webnovel

Chapter 24

-Athena Brix Alexandro-

It's been a week since nalaman ni Jerix ang sikreto ko, ngayon ay dalawa na sila ni Funky sa pagtulong sa 'kin. Isang linggo na rin simula nang simulan namin ang paghahanap sa mga taong malapit sa lalaking napatay ni Jerix, but unfortunately, wala kaming nahanap, ano pa bang aasahan ko? Limang taon na simula nang mangyari ang pagpatay ni Jerix sa lalaking 'yon, hindi ko na natanong ang pangalan n'on kasi hangga't maaari ayoko munang i-open ang topic na 'yon kay Jerix. Sa loob ng isang linggo ay napapadalas ang pagsasama naming tatlo nila Funky dahil nga tinutulungan nila ako, 'yong limang lalaki naman nagtataka na. One time nga biniro pa nila kami na baka totoong bromance na ang nangyayari haha, si Jerix kasi masyadong sweet, and I think I like him.

Ngayon ay nandito kami sa abandonadong building para maghanap ng iba pang clues, mabuti nga at walang nakakahuli sa 'min, eh.

"Siguro mas makakabuti kung maghiwa-hiwalay na muna tayo, ako na sa second floor, ikaw naman Jerix sa third floor, at Athena, ikaw naman sa fourth floor, ayos lang ba sa 'yo? " tanong ni Funky sa 'kin. Tumango ako bilang sagot at nagsimula na kaming umakyat, s'yempre si Funky ang naunang mahiwalay sa 'min dahil second floor nga s'ya.

"Athena, if you saw something mysterious or something that can lead us to our mission, just tell me right away, okay? "

"I will, Jerix, " ngumiti naman s'ya sa 'kin bago kami nag-hiwalay.

'Eto na 'yon, ako na lang mag-isa na aakyat sa fourth floor. Kahit naman papaano ay babae pa rin ako at medyo natatakot, this building is creeping the hell out of me.

Pagdating ko sa fourth floor ay iilang upuan ang bumungad sa 'kin, at lahat ng mga ito ay sira na. Nagsimula akong maglakad at nagtingin-tingin sa paligid.

Sana may makita akong clue kahit isa lang.

Kailangan kong matapos agad ang misyon na 'to dahil hindi ako makakapayag na aalis ako sa eskwelahan na ito ng wala akong napala.

Well meron naman, nakilala ko ang The Kings.

Umiling na lang ako sa isiping 'yon. Nagtingin-tingin ako sa mga class rooms na naroon at sinubukan kong makapasok, pero bigo ako. Naka-lock ito. Bumuntong hininga na lang ako. Sobrang misteryoso ng eskwelahan na 'to, imagine all boys school pero ang dean ay babae? Tapos may abandonadong building pa, ba't 'di na lang nila ito ginawang maayos na eskwelahan katulad ng inaasahan ng mga magulang ng mga estudyante dito?

Dahil sa sobrang okupado ang isip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na ako sa kabilang dulo ng corridor, may room din doon at katulad ng ginawa ko sa ibang room ay sinubukan ko itong buksan, at laking gulat ko nang mapagtantong hindi ito naka-lock! Pinihit ko ang door knob saka ako pumasok. Magulong room, sobrang gulo.

Habang nagiikot-ikot ako sa loob ay may nasipa akong notebook. Napakunot-noo ako at saka ito pinulot. Puno ito ng alikabok at talagang luma na, dikit-dikit na rin ang mga papel nito sa loob, halos hindi na mailipat.

'Ayoko na. Gusto ko ng umayaw dahil nadadamay na ang kapatid ko, pero paano ba ako makakaalis sa gulong pinasok ko? '

Lalo akong napakunot-noo. Siguro isa rin ang kapatid n'ya sa biktima ng masamang tao na sinabi sa 'kin ni Jerix. Ibinuklat ko pa ang mga papel at pinagpatuloy ang pagbabasa. This notebook is like a diary of a man who couldn't not escape from a specific chaos. Para itong book of thoughts ng isang lalaki tungkol sa problema n'ya, halatang problemadong-problemado s'ya, damang-dama ko na parang gusto na n'yang kumawala sa pinasok n'yang gulo.

Hanggang sa makarating ako sa last page, and there I saw his last words that made me stunned for a moment.

'This is my decision and it's final now, bahala na kung ano ang consequences kahit ikamatay ko pa, basta makaalis lang ako sa kamay ng Dean na 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ayokong madamay pa ang kapatid ko sa kagaguhang pinasok ko. Ayokong madamay pa si Athena sa katangahan ko. ' - Ethan Alexandro.

I don't know what to say. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Para akong naubusan ng hangin, pakiramdam ko ay matutumba ako, pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga. Ang pangalan ng kuya ko ay Ethan.. Ethan Alexandro. And the owner of this notebook is my brother. I was about to move when I heard a familiar voice from my back.

"Welcome to hell, Athena, " at sa isang iglap, nakahiga na ako sa sahig at puno ng dugo ang kaliwang balikat ko.

"D-D-Dean? " my last word before I passed out.

---

-Jerix Han-

Wala akong mahanap na clue sa third floor, kaya napagdesisyunan kong magpunta sa fourth floor para tulungan si Athena sa paghahanap. Naglakad-lakad ako sa corridor, pero walang Athena akong nakita. Hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi bg corridor, nakita kong open ang room kaya pumasok ako r'on, pero wala pa ring Athena. Aalis na sana ako sa room nang mapansin ang notebook na nakabuklat, hindi ko na sana ito papansinin, but curiousity is killing me. Pinulot ko ang notebook saka ito binasa. Hinanap ko kung may nakalagay na pangalan, at natagpuan ko 'yon sa dulong pahina ng kwaderno, and it gives me chills when I saw the name on the last page. It was Ethan's name.

"Ethan Alexandro.. " basa ko sa pangalan na nakasulat d'on.

"Alexandro.. " ulit ko pa.

Shit! How could I be so stupid? Bakit hindi ko napansin na magka-apelyido sila ni Athena? Posible kayang s'ya ang kuya ni Athena?

Malamang.

Siguro si Athena nga ang tinutukoy n'ya rito sa mga sulat n'ya. Kung gan'on, nakita na 'to ni Athena, pero nas'an na s'ya?

Nahagip ng mga mata ko ang sahid na may dugo, oh shit! Don't tell me nakuha na s'ya ng Dean? No way!

Agad-agad akong lumabas sa room dala-dala ang notebook na nakita ko. Agad kong pinuntahan sa second floor si Funky at sinabi sa kanya ang sa tingin ko ay nangyari.

"ANO?! SHIT! WE NEED TO FIND HER! " aalis na sana s'ya nang pigilan ko s'ya.

"Hindi tayo p'wedeng sumugod ngayon, we need to make a plan. Sabihin natin sa lima ang nangyari, " I don't know, that's the only thing that came up in my mind. Tumango naman s'ya bilang sang-ayon.

Naglakad na kami papuntang dorm at nand'on ang lima, kumakain na naman.

"Oh, Boss, Funky, s'an kayo galing? " tanong ni Harry.

"Oo nga, tsaka nas'an si Brix? Diba magkakasama kayo? " tanong naman ni Zef.

"Hingal na hingal pa kayong dalawa, tumakbo ba kayo? O napaaway? " si Gray naman.

"Kung napaaway kayo, ba't 'di n'yo kami sinama? Kayo ah nagtatampo na kam-- "

"TAHIMIK! " putol ko sa sasabihin ni Kean. Halata namang nagulat sila sa pag-sigaw ko.

"Nawawala si Athena, and we need to find her, " pagsisimula ni Funky.

"Sinong Athena, Funky? You mean, si Brix? " tanong ni Khal.

"Oo, babae s'ya. Basta, saka na namin ipapaliwanag, ang umportante ngayon ay kailangan natin s'yang hanapin, " bakas pa rin sa mukha ng lima ang gulat, pero mas pinili na nilang tumahimik. Mabuti naman.

Sinabi na namin ni Funky ang nangyari, at nagsimula na kaming magplano. Pinakita ko rin ang notebook sa nakita ko at nagulat sila dahil si Ethan ang kuya ni Athena. Sinabi ko rin na sa tingin ko ay nabaril si Athena dahil sa nakita kong dugo sa sahig.

I know, Miss Celestine that Athena is in your hands, and I won't let you to do your plans to her. Not now, not ever.