webnovel

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · Umum
Peringkat tidak cukup
36 Chs

Chapter 12 Season of Sea Dragon

Ang bagong panganak na Sea Dragon ay naglalagi malapit sa dalampasigan habang tumatanda ay maglalagi na ito sa pinakamalalim na bahagi ng dagat. 'Tubig, kailangan ng mata ko ng tubig! Mabuti siguro kung may malinis na batis mas maganda sana doon ako maghilamos ng mata kaso sa kasamaang palad dagat lang ang meron dito.' di na siya nagdalawang isip pa at tumalon at nagdive na parang swimmer sa dagat.

Season ng Sea Dragon sa pagkakataong iyon. Kaya pwedeng di inaasahan na mawala ang buhay ni Wei. Mga ilang sandali lang ng di na umahon si Wei ay napagpasyahan ni Orion na simulan na ang laro. Hindi siya sumali manunuod lamang siya at mangungolekta ng may pinakamagandang quality na mata ng Sea Dragon. Ang mata ng isdang to ay kapareho ng isang perlas malaking perlas sa oras na mapatay ang isdang to tumitigas ang mata nito na parang diamond kaso hindi sa lahat ng oras ay maganda ang kalidad ng isda. Hindi ito nakakakita pero matindi ang pangamoy nila. Kung sa modernong mundo ang bagay na ito ay mamahalin at ginagawang palamuti, sa kanila ay ginagawang gamot ito para sa lason at para sa iba't-ibang uri pa ng sakit.

Sa ilalim ng dagat nawili si Wei sa pagsisid dahil sa ganda ng kanyang nakikita. Sobrang ganda at malinis ang tubig sa dagat napakalinaw din nito. 'Hindi nga ako nanaginip! Hahahaha Teka! Ano yung malaking madilim na bagay na papalapit sa akin?!' Dahil sa malinaw ang tubig nakita niya kung ano ito ng medyo malapit na ay binilisan niya ang paglangoy papunta sa dalampasigan. Nakita niya ang isang isda na di niya pa nakikita sa buong buhay niya. Papunta ito sa kanya at nakahanda na itong kainin siya ng buo, malayo palang nakabukas na ang bibig nito.

"Tulong!!! tulong!!! may halimaw!!! Tao po jan! Tulungan niyo ako!" nang makaahon ay sumigaw na siya ng tulong 'may tao man o wala kailangan ko sumigaw.' sa isip pa niya.

Nakita naman niya na may maraming tao na nakatingin sa kanya. Mukang nakakatakot ang pagkatitig nila, nagdalawang isip si Wei kung tutuloy siya papunta sa mga lalaki o babalik siya sa halimaw. Nagulat naman ang mga kalakihan ng makitang buhay pa ang babae pero napalitan agad ng pagka-excited ng tumalon ang isda para kainin ng buo si Wei.

"Woooo hoooo! akin na ang isang yan!"

"Saakin yan!"

"Mauna na ako sa inyo!" halos magwala at sabay-sabay na sabi ng mga kalalakihan. Bago paman sila makatakbo para hulihin ang isda ay napatigil na sa ere ang isda. Nakita nilang nasa ibabaw nito ang kanilang panginoon. "This one is mine." pagclaim ni Orion sa isda. Sino ba naman hindi magkainteres sa kakaibang isda. Pero ang nagpagalaw kay Orion ay ang kulay gintong isda. Kulay abo ang natural na kulay ng Sea Dragon at tanging mata at kaliskis lang nito ang nagagamit.

Pero ayon sa mga libro nila minsan sa isang bilyong taon merong Golden Sea Dragon ang lumalabas. Lahat na bahagi nito ay napapakinabangan. Ang laman nito ay sobrang sarap mas masarap pa sa sushi at wala itong lason. Ang lamang loob naman nito ay nagpapalakas. Walang pakialam si Orion sa mga bagay na ito ang habol niya ay ang mga mata ng isda. Mga mata na may tinatagong lihim. "Sinco, bring this Sea Dragon on my place." pagtawag niya sa shadow guard. "Ah master, kasama po ba yung babae?" tanong nito. Tinignan naman ni Orion ang babae pero wala na ito sa tubig. "Nasa loob na po ng Sea Dragon ang babae kusa po itong pumasok."

'Hmm ang bango mukang sushi, siguradong masarap.' gutom at nakalimot na may mga tao sa paligid si Wei. Pumasok siya sa bunganga ng isda at hinanap sa loob ang amoy na nagpapagutom sa kanya. Walang nakakita sa kanya dahil naka focus na ang mga kalakihan sa paghuli ng mga isda. Tanging ang shadow guard lang ni Orion ang nakakita. "Just bring it with her just don't let her touch the Sea Dragon eyes." walang pakialam siya sa babae at sa ibang bahagi ng isda. "Don't let her live my place and don't let anyone see her."

"Yes Master." sagot ni Sinco at dinala na ang malaking isda. Kung titignan sa malayo ay parang may isang maliit na bundok ang gumagalaw. May kakaibang lakas ang mga tao sa Yfel pero matindi at walang tigil din na pagsasanay ang ginagawa nila.

Sa loob ng isda masayang kumakain si Wei. "Tama nga ang ilong ko napakasarap ng isdang to. Kumpleto na ang lasa nito at pwede na ako mamatay. Ang dami talagang mystery ang dagat buti at naglayas ako sa amin. Mabuti at wala ang mga pinsan ko, wala akong kaagaw." Sa sobrang laki ng isda syempre di niya iyon kayang ubusin pero dahil sa kabusugan nakatulog siya sa loob.

Matapos ang laro dismayado ang mga kalalakihan dahil halos pareho ang mga nahuli nila. Hindi rin nalamangan ang current record ng pinakamalaking huli kaya walang nanalo. Alam ni Orion na dahil iyon sa Golden Sea Dragon, inuubos nito ang halos lahat ng pagkain nilang nakakalason na sea corals kaya di lumaki ang mga bagong pinanganak na isda.

***

Sa mansyon ng mga Ruscie. Totoong anak nila Mr. and Mrs. Ruscie si Maximo, tanging si Wei lang ang nagiisip na ampon ito dahil sobrang higpit ito at hindi niya gusto ang ugali ng pinsan. "It's been more than twenty four hours, actually it's already a week so maybe we should file for a missing child and ask for help." Mr. Lian Creed ama ni Wei. "Matanda na siya para sa missing child, pero isip bata pa naman ang anak ko baka kung ano na ang nangyari don. Hindi naman namin sinisisi si Max pero paanong bigla na lang nawala ang anak ko?" si Mrs. Lywein Creed na pinapakalama ni Mrs. Ruscie nakakatandang kapatid niya ang asawa nito na si Liam Ruscie. Nagpagusapan nila na kapag wala parin magawa ang authoridad para mahanap si Wei ay magbibigay na sila ng reward sa makakita or di kaya makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa kinaruruonan ni Wei. Isang mayaman at respektadong pamilya sila kaya di rin nawawala ang possibility na na kidnapped ito. Ilang buwan nakalipas wala pading balita hanggang sa lumuwas sa kanilang Isla ang mangingisda na binilhan ni Wei ng bangka para ipagamot ang na dengue na anak.

Kailangan niya ng pera para sa dugong kailangan ng anak, naisipan niya na ibenta ang kidney mabuti at nakita niya ang isang poster ng babaeng bumili ng bangka niya. "May balita na kay pinsan!" Miko pagkatapos sagutin ang tawag. Lumiwanag naman ang mga mukha nilang magpi-pinsan. 'Sa wakas matatapos na din ang paghihirap namin. Makakalaya na din kami kung hindi lang sana si Max ang pinakamatanda sa amin di sana ganito kahigpit ang pamumuhay namin.' Hindi alam ni Miko na hanggang impormasyon lang ang maiibibigay ng kausap sa telepono at hindi iyon sa kinaruruonan ng pinsan.

I don't know what to write next for the moment so I decided to make a flashback. I know that the story seemed out of place and I can't promise after the flashbacks of how did Emperor Shi and Wei met the story would flow smoothly. I'm still thinking who will be more suited to be the FL partner. Thank you so much for reading from the bottom of my heart.

TanzKaizen24creators' thoughts