webnovel

Keychain

CHAPTER 10

"open na ang booths kaya naman pumila na kayo at bumili!" they announced.

maingay at magulo ang paligid kaya hindi ko alam kung saan na pupunta, nakita ko naman ang mga kaibigan ko kaya tumakbo na ako papunta sa pwesto nila.

"hoy chiara! ikaw lalaro sa volleyball ha!" ngumiti lang ako bago mag thumbs up sakanila.

nakita ko naman si bea na kumakain ng tusok tusok kaya ngumanga ako para mag pasubo sakaniya.

tumusok naman siya doon bago niya ako subuan, medyo mainit pa pala kaya naman mapaso paso ko itong kinain.

"kayo nalang pumasok tatlo tapos sila trixie tsaka ang circle niya" suggest ni hael kaya naman napatango nalang kami.

ang bag na dala ko ay naroroon lang ang pamalit ko at maya maya lang ay start na ang laro namin. maraming booths ang open ngayon at noong isang araw kaunti lang dahil mag sisimula palang naman.

"grade 12 na tayo next year.. hindi ko parin alam course ko" bumuntong hininga sila ng sabihin ni kelly iyon.

totoo naman lalo na kapag may nag tatanong kung anong kukunin sa college, saan ka mag school parang nakakapressure lang lalo na at hindi mo talaga alam kung saan ka.

"ikaw ba chiara.." ngumisi lang ako sakaniya bago mag kibit balikat.

"undecided pa ko" saad ko kaya sumimangot pa sila.

gusto kong mag take ng med tech kaso ang puso ko nasa tourism kaya hindi ko alam kung anong pipiliin ko.

"bili tayo guys non" tinuro ni bea ang booth na nag titinda ng crochet na keychain kaya naman napapunta kami.

"hi, ma'am and sir!" saad ng babae saamin, ngumiti lang ako sakaniya bago tignan ang tinitinda nila. medyo mahal na rin dahil siguro hand made at halatang pinag hirapan.

hinawakan ko ang dalawang pig bago bilhin iyon at 50 pesos ang isa kaya nag labas ako ng pera at iniabot iyon sa babae. hinanap ko pa ang zipper ng bag para isabit doon bago ko ilagay muna sa loob ang isa.

"hi, ganda" lumingon ako ng marinig ang malalim na boses na iyon.

naka tayo ngayon si Damon sa harapan ko habang naka suot siya ng jersey niya, ang buhok niya rin ay bumagsak na sa noo niya.

"pogi!" saad ko kaya naman napatawa naman ito ng kaunti, kinurot niya ang pisngi ko bago umiwas ng tingin.

napatigil din ang mga kaibigan ko bago ako irapan at bumubulong pa, alam nilang hindi ako malapit sa mga lalaki pero lang sa mga kaibigan ko kaya naman ganyan sila.

"nangyan.. nauna pa saakin" rinig kong hirit ni joy na ngayon ay naka ngiwi ngayon sa harapan ko.

"dedma sainyo mga hayop kayo! dun kayo sa far away" natatawang saad ni Bea at si kelly naman ay tumatawa din.

inirapan ko sila at tumingin kay damon na ngayon ay yumuko para pantayan ang tingin ko, soft lang ang feature niya parang siyang chinese boy namay pagka korean.

"how are you?" saad niya sabay himas sa buhok ko, ngumuso naman ako bago umiwas ng tingin.

"ayos lang naman" saad ko.

tumayo na siya at may binulong kila hael kaya napatango nalang sila, hinawakan niya ang pulsuhan ko at sinimulang mag lakad.

"kain tayo breakfast" saad niya. pinaupo naman niya ako sa isang upuan sa isang booth bago siya pumunta roon.

nakikipag usap pa siya sa isang babae habang sinasabi ang order namin, napanguso naman ako ng lumingon ito saakin.

"kakain muna tayo bago kayo mag play ha" saad niya ng makaupo na siya ngayon sa tabi ko.

tumango ako sakaniya at tinulungan ang isang student na ayusin ang pagkain sa table namin, kinuha ko ang kutsara at tinidor bago tumingin kay damon.

"let's pray po" saad niya sabay hawak sa kamay ko, mahina kaming nag dasal bago kumain.

"kung ganyan kami ng jowa ko.. perfect siguro namin" rinig kong saad ng isang babae sa harapan namin ng lumingon ako sakanila.

nilagyan naman ni Damon ang plato ko ng dilaw sa itlog bago mag offer siya kung gusto ko raw ba ng kanya.

"you want?" saad niya sabay pakita sa tocino na nasa plato niya, ngumuso ako bago tumango.

masarap naman palagi kapag tocino lalo na kapag may egg pa, nilapagan ko rin siya ng ulam ko na tapa sa plato niya.

"nakaka bitter talaga" saad din ng isang babae kaya nilingon ko si Damon na busy sa pagkain niya at natigilan lang ng lumingon ako.

"Why? may problema ba?" tanong niya sabay tingin sa mga mata ko.

umiling ako bago kumain ulit, uminom din ako ng chukie na binili niya para raw saakin, siya na rin ang nag dala ng bag ko ng matapos na kami kumain.

"halika na, mag stretching ka pa at mag sisimula na rin ang laro niyo" saad niya kaya tumango naman ako.

pag tapos naman ng laro ay pwede na rin kaming umuwi o mag libot libot dito sa school pero alam ko naman na kung manalo o matalo icecelebrate parin naming dalawa yan.

nang pumunta kami sa court nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko na nag stretching na kaya lumapit ako at si Damon naman ay ibinaba na ang bag ko at nag paalam muna na pupunta sa kaibigan.

"sabak nanaman sa gyera" saad ni hael na ngayon ay nag lalaro silang dalawa ni Isaiah.

nakita ko ang pang aasar na ngisi nila kaya tinaas ko ang middle finger ko dahil alam ko na ang iniisip nilang lahat.

"Gago chiara.. wag kana mag dive ha" saad ni Isaiah kaya na ngayon ay tawang tawa ay humagalpak pa sa sahig.

hindi ko rin maiwasan matawa kapag inaalala ko ang araw na iyon, ayos lang may tumulong naman saakin.

"dedma sa basher.. hindi na uulitin sayang ganda" saad ko sabay ipit ng buhok ko at nag simulang mag stretching.

nag practice na rin kaming anim kaya naman hingal na rin akong umupo kahit hindi pa naman nag sisimula ang laro. may dalawa pang lalaro na kapalit kung sino na ang pagod.

"okay na yan.. kaya natin to ha" saad ni kelly na ngayon ay hingal din. nakita ko naman si Damon na paparating at may dala din siyang tumbler.

"Here," saad niya sabay bigay ng tumbler niya, kinuha ko naman iyon at uminom, ang pawis ko ay unti unti na rin pumapatak.

ramdam ko naman na umupo ito sa tabi ko bago seryoso ako tignan, pinunasan niya ang pawis ko at ibinigay saakin ang mini fan niya noong kumain kami ng tapsilog.

"mag pahinga kana muna ha.. aalis lang din ako at may gagawin" saad niya kaya unti unti naman akong tumango.

nag lakad na siya paalis kaya naman napapikit kaagad ako, ilang oras lang ay nag simula na ang laro.

pumwesto ko sa labas ng line dahil ako ang unang mag seserve. nang I serve ko ito ay hindi kaagad nila natamaan kaya lumabas ako at sinerve ulit.

11 - STEM 1

12 - ABM 0

sa pangalawang serve ko ay natamaan na ng isa kaya naman tumakbo na ako ng makitang papalapit na iyon, sinalo din ni joy bago tumalon si Kelly para ispike.

11 - STEM 2

12 - ABM 0

tuloy tuloy lang ang laro ng makita ko ang tropa ni Damon namay dalang kartolina at may naka sulat doon.

#GoChiaramybebi

#08

"Go baby whooo!!" bumaling ang tingin ko kay Damon na ngayon ay may hawak ng dalawang bote at nag iingay na.

"mine mine" saad ko sabay block ng bola, tumama iyon sa sahig nila kaya naman nakita ko ang inis sa mga mata nila.

nag patuloy pa ang laro at napangiti ako dahil sa support na ibinibigay ni Damon saakin, para siyang baliw sa gilid habang sumisigaw.

"sub couch" saad ko kaya naman tumango kaagad ito, pinalitan ako ng kaklase kong isa kaya naman umupo muna ako.

"galing ng baby ko" saad ni Damon ng makitang naka upo ako sa isang upuan doon, pinunasan ko ang pawis ko bago tumingin sakaniya.

nag thumbs up naman siya bago ko tignan ang score na kaunti nalang ay mahahabol na kami, naningkit ang mata ko ng inis akong tignan ni Trixie.

11 - STEM 18

12 - ABM 15

sa unang set ay pumasok na ako sa huli kaya naman nasaakin nanaman ang bola, kinuha ko iyon at ng pumito ay nag serve na ako.

"bakit pa kasi umalis e, kitang patalo na" rinig kong saad ni trixie at alam kong saakin niya iyon sinasabi dahil ako lang naman ang umalis.

tinamaan ni Bea ang bola at tumalon ako para ispike iyon, alam kong masakit iyon dahil sa lakas at pinwersa pa ng inis ko.

sa unang set ay nanalo kami kaya naman napatikom na siya ng bibig, nag change court naman kami kaya naman napangiwi siya.

"hindi ako sanay" saad nila kaya naman hinayaan ko na muna.

nag patuloy ang laro ay humahabol talaga sila, nakikita ko ang intense sa pag lalaro at ingay sa paligid dahil sa mga sigaw at cheer ng iba.

"Umuwi na kayo! dahil kay chiara panalo na to" rinig kong sigaw ni Damon na ngayon ay nag iingay gamit ang bote niya.

kaunti nalang naman at panalo na kami kaya hinayaan ko nalang muna, si bea at kelly lang naman ang maayos mag laro dahil nag practice kami.

"ako na" saad ko sabay tira, last one point kaya nung napalo papunta saakin ay kaagad ko itong dinaluhan at tinira pabalik.

"Halimaw talaga ang mag jowa sa court!" natatawang saad ni Isaiah ng manalo kami, isang ngisi lang sinukli ko bago tumakbo papunta kay Damon.

"Ey!! baka baby ko yan" saad niya sabay punas sa pawis ko, hinatak na niya ang kamay ko at kunin ang bag at isukbit sa balikat niya bago niya ibinigay ang tumbler saakin.

sumenyas siya sa kaibigan ko at nag thumbs up naman sila, dinala niya ako sa cr at mag palit na raw ako dahil mag cecelerate kaming dalawa.

nang matapos na ako mag ayos nakita ko naman siyang naka tayo ay naka pamulsa lang siyang nag hihintay sa gilid.

"ang galing mo chiara" saad saakin ng mga kaklase ko at ang ibang tao kahit hindi ko naman sila kilala.

"thank you" saad ko bago tumingin kay damon na naka simangot ngayon, hinawakan na niya ang pulsuhan ko bago kami lumabas ng school.

iniayos ko ang buhok ko bago kami sumakay sa jeep at mag Jollibee sa totoo lang hindi talaga kami nag sasawa dito dahil sabi nga nasa Jollibee ang tunay na saya.

nang makababa kami ay umupo na ako at umorder naman na siya, nakita ko ang seryoso niyang mata bago sabihin ang inorder sa cashier.

nang makabalik naman siya ay umupo na siya sa tabi ko at ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"pagod na ko mav" saad ko kaya naman tumango lang siya, dumating na ang pagkain kaya napa upo na rin ako ng maayos.

"let's eat muna ha, uuwi na rin tayo pag tapos nito para makapag pahinga naman ang baby ko" saad niya na parang bata ang kinakausap niya.

nag pray na rin kami bago kumain, pagod ang sarili ko ngumuya bago maalala ang keychain na binili ko kanina.

"here, matchy matchy tayo" saad ko sabay pakita ng keychain sa bag ko.

"wow! thank you baby" saad niya ng hindi tumitingin saakin.

ngumiti ako sakaniya dahil kahit sa maliit na bagay grabe siya makapag appreciate, ang swerte ko talaga.

He goes above and beyond to ensure I feel cherished and appreciated.

________________________________________________________________________________