webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
26 Chs

EPILOGUE

Dear Diary,

"Okay, dahil nga first day of class, you need to introduced yourself para naman hindi ako mukhang tanga sa buong sementreng ito nang hindi alam ang mga pangalan niyo." Pasimple akong humikab, diary. Pangatlong beses na niyang sinabi 'yan. Paano ba naman kasi? Laging nakaharap sa selpon ang gaga, potanis.

Tinitigan ko naman ang itsura niya, diary. Malaking salamin sa mata, sabog na nguso, makapal ang kilay, malaking ilong, magaspang na mukha at buhaghag na buhok. Tinernuhan pa ng fit na fit niyang uniform sa malaki niyang katawan. Kulay asul na palda at asul din na de-butones na damit. Waw naman, gasul na gasul naman si Ma'am, diary.

"Ako po si Mika Langka, 18 years old po."

"Magandang umaga po. Angelo Supil po. 19 years old."

Napapikit ako, diary nang magsimulang magpakilala ang mga kaklase ko. Nasa pinakadulo naman ako kaya for sure, mamaya pa ako matatawag. Potanis, ang tagal-tagal naman kasi. Tapos 'tong prof na 'to hindi naman nakikinig. Selpon nang selpon, taenis. Kapag ako talaga nainis diary, isasalpak ko sa puwet niya 'yan.

Matapos ang sampung minuto diary, 'yung katabi ko na ang magpapakilala.

"Good morning mga sis. The name's Jose Mariano Makulele, sa gabi Diamond. 18 years of age, and I…" Pumamewang pa 'tong baklang 'to saka ulit nagsalita. "And I, thank you!" Ang gaga, kumaway-kaway pa. Bakla nga, diary.

Nang makaupo siya, kinalabit niya ako. "Uy sis, ikaw na." Maarte niyang sabi sa'kin.

Inirapan ko na lang siya ng mata saka bagot na tumayo. Narinig ko pa siyang nagsalita, "Ay ma-attitude, kala maganda. Hmp!"

Dahil tinatamad akong magalit, hindi ko nalang siya pinansin at nagpakilala sa kanila. Kahit na hindi na naman nakikinig 'yung letcheng prof na 'to. Selpon nang selpon eh keypad naman ang gamit. Hmp.

"Milanya Milagros Strikeland po. 22 years old." Pagpapakilala ko sa sarili ko saka humikab. Pinunasan ko rin ang mata ko dahil pakiramdam ko may muta.

Ewan ko ba pero parang nakuha ko agad ang atensyon niya. Binitiwan niya ang selpon niya saka inayos ang upo sa teacher's table.

"Siyempre ikaw ang bida sa kwentong 'to kaya dapat sa'yo ang exposure. So, Strikeland ang apelyido mo? Sosyal ah, ang layo sa pangalan mo. May lahi ka ba? Pitbull o askal?" Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Ang kapal naman ng tabas ng mukha nito. "Charot lang. May lahi ka nga? Bakit 'di halata? Saka bakit may singsing ka? Kasal ka na?"

Pag nilait ko 'to diary, sira buhay nito. Pinigilan ko naman ang sarili ko diary. "Purong Pilipino po, 'di gaya niyo na may sa maligno ang itsura." Hindi naman siya umangal aa sinabi ko, diary. Totoo naman kasi.

"Apelyido po ng asawa ko 'yun. Saka ito pong singsing, wedding ring po namin. May tanong pa po?" Bagot ko ulit na sagot sa kaniya. Nakanganga naman siya sa'kin. Sarap pasakan ng upuan, potanis.

"Kasal ka na?!" Bingi lang sis? Kasasabi ko lang di ba, diary?

"Opo." Teacher ba talaga 'to? Bakit parang chismosa?

"Eh, nasaan ang asawa mo?" Chismosa nga, diary.

"Patay na po." Napa-awang naman ang labi niya dahil doon. Sasabihin ko sanang mabaho 'yung hininga niya pero agad naman niyang tinikom 'yun at umupo sa upuan niya.

"Sorry to hear that. Oh tapos na exposure mo. Next chapter ulit." Umupo naman na ako diary pagkatapos.

Yes, diary. Nagcollege na ako. First year ko ngayon kahit na medyo hindi na angkop ang edad ko. Pero duh, baby face kaya 'to. Dahil matalino ako diary, Vulcanizing ang kinuha kong course… pero may joke. Accounting ang kinuha ko diary. Duh, magaling kaya ako sa numbers. Si Asphyx naman, Engineering ang kinuha. Doon daw siya magaling eh di pagbigyan.

Nagpatuloy naman sa pagpapakilala ang iba ko pang mga kaklase. Napahalukipkip na lang ako sa kinauupuan ko at hindi maiwasang alalahanin ang mga nangyari dalawang taon na ang nakalilipas.

Dalawang taon na ang nakalilipas diary mula nang… mamatay si Clent. Pagkatapos nang madrama-ramang eksena sa ospital diary, ay dinala na ang bangkay ni Clent sa puninarya. Sumama ako doon, diary. Sisilipin ko sana putotoy niya kaso hindi ako pinayagang pumasok sa loob.

Ako ang namili ng susuotin niya diary. Ako rin ang namili ng kabaong niya. Naka-gown pa ako noon, diary. Hindi ako umalis doon hanggang hindi sila natatapos na bihisan ni Clent at mailagay sa kabaong.

Inuwi siya sa bahay nila diary. Pagdating namin doon, naka-ayos na lahat.

Dalawang linggo namin siyang pinaglamayan dahil umuwi ang mga kamag-anak nila para makiramay at makidalamhati sa pamilya ni Clent. Pinakilala nila ako bilang asawa ni Clent. Noong una nagulat sila, dahil hindi nila alam na kinasal kami sa araw ng kamatayan niya. Pinaliwanag naman namin sa kanila ang lahat at mabuti na lang, naintindihan nila.

Sa buong dalawang linggo, bilang na bilang sa mga daliri ko kung ilang oras lang ang tulog ko. Wala akong pahinga, diary. Tumutulong ako sa pamamamahagi ng mga pagkain, sa pag-a-assist ng mga bisita. Ako rin ang nagbabantay kay Clent. Mula gabi hanggang umaga. Minsan lang ako makapagpahinga, diary.

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang bantayan siya… ang makasama ang asawa ko, diary.

Araw gabi akong nasa tabi ng kabaong niya. Minsan salitan kami ni Asphyx at Tita Eli kapag kailangan ko nang kumain at magpahinga. Pero hindi rin naman ako nakakapagpahinga, diary. Sa tuwing pumipikit ako, nakikita ko si Clent. At sa tuwing nakikita ko siya sa panaginip ko at kahit hindi ako nananaginip, umiiyak ako.

Hindi ko mapigilang lumuha diary. Hindi ko mapigilang humikbi tuwing gabi. Hindi ko mapigilang mangulila sa kaniya, diary.

Nakakadurog ng puso. Nakakaaakit ng damdamin sa tuwing maaalala ko siya. Nakakapanglumo at nakakapanghina, diary.

Dumating ang araw na pinakatatakutan ko. Ang ilibing siya at maiwan ako, diary.

Sa araw ng libing niya, bumuhos muli ang mga luha ko na akala ko ubos na. Pero potanis lang, hindi pa pala. Hindi tumigil ang pagluha ko noon, diary. Hanggang sa mailibing na siya. Hindi ko nga alam kung nakikiramay din ang langit o baka may bagyo lang, kasabay kasi ng pagbuhos ng luha namin, ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan.

Nanatili ako sa puntod niya, diary. Kasama ko noon si Asphyx. Pinapauwi na ako ni Nanay at Tatay pero walang nakapigil sa'kin. Naiwan kami doon hanggang gabi.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko may nawawala sa'kin. Pakiramdam ko may kinuha sa'kin. Pakiramdam mo may kulang na sa pagkatao ko. Pakiramdam ko iniwan ako… na totoo naman. Iniwan ako ni Clent nang panghabang buhay.

Pagkatapos ng libing, parang nawalan na ako ng ganang mabuhay. Buhay pa ako pero pakiramdam ko patay na ako. Parang naubusan na at nawalan na ako ng pag-asa sa buhay, diary.

Wala naman akong masamang ginawa pero kung parusahan ako ganito katindi? Nangyari pa lahat ng iyon sa iisang araw. Ang galing. Ang galing ,diary. Roller Coaster ang nangyari eh. Pinasaya muna  ako bago ako paiyakin at paluhain nang walang sawa. Ang epekto hanggang ngayon eh.

Nagkulong lang ako sa bahay. Hindi na nga kita nasulatan di ba? Nagmukmok ako, diary. Wala akong ibang ginawa kundi kumain, umiyak at matulog… minsan. Hindi ako makatulog kasi lagi kong naaalala si Clent. Pero nakakatulog rin ako dahil sa sobrang pagod sa pag-iyak.

Hanggang sa dumating ulit ang 21st  birthday ko, 1st wedding anniversary namin ni Clent, at 1st death anniversary ni Clent. Ang saya. Ang saya-saya ko noon, diary. Potanis.

Sa isip-isip ko noon diary, taon-taon ba na ganito? Taon-taon na lang bang ipapaalala sa'kin ang araw na 'yun? Ang pinakamaaakit na araw para sa akin? Taon-taon na lang bang ganito? Bakit hindi na lang niya ako kunin total araw-araw at taon-taon naman akong pinapatay ng  nararamdaman ko?

Pero kinausap ako ni Nanay, Tatay, Tita Eli at Asphyx.

Binuhay nila ulit ang loob ko, diary. Pinaliwanag nila ang lahat sa'kin.

Sinabi nila kung matutuwa ba si Clent kung nagpatuloy ako sa pagiging ganito – walang kabuhay-buhay at wala ng ganang mabuhay. Ipinaliwanag nila sa'kin na dapat daw ipagpatuloy ko pa rin ang buhay kahit na ganoon ang nangyari… dahil wala namang may gustong mangyari nito… dahil lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari ay may dahilan at kung anuman iyon, Siya lang ang nakakaalam.

Nabuhayaan ako ng loob, diary kaya napagdesisyunan kong bumalik sa trabaho sa pet shop. Ganoon pa rin naman. Minsan nilalait pa rin ako ni Taong Bagang, pero syempre hindi ako nagpatalo. Nilalait ko na rin siya. 'Yun nga lang, wala na doon 'yung parrot. Nakakamiss din pala ang panlalait no'n sa'kin. Kaya minsan pinupuntahan ko siya kay father mapanglait. Ayun, dalawa na silang nanlalait sa'kin. Si Mimi naman at Ricardo, ayun, may anak na. Ang lalantod talaga nila, diary.

Nang sapat na ang ipon ko diary, saka ako bumalik sa pag-aaral. Bumalik na rin si Tatay sa Saudi at nag-iwan siya ng pera pa pangsuporta sa'min.

At diary, nagkakamabutihan na rin sila ni Nanay. Ganoon din si Tita Eli, nagkaliwanagan at nagkapatawaran na sila. Happy-happy na ulit sila, diary.

At masaya ako dahil doon.

---

Mabilis na lumipas ang araw, diary at linggo na naman. Parang kailan lang pumasok ako sa university. At himalang naka-survive ako.

Espesyal ang araw na 'to diary. Mabuti na lang at linggo ngayon. May oras ako para pumunta doon.

Maaga akong nagising diary at naligo. Kinuha ko rin ang isang basket at tela. Nagluto rin ako ng mga pagkain na kakainin ko mamaya. Syempre diary, dapat bongga. Nagpaalam na rin ako kay Nanay nang makaalis ako ng bahay.

Dumaan muna ako sa flower shop para bumili syempre ng bulaklak.  Duh, diary. Isip-isip din kung mayroon man.

Bumili ako ng isang basket ng bulaklak, diary. Bumili din ako ng maliit na cake. Mabuti na lang at nakapagdala ako ng plato at mga kubyertos kanina. Talino ko talaga.

Pagkatapos ay sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa sementeryo – kung saan nakalibing si Clent.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko diary habang nasa byahe.

Nang makarating ako doon ay may bulaklak at kandila nang nakatirik. Galing na siguro dito si Tita Eli at Asphyx. Inunahan nila ako ah.

Inilapag ko lahat at inayos ang mga gamit. Inilagay ko na rin sa tabi ng puntod ni Clent ang bulaklak at kandila. Mabuti nalang at makulimlim ngayon, hindi masyadong mainit.

"Happy 23rd Birthday to me, and Happy 3rd anniversary, asawa ko." Nakangiti kong sambit habang pinupunasan ang lapida ni Clent.

Nagsimula na namang umagos ang luha ko. Ano ba 'yan diary, hindi na sila nauubos. Potanis. Pinunasan ko muna ang mata ko diary saka muling humarap sa lapida.

"Sana masaya ka kung nasaan ka man. Miss na miss na kita, Clent. I love you." Mahina kong usal saka napabuntong-hininga.

Naramdaman ko namang parang may malamig na hanging yumakap sa'kin, diary… at alam kong siya 'to… si Clent – ang asawa ko.

Siya sige diary. Sa susunod na lang ulit? Susulitin ko muna ang buhay ko bilang isang college student at bilang isang batang byuda.

Mamimiss kitang gaga ka. Paubos na kasi 'tong ink ng  ballpen pati 'yung pahina mo ubos na. Last page na nga eh, gaga ka. Hindi mo man lang sinabing hayop ka. My ghads.

---

Noon, puro ako reklamo. Bitter sa life at sa mga happenings. Masyado akong mahigpit sa sarili ko. Masyado akong bitter at nagpakadakila pa.

Napagtanto ko na hindi ko pala dapat pinairal ang ka-bitteran ko sa buhay… dahil iba kung gumanti ang tadhana, diary.

Kaya dapat masaya lang. Dapat positive lang, hindi sa droga pero sa buhay. Dapat maganda ang pananaw natin sa mga bagay-bagay at sa mga sitwasyon. Dapat happy lang tayo. Walang ka-negahan at ka-bitteran… dahil 'yun ang magbibigay sa atin ng dahilan para mabuhay.

Sa mga napagdaanan ko sa murang edad, isa lang ang napatunayan ko; ang maging matatag at malakas ang loob para ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng kalupitan nito… dahil 'yun ang magpapatunay sa forever, ay mali. Wala pala talagang forever. Lifetime mayroon.  Kaya dapat, ginugugol natin ang lifetime na mayroon tayo, hindi sa mga walang kabuluhang bagay… kundi sa mga bagay na magbibigay sa'tin ng pag-asa at lakas ng loob para mabuhay – at iyon ay ang pagmamahal.

Ako si Milanya Milagros Maluna Strikeland, ang dakilang bitter at walang forever believer… noon.

Hanggang sa muli, diary.

***

|E N D|