webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Lainnya
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 25

-Athena Brix Alexandro-

"AHHHH! " inda ko nang magising ako dahil sa pag-buhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Napa-inda rin ako dahil natamaan ang balikat kong nabaril kanina. Wait, kanina nga ba?

I tried to move, but I can't. Nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan. Punyemas! Sino ba ang may pakulo nito?

"Kahit anong takas mo, hindi ka makakawala d'yan. " napatingin ako sa nag-salita.

"Clyde?! " it made me stunned. Of all the people, why it has to be Clyde? Bukod naman kasi sa The Kings ay s'ya rin ang nakakasama ko, lalo na kapag napapadpad ako sa underground and according to Funky, it's okay to be friends with him.

"Sorry, Brix, napag-utusan lang. " pinilit kong umalis sa kinauupuan ko, pero hindi ko magawa. Nanghihina rin kasi ako dahil siguro sa nawalang dugo sa 'kin.

I looked at my wound, may bandage na ito. Wow ha, naawa pa sila sa 'kin?

"Ako ang nag-lagay ng bandage na 'yan, " Clyde said when he noticed that I looked at my shoulder. I gave him a sarcastic smile.

"Sana pinatay n'yo na lang ako, ang dami n'yong alam. Babarilin n'yo tapos lalagyan n'yo ng bandage 'yong sugat? Bobo! " totoo naman, eh, ang tatanga nila.

"Hindi p'wede, dahil hindi 'yon ang utos sa 'min, " sambit n'yang muli.

"Hindi ko naman inakala na tuta ka na pala ngayon. " nakita ko namang napayuko s'ya.

"I'm sorry, Brix. I just have to do this, kundi-- " hindi na n'ya natuloy pa ang sasabihin n'ya nang may pumasok na babaeng matangkad. She's wearing a red fitted dress and black boots.

"Clyde.. " tawag nito kay Clyde.

"I'm sorry, Miss. "

Nang tuluyan na itong makalapit ay d'on ko nakita ang mukha n'ya. It was Miss Celestine, Dark Glazer Academy's Dean.

"Hi, Brix.. " bati nito sa 'kin, tinarayan ko lang s'ya. ".. ay, Athena ka nga pala. "

"Pa'no mo nalaman? " sinabi kaya ni Funky o ni Jerix sa kanya? Ba't naman nila gagawin 'yon?

"Umpisa pa lang, alam ko na ang lahat. Lahat-lahat, " she said with her evil smile. Hah! Demonyo talaga.

Pero, anong sabi nito? Alam na n'ya ang lahat? Pa'nong lahat? Pati kaya ang dahilan kung ba't ako pumasok dito?

"Alam ko lahat, Athena. Even your reason why you entered my school, " dagdag n'ya pa. Her school? So, hindi lang s'ya ang Dean? S'ya rin ang may-ari?

"Alam mo na pala lahat, ba't ngayon mo lang ginawa sa 'kin 'to? "

"Because, you are Ethan Alexandro's sister. " pinantay n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko at para kong nakita ang girl version ni Satanas.

"Ano naman kung kapatid ko si Ethan? " tumawa naman s'ya nang mapakla.

"Hmm? Ano nga ba? Maybe, because he is the reason why you entered here in DGA? " oo nga naman, tama s'ya, pero, posible kayang kilala n'ya ang kuya ko?

Hindi pa man ako nakakapagsalita ulit ay nagsalita na naman s'ya.

"Kung ano man 'yang iniisip mo, tama 'yan. Kilala ko ang kuya mo. Kilalang-kilala ko pati 'yong pumatay sa kuya mo. " my eyes widened when I heard the last sentence.

"K-kilala mo? " tumango-tango s'ya bilang sagot. 'Eto na 'yon! Malalaman ko na kung sinong pumatay sa kuya ko!

"S-sino?! Sinong pumatay sa kuya ko?! "

Lumapit s'ya nang mabuti sa tenga ko, and the words she uttered on my ear made me dumbfounded.

"Si Jerix Han. "

No way. It couldn't be him!

---

-Jerix Han-

Kasalukuyan kaming nag-hahanda na para sa pagsugod na gagawin namin kay Miss Celestine, oo, isasagawa na namin kaagad ang plano namin kanina dahil kung hindi pa ngayon, baka mawala na sa 'kin si Athena.

At hindi ko kakayanin 'yon.

We decided to do what we've planned 12 o'clock in the midnight. Of course, alam namin kung nasaan si Athena, Clyde told us. Magkaiba man kami ng kampo, ay napagdesisyunan n'ya pa rin kaming tulungan. Sinabi n'ya rin sa 'min na pag-handaan talaga namin 'to dahil lahat ng grupo sa eskwelahan na 'to ay ikinasabwat ni Miss Celestine. Grabe talaga ang babaeng 'yon, may sapak sa utak.

"Are you all ready? " tanong ko sa mga ka-grupo ko habang nag-hahanda ng customized armor na gagamitin namin.

"Aye aye, captain! " sagot nilang lahat. Aaminin kong med'yo kinakabahan ako sa gagawin namin, wala kami kahit isang baril man lang, kustilyo meron, pero 'yon lang. Talagang mano-mano 'tong laban na 'to.

Nang matapos na kaming mag-handa ay dumiretso na kami sa underground, nand'on daw si Miss Celestine, d'on sa ibabang bahagi pa ng underground.

"Grabe talaga 'tong school na 'to, eh, 'no? May underground na nga, may pinaka-underground pa! " wika ni Zef. Tumahimik lang ako. Ano na kaya ang ginagawa nila kay Brix ngayon? Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa naisip ko.

"Boss, nandito na tayo. " pag-tawag sa 'kin ni Gray. Tumango ako sa kanya.

Dahan-dahan naman kaming pumasok sa loob, kailangan naming mag-ingat. Ang daming bantay, ang iba ay namumukhaan ko dahil nakalaban ko na ang mga ito, ang iba naman ay hindi ko masyadong kilala.

"Pito laban sa labing-lima? Sumuko ka na, Jerix. Your team has nothing to do with us, " sabi ng lalaking mukhang kulugo. Sa pagkaka-alam ko, kagrupo 'to ni Hades. Tch.

"Oo nga, lalo na 'yang si Kean? Tingnan mo, pati ba naman dito may lollipop na dala? " sabi naman nitong kamukha ni Kokey.

"Kung ako sa 'yo, 'di mo dapat sinabi 'yon, " saad ni Khal. Yeah, he's right. He shouldn't said that.

"O bakit? Mahina naman 'yang si Kean, eh, parang saling-pusa nga lang. " gatong pa ng isa. Nakita ko namang tinapon ni Kean ang lollipop n'ya saka lumapit sa lalaki.

"Anong sabi mo? " tanong ni Kean dito.

"Mahina ka, totoo naman 'di--" hindi na pinatapos ni Kean ang sasabihun sa kanya ng lalaki at tuluyan na itong sinapak, s'yempre it was our turn to do the same with those jerks.

Ilang minuto rin nag-tagal ang away namin, mabuti na lang talaga at wala rin silang mga armas, kundi yari na.

"Hindi ako mahina, " sabi ni Kean sa lalaki saka ito dinuraan.

"Badtrip 'yong lalaking 'yon! Dahil sa kanya ay naitapon ko pa 'yong lollipop ko ng wala sa oras! " inis na wika n'ya habang naglalakad kami saka ngumuso. Hay nako.

"'Wag kang mag-alala, pagkatapos na pagkatapos nito, bibilhan kita ng isang balot na lollipop. " nakangiting sabi sa kanya ni Gray. Napailing-iling na lang ako.

Si Kean ang pinakaisip-bata sa 'min, pero s'ya rin ang pinaka-malakas sunod sa 'kin.

Nang wala na kaming makitang bantay ay nakasigurado na kaming dito na 'yong lugar na sinabi ni Clyde sa 'min at nakonpirma ko 'yon nang marinig ko ang tawa ni Miss Celestine. Ang tawa ng demonyo.

"NO! IT COULDN'T BE JERIX! " rinig kong sigaw ni Athena.

"Hala, boss, ba't nabanggit 'yong pangalan mo? " tanong ni Harry sa 'kin.

"Hindi ko rin alam, pero paniguradong may sinabi sa kanya si Miss Celestine na magpapaganyan kay Athena at kung ano man 'yon, sigurado akong kasinungalingan lang 'yon, " wika ko saka nagtiim-bagang. Lumapit pa kami sa pwesto nila Miss Celestine at nakita kong nakita kami ni Clyde, tumango naman s'ya bilang signal. Kinausap n'ya si Miss Celestine, hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero mukhang nakumbinsi ni Clyde si Dean na lumabas. Nang tuluyan na silang makalabas ay agad kaming lumapit kay Athena.

"Jerix! " sigaw n'ya. Nag-shh sign naman ako.

"Jerix.. " tawag n'ya sa 'kin. Tumingin ako sa kanya.

"Ano 'yon? "

"T-totoo ba? Totoo bang ikaw ang pumatay sa kuya ko? Totoo bang ikaw ang pumatay kay Ethan Alexandro? " napayuko ako.

Hindi ako ang pumatay sa kanya, pero ako ang dahilan kung bakit s'ya namatay.

"Jerix, sumagot ka! " tiningnan ko s'ya at nakita kong lumalandas na ang mga luha sa pisngi n'ya.

"S'ya ba 'yong pinatay mo sa abandonadong building?! S'ya ba 'yong kinikwento mo?! " umiling ako sa kanya.

"Athena, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'yan, " sabi ni Funky sa kanya. Si Harry ay nasa likod ng upuan ni Athena at tinatanggal ang nakataling lubid sa kamay n'ya.

"Funky, may alam ka rin ba dito?! "

"Athena.. "

"SABIHIN N'YO SA 'KIN 'YONG TOTOO! " natahimik naman kami.

"Ethan was our co-member before. He's the 8th member of The Kings.. " I said as I broke the silence between us.

".. kagrupo namin s'ya at nang malaman n'yang may gumagahasa sa mga kapatid namin ay pumasok s'ya sa grupo ni Miss Celestine.. " tahimik lang na nakikinig si Athena, habang ang anim naman ay nakayuko lang.

"I'm not the one who killed him, but, I'm one the reason why Miss Celestine killed him.. " napayuko na rin ako dahil naalala ko na naman ang nangyari fuve years ago.

"He wanted to escape from Miss Celestine hands, but he can't. Nang malaman na n'ya kung sino ang gumahasa sa mga kapatid namin, d'on pa lang ay gusto na n'yang kumawala, but Miss Celestine didn't let him to do that. He tried to get away from her, pero nahuli s'ya ng mga tauhan ni Miss Celestine noon, and as she got your brother back into her hands, she killed her. "

Nakita kong umiyak lalo si Athena, lumapit ako sa kanya para sana yakapin s'ya, but she didn't let me to.

"Bakit.. bakit hindi n'yo s'ya tinulungan? He helped you all, but you couldn't do that to him. Hindi n'yo ba naisip na may mauulila sa kanya? Hindi n'yo ba naisip na baka may naghihintay sa kanya? Bakit hindi n'yo s'ya tinulungan? "

Now, I felt again the guilt that I felt five years ago. Tama s'ya, Ethan helped us, pero hindi namin s'ya nagawang tulungan.

"I'm sorry, Athena, I'm sorry. " hindi ko na rin mapigilan ang umiyak.

"Aw, ang drama naman. " napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Miss Celestine, may hawak na baril. Agad naman s'yang sinugod nila Funky, Kean, at Harry. Inutusan ko naman si Zef, Khal, at Gray na protektahan si Athena dahil alam kong nanghihina na s'ya.

Lumapit sa 'kin si Clyde at may binigay na baril.

"Thank you. " I mouthed.

Nakita naming nahirapan ang tatlo kay Dean kaya naman agad na kaming pumunta d'on. Miss Celestine was really good at martial arts kaya nahirapan talaga kami.

Nasipa n'ya ako sa mukha, at nang hawakan ko ang mukha ko ay naramdaman kong may hiwa ito. Shit! There's something in her shoes! Napansin kong puro sipa ang ginagawa n'ya kaya naman nang susugurin na n'ya akong muli ay yumuko ako saka kinuha ang hita n'ya saka s'ya binalibag. We're about to make a move when she pulled the trigger of her gun at Funky, next to Kean and next to Harry.

"Shit! " tanging nasabi ko na lang. Nataranta ako, pero hindi ko pinahalata. Sinipa ko ang baril n'ya saka s'ya pinaputukan sa tyan.

"AHHHH! " tili nito. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong 'yon at binigyan ko s'ya ng sunod-sunod na suntok at sipa. Nang makita kong nanghihina na talaga s'ya ay agad akong tumakbo kina Athena.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo bang maglakad? " tumango naman s'ya bilang sagot.

"JERIX! " rinig kong tawag sa 'kin ni Clyde, naramdaman ko na lang na may tumama sa likuran ko dahilan para mapahiga ako.

"J-Jerix! "

"Boss! "

Fuck! Ang sakit!

---

-Athena Brix Alexandro-

Tumawag si Clyde ng pulis, gamit n'ya ang cellphone na binigay sa kanya ni Miss Celestine. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis pati ang ambulansya. Kaming lima nila Zef, Khal, Gray at Clyde ay walang galos, pero sila Funky, Kean, Harry at Jerix ay meron.

At dahil nanghihina pa ako ay inalalayan ako ng apat na mag-lakad.

"Kakailanganin namin kayong lima para kausapin tungkol sa nangyari, " sabi sa 'min ng mga pulis. Tumango na lang kami bilang sagot.

Sa wakas, nasagot na rin ang tanong na gumugulo sa isip ko. Sa wakas, tapos na rin.

Mabibigyan na kita ng hustisya, Kuya.