webnovel

Chapter 45

Faris' POV

Pumasok ako loob sa silid ni Sky dala ang pagkain nito. Nakaupo lang itong napatingin sa akin. Mabilis akong lumapit rito saka ko rin linahad sa kanya ang aking pagkain.

"Kumain ka na" mahaina kong saad rito at inayos ang kanyang higaan.

Tumingin lang ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "May kailangan ka ba?" Tanong ko pa.

"Do I really have to see you?" Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinigilan ang aking luha. Bumuntong-hininga ako. Nagsalubong ang aming tingin, pero walang emosyon ang mukha nito.

"Yes" sagot ko at linigpit ang mga kalat.

"You can go now" aniya pa kaya nahampas ko ng malakas 'yong mesa. Tumahimik ang buong paligid. Marahan akong umikot upang harapin ito.

"Pinapaalis mo 'ko? Kahit anong takwil mo pa sa akin, hinding-hindi ako aalis rito" may bahid na pagkainis ang aking boses. Narinig ko pa itong tumawa kaya sumulyap ko ito.

"Why do you keep pushing yourself para lang maalala kita? Sinabi mo pang mahal kita. I'm sorry, but I don't remember na minahal kita" bumuntong-hininga ako saka ito nginitian kahit na may namumuong luha sa aking mga mata.

"Dahil gusto ko. May pake ka ba?"

"Nagiging desperada ka lang, Ms. Pérez" masakit man 'yong salitang binitawan niya, hindi ko pinapakitang naapektohan ako.

"Bakit kailangan pang pagsalitaan mo ako ng ganyan? Kung may problema ka sa akin, pwedeng bang tumahimik ka na lang? Imibis na tulungan mo ang iyong sarili na makaalala, nagagalit ka pa" umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama nito. Seryoso lang ang aking tingin rito.

Deep inside, naiiyak na talaga ako. Ang sikip-sikip lang talaga ng nararamdaman ko ngayon, ewan ko lang.

"Okay" sagot nito at kumain. Nakamasid lang ako sa kanya habang kumakain ito. Iniisip ko lang kung kailan niya maalala ang ibang parte ng mga alaala nito.

Hinintay ko muna itong matapos saka ko binigay ang tubig nito. Tinanggap niya naman ito at agad ring binalik sa akin.

Bumalik ako sa aking pagkakaupo saka ito tinignan. "Okay ka na ba?" Tanong pa nito.

"Hmm, I'm fine" tumango-tango ako saka tumayo. Kinuha ko ang aking sling bag saka ko ito sinabit sa aking balikat.

Pipihitin ko na sana 'yong door knob nang makarinig ako ng nagsasalita. "Hindi ba't gusto mo akong bantayan?" Sinulyapan ko naman ito.

"Oo, bakit?" Nanatiling nakatayo lang ako sa harap ng pintuan habang nakahawak sa door knob.

"Why are you leaving, then?" Tanong pa nito kaya bumuntong-hininga ako saka dahan-dahan akong umikot upang harapin ito. I crossed my arms.

"Kanina, gusto mo akong paalisin, ngayon naman'y ayaw mo akong umalis?" Ngumiti naman ito.

"I thought you will help me remember? I can cooperate" ani pa nito.

Kumunot ang aking noo. "Yes, tutulungan naman talaga kita" sagot ko at inayos ang pagkasabit ng aking sling bag.

"Then, don't leave me" napapikit naman ako sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng kaba ngunit binabaliwala ko lamang ito.

Umayos ako ng tayo. "Uuwi muna ako sa mansion. Kailangan ko pang maligo at magbihis" ngumiti ako rito at agad ring tumalikod.

"You can take a shower here. Tawagan mo na lang ang kung sinong nasa bahay ninyo"

"Makakalimutan mo ba talaga ako?" Nakatungong tanong ko rito.

"Not if you help me remember" umiling-iling ako saka bumalik sa aking kinauupuan.

Kinuha ko ang aking cellphone at pinadalhan ng minsahe ang aming kasambahay. Kaagad rin naman itong nagreply kaya nireplyan ko rin ito.

Bumuntong-hininga ako saka pinatay ang aking cellphone. Nakatingin kami ni Sky, walang nagsasalita sa amin, hindi rin ako nagsasalita rito.

"So, what are you?" Deretsong tanong nito.

"I'm a human" mahina itong natawa pero hindi ako kumibo o tumawa man lang.

Hindi ko alam pero parang iba ang pakiramdam ko kay Sky.

Napalingon ako sa likod nang marinig kong bumukas ang pintuan. Pinuwa mula roon ang mga magulang ni Sky. Nakangiti pa itong lumapit sa kanyang anak.

"Hi ate Ris" saad ni Dale at hinalikan ang aking pisngi.

"Hi, Dale. Magandang umaga Mr. and Mrs. Baldassare" nginitian ko ang magasawa pati na rin si Skyzer.

"Good morning, mi hija. Nasasanay ka na talaga sa pagtawag sa amin ng mister at misis. Call me tita" nakangiting saad nito at hinalik-halikan ang pisngi ng kanyang anak. Sinulyapan ko naman ito.

Tumango naman ako at ngumiti rito. "Sige po, punta muna ako sa labas" saad ko rito at mabilis na tumayo.

"And you're leaving me?" Sinulyapan ko naman si Sky.

Kanina pa talaga ang lakaking ito. Ang kulit-kulit, sinabi kong lalabas lang ako, magtatanong na kaagad kung iiwan ko ba siya.

"Labas lang 'yon Sky. Mag-uusap muna kayo ng Mommy at Daddy mo. Baka nabitin kayo sa usapan niyo kagabi. I'll give you space" saad ko pa rito.

"Huwag ka na lang umalis, hija. Dito ka na lang" bumalik nanaman ako sa aking pagkakaupo.

"Mi hija, kumusta na kayo ni Sky? Nag-uusap na ba kayo? Bumalik na ba 'yong alaala niya?" Sabay-sabay na tanong ni tita. Napasulyap ako kay Sky, nakatingin lang ito sa akin gano'n rin ang mga kapatid nito.

Tumikhim ako. "Actually, hindi pa bumabalik ang alaala niya. Parang nagsimula na akong mawalan ng pag-asa. Hindi ko alam, tita. Parang naiiyak ako" tanging bulong na lamang 'yong naging huling salita ko dahil tumulo nanaman ang aking luha.

Ang traydor ng aking mga luha. Palaging sinasabi ng isipan ko na mahina ako, na hindi ko kakayanin ang lahat ng ito.

Lumapit sa akin si tita saka ito napayakap sa 'kin. "Oh, hija, please don't cry" lumingon pa ito kay Sky bago niya ako yinakap ulit.

"You really love my son, right?" Pinahiran ko ang aking mga luha saka tumango.

"Mahal ko po 'yong anak ninyo" bulong ko habang umiiyak.

"Then, don't give up. Balang araw babalik rin 'yong alaala niya" tumango naman ako.

Everybody makes me feel better, pero kapag naaalala ko si Sky, kapag naaalala ko ang nangyari sa kanya, parang bumabalik lahat ng sakit sa akin.

Napansin kong tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko itong binunot mula sa aking bulsa. Nakita ko ang minsahe na ipinadala ng aking ama.

SMS from Dad:

"Anak, hindi muna kita mapupuntahan diyan. May meeting ako ngayon, mamayang gabi na lang siguro ako pupunta diyan. Ikumusta mk na lang ako kay Sky" mabilis ko rin itong reniplyan.

Faris:

"Sige po"

Pinatay ko ang aking cellphone saka humarap kina tita. Busy ito sa pag-uusap kaya napagpasyahan ko munang pumikit. Hihintayin ko muna si Manang Vilma na dumating dala ang damit ko.

Mga ilang oras ring nandito sina Tita at agas ring umalis. Kaming dalawa na lamang ni Sky ang natira rito kaya medyo naiilang ako sa katahimikan.

Sinasabi ko ngang tutulungan ko siyang makaalala, pero parang bumalik kami sa nakaraan. Iyong hindi kami nag-uusap, walang nagsasalita. We look like strangers.

Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap 'yong kantang Open Arms. Mabilis ko ito in-on saka linapag sa mesa.

Tahimik lang akong sumasabay sa kanta. Tanging ang kanta lang ang gumawa ng ingay sa loob ng silid.

Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa amin. Hindi ko rin magawang magsalita rito. Parang bumalik na 'yong dati sa amin. Iyong dating tahimik. Kumakanta lang ako at kunyaring may ginagawa.

"I like that song" napalingon ako kay Sky nang magsalita ito.

Mabuti pa ang kata, naaalala niya, samantalang ako, hindi na.

"Yes, dahil iyan ang paborito nating kanta" saad ko pa rito at bahagya ko pa siyang sinulyapan. Ngumisi ito saka sumandal sa headboard ng higaan.

"Oh" tanging sagot nito. I know na may pagka malakas ang aura ng kanta, pero para sa akin it's soft.

"Kailan mo pa kaya ako maaalala, ano?" Deretso kong tanong saka ito tiningnan.

"I wanted to, I really wanted to remember you" hindi muna ako umimik saka bumuntong-hininga.

"Then help yourself. Paano mo 'ko maaalala kung hindi mo rin naman tulungan ang sarili mo?" May bahid na pagkainis ang boses ko nang bitawan ko iyon. Naiinis lang talaga ako.

"I was" tanging sagot nito.

"Sky, everyday I cried, every night. Sa tuwing papasok ako rito sa silid mo naiiyak ako. I wanted to stop my tears from falling, but I'm deeply hurt. Please, help yourself" naiiyak kong sagot at hindi mapigilan ang sariling yakapin ito.

Nararamdaman ko na yinakap niya ako pabalik kaya bumitaw ako saka pinahiran ang aking luha.

Bumalik ako sa aking pagkakaupo at pinatay ang kanta. Marahan akong napapikit at nakailang buntong-hininga pa ako. Gusto ko munang pakalmahin ang aking sarili bago ko ito kakausapin.

"Why do you keep on crying? Buhay pa ako, doon ka na umiyak kung mamamatay na ako" bumalik ang aking alaala noon. Naaalala ko ang mga salitang iyon.

Bigla akong kinutuban saka maigi ko itong sinuri. Parang may sumagi sa aking isipan, but I think I'm right, pwede ring hindi.

"Stop staring" ani pa nito kaya mabilis agad akong umiwas ng tingin rito.

Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa aking cellphone. Nakatitig man ako sa aking cellphone ngunit iba ang aking iniisip.

"Lalabas muna ako, call me if you need anything" ani ko saka tinaas ang aking cellphone.

Bago ko pa man pinihit 'yong doorknob, nagsasalita nanaman ito na nagpatigil sa akin. "I don't need anything, I only need you" dahan-dahan akong tumingin rito.

Seryoso lang ang kanyang mukha na parang wala ito sa sariling sinabi ang mga salitang iyon.

"I need to go outside, hihintayin ko muna si Manang Vilma. I'll be back, diyan lang naman ako sa labas" ngumiti ako rito at mabilis na pinihit ang doorknob. Sakto rin na bumungad sa akin si Manang Vilma dala ang aking hinihingi rito.

"Manang Vilma, akin na po. Bantayan niyo muna si Sky, magbibihis muna ako" tumango naman ito and we exchanged position. Mabilis akong naglakad papunta sa private CR sa loob ng opisina ni Trayon.

Sabi ni Trayon kung maliligo raw ako o kung ano man iyon, sa opisina niya na lang raw ako pumunta. Pumayag rin naman ako.

Mabilis akong naligo saka nagbihis. Pumunta ako sa labas ng opisina saka dumeretso sa silid ni Sky. Nadatnan ko roon sina Manang Vilma saka Sky na masayang nag-uusap. Hindi na ako nagulat saka mabilis na umupo sa upuan.

Sinuklay ko muna ang aking buhok saka ko rin ito inayos.

"Aalis muna ako, ma'am. Kailangan ko pa kasing tulungan si Michelle at si Loring" tinunguan ko lang ito saka ngumiti. Bahagya pa akong napasandal sa aking kinauupuan habang nakatingin kay Sky.

"May kailangan ka?" Tanong ko rito nang mapansin kong nakatitig ito sa 'kin. Umiling-iling naman ito saka ngumiti.

Sinuklian ko ito ng malumanay na ngiti. "Sige, magpahinga ka muna" saad ko rito at pumikit.

"I can't sleep" sinulyapan ko naman ito.

"Pareho lang tayo. Pagod ako pero hindi ako makakatulog. Iniisip ko kung paano kita matutulungan"

"I really can't remember anything. Tanging naaalala ko lang ay 'yong mga kasama ko at kilala ko noon. I also think, you're never been part of my life" saad pa nito kaya napasama ang ang aking tingin rito.

"Stop it, okay? Huwag mo nga 'yang sabihin" inis kong saad rito.

"Nahihirapan na ako sa kalagayan ko ngayon. And I'm damn tired. I'm tired of remembering everything. I can cooperate, but my mind can't" I laughed sarcastically.

"So gano'n na lang ba iyon kadali sa 'yo? Hindi mo gutong maaalala ang lahat? Puwes kung ako ang tatanongin mo, gusto kong maaalala mo ang lahat. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, ako rin, Sky. Sinabi ko ba sa 'yong susuko na ako? I'm also tired" nagiging emosyonal nabaman ako habang kaharap ito.

Binaliwala ko na lamang ito saka pumikit. Masakit man sa pakiramdam, pero kailangan niya paring maaalala ang lahat.

- - - -

"Gumising ka na" saad ko kay Sky habang kilabit-kalabit ang balikat nito

Mahina naman itong gumalaw saka dahan-dahan na binuka ang kanyang mga mata.

"Kumain ka na habang mainit pa 'yan" linapag ko sa kanyang harapan ang tray.

"Thanks, Pérez" tumango ako at peke itong nginitian.

Lumabas muna ako ng silid at umupo sa gilid.

Sumandal ako sa dingding saka sinabunutan ang aking sarili. Walang akong maisip kung ano ang gagawin ko. Bumuga ako ng hangin at umayos sa aking pagkakaupo.

Nakayuko lang ako habang nilalaro ang aking cellphone. Maraming mga taong nagsidaanan sa aking harapan ngunit binabaliwala ko ang lahat ng iyon.

Habang naglalaro ako, bigla na lamang may huminto sa aking hatapan kaya bahagya pa akong napahangad upang harapin ito.

"Hi" tumango ako saka ngumiti rito. Binalik ko rin ang aking pansin sa aking pagpalaro at hindi na ito sinagot pa.

Nararamdaman ko na umupo ito sa aking tabi kaya sinulyapan ko ito. "Kumusta na si Sky?" Tanong nito. Mapait akong ngumisi at umiling-iling.

Hindi ko ito sinagot at pinatay ang aking cellphone. Napasandal nanaman ako sa dingding saka tumingin sa bubong.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi pa kami okay ni Sky, naiilang ako sa kanya, ewan ko lang kung ano ang nararamdaman niya.

Minsan ang laming-laming niya sa akin, minsan rin parang wala lang ako sa kanya. I can change pain into happiness, but I can't change it now.

Pakiramdam ko hindi ko pa oras upang maging masaya. Pakiramdam ko, kailangan ko muna maranasan ang hirap at sakit.

The world is really unfair, but it is sometimes fair. Ang unfair, dahil parang sunod-sunod ang mga problemang dumating sa king buhay. Fair rin naman paminsan-minsan, dahil naggawa ko pang lampasan 'yong iba kong problema kahit gaano pa man iyon kahirap.

"Okay ka na ba?" Tumango-tango ako sa tanong ni Treyton kahit na sa totoo lang ay hindi naman ako okay.

Tama, si Treyton ang tumabi sa akin kanina. Hindi ko ito magawang sumagot, dahil marami akong iniisip. Masyado pang ata akong problemado.

Napipilitan akong magsinungaling, dahil ayaw kong kuwestiyonin nila ako. Kahit anong pagsisinungaling ko pa, gano'n pa rin naman. Walang mangyayari.

I keep on lying and I keep on hurting myself.

Natatawa na lamang ako sa aking iniisip.

Matagal ko nang tingaggap ang mga pangyayaring ito. Lahat naman talaga nga mga tao kailangang tanggapin ang mga nakatadhana para sa kanila.

I guess, I need to accept what is destined for me, for us. Ito ang naging hadalang sa amin. Sigurado rin ako na sa lahat ng mga mahihirap na pasubok na ito, we will be gifted with great happiness. Alam ko na 'yon, I believe on that.

"Papasok muna ako sa silid ni Sky" nabalik ako sa aking hwisyo nang marinig ko ang boses ni Treyton. Bahagya pa akong napatingin rito saka ito tinunguan.

Napabuntong-hininga ako saka sinundan ito ng tingin. He silently opened the door and he directly entered while keeping the door opened.

Ako na ang kusang sumara rito at bumalik sa aking pagkakaupo.

I keep my mind busy. I keep myself busy. I want to run away from everything. I want to hide. Sa lahat ng mga iyon, iniisip ko ang salitang bawal. Iniisip ko kung ano ang mga mangyayari kung gagawin ko pa ang mga iyon.

I promised to myself na hindi ko iyon gagawin. Kahit anong bato pa ni Sky ng masasakit na salita sa 'kin. I won't give up. I will help him, hanggang sa makakaya ko.

I know he was also tired. Sinabi na niya iyon sa akin. Iyon rin ang naging dahilan kung bakit nasasaktan ako ng lubusan ngayon. I won't allow him to rest from this war. Hinding-hindi ko ito papayagan na magpahinga man pang sa giyerang ito.

I will help you, Sky. Kahit ano man ang mangyayari, tutulungan kita...

He don't deserve such an amnesia. He don't deserve any of this.

Mabilis akong napatayo nang makita kong bumukas ang pintuan. Ngumiti si Treyton sa akin. "He's now sleeping. Inaantok raw siya" tumango naman ako.

I think this is my chance to talk to him. Maybe in this way, makakaalala rin siya. Kahit na natutulog man ito, baka mapanaginipan niya ang aking boses kahit na sa ganitong pamamaraan man lang.

"Pupunta nga pala sina Zyair dito ngayon. Maybe in a minute dadating rin iyon" tumango ako aaka sinulyapan ang pintuan ng silid.

Pupunta rin dito si Daddy kasama si Tita at tito. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko lamang ay ngayon sila pupunta rito.

"Papasok muna ako" paalam ko pa rito.

He nod. "Sige, hihintayin ko muna sina Aziel" pinihit ko 'yong doorknob saka mabilis na pumasok.

Nakita ko mahimbing na natutulog. Ngumiti ako saka umupo sa tabing upuan ng kama nito. I sighed saka ko naman tiningnan ang mga maamong mukha nito.

I missed him...

"Sky..." Bulong ko pa sa pangalan nito.

I held his hands saka ko pinagdikit ang aming mga palad. "Sky, hindi mo man ako maaaala ngayon. I hope everything will came up on a dream"

"S-Sky, miss na kita. Ang laming-laming mo na sa 'kin. Sana bumalik na lahat ng mga alaala mo. Namimiss ko na ang Sky na nakilala ko"

"Minsan mahirap, pero kinakaya ko dahil para sa 'yo. Mahal kita Sky. Malapit na akong mawalan ng pag-asa. But I keep on holding on"

"Naiiyak ako sa tuwing maaalala ko ang dating ikaw. I miss hearing your normal voice. Pati nga 'yong pagtawag mo sa 'kin na baby namimiss ko rin iyon" wala na akong pake kahit na nagmumukha akong baliw rito, kinakausap ko ito kahit na ito ma'y natutulog.

"Sky... All I've everything wished is for you to remember all your memories. Gusto kong maaalala mo na lahat. Nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngayon" mahina pa akong natawa.

"Kung alam mo lang talaga Sky. Napipilitan akong magsinungaling sa ibang tao. Sinasabi ko na okay lang ako. Deep inside I'm done lying, I've been hurting many people, but I'm done"

"Disperada na kung disperada. I'am desperately in love with you, Sky. Sana man lang matutulungan mo rin ang iyong sarili. Minsan, sinasaktan ko ang aking sarili dahil lang sa 'yo" my mind was filled with memories. Dumagdag pa 'yong tugtug ng musika. Nagsisimula nang tumulo ang traydor kong luha.

"Kahit man masakit sa aking kalooban. I will wait until you remember. Miss na kita Sky, miss na miss na talaga kita, kung alam mo lang sana iyon. Nahihiya akong sabihin iyon sa 'yo. I know you won't answer me anything" nadadala na aking emosyon sa mahinang kanta. Napaluha ako saka marahan na pumikit.

"Mahal kita, Sky. Kahit na hindi ka na makakalala pa, I will keep on loving you no matter what. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko maliban na sa aking ama. I love you, Sky. Mahal na mahal kita. Hindi ako nagmamahal ng iba, kung hindi pa ako tapos na mahalin ka. Naniniwala rin ako na hindi iyon matatapos. I only love you and I will forever be loving you, my Sky. Te amo, cariño" bulong ko at maluha-luhang hinalikan ang kamay nito.

"Yo también te quiero, cariño"