webnovel

Destined to be Undestined.

A story of lovers who just met, but not destined for each other.

iamkeytlinnn · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
6 Chs

Forth Part.

Destined to be Undestined - Forth Part.

Lucas.

"K-kira, lumaban ka please..." bulong ko habang hawak ang kamay niya. "Fight for me... For us."

Kasalukuyan kaming nakasakay sa ambulansya papuntang hospital.

Hinalikan ko ang kamay niya at taimtim na nagdadasal.

Please save her, please save the precious woman for me.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa hospital. Agad siyang pinasok sa emergency room at pilit na isinasalba ng mga doktor at nurse. Malakas ang naging pagsalpok niya kung kaya't maraming dugo ang nawala sa kaniya.

"Sir, hanggang dito na lang muna po kayo." saad ng isang nurse at pumasok sa loob ng emergency room.

Nagpunta muna ako sa waiting area at naghintay doon.

Hindi ako mapakali kung kaya't tumayo ako at naglakad-lakad. Nang mapagod ako ay umupo ako at ipinikit ko ang mga mata ko at taimtim na nagdasal.

Lord, please save her. Please save my girl.

Habang nagdadasal ako ay napadilat ako nang may sumigaw.

"Lucas!" sigaw ng isang boses. Agad akong napatingin ako sa direksyon nang sumigaw.

Tumayo ako at nilapitan siya. "A-amarah..."

"A-anong nangyari k-kay Kira?" mangiyak-ngiyak niyang wika.

"Nabundol s-siya ng truck..." nanlulumo kong wika. "Nasa emergency room siya ngayon, ginagamot ng mga doktor."

Napaupo siya at nasapo ang noo. "It's my fault! Kung hindi ko siya hinayaan na mag-inom, hindi mangyayari 'to!"

"Hindi mo kasalanan, Amarah — wala kang kasalanan." ani ko. "Hindi naman natin ginusto na ganoon ang mangyari sa kaniya."

Hindi naman sumagot si Amarah, bagkus ay napapapikit at nagdasal. Ganoon din ang ginawa ko.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"Lucas," napatingin ako kay Amarah nang magsalita siya. "Kumusta kayo ni Faith?"

"I don't love her," malamig kong tugon. "Napilitan lang akong pakasalan siya—"

Tinapik niya ang balikat ko, "I know. Alam kong hindi mo mahal si Faith but you chose to marry her than choosing my bestfriend."

"Mahal ka ni Kira, mahal na mahal." sabi niya at napangiti. "Ang mga taon at panahon man ay kumupas, ang pagmamahal ay hindi pa rin kumukupas. Kaya hanggang ngayon, mahal ka pa rin niya — at patuloy kang mamahalin kahit nahihirapan at nasasaktan siya."

Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nagsasalita. Ramdam ko sa bawat salita niya ang sakit at galit sa akin. Marahil ay dahil sa nagawa ko sa kaibigan niya — ang masaktan ng sobra-sobra si Kira.

"Believe me, I love her too — I love her so much." tugon ko. "Mahal ko siya pero—"

Naputol ang sinasabi ko nang magsalita siya, "Pero hindi ka lumaban. Mahal mo siya pero hindi ka lumaban. Is that how you define love? Mahal mo, pero hindi ka lumaban."

Napatahimik ako. Bigla akong na-guilty. Tama naman si Amarah e, mahal ko nga si Kira pero hindi ko naman siya pinaglaban — hindi ko pinaglaban ang pagmamahal ko para sa kaniya.

But only God knows of how much I wanted to be with her and to be married with her but I can't. And this is all because of her childhood bestfriend — Faith.

[Flashback.]

"But 'Ma!" pag-angal ko sa desisyon ni Mama.

Napagdesisyunan nila Mama at Papa na ipakasal ako kay Faith. And I can't accept that! Si Kira lang ang mahal ko at patuloy kong mamahalin.

"Anak! Kailangan mo siyang panagutan!" sagot naman niya. "Kung nag-ingat lang sana kayo—"

Tumingin ako kay Mama, "What the heck, Mom?! Hindi ba't ilang beses ko nang sinabi na hindi nga ako ang nakabuntis sa babaeng 'yon?"

Sinundan naman ako ni Mama, tila gusto nilang pumayag ako sa desisyon nila.

"Anak, it's also for the sake of your future!" Mom exclaimed. "Kung sasama ka sa Kira na 'yon, wala kang mapapala! Maaari pang masira ang kinabukasan mo dahil sa babaeng pinikot—!"

Tila uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Ramdam ko din ang pag-init ng dugo ko. At dahil doon ay kinuha ko ang isang vase at ibinagsak ito.

Bakas sa mukha ko ang galit nang gawin ko 'yon. Nagulat din si Mama sa ginawa ko.

"'Ma! Can you please stop judging my girlfriend?" pagalit na sambit ko. "She's the only girl I love! Kira is the only girl that I want to spend my life with! And not with that freaking girl who came along the scene and telling that I'm the father of her baby!"

Nilapitan naman ako ni Mama, "Lucas, just please follow me, follow us. Gusto lang namin ng Papa mo na magkaroon ka ng magandang future kasama si Faith."

"Seriously? Para magkaroon ako ng magandang future?" I laughed sarcastically. "Kaya kong gawing maganda ang future ko, 'Ma. That's why I study hard here in America and she also doing that in the Philippines! So that I and Kira will have a better future!"

"Pwede po bang ibigay niyo naman ang kasiyahan ko?" malumanay kong tanong. "Gusto niyo lang naman ako ipakasal kay Faith para mas lumago 'yang business niyo—"

"If you don't want to marry Faith," nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses ni Dad. "Then you'll not go back to Philippines."

Hinarap ko naman si Dad. "Really Dad? You're sacrificing your son's happiness for your bussiness? Your mind is a mess."

Iniwan ko sila ni Mama na nakatunganga doo'n at pumuntang kuwarto.

Agad akong sumalampak sa kama at inihilamos ang aking kamay sa mukha.

Ayaw ko namang hindi makauwi sa Pilipinas at hindi makita si Kira. I guess, I don't have any choice but to marry Faith —nang sapilitan.

(Present.)

Naihilamos ko na lamang ang aking kamay sa aking mukha. It's my fault. Kasalanan ko kung bakit nasaktan si Kira at kung bakit siya naaksidente.

It's all my fault and I hate myself for that — I hate myself for hurting my queen.

Napatayo ako nang nakita kong may lumabas na nurse at nagtatakbo. Pumunta siya sa nurse's desk. Pagkabalik niya ay kasama niya ang isa pang nurse.

"Yung defibrillator machine!" sigaw pa ng nurse.

Agad akong lumapit sa nurse at nagtanong, "A-anong nangyayari s-sa loob?"

"Nagkakagulo po, nag-50/50 po yung pasyente!"

Nagkatinginan naman kami ni Amarah at agad na nagtatakbo papunta sa emergency room.

Nanlumo kami sa nadatnan namin ni Amarah doon.

Patuloy na isinasalba ng mga doktor si Kira na tila'y lumalaban pa.

"Clear!" sambit ng doctor habang nilalapatan siya ng defibrillator machine.

Napatingin ako sa patient monitor. Biglang naging isang linya na lamang ito. Agad na nataranta ang mga nurse. "One, two, three! Clear!"

"K-Kira!" pagsigaw pa ni Amarah habang umaagos ang mga luha na nanggaling sa kaniyang mga mata. "L-lumaban k-ka..."

Nanigas ang katawan ko at pinagpawisan. Naramdaman ko din ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

"Kira Salvador, time of death, 6:39 pm."

Halos gumuho ang aking mundo sa inanunsyo ng doctor. Tila nanikip ang aking dibdib sa nangyari. At dahil ito sa pagkawala ng pinakamahalang babae sa akin — si Kira.

The most precious woman for me has died — Kira has died.