webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · Sejarah
Peringkat tidak cukup
33 Chs

Kabanata 23

Kabanata 23: Alberean Sea

#Death University

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Tahimik lang ako nang magsalita si JC. Wow nakakamemorize na talaga ako ng pangalan. May achievement na ako! Opss ang ingay ko pala sa isipan.

"Ano pala ginagawa niyo sa may gubat?" Tanong ni JC habang nakatingin sa daan. May ibang driver kasi na patingin-tingin sa kausap kaya nababangga.

Sasabihin ko ba? Pero ewan kung makapagkatiwalaan sila. Baka pagtawanan pa nila kami. Si Arth ay napansin ko na kanina pa tahimik ganun din si Jerome.

"Naghuhunting" Pamiliar ang boses ng nagsabi ng ganun.

Tss. Bahala na kung sino ang nagsabi ng ganun.

"Mahabang kwento" Tahimik na sabi ni Alyssa.

Mabuti naman at tumahimik na si JC sa katatanong.

"Eh kayo? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kathleen.

Ngumiti ng malungkot si Jaslee. Bakit kaya siya malungkot?

"May natanggap kaming balita na namatay na ang dalawa naming pinsan. Pinatay sila ng tita ko kaya hahanapin namin ang taong pumatay sa mga pinsan ko" Sagot ni Jaslee. Nakita ko Pa ang bahagya niyang pagkuyom sa kamao.

May namatay na pinsan niya?

Condolence

Napatingin ako sa bintana. Malapit kasi ako sa may bintana. Medyo dumidilim na 4pm na kasi. Sana hindi kami mahirapan hanapin si Mang Jose.

Ayaw kong magtanong kina Jaslee tungkol kay Mang Jose ayaw kong madamay sila. Pero pwede naman magtanong ako kung saan ang Alberean Sea diba?

Matutulog nalang ako. Pagod na kasi ako.

***

Nagising ako ng may nasandigan akong balikat pagmulat ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Alden. Wait! Diba boyfriend siya ni Beatrice? Kaya bakit siya umupo sa tabi ko? Si Crissa kaya ang katabi ko kanina.

Baka magalit Pa si Beatrice no? Ayaw Kong maging third party.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya atsaka tumikhim.

"Ba't nandito ka?"

Ngumiti siya at nakita ko ang dimple niya. Tss lumingon ako sa upuan ni Beatrice pero katabi niya si Allison. Pareho silang natutulog.

"Nakipagpalit ako ng upuan kay Crissa"

Tss. Talaga? Bakit naman kaya? Feeling niya yata nagugustuhan ko siya?

(Pero totoo naman)

Shut up brain.

"Di wow"

Tumahimik nalang ako ang akward ng feeling. Tumingin ako kay Crissa at nandon siya sa tabi ni Greg. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at gumawa ng heart signs.

Inirapan ko lang siya. Para-paraan din ang babaeng to. Crush niya kasi si Greg. Ewan ko nga kung ano ang nagustuhan niya kay Greg

Naniniwala na talaga ako sa kasabihan.

'Love is blind'

'Love is no reason'

Ay ewan. Naririnig ko yan sa radyo o di kaya ay nababasa ko sa aking news feed sa Facebook.

Malayo pa kami pero may nadaanan kaming mga bahay. Nasa town naba kami? Ay ewan matanong nga.

"Nasa town na ba tayo?"

Eh mukhang walang silang balak na magsalita eh. Ano ba yan? Wala ba silang bibig tss.

"Oo kaya saan kayo baba?" Tanong ni JC.

Napatampal ako sa noo. Ouch masakit!

Oo nga pala Saan kami baba? eh wala akong alam dito. Nabigla kami ng bigla nabulatun ng itim na usok ang paligid namin. Langya ito na nga siya.

Ito na ang kinatatakutan ko na matuntun kami ni Cindy.

"Hayden! ibigay mo sa akin ang libro. Titigilan ko na kayo!"

Tumingin ako sa paligid puro usok lahat. Hindi naman sakanya ang libro na ito pero bakit niya kinukuha sa amin? Kay Ate Zyril kaya to.

"Hindi ko ibibigay sayo ang libro. You are not the owner of this book. So you have no rights to get this!"

Shit. Nasa harapan namin si Kamatayan. Ano bang pwede naming gawin?

"Beatrice alam kong may galit ka kay Hayden. Ngayon na ang pagkakataon mo kunin mo ang libro kay Hayden tutuparin ko ang hiling mo na kahit ano!"

WHAT!!! EH AKO NGA ANG MAY GALIT DYAN EH

Agad akong tumingin kay Beatrice may galit siya sa akin. Imposible

PAANO?

Pero bakit?

EH NASA KANYA SI DEN EH

"Huwag mong gawin yan. Beatrice" Nagmamakawang sabu ni Alyssa saka lumapit kay Beatrice.

Nakita ko na ngumisi siya. Tss maniniwala siya sa sinabi ni Cindy? Ang kitid pala ng utak niya. Tapos hindi manlang siya pipigilan ni Den? What a jerk.

"Wala akong pake sa inyo ang gusto ko lang ay mamatay si Hayden para makuha ko ang gusto ko"

What? Ano bang gusto niya? Nasa Akin ba ang gusto niya? Ano naman ang gusto niya?

Mabuti nalang at nagstop ang kotse. Ito lang kasi ang naisip kung paraan.

Lumapit siya sa akin. Agad kong binuksan ang pinto at lumabas.

"Tita tigilan niyo na ang kahibangan niyo!" Sigaw ni JC. Nakita ko Pa ang pagkuyom ng kanyang kamao. May galit pala siya kay Cindy?

Tita niya si Cindy

Pero paano?

Sino ba talaga sila?

Tika oo nga pala. Sabi ni Jaslee na pinatay ang dalawa niyang pinsan. Pinatay sila ng kanyang tita.

Wait! Ibig sabihin si Maika at Micca ang pinsan niya. Tapos si Cindy ang tita nila.

Lumabas kaming lahat sa kotse at hinarap si Cindy.Di parin ako makapaniwala na tita nila si Cindy. Si Beatrice naman ay lumapit kay Cindy.

Letchugas talaga siya.

"Nandito ka pala JC at Jaslee. Kakampi niyo sila?!" Sabat ni Cindy

Tsk. Ang laki ng galit nito sa amin. Tss walang nga kaming kasalanan sa kanya. Siya lang ang gumagawa ng reason ng may kasalanan talaga kami. Supposed to be kami ang magagalit kasi pinatay niya ang mga Tao na mahahalaga sa amin.

"Tita. Tigilan niyo yan. Maawa kayo Kayo naman ang dahilan kung bakit namatay si Claire pati na rin si Clarice at Charlie ay pinatay niyo!" Galit na sigaw ni Jaslee.

What a mother? Ganun pinatay niya ang mga anak niya para matuloy ang curse. Hindi siya matatawag na tayo kapag marami na siyang napatay.

Nakita ko nagpipigil ng galit si Cindy sinenyasan niya si Beatrice na lumapit sa kanya. Lumapit naman ang uto-uto. Bakit ang bilis niyang maniwala sa taong pumatay sa mga kaibigan niya o classmate. Wala ba siyang utang na loob. Kung ganun Hindi iyan matatawag na bestfriend o tunay na kaibigan.

"Mga inutil kayo! Mas kinakampihan niyo yan sila! Ka ano-ano niyo ba sila ha?! Kapamilya niyo ako! Samantalang sila Ay Hindi " Sigaw ni Cindy. Nakita ko ang paglabas niya na parang kunai sa kamay niya.

"Kapamilya?! Kapamilya ba ang tawag sa taong kayang pumatay ng anak ha! Pinatay niyo ang mga pinsan namin at tito! Iyan ba ang tawag na kapamilya?!" Tama naman si Jaslee.

Wala masyadong dumadaan na kotse o tao dito. Sabagay walang masyadong tao dito. Tapos nasa harapan namin ang isang napakalaking gate. May Latin na nakasulat sa taas nito.

"Beatrice gawin mo na ang sinabi ko" Utos ni Cindy kay Beatrice na malamig na nakatingin sa amin.

Nilinga ko si Den na parang wala lang sakanya si Beatrice. Anong klaseng jowa ang isang to?

"Huwag kang makinig sa kanya Beatrice sa amin ka makinig. Kaibigan ka namin. Saka pinatay niya ang mga kaibigan natin. Ano ba?!" Umiiyak na sabi ni Alyssa. Umiiyak rin si Allison sa tabi nito.

Bakit parang nag-iba si Beatrice. Parang umitim ang kanyang mata.

"Papatayin kita Hayden. Saka wala akong pakialam sa mga kaibigan ko!"

Hindi ko akalain na ganito ang tingin niya sa mga kaibigan niya. What a friend?

"Ako nalang patayin mo" Lumuhod si Allison pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon.

"Ganun pala kayo. Kaya niyong magsakripisyo kay Hayden! Mga inutil kayo! Ano bang pinakain ni Hayden sa inyo at gustong-gusto niyo siya?! Sumagot kayo! "

Nakita ko ang bahagyang paglapit sa kanya ni Michael. Anong gagawin niya?

"If you compare yourself with others. You may became vein and bitter. Sa tingin mo sa ginagawa mo. Anong nakukuha mo?! Kapag ba nagawa mo ito! Makukuha mo ba ang gusto mo! diba hindi?! Dahil papatayin ka rin niya!!"

Napatingin ako kay Allison hindi pwede siyang mamatay. Tama kailangan ko na ilabas ang tunay kong tapang. Wala na akong oras.

Lumapit ako kay Kathleen at binigay sa kanya ang libro. Mukhang nagulat Pa nga siya sa pagbigay ko sakanya ng libro. Nagtatanong ang mababakas sa mukha niya.

"Tumakas na kayo. Jaslee tulungan mo sila dalhin niyo ang libro kay Mang Jose sa Alberean Sea. Magpapaiwan ako I need to face this. And end this f*cking war! Bilis!"

Tinulak ko agad si Kathleen sa kotse. Nilinga niya ako. Kathleen kaya mo ito! Kahit wala ako sa tabi mo.

"Tutulungan ka namin. Hayden" Sabi ni Alyssa at Allison.

Agad naman sumakay sa kotse sila Kathleen, Crissa, Jeseryll, Mhia, Michael, Alden, Greg, Arth, Jerome at Azrael.

Nagsalita naman si JC. Magpapaiwan rin ba siya? Pero para saan?

"Jaslee ikaw na ang bahala sa kanila. Tutulong ako dito" Seryosong sabi ni JC at inilabas ang katana.

Nakita ko ang pag-aalala ni Jaslee sa kapatid niya. Kahit ako rin mag-alaala ako sa kapatid ko.

"Pero. Kuya"

"Sige na. Bilis!"

Agad naman niyang pinaandar ang kotse akmang susunod si Cindy nang hagisan ko siya ng kunai natamaan siya sa paa. Mabuti nalang sharp shooter ako.

"Diba ako kailangan mo. Kaya harapin mo ako"

Tumawa siya sa amin. Yung witch laugh niya. Hindi ko siya mapapatawad. Igaganti ko ang mga kapatid ko. Pati narin ang lahat ng nabiktima.

"Beatrice ako na ang bahala sa kanila, Sundan mo lang yung mga tumakas" Nakangising utos ni Cindy. Nakasout Pa ito ng itim na dress.

Tumango si Beatrice saka tumango. Tss. Aso na siya sa lagay na Yan.

"Sige"

Nawala nalang ito bigla.

Letse binigyan niya ng power niya si Beatrice. Sana okay lang sila doon. Alam Kong maibibigay nila kay Mang Jose ang libro dahil may tiwala ako sa kanila.

Humarap kami sa kanya apat lang kami pero kaya namin siya. Nilabas ko ang kunai ko na may dalang poison. Sana madala na nila ang libro kay Mang Jose para matapos na ito.

Umatake si Cindy kina Alyssa agad naman umiwas si Alyssa pero natamaan siya sa bandang kamay. Di yata siya sanay sa ganito.

Alam kong may poison ang kunai ni Cindy. Lason na nakakamatay. Hinila ko si Alyssa at pinaupo. Nakita ko ang kulay Violet na parang dugo.

" Kaya mo pa. Please be brave?"

Nakita ko na dumura siya ng dugo. Ang bilis ng daloy ng poison.

"Kaya pa. For Revenge"

Hinang-hina na siya. Napatingin ako kina Allison at JC. Natamaan sa braso si Allison. Habang nakikipaglaban si JC. Mukhang train rin siya tulad ko.

Tumayo na kami ni Alyssa at sumugod kay Cindy pagkasugod ko kay Cindy ay ginamitan ko siya ng tornado kick napaluhod naman siya. Sasaksakin ko siya ng mabilis siyang makabangon.

Ang bilis niya. Sabagay may spell eh.

"Hindi niyo ako kaya"

Tumawa pa siya. Anong akala niya aatras kami? Hindi ko Pa nailalabas ang tunay Kong lakas.

"Talaga? SML and are you f*cking sure?! You don't know who I am."

Sumugod siya sa akin. Inilagan ko naman siya akmang sisipain niya ako ng tumambling ako patalikod nakita kong susugod siya kay Alyssa na naghihina na.

"Alyssa!"

Nakita kong natamaan sa bandang dibdib si Alyssa. Hindi pwede!

Lumapit ako kay Alyssa hinang-hina na siya.

"Alyssa. Huwag kang mamatay" Sabi ni Allison. Hinawakan ni Allison ang kamay ni Alyssa saka umiiyak. Si JC ang nakikipaglaban kay Cindy.

Alyssa please lumaban ka. Ayaw ko ng may mabawasan sa amin.

"Labanan mo Alyssa"

Nakita ko na ngumiti siya ng malungkot. Alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Hindi ko na kaya. Tapusin niyo ang misyonnakikita ko na si Shana at iba kong kaklase na lalapit sa akin. Paalam. Patawarin niyo ako kung mabilis akong sumuko. Patawad"

Nakita ko ang pagbagsak ng kamay niya at pagsarado ng kanyang mata. Binawian na siya.

Hindi kita mapapatawad Cindy!

"HINDI!" Sigaw ni Alyssa.

Biglang tumayo si Alyssa. Saka lumapit kay Cindy. Anong gagawin niya?

"Magbabayad ka Cindy!"

Sumugod siya kay Cindy. Gumamit siya ng dalawang kunai. Ngumisi si Cindy at nang-aasar Pa. Nakita ko si JC na humihinga ng malalim.

Sinalubong siya ng kunai ni Cindy at natamaan siya sa may puso. Kami nalang natira ni JC. Alam Kong kaya namin to.

"Paano na yan kayo nalang ang natira. Goodluck and be ready"

'DON'T UNDERSTIMATE ME. CINDY YOU DON'T HOW I CAPABLE OF DOING SOME SHIT'

I'm always ready.... Cindy!

*****

FEEDBACK?

Hychii's note: Please add me on Facebook

@Hayya Sampaco Lumna

-@missHYchii