webnovel

Chapter 3

Gelo's POV

Nang makaalis na si Marby ay ramdam ko ang lungkot,Kagabi Ang usapan namin ay Hindi masyadong makabuluhan ngunit Ramdam ko na ako ay MASAYA.

Binuksan ko Ang Malaking kahon na kulay itim nabigla ako ng Bigla itong magsalita "Anong klaseng bagay ito?!" Umalis na ako roon, Kawawa Naman siya Ayoko kase ng Kausap sa Ngayon

Si Marby Lang ang makakapagpuno nito.

Nangiti ako ng maalala ko na tinawag Niya akong Mahal ko.

Hindi ako makapaniwala na Nandito na ako sa piling ng Mahal ko.

Pumunta ako sa Kwarto at Lumuhod sa May Dulo ng Kama at Pinagsama ang aking mga kamay at yumuko.

"Panginoon..Maraming salamat,Maraming salamat dahil pinahintulutan nyo akong Balikan ang aking mga naiwan, Maraming Maraming Salamat Alam Kong naririnig moko Mula rito sa lupa patungo sa Langit.

Tulungan mo ako sa mga darating na pagsubok saakin, At saamin...Bigyan mo sana ng Makakain and lahat ng Tao sa Mundo At Wag pabayaan Gamitin mo akong Instrumento upang baguhin ang mga nakasanayan ng mga taong Nakasasama sa Kaluluwa nila.

Itoy samot dalangin sa pangalan niyo panginoon Amen."

Pag katapos Kong Magdasal ay Nabigla ako ng may marinig na tumatawag Mula sa Pinto.

"Tao po?,May Tao ba?" Binuksan ko ang pinto ng may isang nilala na Hindi ko mawari Kung ano

"Wala pong Tao rito, Anghel, Anghel ang meron dito" pag kuwan ay bigla itong pumasok at itinulak ako

"Tama ka Walang Tao dito May Anghel nga" ang kanyang pamamaraan ng pagtingin ay Hindi kaaya aya.

Inilapag Niya ang isang bagay sa may Mesa at humarap saakin.

"Ako si Nukka, Kapit bahay nyo Ikaw Pogi?" Sino si Pogi?

"Sino ka?" Ulit nya na ngayon at lumapit sa Mukha ko.

"Ako? Ako Si Angelous"

"Angelous ano?"

"Hindi Angelou's lang walang Ano."

"Putrages anong apilido mo?!" Pasigaw nyang sabi.

Kayanaman nasabi ko Ang "Klein!"

Nabasa ko kase sa damit ko, Nakapagsinungaling pako Pano ba yan.

"Wao Klein PORENGER!!! HA?! HAHAHAHAHAHA" Nabigla ako sa biglaan nyang pagtawa

"May nais kapaba?" Tumigil Naman siya at tumingin saakin

"Ikaw? Ikaw pwede kabang I take out?" nakangising Sabi nya.

"Pinagbawalan akong lumabas dito, At pasensya na dahil may inaantay pako"

"Hmmmp!!! Osya sige Kainin mo nalang yon okay? Aalis nako Babyqoe"

Nang makalabas na siya sa Pinto ay para along nakahinga ng matiwasay Hayysst.

May sanib ba ang nilalang nayon?

Marby's POV

Tumingin ako don sa putrages na Joshua kuno.

"Wala pala e, Epal ka? Close tayo? Wag mo na ulit gagawin yon kundi gagawin kitang de lata punyeta ka"

"You have a Dirty Mouth huh?"

"Oo madumi nga, At mas dudumi pa dahil sayo Punyeta" ang siraulo bubulong bulungan ako akala mo close kami

"Marby! Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga bago mong classmate?" Epal ni Ma'am Ikka palibhasa Nasa unang subject palang e chakkang chakka na.

"Sayo na nga galing CLASSMATE ko lang siya, Kelangan bang tratuhin ko siya bilang Kapatid?"

"Just so you know Miss Reyes Sa eskwela para kayong magkakapamilya, Ang teacher ang nanay okaya tatay at magkakapatid kayo at ngayon ako any nanay nyo" Nilibot nya ang kanyang mga mata na akala mo ay Proud na proud ha!

'Ang malas pala namin' bulong ko ulit tsaka umirap

"Ma'am may sinasabi ata sayo si Miss Reyes" aba tarantado to ah?! Ilalag ba naman ako.

"Ma'am parang may Gusto ata sayo si Mendez"

Tumawa ang mga hinayupak Kong kaklase at dahil May support ako Pinapangunahan ito ni Ashlee, Sayang at absent pa si Oyo Edi sana sabog ang classroom.

Si Oyo Ang Isa pang tarantadong baklitang kasa kasama ko HAHAHAHAHAHA Gusto gusto ko kapag nandon yon tapos Kumpleto kaming Tatlo HAHASAHAHAHAHA YANIG.

Kaso ang siraulo,May jetlag daw dahil pumarty kagabe akala mo naman Magbabago ang itsura kapag nag beauty sleep, E ganun din naman hayst.

"ARE YOU THAT MAD?! TO MAKE A MALICE BETWEEN ME AT MR.MENDEZ?!" Nang gagalaiti na si Ikka HAHAHAHHAHAHAHA Lumilitaw na ang mga wrinkles kawawa may pa botox botox pang nalalaman e wa epek den MWEHEHEHE.

"Aba Malay ko ba Kung may pagnanasa tong hinayupak na to sayo kaya lumipat dito" lumingon ako sa likuran Kung saan makikita ang pulang pulang Epal sa Room no 11-St Vincent.

"May araw Karen saken Ms.Reyes" Humakbang siya palayo sa platform ng room kaya tumayo nako para mag inat "And Take Note Hawak ko paren ang Grades mo" tsaka tuluyang Lumayas sa Classroom.

"Ibang Klase ka talaga Marby" sabi ng tamad na si Monra

"Niligtas nanaman tayo sa isang oras na Nakakaumay!!!" Sabi ni Lester leader ng Mga hunghang samen.

"MARBYlis ang klase kapag nandyan si Marby" sabi ni prince

"Lakas mangbadtrip HAHAHAHA" Sabi ni manuelito Chanak namen Pero Escort.

"Alam nyo mga dre Wag ganyan Mali yan, Dapat nating ginagalang Ang mga guro, Kaso Kinota ako sa pasenya e" sabi ko May galang naman ako kaso May isa pa kaseng tumarantado saken.

"Kamusta pareng Joshua?, Angas mo type mo naman pala si Ma'am Ikka" Tumingin siya saakin ng Blangko.

"Mas Nagugustuhan pakita lalo" ngumisi siya saken at Dinaanan

Yung mga putrages Kong kaklaseng mga balimbing Nag si ayieee Ang mga hinayupak

"Marami akong ichichismis kay Oyo bukas HAHAHAHHA, teka Bhe Kamusta Yung Baliw na nakita naten dun sa shortcut?"

"Nasamen baket? Kulang paba Yung pagtulala mo don sa tao?"

"Tao yon? E lumipad nga sa harap mo e,Putspa baka Aswang!!!"

"Anggwapong aswang naman yon."

"hihi Basta Punta muna akong Canteen HAHAHAHA nagutom ako sa eksena mo HAHAS CUT!"

Umalis na nga si Ashlee sa harap ko.

"Hoy! Yung pagkain ni kuya Boldag!!! Ihatid Mona ha?!" Habol ko sakanya

"Oo sige idadaan ko"

Dumaan ang mga oras ng parang wala lang pero dama ko yung pagtitig sa likod ko e sino paba? Edi Joshua.

Tinignan ko Yung relo ko 3:28pm Saktong nagdismiss na si Ma'am Zagi,Tumayo nako at iniayos na ang backpack ko,Pero May Umepal sino paba? Edi si Epal.

"Ihahatid na kita" aba bigla akong nangilabot sa pagkakasabi niya, Yung parang gustong umisa?

"Mukha bang gusto Kong magpahatid?" Hinarap ko siya at napagmasdan ng Todo.

Maputi,Singkit,Itim na itim ang mata Yung tipong wala nang mapaglagyan ang kulay na puti? De jok lang anoba matangos ang ilong, Kissable Lips Ang Putrages.

"Kung may gusto ka dyan Hawakan mo lang" sabay Ngisi akala nya bagay nya? Mukha siyang Founder ng Mga Sindikatong Chinese!

Hindi ako papatalo Ha!

Ngumisi ako sakanya "Alam mo bang may mas pogi pa sayo? Actually Kuko kalang ata nya e HAHAHAHA" inalis ko ang tawa sa mukha ko at pinalitan ng seryoso "Tsaka monako angasan Kapag Naging kayo na ni Ikka"

Nilayasan ko na siya At buti nalang at hinintay ako ni Ashlee.

"Oh? Joshua ulet?"

"Oo"

"Trip kanga ata talaga"

"Kung makikilala mo Si Gelo? Walang wala yang Joshua na yan don HAHAHA baka malalag pa yang pustiso mo sa kaka nganga"

"Bugarets! Hindi to pustiso no!"

"Papukpok nga?"

"Letche ka Marby"

End of Chapter 3