Bakit kung kailan wala na sayo saka mo hahanapin? Bakit kung kailan mahal mo saka maglalaho? Funny how love could play someone's feelings? How love could make someone go crazy. I laughed at that thought years ago ngunit ngayon ay kinain ko rin. Love bit me hard.
"Dude, malayo pa ba?" inip kong tanong kay Trev habang nakatingin sa labas. Kung alam ko lang kung saan ang lugar na pupuntahan namin ay ako na ang nag-drive. I could go one hundred kilometer per hour basta makita ko lang ulit siya.
Pakiramdam ko kasi ang bagal-bagal niyang magdrive. It's been five years and I missed her badly. And seeing her again was something I kept wishing since the day she left.
"We are twenty minutes away. Calm your ass, dude," natatawang sagot naman nito habang nakangisi.
Napatingin ako sa kanya. "Pero kinakabahan ako." Pakiramdam ko ay para akong teenager na sa wakas makikita niya ulit ang kanyang crush.
His face suddenly turned serious. Gone was his playful smirk. I know that look five years ago. Alam kong may masamang balita. I know him too well. Magkaibigan na kami mula pagkabata.
"What is it?"
Hindi niya ako pinansin. He continued driving. His silence is freaking me out. The only thing I could hear is the song playing on the stereo. Biglang kumalabog ang aking puso. Alam kong may masamang balita. Hindi ko alam kung ano yun but it is definitely about Eevie.
"What's wrong? Spill it out already," pangungulit ko.
He let out a heavy sigh bago nito iginilid ang kotse. He lowers the stereo's volume bago niya ako tinignan. Bumuntung-hininga muli ito.
"Before we travelled, one of my PI sent me an email. Hindi ko rin inasahan na may aabot na balita sa akin dahil alam kong hindi papayag ang mga Del Fuente na makita mo si Eevie. But my guy did a good job."
I frowned at him. "Just tell me," I insisted. He's beating around the bush and it's killing me.
"She met an accident."
I froze for a moment. My world suddenly turned dark the moment I heard the news. She met an accident? My heart started to beat frantically. Pakiramdam ko nga ay sasabog iyon. I looked at Trev face, searching for a sign that he's only joking. Ngunit ang pagkunot pa lang ng kanyang noo ay alam kong totoo iyon. Anong nangyari?
"I-is s-she okay?"
He nodded so I let out a relieved sigh. Hindi ko alam ang gagawin kung may nangyari sa kanyang masama. I can't afford to lose her again.
"But it happened a year ago. Ang nakakapagtaka nga lang ay malapit sa village niyo nangyari ang aksidente. Her car was hit by another car. Madaling-araw nangyari iyon."
I gave him a clueless look. Is it only a coincidence? She's just few blocks away from our house that night. She hates driving kapag gabi o kaya madaling-araw. Unsafe raw kasi iyon. So, bakit? Anong dahilan? Bakit siya lumabas?
"And after the accident, she slept for six days. They even declare her in coma. Pero nang magising na siya ay wala na siyang maalala. Nagkaroon siya ng amnesia."
I tightly shut my eyes at the thought. Nakaramdam ako ng indirect guilt. Kahit wala siya sa aking poder nang mangyari iyon ay pakiramdam ko ay may kasalanan pa rin ako. If only I didn't hurt her, di sana'y hindi siya naaksidente. Kung hindi siya umalis ay baka hindi nangyari iyon sa kanya.
"H-hindi pa rin siya makaalala ngayon?" I felt a lump on my throat. My heart is aching at the news.
Umiling ito. "That's the reason why they don't want you to be near her."
Hindi na ako umimik. Andaming tanong ang tumatakbo sa aking utak. What happened, Eevie?
THE sea breeze greeted me the moment I stepped out of the car. Ayon kay Trev ay hindi namin pwedeng biglain si Eevie at baka makasama pa iyon sa kanya. Imbes na sa resthouse ng aking magulang kami manunuluyan ay sa katabi nitong resort kami nagcheck-in.
"Bukas na lang tayo magpakita kay Eevie. We need to rest muna."
Sumang-ayon na lang ako kahit kating-kati na akong makita siya. Malapit na rin kasing gumabi at pagod na rin ito sa biyahe.
"Trev, salamat talaga. I owe you big time."
Tumango ito. "Don't mention it. If you need anything, nanadiyan lang ako sa katabi mong room. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain ko. I'm too tired to gala pa. Sige, goodnight," paalam nito. Pagkaalis na pagkaalis nito ay nagshower muna ako and decided na sa restaurant na lang ng beach resort na ito ako kakain.
Kapag nagkita kami ni Eevie ay ano kaya ang una kong sasabihin sa kanya? For the time being, I need to pretend na hindi muna kami magkakilala. And another problem is that man. Paano kung kilala niya ako? Would he tell her kung ano ako sa buhay niya? Ang mas malala ay baka sabihin nito kung anong nagawa ko sa kanya. Sometimes love could make someone play unfair. Yung tipong hahanapan ka ng butas para makalamang sa iyo.
"Just go with the flow, Alexus. Everything will be alright," kausap ko sa aking sarili. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan ilang metro na lang ang layo niya sa akin? Binilisan ko na ang pagligo para makakain na ako ng maaga. Nag-group message kasi si Brizz, kapatid ni Trev, na magkakaroon ng meteor shower ngayong gabi. Wala naman talaga akong hilig sa ganoon. Only romantic guys do and I'm not classifying myself as one. But meteor shower reminds me of her kaya wala akong magagawa kundi gustuhin din kung ano ang gusto niya. 'Coz love is about give and take and being selfish could do a lot of damage. Compromise.