Hindi makapaniwala si Bryan na sa pangalawang pagkakataon ay nandito ulit siya sa labas ng ER, and this time ay ang asawa naman niya ang nasa loob. Nagwala talaga siya kanina noong hindi siya pinayagan ng mga nurse na sumama sa loob.
Bawal daw! Potangina! Kailangan siya ng asawa't anak niya sa loob!!
Muntik na nga ang mga itong tumawag ng guard pero pinakalma siya ni Manang Rosa. Niyakap siya nito habang inuulit-ulit sabihin sa kanya na huwag siyang mangamba dahil malakas ang asawa niya at kakapit din daw ang anak nila kaya manalig lang daw siya sa Maykapal.
Ginawa niya 'yon dati pero anong nangyari? Nawala pa din ang ama niya!
Pero kumalma nga siya at tuluyan ng napaiyak sa mga bisig ni Manang Rosa. Sinabi nito lahat tungkol sa pagbubuntis ng asawa niya, at ang pinlano nitong surprise party sa kanya kung saan nito planong sabihin ang tungkol sa pagbubuntis nito. Pero pinili daw nitong itago na lang ang pagbubuntis sa kanya kasi natatakot itong baka itatakwil niya ang anak nilang dalawa.
Damn it! Hinding-hindi niya gagawin 'yon!
His wife is fucking pregnant, pero anong ginawa niya dito?
Sinaktan niya ito emotionally, and he let Georgina hurt her physically.
He's going to be a father, pero ngayon pa lang ay napakawalang kwenta na niya.
Kinausap na niya si Georgina kagabi pa lang tungkol sa tunay na nararamdaman niya para sa asawa. Pinrangka na din niya ito na hinding-hindi siya papayag na maghihiwalay sila ng asawa niya at hindi na rin talaga nila maibabalik ang dating relasyon nilang dalawa. He offered her friendship again at pumayag naman ito kagabi.
Sa guest room nga ito natulog, habang siya ay sa kwarto ng ama niya. Pinuntahan kasi niya ang asawa niya sa kwarto nila pero nakalock ang pintuan niyon, kaya alam niyang ayaw pa talaga siya nitong kausapin. And he let her be.
And that was a huge mistake!
Ang plano niya ay pagkauwi niya galing sa sementeryo ay doon na lang niya kakausapin ang asawa, pero hindi na niya napigilan ang sariling lapitan at yakapin ito ng makita itong pumasok sa mausoleum ng pamilya. Hindi na rin niya napigilang sabayan ang pag-iyak nito.
Hinayaan siya nitong yumakap dito pero noong narinig nito si Georgina na tinawag pa rin siyang 'honey' ay agad nitong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayap niya dito.
Hindi na niya ito hinabol kasi kinausap muna niya si Georgina at pinatigil na ito sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Georgina reasoned out na nasanay na kasi itong tawagin siya ng ganoon, pero sinabi pa rin niya dito na huwag na uulitin at baka iba na ang maisip ng asawa niya.
He was planning to leave the cemetery at sumunod din si Georgina, ng biglang lumapit si Arthur sa kanya. May cast pa rin ito sa leeg pero pinilit nitong pumunta para humingi ng tawad sa kanya. Kahit ayaw niyang kausapin ni makita ito ay hinayaan na lang niya because he wanted to hear his explanations. Gusto na niyang umayos na ang lahat sa kanila ng asawa niya and the best way to do that is to forgive themselves and the people who cause them pain.
Sinabi na nito sa kanya na walang relasyong namamagitan dito at sa asawa niya. Nagalit daw ito ng araw na 'yon at napuno ng selos at inggit ang puso nito kasi gustong-gusto nito ang asawa niya. Kaya nga nagawa nitong pasukin ang asawa niya sa kwarto. Gusto pa rin niyang suntukin at kakasuhan sana ito pero pinigilan niya ang sarili noong umiyak ito at kahit hirap ay lumuhod ito sa paanan niya.
He forgive him but he also asked him to stay away from his wife, dahil kahit ano pa ang gagawin nito ay hinding-hindi niya papakawalan ang asawa niya. At agad rin itong sumang-ayon sa sinabi niya.
Arthur then gave him a letter, pinapabigay nito para sa asawa niya. Nahihiya daw kasi itong lumapit pa sa asawa niya kaya sa letter na lang nito idadaan ang paghingi nito ng tawad. Sinabihan na rin siya nito na sa susunod na linggo ay pupunta ito sa bahay nila para sa pagbabasa ng will ng ama niya. Agad naman siyang pumayag at pagkaalis nito ay ramdam niya ang paggaan ng pakiramdam niya.
Isa na lang ang pinoproblema niya ngayon. Ang asawa niya at kung paano niya susuyuin ito.
'Yon ang pinoproblema niya habang nasa biyahe kanina pauwi ng mansiyon. Ni hindi na nga niya pinapansin si Georgina kahit patuloy ito sa pagkwento sa kanya. Pagkarating nila sa mansiyon ay nagpaiwan muna siya sa loob ng sasakyan niya para mag-isip ng gagawin niya at nauna namang pumasok sa loob ng mansiyon si Georgina.
Damn! Bakit kailangan pa niyang mag-isip? He just needs to approach his wife and explain to her everything. He will also ask her to slap him then forgive him kapag magsawa na ito sa pagsampal sa kanya.
Kakalabas lang niya ng sasakyan ng bigla siyang makarinig ng malakas na pagkalabog at tilian sa loob. Patakbo siyang pumasok at halos mawalan ng ulirat ng makitang sinasampal ni Georgina ang asawa niya habang nakahiga ang huli sa hagdanan. At ang malakas na pagkalabog yata na narinig niya ay ang dalawang maleta ng asawa niya na nasa baba na ng hagdanan.
'She's leaving me!'
'Yon agad ang pumasok sa isip niya habang tumatakbo na paakyat sa hagdanan at pigilan na si Georgina sa ginagawa nito sa asawa niya. Then, horror fucking washed over his system ng marinig ang malalakas na singhapan ng mga kasambahay at ang pagsigaw ni Manang Rosa.
His wife.. is bleeding.
Namumutla siya habang nakatingin dito at hindi na niya alam kung paano niya nagawang tumakbo ng mabilis pababa ulit ng hagdanan at mabilis ring binuhat ang asawa niya.
And now, here he is. Nasa labas na naman siya ng ER. At kasalanan na naman niya lahat. Natatakot at natataranta na sa kung ano na nangyayari sa loob kung saan nandoon ang mag-ina niya.
'Please, Lord.. Sana walang mangyaring masama sa mag-ina ko.. Baka hindi ko na kakayanin, Lord..' Dasal niya sa isip habang patuloy na tumitingin sa pintuan ng ER.
Ilang minuto pa ang inantay nila at ng may lumabas ng doktor sa loob ay agad siyang tumayo para lapitan ito.
Ramdam niya ang panginginig ng katawan niya habang nananatiling nakatingin sa babaeng doktor na umasikaso sa asawa niya.
"Mr. Sevilla?" Tawag nito sa kanya.
"O-Opo, doc.. K-Kumusta po ang asawa ko at ang baby namin?"
Noong nakita niyang ngumiti ang doctor sa kanya ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya napansing pinigilan niya pala ang paghinga niya kanina.
"They're both out of danger now, Mr. Sevilla. Your wife has lost a large amount of blood but luckily, ang lakas ng kapit ng anak niyo. Your baby is a fighter." Sabi nitong nakangiti sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Diyos ko, salamat!" Anas ni Manang Rosa.
"Salamat, Doc! Salamat! P-Pwede ko na bang makita ang asawa ko?"
"Yes, you can. Kaso unconscious pa si misis. She also needs to be admitted for the mean time habang inoobserbahan pa siya. Maybe two to three days? Now, I suggest you to go to the admin office para makakuha na ng kwarto nito. Kapag maayos na ang kwarto ay pwede ng itransfer doon ang asawa mo." Sabi ng doktor sa kanya at agad naman siyang tumango dito. "And next time, Mr. Sevilla, bantayan mo ng maigi ang asawa mo. She's 7 weeks pregnant, sobrang critical ang first trimester kaya kailangan niyang mag-ingat at kailangan din siyang maalagaan ng mabuti."
Naiiyak na napatango siya ulit dito at agad na itong nagpaalam sa kanila.
"Senyorito, ako na ang pupunta sa admin office. Pasukin mo na muna si Kyra sa loob." Sabi nito sa kanya at agad siyang napatango dito.
He badly needs to see his wife, kaya laking pasalamat niya na nagsuhestiyon ng ganoon si Manang Rosa. Pagkaalis nito ay agad na siyang pumasok sa loob ng ER at hinanap ang asawa niya.
A nurse is currently checking the IV line of his wife and his wife looks very exhausted. Unconscious pa rin talaga ito. Napaiyak siya lalo ng inabot at hinawakan niya ang isang kamay nito.
"I'm so sorry, wife.." Anas niya dito bago siya yumuko para patakan ito ng isang halik sa sentido.
Nanatili siyang nakatayo habang nakadungaw sa asawa niyang hindi pa rin nagigising. Hawak pa rin niya ang kamay nito. Maya-maya lamang ay dumating na si Manang Rosa at papunta na raw ang mga taong maghahatid sa asawa niya sa magiging kwarto nito.
Nasa loob na sila ng private hospital room ng asawa niya. Hindi pa rin talaga ito nagigising at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito.
Natawagan na niya ang mga magulang ng asawa niya. And his father-in-law is very furious while talking to him over the phone. Sinisisi siya nito sa nangyari sa asawa't anak niya. Pero totoo naman kasi. Kasalanan niya talaga 'to.
Kahit 'yong nangyari sa ama niya ay kasalanan niya rin.
But God is still with him, kasi hindi Nito pinabayaan ang mag-ina niya.
Nanlumo na lang siya ng sinabihan siya ng father-in-law niya na babawiin na nito si Kyra sa kanya. Kaya pinapakuha na nito ang mga gamit ni Kyra sa mansiyon. Pero hindi siya pumayag. Paano siya makakabawi sa asawa't anak niya kung ilalayo nito ang mag-ina niya sa kanya?
Nagmakaawa siya dito pero pinatayan lang siya nito ng telepono. Anytime soon, ay paniguradong dadating na ang mga ito.
Tumawag na rin siya sa ninong niyang chief of police para ipadakip si Georgina. Tinawagan na rin niya ang abogado niya, kakasuhan niya si Georgina at sisiguraduhin niyang makukulong ito. Muntik na nitong mapatay ang mag-ina niya at hinding-hindi niya ito mapapatawad. Kung tuluyan ngang nawala ang mag-ina niya, hindi lang pagpapakulong ang magagawa niya kay Georgina. Paniguradong mapapatay niya ito!
Pinauwi na muna niya si Manang Rosa para ito na ang bahalang mag-asikaso sa mga pulis. Sinundo ito ni Manong Andres kanina at babalik rin ito mamaya. Inutusan niya itong magdala ng damit ng asawa niya at damit niya. Hindi muna siya uuwi sa mansiyon habang nandito ang asawa niya sa hospital, babantayan niya ito. Gusto niyang paggising nito mamaya ay siya agad ang mabungaran nito.
Muntik na siyang makaidlip ng bigla niyang naramdaman ang paggalaw ng kamay ng asawa niyang hawak-hawak niya. Agad siyang napatayo sa inuupuan at dinungaw ito ng gumalaw na ang mga mata nito.
"W-Wife..."
Umungol ang asawa niya habang mabagal na nagbukas ang mga mata nito. Parang pilit pa siya nitong inaaninag, at noong naging klaro na ang paningin nito ay mabilis nitong binawi ang kamay sa pagkakahawak niya. At kitang-kita niya ang pagtataranta nito.
"A-Ang baby ko.... K-Kumusta ang baby ko?"
Kahit na nasaktan sa pagbawi nito sa kamay ay napangiti pa rin siya dito. "Okay lang ang baby natin, wife. You're both okay! Sabi nga ng doktor kanina fighter daw ang baby natin."
Napaiyak na ito habang hinahawakan ang tiyan nito. "T-Thank you, anak.. Salamat at hindi mo iniwan si mama.."
Akmang hahalikan niya sana ang sentido nito ng bigla nitong iniwas ang ulo nito sa kanya.
"Makakaalis ka na, Bryan. Hindi ka namin kailangan ng baby ko."
"Wife.. That's our baby.. Anak nating dalawa.."
"Malakas din ang loob mong tawagin siyang anak mo, eh muntik na siyang nawala dahil sa girlfriend mo!" Sigaw nito sa kanya. "Please, Bryan. Umalis ka na lang.. Bumalik ka na lang kay Georgina at hayaan mo na kami ng anak ko.."
"Wife! Walang kami ni Georgina kasi ikaw ang mahal ko. Pakinggan mo muna ako! Let me explain please.." Nagmamakaawang sabi niya dito.
Kitang-kita niya ang paglatay ng sakit sa buong mukha ng asawa niya ng tumingin ito sa mga mata niya.
"Pakinggan ka? Hayaan kang magpaliwanag? Noong ako ang nagmakaawa sa 'yong pakinggan mo ako, ginawa mo ba? Hindi 'di ba? Mas pinaniwalaan mo ang lintek na email na natanggap mo, kaysa sa 'kin! Kaysa ang pakinggan kami ng ama mo. Ni hindi mo ako pinagkatiwalaan! You said you love me, pero paano mo nasabi 'yon kung wala ka namang tiwala sa 'kin? Now, tell me Bryan, is that how you define love?"
Ni hindi man lang naiyak ang asawa niya sa sinabi nito. At mas lalo siyang kinabahan dahil doon. Napaiyak na talaga siya habang nanghihinang napaluhod na sa sahig at inabot ang kamay nitong pilit nitong binabawi sa pagkakahawak niya.
"Tumayo ka diyan, Bryan."
"W-Wife.. Patawarin mo na ako.. Pinagsisihan ko lahat 'yon. Lahat-lahat! Makikipag ayos na sana ako sa 'yo pero nawala si dad, wife.. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya.. Hiningi kong magpakita muna siya para makahingi muna ako ng tawad sa kanya. At nagpakita nga siya wife. Nagpakita siya sa panaginip ko. And he asked me to take care of my family. Now, I know why he asked me to do that, its because you are pregnant with our child." Kita niya ang paglambot ng ekspresyon nito sa mukha pero bigla ulit tumigas 'yon kaya nagpatuloy pa siya. "Akala ko hindi ka pa handa kausapin ako kaya hinayaan muna kita kagabi at kanina. Pero plano kong kausapin ka pagkauwi natin galing sa cemetery.. W-Wife.. Wife, please.. Please patawarin mo na ako.."
"Pasensiya na, pero punong-puno na ako, Bryan. I've had enough. Pagod na pagod na ako sa relasyong 'to. Kaya mas mabuti pang maghiwalay na talaga tayo. I don't have enough reasons to stay anymore.."
"No.. wife.. No. Hindi ko kaya.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal ko kayo ng baby natin.. Wife, please.."
"Hiningi mo dati na magdivorce na tayo, kaya ngayon ako naman ang hihingi sa 'yo.. Maghiwalay na tayo, Bryan.. Ayoko na. Ayokong madamay ang baby ko sa gulong pinasok ko dahil sa simula pa lang alam kong pinilit lang na mangyari tayo.. Kung hindi ka pinilit ng ama mo, mamahalin mo kaya ako? Siguradong hindi, Bryan."
"Wife... Ayoko.. Hinding-hindi ako papayag na maghiwalay tayo.. Kailangan kita, kailangan ko kaya ng baby natin.."
Nakita niya ang pagtigas lalo ng ekspresyon nito habang umiiling sa sinabi niya.
"That's the problem, Bryan. We don't need you. Kung gusto mong maging maayos nga kami ng baby ko, mas mabuti pang maghiwalay na tayo at huwag ka ng magpakita sa 'min kahit kailan. Its for the best of everyone, Bryan. Lalo na sa baby ko."
Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito at sa sobrang bigat ng hinihingi nito sa kanya.
"I-I can't do that, wife.. Hindi ko kaya.."
"Kayanin mo."
"Please, don't do this.. Please, wife.."
"No, Bryan. I've already decided and I'll stick with my decision. Umalis ka na and process our divorce effective today."