webnovel

Destined to be Undestined.

A story of lovers who just met, but not destined for each other.

iamkeytlinnn · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
6 Chs

Second Part.

Undestined to be Undestined — Second Part.

Kira.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Pesteng alarm clock, panira ng tulog.

Sa kusina na pala ako nakatulog kagabi. Wala si Amarah, nasa bahay ng mga parents niya dahil may family dinner daw sila. Inaya niya pa ako kagabi pero umayaw ako.

Nag-unat muna ako bago tuluyang tumayo. Pagkatayo ko ay naramdaman kong parang binibiak ang ulo ko. May hang-over pa ata ako.

Inilibot ko ang tingin ko sa unit ko. Sobrang kalat. Nagkalat ang mga bote ng alak at balat ng mga sitsirya.

Kinuha ko ang salamin sa ibabaw ng table ko. Ang laki ng eyebags ko. Mugto din ang mga mata ko. Gano'n ba ako ka-sobrang wasted kagabi?

Nag-unat muli ako, mahabang linisan din 'to.

Una kong inayos ang sala at kusina. Sobrang dumi dahil sa kalat ko kagabi.

Sumunod ko namang inayos ang kuwarto ko. Sobrang kalat na din pala nito.

Sinimulan ko na ang paglilinis. Inayos ko na muna ang higaan ko. Habang inaayos ko ang kama ay may nakaagaw ng atensyon ko.

Isang litrato — litrato naming magkasama ni Lucas. Isang litrato kung saan makikita mo ang saya at ngiti sa aming mga labi.

Napatigil ako sa pag-aayos at kinuha ang litrato. Pinagmasdan at hinawakan ko ito.

Napangiti ako nang mapait, "Yung litrato nandito pa, pero yung taong mahal ko, nasa iba na."

Nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko. Pesteng luha, ayaw tumigil.

Paano nga ba titigil sa pagpatak ang mga luha mo kung patuloy ka pa din na nasasaktan, Kira?

Humiga ako sa kama at niyakap ang litrato namin habang umaagos ang aking mga luha. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

~*~

Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Panira ng tulog," wika ko habang tiningnan ang cellphone ko. May tumatawag at unregistered number pa.

"Hello? Sino 'to?" panimula ko. "Alam mo panira ka ng tulog."

"Kira..."

Tila nabuhayan ako at napaupo sa kama.

Damn, I miss his voice so much.

"Kira, I miss you."

Biglang tumulo ang luha ko sa narinig ko.

"Lucas? Napatawag k-ka ata?" sinubukan ko siglahan ang boses ko, pero garalgal pa din ito.

"Meet me at the park near the museum. Four pm. I will wait."

Agad kong pinatay ang tawag at napabuntong hininga.

Ba't ka pa nagparamdam, Lucas?

~*~

Sa halip na magpunta ako sa sinasabing lugar ni Lucas ay nagpunta ako sa bar na pagmamay-ari ng Daddy ni Amarah.

"Hoy, ikaw!" pagtawag ko sa bartender ng bar. "Bigyan mo 'ko ng pinakamalakas na inumin, yung tipong makakalimutan ko ang lahat."

Nag-aalinlangan pa ang bartender, "P-pero Ma'am, b-baka po p-pagalitan ako ni Ma'am A-amarah."

"Ako na ang bahala sa babaeng 'yon." saad ko at tinitigan siya. "Ano? Bibigyan mo ba ako o hindi?"

"Ah, e-eto na p-po." iniabot niya sa akin ang isang inumin.

Agad ko 'tong nilagok at gumuhit sa aking lalamunan.

Maya-maya ay nakailang shots na ako pero wala pa rin. Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari.

Tandang-tanda ko pa din ang malamig na itsura ni Lucas sa akin. Tandang-tanda ko pa din ang sumpaan ng pag-iisang dibdib nila ni Faith sa harapan ko.

And it hurts me so much.

"W-wala na siya," sambit ko kung kaya't napatingin sa akin ang bartender. "W-wala na s-siya! Wala n-na!"

Naihagis ko ang hawak kong baso at nabasag ito.

Agad na natarantang lumapit sa akin ang bartender. "M-Ma'am, okay lang po b-ba kayo?"

Tinapunan ko siya nang masamang tingin, "S-sa tingin mo, o-okay ako? Sa tingin m-mo, masaya ako?"

Lumayas na ang bartender sa harapan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at idinial ang number ni Amarah.

"A-amarah," napasinok pa ako. "P-puntahan m-mo ko d-dito, kailangan k-kita."

Agad kong pinatay ang tawag at naghintay. Uminom pa ako ng ilang baso ng alak at pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko.

Tumayo ako at pakiramdam ko ay babagsak ako. Pa-gewang-gewang akong naglalakad at hindi ko napansin ang isang upuan kung kaya't natumba ako.

"K-Kira..."

Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang marinig ko ang boses niya.

Inalalayan niya pa ako tumayo pero nagmatigas ako, "B-bitawan mo 'ko! K-kaya ko sarili k-ko!"

Sinabi niyang gusto niya akong makausap. Nagpunta naman kami sa sinabi niyang lugar kanina. Ang lugar kung saan madalas kami nagpupunta — ang park malapit sa museum.

"K-kira, ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" tanong niya nang makaupo kami.

"Ginagawa ko ang lahat para makalimot," wika ko at nginitian siya.

Tumahimik bigla ang paligid. Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig.

"I miss you Kira, I really miss you." malumanay niyang wika.

Kung alam mo lang mas miss kita, Lucas.

Suminghap muna ako. Naramdaman ko na naman kasi na tutulo ang luha ko.

Hindi ako sumagot.

"I'm sorry Kira, sorry for hurting you." paliwanag niya. "Hindi ko naman ginusto na makasal—"

"Hindi mo ginusto?" sigaw ko. Pasalamat na lang at walang mga tao. "Damn that lies, Lucas! Hindi mo ginusto pero pumayag ka?"

Pinigilan ko na muna ang pagluha.

"Trust m-me, Kira. H-hindi ko ginusto 'yon. Napilitan l-lang ako." aniya at inaabot ang kamay kong inilalayo sa kaniya.

"Lucas naman..."

"Mahal kita, Kira. Mahal na mahal."

"Oh? Talaga?" sarkastiko kong tugon. "Mahal pero 'di pinaglaban? Mahal pero mas pinili magpakasal sa bestfriend ko? Mahal ba 'yon ha?"

Natigilan siya sa sinabi ko. "B-bestfriend mo si F-faith?"

Tumango ako at kinagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi.

"Yun na n-nga ang m-masakit e." I gave him a weak smile. "Yung b-bestfriend k-ko ang p-pinakasalan mo..."

"S-sorry, hindi k-ko alam."

Hinarap ko siya, "Kaya mas masakit, Ford. Masakit na makita kang hawak ng iba." Umagos na ang mga luha kon "A-at ang p-pinakamasakit, b-bestfriend k-ko pa."

Hinawakan niya ang kamay ko, "I'm sorry, Kira. I'm really sorry."

"I'm hoping that all your sorry will ease my pain."

"You know what Kira? I still love you and no one can change that." hinalikan niya ang kamay ko.

"I s-still love y-you too, Lucas." pag-amin ko.

Wala namang nagbago e. Siya pa rin naman ang taong mahal at mamahalin ko. Pero mali 'to, sobrang mali.

"But, it's a mistake." tugon ko at binawi ang kamay ko. "Mali 'to dahil hawak ka na niya. Hawak ka na ni Faith."

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Tila ilog ito na patuloy dumadaloy sa mukha ko.

"Even it's a mistake, I'm loving this sweet mistake. It's all because I love you."

Tumayo na ako, "If you love this mistake, then I'm sorry. Because this mistake can hurt me — can badly hurt me."

"Dahil kahit anong gawin natin, hindi talaga tayo pwede." ani ko. "Sumuko na lang tayo, sukuan na natin ang isa't-isa.

Tumalikod na ako at napahagulhol ng iyak.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kasabay ng pag-agos ng luha ko ang pagbagsak ng ulan.

Mahal ko naman siya e. Mahal na mahal. Pero siguro, mali na kung patuloy ko pa rin siyang mamahalin.

Mali na dahil hawak na siya ng iba.

Naglakad ako papunta sa pedestrian lane. Nahihilo pa akong tumawid ng kalsada. Medyo malabo din ang paningin ko dahil sa pag-iyak.

Biglang sumigaw si Lucas.

"Kira!"

Napatingin ako sa kaniya pero huli na. Naramdaman ko pagsalpok at pagbagsak ko.

Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao.

Bago pa man ako pumikit ay nakita ko si Lucas.

"K-kira, I l-love you..."

Sinubukan ko pang magsalita, "I l-love you t-too, L-Lucas."

And everything went black.