webnovel

Intramuros

CHAPTER 13

"Dito ka nalang samay bintana"

Tumango ako sa sinabi niya at nag lakad para maubo sa tabi ng bintana, nakita ko naman ang mga kaklase kong nag bubulungan dahil sa nakikita nila ngayon saamin.

"Chiara marie!" rinig kong sigaw ni kelly na ngayon ay nasa isang side habang katabi niya naman si bea na naka dungaw din saakin.

inirapan ko sila bago tignan si Damon na ngayon ay naka upo na sa tabi ko, ibinigay niya saakin ang isang pares ng air pods niya kaya isinuot ko iyon.

"Couple couple pa" rinig kong bulong ni joy sa harap ko bago siya tumayo at tumingin saaming dalawa.

"mag hihiwalay din kayo ulol" saad niya sabay upo na, hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabi niya.

iniayos ni Damon ang upo niya bago ayusin din ang mga gamit namin sa harapan niya, inalis ko rin ang sapatos ko bago mag indian sit at nakunot noo naman niya akong tinignan.

"Comfortable ako rito e" saad ko sabay nguso sakaniya, tumango naman siya bago yumuko at iniayos ang rubber shoes ko.

"Here, take a nap" ipinatong niya saakin ang kumot para raw matakpan ang paa ko dahil malamig ngayon sa bus.

medyo maaga pa kaya naman inaantok na talaga ako, kinuha ko ang plushie kong pink para gawing unan.

"Hello students! I'm Juan Meronola your tour guide for today"

napamulat ako ng mata ng marinig iyon, naka tayo ang isang lalaki sa harapan ng bus hawak hawak ang mic niya. mukhang nasa 40's siya dahil sa itsura niya.

"handa na ba kayong puntahan ang tatlong place na kaibigan nating puntahan?" he asked.

ang mga kaklase ko naman ay tumango tango pa na parang bata habang sinasagot ang mga tanong ng tour guide namin.

INTRAMUROS

ENCHANTED KINGDOM

"yes! handang handa na" sigaw ni hael na ngayon ay naka upo sa harapan namin, natawa naman ako at umiling dahil siya lamang ang sumigaw noon.

May sinasabi pa ang tour guide pero hindi na ako nakinig dahil sa sobrang antok, isinandal ko ang ulo sa unan ng ipatong ko ito sa bintana.

"Miguel Lopez De Legazpi!"

Napamulat ako sa sigaw ni Damon at napatingin sa tour guide na mangha na tumingin kay Damon at ang iba pang kaklase ko ay napa palakpak at sigaw pa.

"Baka Damon yan!" rinig kong saad ni Isaiah na ngayon ay nasa unahan nila bea.

para siyang batang nang hihingi ng candy dahil nilahad niya pareho ang kaniyang kamay sa harapan ng tour guide at binigyan naman siya ng 100 pesos kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"look baby.." masaya niyang nilahad saakin ang 100 pesos niya, para siyang bata na ngayon lang naka hawak ng ganon.

"I will keep this.. kasi kuya gave it to me" saad niya ay kinuha ang wallet bago itago sa gilid noon, nakita ko pa ang picture ko kaya naman nakunot noo ko ito.

"saan mo nakita yan?" i asked before looked at the picture.

tintignan niya iyon bago isarado, nag kibit balikat lang siya bago ngumiti saakin at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"bango" saad niya sabay hiwalay saakin, nakita ko naman na gumalaw ang adam's apple niya bago umurong saakin papalayo kaunti.

hindi rin ako nakagalaw dahil sa ginawa niya bago umikit ulit at natulog, ramdam ko naman ang bigat ng kamay sa bandang tyan ko.

Mahimbing ang tulog ni Damon na ngayon ay naka yapos saakin, ang kaniyang kamay ay nasa baywang ko habang ang ulo ay naka siksik sa leeg ko.

"Aw.. ang sweet PDA yan" saad naman ni bea na ngayon ay naka turo saamin, sinenyasan ko siyang manahinik dahil baka magising.

tinignan ko ang maamong mukha ni Damon na ngayon ay naka nguso, ginising ko na rin ito dahil bababa na.

"hmm" mahimbing na sabi niya at mas lalong yumakap saakin, inalog alog ko siya kaya naman napamulat siya at tumingin saakin.

"bababa na tayo" saad ko bago ayusin ang gumulong buhok niya, tumango naman siya bago tumingin sa bintana na katabi ko.

may mga bus na rin na nandito kaya naman dali dali na kaming tumayo para bumaba, iniwan na ni Damon ang jacket niya at ngayon ay naka pants lang siya ng pe namin at white t-shirt.

"Let's go" saad niya bago alalayan akong tumayo, nang makababa na kami ay naramdaman ko na kaagad ang sobrang init sa balat.

simula bata pa lamang ako ay gusto ko ng ganito, i really like old style kaya mangha ang mata ko habang tinitignan ito.

"picture tayong lahat" aya ni kelly sabay tapat ng phone niya saamin kaya naman ngumiti ako at nag wacky.

naka tayo lang si Damon at ngumiti rin sa camera, ngayon ko lang napansin namay naka sabit palang camera samay leeg niya at may shade na naka ipit sa damit niya.

"kayong dalawa ba?" tanong ni Bea sabay turo saaming dalawa, ibinigay ni Damon ang camera niya bago pumwesto sa gilid ko at hinawakan ang baywang ko.

Ngumiti ako bago tumingin sa camera niya, nang matapos iyon, mangha kong tinignan ang isang kalesa bago tumingin kay Damon na nag pipicture.

"Tayo ka roon" turo niya sa gitna, ngumiti naman ako bago tumango. bumilang siya ng tatlo bago ako picturan.

"pretty talaga" saad niya sabay pisil ng ilong ko, sila Bea naman ay busy sa pag pipicture din bago kami tawagin ng tour guide namin.

"Welcome, students and teachers, to Intramuros, the historic heart of Manila! Today, we are privileged to explore the rich history of this walled city that has stood as a witness to centuries of Philippine heritage. Join us as we uncover the captivating stories and precious treasures that reside within these ancient walls, shedding light on the enduring legacy of this storied place."

sumunod na kami sa tour guide bago kumuha ng iilang litrato sa mga nakikita namin, si Damon naman ay nag pipicture na rin sa lahat bago ito itutok saakin.

"Smile!" ngumiti ako bago mag lakad ulit, uupo sana ako para hawakan ang lapag para tignan kung totoo ba iyon.

"As we walk through these ancient streets, let me paint a picture of how life once thrived within these walls. Built by the Spanish in the late 16th century, Intramuros served as the epicenter of political, religious, and cultural life for over three centuries. Its sturdy fortifications were designed not just for defense, but as a testament to Spanish colonial power in the Philippines."

para tuloy akong bumalik sa nakaraan habang tinitignan ang paligid, maganda at mukhang mas maayos ang buhay noon kesa ngayon na sobrang gulo.

"Our first stop is Fort Santiago, a sentinel at the mouth of the Pasig River. Here, you'll discover how this fortress guarded the city against foreign invaders and served as a symbol of Spanish authority. Imagine the bustling trade that once flowed through its gates, connecting the Philippines to the wider world."

pumasok kami sa loob ay nagulat ako bago hawakan ang ding ding, magaspang ito na mukhang sobrang tagal na talaga, nakita ko naman si joy na titig na titig kung saan bago muling ituon ang tingin sa tour guide namin.

hinawakan ako ni Damon para raw pumasok kami sa loob, nilibot namin ang lahat bago tumingin kay Damon kaya napatigil din ito.

"paano kaya kapag namuhay tayo sa panahon na to?" ngumisi ako ng sabihin ko ito sakaniya, ngumiti naman siya bago hawakan ang dalawang pisngi ko at pisilin iyon.

"noon o ngayon man.. ikaw parin ang pipiliin ko" saad niya sabay tingin saakin at hinatak na ako para makasunod sa tour guide namin.

"Manila Cathedral, a majestic testament to faith and resilience. Destroyed and rebuilt several times, it stands today as a beacon of hope for the Filipino people. Inside, intricate stained glass windows and ornate altars tell the story of a city shaped by both faith and conflict."

napaangat ang tingin ko sa laki at taas ng simbahan ngayon sa harapan ko, tinitigan ko naman ang mga statue na nakalagay sa harapan. nag lakad kami papasok at nakita ko naman na nakatingin saakin si Damon ng humakbang ako.

"Ang ganda ng place talaga" saad ko sabay tingin sa paligid, ngumiti ako at pinag masdan ang kagandahan ng simbahan.

Tumingin lang ako sa harapan ng kung anong maramdaman ko, I used to imagine getting married sa isang taong gustong gusto ko, gusto ko ng perfect na family at masaya.

"Lalim naman ng iniisip mo" natauhan ako ng bumulong saakin si Damon, ngumiti lang ako bago lumabas ng simbahan.

Nakasunod lang siya saakin kaya naman nag lakad lakad lang ako bago tignan ang kabuoan ng simbahan. ibinigay naman saakin ni Damon ang camera niya bago ako turuan kung paano ba iyon gamitin at pindutin.

"Doon ka, pioicturan kita" saad ko kaya naman tumango siya bago tumingin sa camera, cinlick ko iyon bago tignan.

nakangiti siya doon at naningkit ang mga mata niya, tinignan ko pa ang mga picture doon at napatigil ng makita ko ang picture ko.

"Ampanget naman!" reklamo ko ng makita ang mukha kong naka nganga dahil mangha sa mga nakikita ko.

umiling lang siya bago kunin saakin ang camera niya, ngumisi pa ito bago picturan muli ang buong simbahan.

"let's pause at Plaza Roma, the heart of Intramuros. Here, amidst gardens and fountains, we reflect on how this city has weathered storms of war and conquest, yet emerged resilient and proud."

pinasadahan ko ang tingin ang paligid, may nakita akong statue at kuryoso kong tinignan iyon bago tignan si Damon na seryosong kinukuhanan ito ng litrato.

"That's King Carlos IV" tumango tango ako bago tignan muli iyon.

Napatingin din ako sa mini bookshelves doon bago pumasok, ang ibang mga libro ay pinasadahan ko ng tingin at kumuha para sana mag basa.

"Tigilan moko Maverick!" saad ko dahil nakikita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya at ang hawak niyang camera.

Tumawa lang ito bago umiling, kinuha ko rin ang iba pang libro bago buklatin iyon. hindi ko maiwasan mamangha sa mga nakikita ko at kung mamumuhay man ako sa nakaraan mas gugustuhin kong makita at mahalin ang lahat ng ito.

________________________________________________________________________________