webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · Sejarah
Peringkat tidak cukup
33 Chs

Kabanata 14

Kabanata 14: Heart of The School

#Death University

#Soul

***

(Crissa Mae Pov)

Paano nalaman ni Kathleen ang mga bagay na iyon? Hindi parin ako makapaniwala

May libro pala ang school na ito? Ano naman ang laman?

"Hahanapin natin ang libro" Suhestyon ni Kathleen saka tumayo.

Tumayo rin ako nagpagpag. Kaming dalawa lang ba ang maghahanap?

Pero ang tanong saan kami magsisimula eh 3pm  na at baka maglalaro kami ng Card. Baka hindi kami makapasok sa room.

"Saan tayo magsisimula sa paghahanap?"

Hello Ang laki ng school. Saka wala pa kaming idea kung saan ba talaga nakatago ang libro. Saka maghahanap palang kami noh!

"Sa Principal Office tayo magsimula" Bakit naman kaya sa may Principal Office?

Sabagay Medyo malapit  kasi ito sa word na Heart of School. Saka Heart means ang principal. Kadalasan kasi ang principal ay siya mismo ang may-ari sa school. Pero sino kaya ang may-ari sa Death University.

Napatigil ako sa paglalakad nang lingunin ko si Kathleen na nahuhuli sa paglakad. Kailan bumagal ang paglakad ng isang to?

Lumapit ako sa kanya at hinampos sa balikat. Agad naman siya lumingon sa akin at may tinuro. Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya.

May isang babaeng nakatayo sa may puno na di kalayuan sa amin. Nakatitig sa amin ito ng mariin. Sino ba siya?

Nagulat ako ng bigla siyang nawala at nasa tabi na namin siya. Nakakatakot naman siya nag fefeeling horror.

"Kathleen and Crissa. Nahanap niyo ba ang libro?"

Napatigil ako. Paano niya nalaman ang tungkol sa libro eh kami palang ang nakaalam ah. Chismosa yata ito eh.

"Hindi pa." Mahinang sabi ni Kathleen.

Ngumiti ng malungkot ang babae saka tumingin sa malayo.

"Bibigyan ko kayo ng clue kung saan makikita ang libro. Makikita ang libro sa Heart of The School which means sa lugar kung saan maraming pupunta kasi para sakanila ito ang lugar kung saan natutupad ang hiling nilang magkaroon ng pag-ibig at ang wish nila."

Saan ba ang lugar na iyan eh hindi ko alam eh.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa amin kung nasaan talaga?" Hindi ko na talaga mapigilan magtanong.

Wala na kasi kaming oras mara mag-isip.

"Hindi ko pwedeng sabihin kasi susubukan ko kung kaya niyong lutusan ang mga problema na nangyayari dito"

Bigla itong nawala. Sinusubok niya ang kakayahan at kaalaman namin? Sa ganitong paraan.

Challenges! Ito yung laging sinasabi nila mama na kailangan i overcome at kailangan paghandaan. Hindi ko alam if kaya ba namin ito.

"Kathleen. Anong gagawin natin?" Seryosong kong tanong. Hindi talaga ako mapakali eh.

Saka malapit na mag 6pm.

"Bumalik muna tayo sa room. Wala pa akong naiiisip"

Tahimik kaming bumalik sa classroom pero bago kami makapasok sa classroom ay may nahagip akong isang bulto na nakatayo sa may puno. Sa madilim na parte.

Tumaas ang balahibo ko kaya nagmamadali akong pumasok. Nagulat nga si Kathleen.

Sabi kasi ng ibang tao kapag tumaas daw ang balahibo mo ay may multo daw psh.

****

(Alden  Zack Pov)

Bumukas ang pinto at pumasok yung dalawang kaibigan ni Hayden. Yung crush ni Art ay seryoso manangin at parang may iniisip. Yung si Crissa naman ay parang natatakot. Anong nangyari?

Dalawang araw nang nawawala si Hayden ewan ko kung bakit ako hindi mapakali. Ehem wala akong gusto sakanya hindi pa pwede na mag-alala lang ako kasi classmate ko siya.

Nabigla kami ng bigla nagbago si Arth parang nasaniban siya. Gumagalaw-galaw siya at pilit siyang hinahawakan ni Christian at Jerald pero ayaw niyang magpahawak.

Anong nangyari kay Arth? Bakit parang may kakaiba sakanya?

Mukhang yung iba nagulat rin.

Tumayo siya at tiningnan kami isa-isa napatigil ang tingin niya sa akin. Parang pinag-aaralan niya ako dahil sa tingin niya.

"Arth. Parang ka namang kakain ng tao" Seryosong sabi ko.

Nakita ko ang bahagya niyang pag-ngiti. Problema ng ungas nato?

"Alden. Hindi ka parin nagbabago ang sungit mo pa rin at Napakalaki muna" Sabi ni Arth na sa akin lang nakatingin.

Anong nangyayari kay Arth? Nababanas na ako sa mga sinasabi niya hindi naman siya ganito magsalita pero may napansin ako Bakit parang Pamiliar ang salita niya sa akin? Parang narinig ko na dati pa.

"Kuya Samuel" Nabigla ako ng mabanggit ko ang pangalan ng nakakatandang kapatid ko na 10 years ng nawawala.

"Naaalala mo pa ako Alden? Patawarin mo ako"

Bigla itong ngumiti ng malungkot saka lumapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko.

Kuya Samuel? Siya ang nawawalang kong kapatid? Pero paano niya nasaniban ang katawan ni Arth? Nabiktima rin ba siya dito? Naguguluhan na ako. Sh*t

"Kuya. Bakit kayo nandito? Anong nangyari sa inyo?"

Hindi ko na mapigilan na tanungin siya.

"Alden. Sasabihin ko sa inyo kung paano kayo makakaalis dito"

Ano? Alam niya kung paano kami makalabas? Pero bakit hindi niya sinabi nung wala pang namamatay sa amin?

"Paano?"

May naanig akong tao na mukhang atat na malaman ang lahat.

"Ang libro lang makakatulong sa inyo. Matatagpuan ang libro ang lugar kung saan nagwish kami ni Ate Sammantha mo na magsasama parin kami kahit sa kabilang buhay at ito'y natupad"

May nakita na akong kaklase ko na nakangisi. Ano kayang kinangisi niya?

"Sige. Pero bakit ito nangyayari sa amin kuya Samuel?"

Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya.

"Malalaman mo lahat ng yan. Sa libro na yun. Hanapin niyo iyon bago ang kabilugan ng buwan atsaka isa pa Hanapin mo Ang kapatid ng Ate Samantha mo. Saka ako ang nagtago sa libro" Sabi ni Kuya Samuel. Na nakatingin kina Kathleen.

Ate Sammantha? Diba yan yung Girlfriend ni Kuya? Yung tinatawag ako na 'Den'.

"Anong meron sa kabilugan ng buwan? Ate Sammantha? Sino ang kapatid ni Ate Sammantha?"

Nakilala ko noon ang kapatid ni Ate Samantha nong bata pa ako kaso matagal na iyon kaya hindi ko maalala ang mukha niya at pangalan. Saka mga bata pa kami non. Sabagay ang sungit nun at hindi namamansin.

"Ang kabilugan ng buwan ay ang ritwal kung saan lahat kayo ay mamatay. Si Hayden siya ang kapatid ng Ate Samantha mo" Nagulat kami ng biglang matumba si Arth.

Si Hayden ang kapatid ni Ate Samantha na Girlfriend ni Kuya? Kaya pala yung kwintas niya Familiar. Inalalayan nila Si Arth pati rin si Jeseryll nahimatay. Bakit nahimatay si Jeseryll?

Pinaypayan ni John si Jeseryll ng karton. Oo nga pala sila na pala.

May plano sana ako kay Hayden. Pero itutuloy ko ba?

May kaklase akong na lumabas. Saan siya pupunta?

****

(Someone Pov)

Yes. Nalaman ko na kung saan ko matatagpuan ang libro. Pero clue lang ang binigay sa amin.

Lalabas na sana ako sa room ng pigilan ako ng Kaklase kong babae.

"Saan ka pupunta malapit na mag 6pm ha?" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko para pigilan.

Wala akong pake. Pakialamera sarap patayin. Feeling Close tss? Kailangan pa bang magpaalam sakanya.

"Dyan magpapahangin lang ako. Bakit bawal ba?" Peke akong ngumiti.

Mapapatay ko talaga to. Nagmamadali akong sabihin ito kina mama.

"Hindi naman" Binitawan niya ang kamay ko.

Siya ang isusunod ko masyadong pakialamera.

Lumabas na ako at pumunta sa secret room ni mom.

Pagpasok ko palang ay sinalubong na ako ng kapatid ko. Mabuti pala siya nauna na dito.

"Ang tagal mo naman"

Ang sungit talaga ng babaeng to dinaig pa ang buntis.

"Ang sungit. May alam na kasi ako"

Pagkasabi ko nun ay ngumiti ako ng nakakaloko mataray ang kapatid ko Alam ko na yan.

"Talaga ano naman yun?" 

Tsa kala ko alam na niya psh. Baka hindi siya nakinig.

"Alam ko na kung saan matatagpuan ang libro"

May narinig akong pumalakpak at lumapit sa akin.

"Ang galing mo anak. Saan naman ito matatagpuan?" Nakangiting ani ni Mom.

"May clue lang na binigay"

Bakit kasi Clue ang binigay? Ang hirap mag-isip kaya.

"Kailangan na natin mahanap iyon bago makuha ng mga tanga" Sabi ng kapatid ko at umalis na. Nag walk-out ang loka.

"Tama siya. Nay alis na ako baka maghinala sila"

Kailangan na namin bumalik baka manghinala sila.

"Sige anak. Malapit na mag 6pm may mamatay na naman"

Niyakap ako ni Mama. Malapit na namin makamit ang paghihiganti.

Humanda kayo!

****

Under Editing

-@missHYchii