webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
71 Chs

Dead 25 (Part 1)

Aira POV

"Pagod na 'ko!"

"Pahinga muna tayo please!"

Sa karereklamo nila ay napagpasyahan muna naming magpahinga. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad ngayon sa gitna ng kalsada.

"Abe okay ka lang?" Tanong ko ng makaupo na kami sa ilalim ng puno.

"Oo, okay lang ako daplis lang naman 'to at hindi na dumudugo." Sabi nito.

"San tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Lee

"Ewan, maybe maghahanap tayo ng pwede nating matutuluyan mamayang gabi." Suhestiyon ni Christine.

"Mas mabuti pang tumuloy na tayo at malapit nang gumabi." Saad ko naman.

Nasa gitna kami ngayon ng kawalan at duda akong makahanap kami ng matutuluyan bago mag gabi.

Ramdam ko ang pagdampi ng hangin, napahawak nalang ako sa magkabila kong braso.

"Grr, anlamig." Saad ni Mia.

"Guys, mukhang malapit na tayo sa siyudad."-Lee

Tumingin ako sa unahan at may mga naaninag na akong mga gusali.

"Hmmm, himala ah parang walang mga zombie ngayon." Ani ni Christine

"Baka natutulog." Pagbibiro ko. Pero walang natawa sa biro ko Ha.Ha.Ha

-___- psh.

Di kalaunan ay nakarating na kami sa gitna ng siyudad. As usual ganun parin ang itsura at mukhang palala ng palala ang mga lugar dito.

"Guys, sa tingin ko walang kahit na hotel dito, mabuti pa at pumunta muna tayo 'don sa mall at maghanap ng mga damit at panlinis sa sugat ni Abe." Saad ni Mia

"Tara."

Naghanda na kami sa pagpasok sa isang Mall.

"Guys, as much as possible 'wag tayong maghiwalay please?" Sabi ko

"Okay."

Una naming pinuntahan ay ang pharmacy.

Ako ang nagpresinta na kumuha ng mga kakailanganin pero siyempre kasama ko si Mia. Kumuha ako ng gasa, betadine, alcohol, bulak at iba pang mga kinakailangang mga gamit at mga gamot sa sugat.

Mabuti at may flashlight kaming dala kung hindi manga-ngapa kami sa dilim nito.

Lumabas na kami ng Pharmacy at dumeretso sa kasama naming naghihintay sa sulok.

"Guys, hanap muna tayo ng cellphone dito or telepono para makatawag kila ate Mich at marescue tayo dito." -Lee

"Eh di ikaw dun ang maghanap!" Sino pa nga bang nagsabi nun? Eh di si Mia, hindi na ako magtaka kung sila ang magkatuluyan sa huli. Pfftt

"Ako nga diba? Sinabi ko bang ikaw?!" -Lee

"Whatever!!!!"

"Tama na 'yang mga bangayan niyo at asikasuhin na ang dapat asikasuhin!" Singhal ko sa kanila. Nilapitan ko si Abe at tiningnan ang sugat niya.

Tinanggal ko ang telang nakabalot dito.

Namamaga ang kanyang sugat kaya kinakailangan talagang malinisan ito at baka ma infection pa. Binuksan ko ang alcohol at bahagyang binuhos sa kanyang sugat. Napapikit naman si Abe dahil sa naramdamang sakit at sa pagpipigil na sumigaw.

"Hooo! Ang Hapdi Air." Sabi nito. Dinampian ko naman ito ng betadine, pagkatapos kong balutin ang kanyang sugat pinainom ko na rin siya ng gamot.

Wala na kaming choice kundi dito na muna manatili sa mall at magpalipas ng Gabi.

Napabuntong hininga ako, wala dito yung tatlong lalaki, kaming mga babae lang ang naiwan dito.

"Oy Christine may boyfriend ka ba?" Biglang tanong ni Mia.

"Hala! Wala no! I'm proud to be NBSF!"

"NBSF? Diba NBSB yun?" Inosenteng tanong ni Abe

"No Boyfriend Since Fetus ang peg ng ating Christine." Sabat ko naman.

"Ahhh! Hahaha! Ako din NBSF ako!" Sabi ni Abe.

"Alang nagtatanong." Sambit ni Mia.

"Ay Grubeh ka ti!!" Atungal ni Abe with matching pout.

"Wag ka ngang mag pout, nagmumukha kang pato diyan!" Pagbibiro ko.

"Waaa! Grabe kayo saakin!"

"Aira, may napapansin ako kay Kyler." Biglang sabi ni Christine.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

Why I'am feeling affected everytime I heard his name? Gosh!

"Ano naman 'yon?" Kunwaring walang pakialam na tanong ko.

"Palagi siyang nakatingin sa'yo!"

O__O

"Malamang may mata!!!" Sigaw ko.

"Ay Grave! Affected much te? Oo alam kong may mata siya. Pero sayo talaga siya nakatingin!" -Christine

"Yeah! Yung bawat expression ng mukha niya tuwing nasasangkot ka sa gulo, nag-aalala siya sayo everytime na may natatamo kang sugat." Dagdag ni Mia.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Waaa! May sakit na ba ako sa puso?

Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko.

"Oyyy, si Aira nag blush!"

Iniwas ko ang paningin ko sa kanila.

"Psh! Wala talagang mga kwenta 'yang pinagsasabi niyo at binibigyan niyo ako ng isyu!" Singhal ko.

"Hay Aira! Nasa In Denial stage ka pa." -Christine

"In Denial In Denial! Tumahimik na nga kayo diyan at parating na sila!"

Singhal ko sa kanila.

Kainis 'tong mga 'to!!

"Hey guys, look wha't we've got." Bungad saamin ni Lee habang may hawak na cellphone.

"Oh natawagan niyo na si Ate Mich?"

Tanong ni Christine.

"Wala pa, ngayon palang." Tugon ni Vans.

"Hindi ko memorize number ni te Mich." Sabi ni Lee habang kamot kamot ang ulo.

"Hala!"

"Ako memorize ko." Sabi ni Mia.

Sa katunayan, memorize ko rin. Ayoko lang magsabi. -___-

Matapos binigay ni Mia ang number agad naman nila itong tinawag at ibinigay saakin ang cellphone.

"Hello?" Sabi ng kabilang linya.

"Tita Chelle" Mahinang tugon ko.

"Oh my God Aira! Where are you guys? Are you okay?" Agad na tanong nito.

"Okay lang kami tita chelle pero may sugat si Abe."

"We are trying our best to track you sa nagdaang araw, ngunit hindi namin nahagilap ang lokasyon niyo, asan ba ang mga cellphone niyo?"

"Nawala po tita."

"Tsk! Where are you Guys? We will track your location, stay on the line Aira." Sabi nito at natahimik na kami.

Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang kabilang linya.

"Na track na namin kayo, stay where you are guys, papunta na ang mga tauhan ko." Nakahinga naman ako ng muwag nang sabihin niya iyon.

"Thanks tita chelle." Sabi ko

"You're always welcome Aira, I will hang up na para makapaghanda. Stay safe." Sabi nito bago pinatay angv tawag

"Anong sabi?" Tanong ni Mia na nakatunga-nga kasama silang lahat.

"Parating na ang mga susundo saatin." Sabi ko at ngumiti.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nila as if they are felt relieved.

Tahimik lamang kami sa isang sulok ng mall at naghihintay sa mga taong susundo saamin.

Bigla kaming naalerto ng marinig ang tunog ng sasakyan at taong palapit saamin.

"Guys, andiyan na ang susundo saatin!" Excited na sambit ni Abe.

"Tara na!"

Agad naming sinalubong ang mga taong iyon pero napakunot ang noo ko.

Hindi sila mga tauhan ni Ate Mich.

"Guys Run!!!" Ngunit sa tingin ko ay huli na ako, nakita ko nalang si Vans na nangingisay sa sahig.

"F*ck they are shooting us using electric gun!" Sigaw ni Kyler ngunit agad naman siyang natumba sa lupa ng matamaan siya nito.

Shit!

"Ahhh!"

Naramdaman ko nalang na parang kinukuryente ako at tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

Parang naging slow mo ang lahat habang bumabagsak ako.

They are now lying on the ground. Hindi sila makagalaw ni hindi makapagsalita.

Nakaramdam kong mayroong taong marahas na binuhat ako patayo.

Unti unti na akong napalayo sa mga kasama kong nakahiga sa semento at walang magawa.

"G-guys." Mahinang sambit ko bago ako pinasok sa sasakyan.

Hindi ko alam kung sino ang mga taong 'to. Hindi  ako makapalag sa mga taong ito dahil hindi ako makagalaw at nanghihina na ako.

"Akala ko mahihirapan tayo sa mga batang 'to." Dinig kong sabi ng idang tinig.

"Paano ang ibang mga batang 'yon?" Tanong naman ng isa.

" Pabayaan mo na at ito lang ang dalawang ito ang pinapakuha saatin ni Boss."

Hindi ko alam kung sino ang mga taong 'to. Pero nasisiguro ko na kami talaga ni Mia ang pakay ng mga ito.

Pero bakit?

Ano ang meron saamin na kinakailangan nila?

May kinalaman ba ito sa nakaraan namin?

Paano nila kami natunton? Akala ko ba susunduin kami nina Tita chelle?

May namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung tuluyan na ba itong bumagsak, dahil wala talaga akong maramdaman, kahit kagatin pa ako ng zombie hindi ako sisigaw.