webnovel

Amusement Park

CHAPTER 14

"Today, as we explore Intramuros, remember that each cobblestone and archway carries a story -- a story of resilience, faith, and the enduring spirit of the Filipino people. Thank you for joining me on this journey through history. I hope you leave with a deeper appreciation of Intramuros and its place in the tapestry of Philippine heritage."

Umupo na ako ng maka pasok na kami ngayon ulit sa bus, rinig ko ang reklamo ng mga kaklase dahil sa sobrang init. Si Damon naman ay nag pupunas ng pawis bago isuot ulit ang sweater niya. hinubad niya na rin ang shades niya bago tumingin saakin.

"pagod ka?" he asked.

tumango ako bago niya ako bigyan ng alcohol dahil daw andami kong hinawakan kanina at baka may germs na raw ako.

"here, pahinga ka" saad niya sabay tapik ng balikat niya, ngumuso ako bago sumandal doon dahil sa sobrang pagod.

ibinigay niya saakin ang isang air pods bago ko ito suotin, ramdam ko ang kamay niyang pumulupot sa baywang ko habang sinasandal din ang ulo niya sa ulo ko.

"naniniwala ka ba sa reincarnation?" bilang tanong ko at nakita ko naman siyang napapaisip na ngayon.

"Siguro" maikling saad niya sabay tingin saakin, tumango tango ako bago isipin iyon.

"gugutom na ko" sumimangot ito kaya napasimangot din ako.

"ako rin" sumimangot din ako sabay tingin sakaniya. natawa naman kami sa isa't isa dahil sa pinag gagagawa namin.

binuksan niya ang lunch box na dala namin at inorder lang ito kanina, iisa lang din iyon at share nalang kami dahil malaki at madami naman.

"sarap" wala sa sariling saad ko ng kumagat ako sa chicken at ninamnam iyon.

"tikim" niyuko niya ang ulo niya sabay kagat sa chicken na iyon.

tumango naman siya sabay tingin saakin, may ketchup pa sa gilid ng labi niya kaya kaagad ko naman itong pinunasan ng ikinatigil niya.

"wag kang kiligin" pang aasar ko pa rito kaya sinamaan niya ako ng tingin.

binuksan niya na rin ang kanin at sinimulan na kumain. ang saakin ay spicy chicken at sakaniya naman ay nugget. binuksan ko ang bag namin namay pagkain bago kunin ang malaking mogu mogu at sumalin sa isang plastic cup.

"may bayad to" tinaasan ko ito ng kilay at ganon din ang ginawa niya.

"magkano?" timaas ang tingin nito saakin kaya ngumisi pa.

"limang kiss" napatigil naman ako sabay ubo. hinawakan ko pa ang dibdib ko kaya naman nag panic na ito at itinapan ulit ang mogu mogu sa bibig ko.

"hala, nag bibiro lang ako" nag papanic parin ito at hinahawakan ang likod ko.

sinamaan ko to ng tingin at nakita kong nag peace sign lang ito. inirapan ko at sumimsim pa sa inuming hawak niya.

"ganda talaga"

binaba na niya ang inumin na hawak niya bago sinimulang kumain ulit. sumimangot ako bago lumingon sakaniya.

buong byahe ako kumakain hanggang sa makarating nag pahinga muna ng 30 minutes para ibaba ang kinain. bumaba na rin ako ng sasakyan bago siya hintayin.

"pogi naman" saad ko ng isuot niya ang shade niya ulit. ibinigay niya naman saakin ang cap na hawak niya.

"maliit na bagay, chaira" tumawa naman ako ng sabihin niya ito bago ayusin ang pagkasuot ng cap na ibinigay niya.

tumakbo kami papuntang entrance ng ek at ibinigay ang card para matatakan, nag tataka siya ng makitang wala namang tatak ang kamay niya kaya naman palihim akong natawa.

"Ang angas" sabay tingin parin doon, hindi ko na mapigilan ng pag tawa kaya naman napatingin siya saakin at sinamaan ako ng tingin.

"sakay tayo!" itinuro niya ang viking na ngayon ay nasa harapan namin. tumango ako kaya naman hinatak na niya ako para pumila na kami.

"wag kang kabahan ha kung hindi mo kaya... hindi ko rin kaya" pinalo ko ito dahil sa biro niya.

hindi naman talaga ako ganon ka takot sa heights pero ewan nakakaiyak lang sa feeling. sumakay na kami at sumunod naman siya saakin.

"saan mo gusto?" tanong niya kaya itinuro ko ang pangalawa sa gitna, ako ang unang sumakay bago siya.

samay gilid ko ito naka upo samay dulo. nang umandara ay tumingin naman ito saakin, ramdam ko ang pag hawak niya sa bewang ko kaya napalingon ako sakaniya na ngayon ay seryosong naka tingin lang sa langit.

"Oo na bebi, crush na crush mo na ko" bilang saad niya kaya naman napairap ako at umiwas ng tingin.

"ako, crush kita" pataas na ng pataas ang ugoy netong sinasakyan namin kaya sumilip ako kay damon na ngayon ay naka pikit na at mahigpit ang kapit niya ngayon.

"putangina..." bulong niya napatawa naman ako ng sabihin niya iyon. hinawakan ko ang kamay niya kaya napamulat naman siya.

"okay ka lang?" tanong ko kahit na alam ko naming hindi dahil nanggigilid na ang luha neto. tumawa naman ako bago itaas ang kamay namin.

nang matapos ay hinawakan ko ito dahil para na itong matutumba. tumawa lang ako ng makita ang itsura niya.

"fuck you maverick... nakakahiya ka" rinig kong bulong nito sa sarili niya. hinila ko ito at tumingin sa space shuttle.

"tara damkn sakay tayo" nakita ko naman ang pag lunok niya. namumutla na siya kaya natatawa ako.

"joke lang" nag peace sign ako bago ilibot ang tingin. sumimangot ito bago ako akbayan. nag lakad lakad lang kami bago natigil sa isang tabi.

"tara horror..." pang aaya niya.

tumango naman ako bago kami pumasok sa loob, bumili naman siya ng ticket bago ibigay saakin. nang makapasok na kami ay iba't ibang klase ang nakita ko.

"kumapit ka lang saakin ha" tumango naman ako. takot ako sa mga horrors sa totoo lang kasi simula bata palang ako ay palagi ako tinatakot ng mga pinsan ko.

madilim dito sa lugar may iba't iba tunog na maririnig. nagulat ako ng may tumalon sa harapan namin.

"ay putang-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng mapahawak ito sa puso niya.

nag lakad pa kami bago may humarang saamin isang nurse duguan ang suot pati ang mukha, hahawak sana siya kay damon ng hilahin niya ako para tumakbo.

"crush ka ata nung nurse" tumawa ako nang inasar siya, naririnig ko rin ang boses ng mga kaibigan ko kaya naman napalingon ako at sakto ng makita nga sila.

"sana ikaw din.." ngumisi ako bago hawakan ulit ang braso niya. may humawak sa balikat ko kaya hindi ko na pigilang tumili.

biglang lumipad ang kamao ni damon sa isang lalaking mukhang zombie. nagulat ako don maski siya.

"hoy gago! bakit mo sinuntok Damon!" natatawang saad ni hael na ngayon ay naka upo na kasama si bea dahil sa sobrang tuwa.

"hoy, hindi ko sadya" saad niya sabay simangot pa na parang bata, tumingin naman ako sa lalaki.

"i'm sorry kuya" paumanhin ko bago itulak si damon na ngayon ay gulat parin sa nangyayari sila Isaiah naman ay tumatakbo pa paalis dahil sa sobrang takot.

pumikit ako dahil may kung ano saakin na ayokong makita. ramdam naman ni damon iyon bago ako alalayan.

"dilat mata... tatakbo tayo"

tumango naman ako at direderetsyong tumakbo palabas, halos mapaupo ako ng makalabas kami don buti nalang ay inalalayan ako ni damon na ngayon ay hingal din.

"sinuntok mo si kuya" natatawang sabi ko sabay turo sakaniya. umiling naman to na parang walang ginawa.

"I didn't punch him" patay malisiya niya pang sabi. umiling ako bago tumawa ulit.

sumakay pa kami sa ibang rides at napatigil dito samay gilid para umupo ng saglit. napatingin ako sa baboy na stuffed toy. malaki siya kaya paniguradong masarap yakapin.

"gusto mo non?" napabaling ang tingin ko kay damon na itinuro ang tinitignan ko kanina. umiling kaagad ako pero tumayo na ito.

"good evening sir pogi! laro na kayo may chance pa kayong makakuha ng iba't ibang stuffed toy na gusto niyo."

tumango si dash bago kunin ang bola kailangan lang niyang ishoot ang bola at kapag naka pasok kahit isa lang ay mayroon na siyang price.

"wala bang goodluck dyan sa crush na crush mo?"

rinig ko ang hagikgik ng mga babae sa likod habang si damon naman ay naka taas lang ang kilay habang naka tingin saakin.

"goodluck"

ngumiti ito bago i shoot ang bola naka dalawang tira na siya ngunit hindi parin ito na shoshoot, ngunit ng itira niya ang natitirang bola ay kaagad itong pumasok.

"yung piglet.." kinuha niya ito sabay yakap. ngumisi naman ako sabay tingin sakaniya.

"look baby, this is our first baby" ibinigay niya saakin yon at kinuha ko naman para yakapin, palambot sobra at malaki.

"ano pangalan niya?" i asked. nag isip naman ito sabay tingin ulit.

"M!" ngumiti ako bago tumango. our first baby named M.

"our initial" ngumiti ako bago tumango. gabi na at paniguradong maganda mag ferris wheel ngayon.

kinuha ko ang kamay ni damon bago tumakbo. nakitakbo naman ito hanggang sa marating namin ang ferris wheel.

"sakay tayo" pumili kami at sakto abot kami ngayon.

"sakay na," sumakay ako at sumunod naman siya. kinuha ko parin si piglet at niyakap ito.

maganda ang tanawin. tumingin ako kay damon na ngayon ay nakangiting naka tingin saakin. nang maka taas na kami ay sumilip ulit ako, maganda ang buwan kumikinang katulad ng mga bituin.

"chiara..." lumingon ako sakaniya at sakto naman ang pag pindot niya sa phone niya para picture ako.

nag picture din kaming dalawa ng tumabi ito saakin. hinawakan ko ang kamay niya dahil ito na ang chance para sabihin iyon sakaniya.

"damon.. let me love you the way you deserved to be loved" napatigil ito ng sabihin ko iyon. tumaas ang tingin niya saakin.

"Pwede ba kitang ligawan, Chiara?" gulat akong tumingin sakaniya habang kitang kita ko ang pag pungay ng mata niya bago ako yakapin.

malamig ang hangin ngayon at ramdam ko ito sa pag hampas sa bawat parte ng katawan ko, ang titig ko mula sa mga mata ni damon ay kaagad ako napaiwas.

"Yes, mav" saad ko kaya naman siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko para yakapin ako ng mahigpit.

"binabaliw mo ako..." saad niya sabay tingin sa mga mata ko, palihim naman akong ngumiti bago halikan ang pisngi niya ng ikinatigil niya.

you don't deserve a paragraph. you deserve a thousand books written about how amazing you are.

- unknown

____________________________________________________________________________

ps: nasa embracing the sky ang ibang parts nitong story kasi ito na ang pinaka story na gagawin ko at gusto kong ipublish na pang saakin lang.