webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
25 Chs

14

Kinabukasan.

Habang ang iba ay abala sa paggawa ng pansamantala nilang munting himpilan, sa di kalayuan naman ay tinuturoan ng ginoo si Aya sa paggamit ng salamangka at pinapanood sila ng totoong prinsipe.

"Nais kong matutunan ang ginawa mo doon sa mga salamangkerong kawal." Sabi ni Aya sa kanyang kaibigan.

"Aya ang paggamit ng salamangka kaagapay ang kalikasan ay hindi madaling gawin at matutunan." Pagtanggi naman nito.

"Ganyan talaga kapag nananaginip ng gising." Parinig naman ng nanunood sa kanilang totoong prinsipe.

"Ganito nalang, hindi ba't magaling ka namang magpalupang? Kaya ang ituturo ko nalang sayo ay angmabilis na pagtakbo."

"Sa tingin ko ay ako pwedi sa salamangka ng pagtakbo." Sabi naman ni Aya.

Tumawa naman ang totoong prinsipe. "Bagay na bagay yan sayo para pagnakita mo ang unang ministro ay makakatakbo ka kaaagad ng mabilis ng hindi ka maabutan."

Ngunit gaya ng kanina ay hindi nila pinansin ang sinabing iyon ng totoong prinsipe.

"Kaya mo yan, kailangan lamang ang talas at bilis ng iyong mga tama ng hindi ka bunangga. Tingnan mo ako." Naghanda sa pagtakbo ang ginoo. "Lagan!"

Sa isang iglap at nakita na nila ang ginoo na kasama ang mga kawal na gumagawa ng munting himpilan, nagulat pa ang mga ito sa biglang pagsulpot ng ginoo na kumaway pa kina Aya saka muling nawala doon at nakabalik na sa kinatatayuan nito kanina.

"Ngayon ay ikaw naman." Sabi kay Aya ng ginoo.

Naghanda si Aya sa pagtakbo ngunit muli ding tumayo ng tuwid. "Pweding iba nalang?"

"Aya bago mo matutunan ang matataas na antas ng salamangka ay kailangan mo munang matutunan ang mga karaniwan ng maintindihan mo at magawang pag-aralan ang matataas na uri nito." Pangangaral naman sa kanya ng ginoo.

Walang nagawa si Aya kaya muling inihanda na lamang ang sarili sa pagtakbo. "Lagan!"

Parihong nagulat ang nagpapanggap at totoong prinsipe ng kaagad na nagawa ni Aya ang salamangka ng pagtakbo. Ngunit ang higit pa nilang ikinagulat ng bumangga si Aya sa haligi na itinayo ng mga kasamahan nito.

Dahil hindi naiaayos ang pagkakatali sa mga kahoy na nasa taas ay nagkandahulog ito papunta kay Aya na tumihaya nalang sa lupa. Nakatingin na lamang ang mga kawal na naroon at pigil hiningan pinagmasdan pagkahulog ng mga kahoy.

Sa kabutihan ay nakahinga din sila ng maluwag ng makitang biglang nawala ang kanilang pinuno habang ang mga kahoy na nahuhulog naman ay nanaliti sa ire. Nakita nilang ang salamangkang nagpanatili sa mga kahoy sa ire at nagbalik sa taas ay nagmumula sa nagpapanggap na prinsipe.

"Hoy! Gumising ka!" Narinig nilang paulit-ulit na wika ng totoong prinsipe na siya palang kumuha kay Aya at kasalukuyang inaalog nito si Aya upang ito ay magising.

"Hayyy nahihilo ako." Angal ni Aya kaya natigil na ang totoong prinsipe.

"Ayos ka lang ba ha?" Tanong nito kay Aya ng puno ng pag-aalala.

"Ikaw? Nag-aalala sa akin?" Magkasunod namang tanong ni Aya sa totoong prinsipe at doon lang marahil napagtanto nito ang ginagawa at patulak pang binitiwan si Aya.

"Likas sa akin ang tumulong sa sino mang nakikita kong nangangalingan ng tulong." Paliwanag nito na tumayo na upang lunayo kay aya.

"Pinunong pangkat, ayos lang po ba talaga kayo?" Tanong naman sa kanya ni Kalo ng lapitan siya nito at tinulungang makatayo. "Namamaga ang inyong noo." Puna pa nito.

"Ay ayus lamang ako, ako pa." Pagsisiguro naman ni Aya na pilit na hindi ipinapakita sa mga kasama na siya ay labis na nakakaramdam talaga ng sakit dahil sa pagbangga niya sa haligi.

Bumalik na si Aya sa kinaruroonan ng ginoo ng naglalakad lamang at di natiis na kapain ang sumasakit niyang noo.

"Boong akala ko ay sadyang mabilis kang matuto ng salamangka, anong nangyari?" Natatawang tanong sa kanya ng ginoo ng malapitan niya ito.

"Kala ko kasi malayo pa he." Sagot naman niya. "Pwedi bang iba nalang muna ang ituro mo sa akin?"

"Ano kaya?" Napaisip naman ang ginoo.

"Paglikha ng apoy." Wika ni Aya ngunit umiling lamang ang ginoo. "Maglaho?"

"Mag-ibang anyo." Singit naman sa usapan ng isang ibon na nakita nilang nakadapo sa pinakamalapit sa kanilang sanga.

"Maganda iyon." Pagsang-ayon naman ng ginoo sa ibong nagsalita. "Ngunit hindi ako mahusay sa pag-iibang anyo kaya hindi kita matuturoan nito." Sabi naman nito kay Aya.

Lumipad ang ibon at ng makalapit ito sa kanila ay nagbalik sa tunay nitong anyo na walang iba kundi ang totoong prinsipe.

"Ako na ang magtuturo." Sabi nito.

Agad namang napailing si Aya. "Haha wag na di bali nalang at baka ano pangangyari sa akin." Pagtangi niya.

"Ang pag-iibang anyo pangalawang antas na salamangka, ikikailangang marunong ka ng maglalutang kung nais mong mag-ibang anyo bilang ibon o di kayay mabilis na pagtakbo kung nais mong maging hayop na katulad ng kabayo." Paliwanag ng totoong prinsipe habang pinapakinggan naman siya ng dalawa.

Napangiwi si Aya sa sinabing iyon ng prinsipe na kahit na nag-aalangan siya ay hindi niya parin mapigilan ang sarili para sa pagkakataong matuto.

"Paano kung nais kong maging lamgam?" Tanong ni niya.

"Ano bang meron at wala ang lamgam? Sa pag-iiba ng anyo ay kailangan alam mo ang kahinaan at kalakasan ng ginagaya mo ng hindi mapaghalatang hindi ka totoo." Napatango na lamang si Aya sa pinagsasabi ng prinsipe. "Ang lamgam ay may ibat-ibang uri ngunit ang karamihan ay malabo ang mata at ang iba pa nga ay wala talagang paningin. Di tulad ng mga hayop o ibon, ang maliliit na nilalang tulad ng lamgam ay walang baga kung kayat iba ang paghinga ng mga ito. Ang kaganda sa isang lamgam ay maaari rin itong magkaroon ng pakpak."

"Tama na!" Pigil ni Aya sa pagsasalita ng prinsipe. "Ayaw ko ng maging lamgam."

"Yan ang mahirap sa pagpapalit-anyo dahil kailangang malawak ang iyong kaalaman." Sabi naman ng nagpapanggap na prinsipe.

"At babuti na lamang at malawak ang iyong kaalaman, dinaig mo pa nga ang tunay." Sabi naman niya na ang tinutukoy ay ang pagpapanggap ng kanyang kaibigan bilang prinsipe.

"Nais mo bang matuto o hindi?" May inis sa tanong na iyon ng totoong prinsipe.

"Kailangan ko pa ba iyan kong kalahati ng buhay ko ay pagpapanggap?" Balik tanong niya.