Chapter 112: The Challenge For a Duel.
(More Battles awaits)
.
.
Natapos na makapag level si Chris at kakailanganin muna nyang ma-stabilize ang kanyang bagong Level ng lakas, iwas backlash sa pagkaka pilit ng kanyang Qi gathering nung nakaraang pag cultivate nya.
.
(maiintindihan ito ng mga Online gamers lalo na mga RPG players jan)
.
*kakailanganin munang sanayin ang Sarili sa bagong Lakas o kapangyarihan na taglay nya. para mas kabisado na nya ang kanyang galaw at para masanay narin sya sa pag-adjust ng kanyang spell castings at Maneuver skills*.
.
-----
.
Matapos makapag banad si Chris sa BathTub nya ng dalawang oras ay nilagyan na nya ng takip na sealed inscriptions ang bathtub nya at inilagay na nya ito sa kanyang StorageRing.
'sayang naman ang madami pang natirang Medicinal magic effects, magagamit ko ulit ito sa susunod na level up'.
.
Nag suot na si Chris ng kanyang simpleng Outfit, isang itim na long leather jacket at isang Itim na Jeans at black combat boots, ganun naring itinali nya ang kanyang mahabang Darkish green na buhok. At sabay suot ng kanyang Battle gloves.
"ayan, sigh. Wala naman siguro makaka sugat saken sa mga sandaling ito, no need for Battle outfit."
.
Lumabas na ng banyo si Chris. At sakto naroon si Marie nakaupo sa ibabaw ng kama na tila inaabangang lumabas si Chris sa pintong iyon.
.
Tulala si Marie dahil, hindi layong napansin nya ang ilan sa mga pagbabago kay Chris, ang dating medyo oily faced ay smooth at slightky fair skinned na, ang dating medyo may darker shaded lips ngayon ay parang alagang alagang lips na at napaka fair din tignan.
.
"oh?, bat tulala ka jan Ms. Marie? "
Taas kilay ni Chris at ang kakaiba ngayon ay parang walang emosyon sa mukha ni Chris. Nag padagdag sa kakaibang charm nya.
.
(idol nag upgrade ka na talaga----)
.
*almost kutis artista ka na----pero malayong maabot ni Idol yung kaguwapuhan nina Risch, JunPyo, at lalo na yung si Mocci----pero ok na rin yan diba bro*.
.
-----
.
Tulala nga si Marie at hindi nya inakala ang pagbabagong taglay ni Chris na Aura.
"nag level up ka?, "
Curious na tanong ni Marie. Kahit alam na nyang nag level na si Chris hindi nya parin maiwasang tanungin ito.
.
"yah?, bakit bawal ba? ----tara maghahanap ako ng makakalaban, diba may Arena somewhere dito?".
Sabi ni Chris at nasa pintuan na sya at binuksan na nya ito para lumabas.
.
Binato naman ni Marie ng Unan si Chris.
"putek ka!!, gabi na. At isa pa sarado ngayon ang mga stadiums"
Sabi naman ni Marie kay Chris na may ngiting expression sa kanyang mukha.
"----sigh, halika. Matutulog na tayo".
.
Swooosh!! -----(Speed)
.
Hindi napansin ni Marie pero nasa tabi na nya si Chris at nakaupo ito sa gilid ng kama nya.
"tsk tsk tsk. Ms. Marie, paalala ----walang tayo----".
Kindat naman ni Chris. At inilatag nya na ang kanyang BedMat sa gawing iyon ng kama.
.
Hindi alam ni Marie kung ma-didismaya ba sya sa kanyang narinig mula kay Chris or masaya or magagalit or magtatampo----sound complicated.
.
(hindi kaya nag babago na isipan ni Marie kung si JunPyo or si Chris ang pipiliin nya sa dalawa)
.
*girls thoughts nga naman. Kailangan nila i-prioritize ang future nila syempre----pero lamang na lamang si JunPyo. he he he he. At hindi naman malaman ang nararamdan ni Chris kay Marie*.
.
-----
.
Naglalakad si JunPyo at napunta sa isipan nya si Marie.
'Puntahan ko kaya sya sa kwarto nya?'.
.
At sakto namang nasa harapan na nya ang pinto ng kwarto ni Marie.
.
Narinig nya ang pag-uusap nina Chris at Marie sa loob. At nakaramdam sya ng negative emotions dahil don.
.
Bam!! -----(heavy Smash)
.
Nasira sa madaming piraso ang ang pinto at nagulat naman si Marie na nakapantulog habang sakal si Chris at nasa BedMat sila sa tabi ng kama.
.
(speaking of Awkward position, parang nakayakap lang si Marie at pinatungan nya si Chris.)
.
*weird position nga. Mukhang iba iniisip ni JunPyo sa sandaling ito----ha ha ha*.
.
-----
.
"Hey hey hey!, nag kakamali k------".
Magpapaliwanag sana si Marie kaso huli na ng biglang hinablot ni JunPyo ang leeg ni Chris na parang pumulot lang ng patatas.
.
Gaboom!! -----(Explosion)
.
Sumabog ang bintana ng parteng iyon ng mansion na ikinagulat ng mga bantay at agad silang nagtungo sa lugar na iyon.
.
Nakalutang sa ere si JunPyo habang nasa ibaba naman si Chris at bumaon sya sa lupa.
.
"----hindi mo manlang pinakinggan ang sasabihin ko----mukhang mapapalaban ako sa isang Ancestor Level 3---".
Agad bumangon si Chris at sa isang pulse ng kanyang aura ay naalis ang dumi sa suot nito.
.
"wag JunPyo, iba ang iniisip mo, walang-----".
Hindi natuloy ang sasabihin ni Marie.
.
"hayaan mong bigyan ko ng leksyon ang katulad nya Marie, ako na bahala wala ka na dapat sabihin pa".
Sabi naman ni JunPyo, at nag dive in sya palusob kay Chris.
.
Si Chris naman ay hindi naging kampante dahil ramdam nya ang killing intent ni JunPyo.
'mukhang kailangan kong ipakita sa mokong na tulad nya, na wag nyang minamaliit ang katulad ko'.
.
Mukhang balak labanan ni JunPyo si Chris ng Martial Arts(DAO) skills.
.
Nagdatingan na ang mga kawal at ilang mga BodyGuards ni JunPyo.
"Young Master!! Kami na bahala sa kanya!".
.
Bam!! -----(Heavy collision)
.
Pilit nagsalpukan ang kanilang kanang kamao na naglabas ng matinding shockwave sa paligid.
.
'StandBy, ako na bahala sa kanya manoon lang kayo!'
Sabi naman ni JunPyo sa mga alagad nya Via Telepathy connection.
.
Napansin naman ng mga Alagad nya na mahina lang si Chris at Nasa Epic Level 2 stage lang ito.
'aaaiisshh!!, mukhang masyadong minaliit ng lalakeng iyan ang kakayahan nya at ginalit nya si Young Master'.
.
'hayaan na natin, pero napansin ko sa salpukan nila ng suntok kanina. Parang may tinatagong lakas ang batang iyan, nakakasiguro akong nasa full power na sya habang si YoungMaster ay wala pa sa 20% ang kanyang ipinamalas'.
.
'aaaiisshh!!, sa tingin nyo ba gagamitin ni YoungMaster ang tunay nyang lakas sa isang Pipitsugin lang, masyado nyo minamaliit si YoungMaster JunPyo. Tiyak akong 10% lang ay sapat na pata matalo yang Epic stage na batang iyan'.
.
Habang tumatagal ay hanggang sangga at iwas lang ang ginagawa ni Chris sa mga pag atake ni JunPyo.
.
Umagwat si JunPyo at nakatingin sya sa kalmadong anyo ni Chris.
.
"Pagbibigyan kita ngayon, ikaw naman ang umatake-----".
Sabi ni JunPyo, halatang naguguluhan sya sa ginagawang pag iwas at pag sangga lang ni Chris.
.
Sa 2,000ft. Sa itaas nila Chris naroon si Long at kasama nya ang dalawang Elder na may suot na Black Hood.
.
"Long, makikita natin ang sinasabi mong kakaiba sa batang dinala ni Marie mula sa labas ng Realm na ito" .
Sabi ng boses matandang lalake.
.
"tsk. MistyHands man o Hindi, noong panahon ng Aking ina nasabi nya na madami ring Mahihina sa MistyHands Clan at umaasa lang sila sa mga talented na Nobles----tiyak na ang mga hindi nabigyan ng Bendisyon ng Clan na iyon ay hindi rin makakalayo pagdating sa Cultivation"
Sabi ng babaeng elder na tila ang boses ay nasa edad pang 20+.
.
(young voice, young body, young and fresh face. Tapos matatawag na Elder?!!!)
.
*napag usapan na natin yan dati pa Bro. Ilang ulit na. Walang Edad edad sa mundong iyan basta nagmumukha kang bata. Pero ibang usapan naman kung Seniority ang masusunod, natural na epektibo ang Elder na titulo kung matagal ka ng nabuhay bilang mataas na sa Ranking or Stage sa cultivation*.
.
-----
.
Nanatiling nagkatitigan sina JunPyo at Chris.
.
Nangangamba si Marie at plano na nyang pumagitna.
.
"Itigil na natin ito, nagsasayang lang ako ng lakas sa katulad mo. Kaya sabihin ko nalang na natalo mo ako. Oks na ba iyon sayo."
Sarcastic word naman ni Chris. Na tila pinapahalatang walang saysay ang harapin ang tulad ni JunPyo.
.
Tanga lang ang hindi makakaintindi sa pagkakasabi at ibig sabihin ni Chris sa salita nito.
.
"anong sabi mo?!, idaan nalang natin sa legal na Laban. Hinahamon kita sa isang Duel!".
Sabi ni JunPyo na may Kalmadong ayos.
.
Laking gulat ng lahat sa pagkakasabi ni JunPyo. At ganun namang ikinagulat din ito ni Long.
.
Bumaba na si Long mula sa ere at pumagitna sa lahat.
"Buweno idaan natin sa duel ang lahat, at magdaraos ako ng Tournament sa susunod na dalawang buwan, lahat ng gustong pakasalan ang aking anak na si Marie, kailangan maging Champion muna ito nga Tournament".
.
Lumingon si Long sa magkabila, at napansin nyang napaka kalmado ni Chris kahit sa harapan ng mga Experts at matataas na mga Stage Cultivators.
.
"wala ako pakealam, kayo na maglaban-laban. Ang tungkulin ko lang ay maging slave ni Marie at wala ng iba."
Naglabas ng Killing intent si Chris sa isang kisapmata ay nawala din ito kaagad.
.
Lumingon at Yumuko si Chris sa dalawang Elders na nasa malayong himpapawid.
.
Agad namang nagulat ang dalawang Elders na ito sa inasal ni Chris.
"alam nyang narito tayo?".
.
Nagkatinginan sandali ang dalawang elders at lumingon ulit sa papalayong anyo ni Chris na tila lalabas ito ng Zeddo Clan.
.
"mukhang hindi basta basta ang kakayahan ng batang iyon. Nagkamali tayo ng pagkakasuri sa kanyang lakas---".
Nag isip ng malalim ang matandang lalake.
.
"hindi rin natin makikita ang lakas nya kung hindi sya sasama sa tournament, sya na mismo nagsabi at umatras sa pag sali sa Tournament----".
Sabi naman ng babae.
.
Kapwa unknown ang Cultivation Stage ng dalawa dahil suppressed ito ng matindi.
.
------
.
Matapos ang kaguluhan ay Kasama ni Marie si JunPyo sa garden at nag uusap sila patungkol sa relasyon ni Chris kay Marie.
.
"huh?!, slave mo talaga sya?, pasensya na nadala ako ng sobrang selos".
Sabi naman ni JunPyo at napamula ang mukha nito sa Hiya.
.
"hmmfp, yan kasi, pero hindi sya masamang tao. Mukhang nasubukan mo ang lakas nya, ano sa tingin mo mahirap ba sya labanan?".
Curious naman si Marie sa current na lakas ni Chris. at gusto nyang malaman ito mismo kay JunPyo na sumubok kay Chris.
.
"khe?, hindi ko pa ginamit ang 10% ng lakas ko. At lalong wala ako sa pagiging seryoso para ilabas ang mga alas ko sa tulad nya."
Prideful si JunPyo at ayaw nyang natatalo sa isang bagay. Pero base sa tunay nyang evaluation si Chris ay hindi madaling talunin at alam nyang nagpipigil lang si Chris sa mga galaw nito.
'ano ba meron sa lalakeng iyon, at lahat ng mga atake ko kanina ay parang wala lang sa kanya!'.
.
Masasabi mang ayos na ang problema ni JunPyo tungkol sa pagkakakilala at samahan nina Marie at Chris. Ang problema naman nya ngayon ay ang Curiosity nya sa tunay na lakas ni Chris, kahit na nasa Epic stage ito ay kaya nyang labanan ang isang 1 step Stage Higher kesa kanya.
.
Tinapik naman ni Marie ang noo ni JunPyo.
"ano nanaman iniisip mo jan, wag mo ng pilitin si Chris kung ayaw nya sumali sa tournament please. Ayaw kong may mangyaring hindi inaasahan lalo na sa tulad mong Expert Swordsman" .
May pag-aalala naman sa mga mata ni Marie.
.
Hindi naman alam ni JunPyo pero, parang ramdam nyang hindi sya ang inaalala ni Marie na tila gagawa ng nakakatakot na bagay.
.
"ha ha ha. Masyado kang nag-aaalala saken, buweno isipin mo nalang baka may mas malakas pang gusting umagaw sa puso mo sa tournament na idaraos ng Zeddo Clan"
Umakbay naman si JunPyo. Pero ramdam nyang hindi komportable si Marie, at hindi manlang nito itinulak ang kanyang kamay.
.
*kumbaga parang napipilitan si Marie?*
.
-----
.
Nagkaroon ng General meeting ang Zeddo clan. Sa underground Cave, Assassin Pavilion kung saan naroon ang 25 elders ng Zeddo. Mga pundasyon ng pamilya Zeddo. Ang nakaupo sa top 3 elders ay ang dalawang kasama ni Long at isa pang babae na may White mask.
.
Masasabing Elders gathering lang ito sa ngayon at nasa isang rectangulat table sila at nakaupo sa isang Soft pillows sa isang mat.
.
Puno ng wines at ibat ibang putahe ang lamesa. Ganun ding may mga Maids na may suot na veils sa kanilang mga mukha ang naglalagay ng wines sa bawat baso ng mga elders.
.
Masaya ang lahat sa pagsasama nila sa isang gathering. Karamihang pinag uuspaan nila ay patungkol sa labas ng Shangri-la Realm(Mundong ibabaw)
.
"Ok guys. Pasenysa na kung nahuli ako ng dating".
Sabi naman ni Long katabi nya ang isang Babae na may veil sa mukha nito.
.
Naglakad sila papasok sa lugar na iyon.
.
Naupo ang Misteryosang babae na ito sa dulo at tapat ng rebulto ng Giant Four winged Eagle na may katawan na leon, na may buntot ng Scorpion. Gawa sa fine ores at Gold na may melted Platinum ang rebultong ito. (sounds rich----ganyan ang rich people)
.
"Silence, may importante tayong pag-uusapan, ito ay tungkol sa Joint Forces ng Assassin Guilds ng Shangri-la at Forces ng Assassin Guild ng Angelis StrongHold-----(blah blah blah) ".
Sabi ni Long na nakaupo bilang Patriarch ng Clan. At ang babae ay masasabing GrandElder.
.
Matapos ang meeting nila patungkol sa Advancements ng Assassin Guilds sa labas (Mundong ibabaw). Ay nagpatuloy ang kasiyahan at salo salo.
.
"Anak, tungkol naman sa Slave ng apo ko na si Marie, nabanggit mo sya kanina saken".
Sabi ng babaeng ito na hindi layong nasa edad na 25 ang boses nito at mahinhin at napaka lumanay.
(nanay ni Long?!!-----)
.
*bro. Hindi mahuhulaan ang edad ng isang Expert cultivators. Sa mundong iyan----like wise*.
.
-----
.
"ah yung batang nag-ngangalang Chris, Ma', mas mabuting pag-usapan nalang natin ito ng lihim-----ehh? "
Napansin ni Long ng na nabalutan na ng sound barrier ang kanilang palibot.
.
"pwede mo na sabihin saken, ako bahala sa Sino mang makakarinig nito".
Sabi naman ng ina ni Long.
.
"he he he. Sa punto, ang slave ni Marie ay isang Lost member ng MistyHandsClan. O masasabing sole member".
Uminom ng wine si Long.
.
Napalingon ang ina nya sa kanyang dako.
"anak hindi ka ba nagbibiro?, sigurado ka ba sa sinasabi mo?!, nakita mo na ba syang gamitin ang Poisonous smoke?".
Nagdududa parin ang ina ni Long sa balitang ito.
.
"si Marie mismo nakasaksi at nakasubok sa lakas ng Slave nya. At napili nya ito bilang panlaban sa Shangri-la tournament. Pero mukhang nabago ang plano ni Marie at nag focus sya sa Cultivation----madami nagbago kay Marie simula ng makilala nya ang Chris na ito Ma' ".
Sabi naman ni Long at inalala ang mga pagbabago ni Marie. Pagdating sa ugali, pananalita, kilos at pag-iisip.
.
Napa tap, ang kanang kamay ng ina ni Long sa lamesa.
"Bantayan mo sipang mabuti anak, hindi parin ako nakakasiguro sa tunay na kulay ng Chris na sinasabi mo----".
.
Lumingon ay uminom ng wine si Long.
"Ma', sa tingin mo kakailanganin pa bang istorbohin sina Lolo at lola na nasa Seclusion Training, para alamin ang nangyayari sa DarkNorth?".
.
Napa isip naman ang ina ni Long bago ito sumagot.
"Hindi pa sapat ang lakas nina Mama at Papa para puntahan ang DarkNorth. Lalo na't nagsibalikan na sa mundong ibabaw ang mga sealed Monsters at maaari ding mga DarkLorde's na mas malalakas kesa noong panahon ng kadiliman".
.