narin ang ginagawa. Sanaol, nalang.

"Hindi pa kayo sa lagay niyan? Kung makapulupot ka dinaig mo pa ang malanding ahas dito sa tabi ko." Bulong ko sa kanya.

"Syempre noh, kailangan bakuran ko na ang lalaking ito. Ang tagal ko kayang hinintay ang pagkakataon na ito." Bulong nuya pabalik sa akin.

"Swerte mo sa crush mo." Sana ako din kay Kelvin.

"Malas mo diyan kay Kelvin, mas pinili pa yata niya ang haliparot na iyon kaysa sa'yo." Tinignan pa niya mula ulo hanggang paa si Janah na nakikipaglandian sa abnnormal na lalaking iyon. Kailangan ba talagang ipakita sa akin ang ginagawa nila? Hindi kasi nakakatuwa, nakakasukang tignan.

"Hayaan mo na iyan, pumunta naman tayo dito para panuurin si Kurt." Sabi ko nalang.

Akala ko ay mai-enjoy ko ang panunuod ng basketball nila Kurt pero dahil sa dalawang ahas na ito, sa abnormal na lalaking ito nawala ako sa mood. Nakakapang-init lang nang ulo ba dito pa sila sa tabi ko pumwesto. Parang nananadya talaga.

Equal ang score ng matapos ang third quarter, kitang kita ko narin ang pagod sa mga mukha nila Kurt pero nanduon parin ang ngiti. Basang basa narin ng pawis ang kanilang uniporme. Siya na ang lumapit sa akin para kunin ang towel niya at inumin, naupo pa siya sa tabi ko at sinandal ang ulo sa mga balikat ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong umiikot sa tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kinakabahan ako na baka gumulo ang mundo ko kapag nakita kami ng mga taga-hanga niya lalo na at hindi malabong mangyari iyon o dahil sa hindi ako sanay.

"Huy, Kurt umayos ka nga, baka makita ako ng mga fans mo." Suway ko sa kanya pero hindi ito nakinig.

"Hayaan mo sila, just a second please, I'm tired." Dama ko ang pagod sa boses niya kaya hinayaan ko nalang siyang magpahinga sa balikat ko.

Hindi muna siya pinasok ni coach sa unang laban ng last quarter, hinayaan muna siyang magpahinga, dahil narin siguro sa mula pa kanina ay naglalaro na ito at walang tigil.

"Ayos ka lang, Kurt?" May halong pag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang, just wanna rest for a bit. And you're my rest." Bulong niya lero sapat na para marinig ko. "Mainit ang laban namin ngayon at nahihirapan kaming dunipensa lalo na at matayangkad sila." Tinuro niya ang mga kalaban.

"Kaya mo iyan, mananalo pa kayo sa laban na ito eh." Hinawakan ko ang kamay niya. "May tiwala ako sa'yo at sa grupo mo, lamang na naman kayo kaya alam kong mananalo kayo." Nginitian ko siya para bigyan ng lakas ng loob.

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao, they keep on chanting Kurt's name nang pumasok ito sa loob ng court. Nakaipon na ito ng lakas kaya malapad na ulit ang ngiti. Kinawayan pa niya ako bago seryosohin ang laro.

Sumabay narin ako sa pagpalakpak ng sunod sunod na naka-three points si Kurt, tambak na ang kalaban kaya siguradong panalo na sila. Kahit may dalawang minuto pa sila para tapusin ang laban ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon para palamangin ang kalaban.

Everyone is excited, sinisigaw nila ang pangalan ng mga iniidolo nila. Nakakabingi pero sanay na din naman ako at nasanay na ang tainga ko sa maingay na paligid. Maingay din naman ako.

"KURT." I shouted as he fall from the ground. Agad siyang pinalibutan ng mga kaibigan niya at hindi ko inaksaya ang pagkakataon. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Nakita ko ang pamimilipit niya habang nakahawak sa kanyang paa.

"Kurt, ayos ka lang?" Puno ng pag-aalalang tanong ko sa kanya, hinawakan ko ang kamay niya. Hindi siya sumagot.

Maya maya pa ay may dumating na stretcher at hiniga siya duon. Sinabihan naman ako ng mga kagrupo niya na samahan ko si Kurt habang tinatapos nila ang laro. Agad naman akong sumunod, hindi ko narin nagawang magpaalam kay Shean.

Dinala sa clinic si Kurt nakapasok naman ako dahil kilala narin ako ng nurse duon. Tinignan ko si Kurt na mababakasan ng pagod at sakit ang mukha. Tinignan muna siya ng nurse bago ko siya nilapitan.

"Ayos ka lang?" Muli kong tanong sa kanya.

Isang malapad na ngiti naman ang agad niyang binigay sa akin.

"Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala, mamaya magaling na ito." Panigurado niya sa akin.

"Pinag-alala mo ang mga fans mo. Pinag-alala mo ako." Nakanguso kong reklamo.

" Sorry na, huwag ka nang ngumuso mukha kang baboy." Pang-aasar pa niya.

Nang makasiguro akong ayos na siya ay lumabas ako ng clinic, ich-check parin ng nurse ang paa ni Kurt kaya mabuti narin na magpahangin ako. Kailangan din ng pahinga ni Kurt kaya hinayaan ko muna ito.

Babalik sana ako sa gym nang biglang may malamig na kamay na tumakip sa bibig ko at hinila ako kung saan.