webnovel

Chapter 2

Faris' POV

Nagmumuni-muni muna ako ngayon dito sa aming hardin nang marinig kong may nag-uusap mula sa loob ng bahay.

Mabilis akong bumalik doon sa loob ng mansion at nakita ko 'yong ama ko na may kausap na lalaking nakasuot ng kulay itim na damit. Kumbaga matatawag mo rin itong business suit.

"Hija, come here" narinig ko na tumawag si Daddy sa akin. Pormal ako naglakad papunta sa gawi nila na hindi nagsasalita. Wala ako sa mood para kausapin ang ama ko, wala rin sa intensyon ko na makausap ito. Lalo pa't malapit mangyari ang giyera kahapon.

"Siya ba 'yong anak mo?" Tanong nong lalaki sabay turo sa akin.

Ay, hindi ho. Ako po 'yong anak ng kasambahay nila...

"Yes, she's my daughter" ani ni ama at ngumiti doon sa lalaki. Pilit rin akong ngumiti rito kahit na ang damdamin ko sa loob ay puro irap at walang katapusang galit.

"Hi, hija. Ako nga pala Michael, kaibigan ng ama mo. Matalik kamaing magkaibigan simula nong high school pa kami" ani ng matandang lalaki.

"I'm not asking" bulong ko at nag iwas ng tingin.

"Ha?"

"Faris" diretsong saad ko at tinanggap 'yong kamay niya. Nagkamayan naman kami at pagkatapos niyon, tumikhim ako. Walang bahid na expresyon ang mukha ko at nakatungo lang na nakatingin sa kanila.

"Nice name" anito.

Hindi ho maganda, ang panget nga po eh. Gusto niyo, palit tayo ng pangalan, para masaya...

Ngumiti lang ako rito at tinalikuran sila. Iba't-ibang mga bagay ang pumasok sa isipan ko kaya hindi ako nakapagapokus sa kausap ko. Tinalikuran ko na lamang sila at binigyan ng bakanteng oras para makapagusap ng maayos at ng hindi rin ako maging sagabal sa kanila.

"Pasensya ka na doon sa anak ko ah. May problem lang kasi ito, intindihin mo muna" pagpapaumanhin ni Daddy rito kaya napasulyap ako sa kanila.

Anong problema? Masama bang umalis?...

Pumunta ako sa sala para manuod ng pilikula narinig ko naman na nag-paalam na 'yong kausap ni Daddy kaya mabilis akong lumingon sa gawi nito. Wala na 'yong Michael at tanging ang ama ko na lang ang naiwan habang nakatingin sa papaalis na bisita.

"Hija, may ipapakilal ako sayo bukas" anito.

"I'm not interested" walang buhay na sagot ko at iniba-iba 'yong channels ng pinapanuod ko. Walang bahid na emosyon ang mukha kong pinapakita sa aking ama, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaayos. Ilang oras na lamang ang nakalipas, pero parang walang nangyari.

Ibang klase ako kung magtamo, as expected, I won't talk to someone or anyone in this mansion for one week or two.

"I'm sure It'll be fun. Since siya na 'yong makakasama mo. Ngagalak akong maipakilala ko siya sa iyo bukas. Siguradong magugustohan mo siya"

"I don't need any friends or whoever that is"

"Basta" saad nito. saglit ko naman itong tiningnan at bumalik sa pinapanuod na pilikula.

"Can I go shopping?" Tanong ko rito and I expect his answer would be yes.

"No, darling" ani nito kaya napairap naman ako.

"May mga bodyguards naman ako eh. What's the use of them kung hindi nila ako babantayan?" Medyo tumaas na 'yong boses ko na kanina lang ay kalmang-kalma pa. I hissed and rolled my eyes.

"Kahit na, hija. They can't protect you"

"So, why did you get them? Walang silbe lang pala 'yong pagpapatrabaho mo sa kanila" nagsisimula nanaman ang giyera ng aking ama kahit na hindi pa man kami nagkaayos kahapon.

"Hija, it's a NO"

"Palagi na lang ba NO?"

"Nagaalala lang ako sa pwedeng mangyari sa'yo, hija. Don't be hard-headed. Ayaw ko na malagay sa panganib ang buhay ng anak ko. Ika'y nagiisa lamang at hindi na mapapalitan pa. I don't want anything bad happened to you"

"Pwes ako, hindi!" Tugon ko at padabog na tumayo paakyat ng kwarto ko.

Doon lang ako boung araw hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

* * * *

Naalimpungatan ako kaya nagising ako at tiningnan 'yong wall clock dito sa kwarto ko.

Hindi ko namalayan na three twentynine na pala ng hapon, napagpasyahan ko na lamang na bumangon at pumunta sa CR. Bigla namang tumunog 'yong cellphone ko kaya bumalik ako sa higaan at inabot 'yong hindi kalayuang cellphone. Nakita ko naman ang pangalan ni Voree, bumunot muna ako ng malalim na hininga at hindi na nag-aalinlangan pa na sagutin ito.

"Hello?" Walang ganang tanong ko.

"(Faris, tara na)"

"Bawal akong umalis ng bahay"

"(Why? Grounded ka? Diba ililibre mo kami? You can't be grounded right?)" May bahid na ngiti sa boses nito mula sa kabilang linya.

"No, I can't"

"(Akala ko ba papayag kaagad 'yong Daddy mo? Bakit hindi ka pwede ngayon?)"

"Because of what happened to me yesterday"

"(Ano bang nangyari sayo?)"

"I got kidnapped"

"(Again?!)" Sigaw nito na kunwari'y nag-aalala sa akin.

"Yes, kaya hindi ko kayo masasamahan.I'm a bit busy, so..may I excuse myself" may halong pagsisinungaling ang boses ko, pero pilit ko iyong tinago para hindi niya iyon mapansin.

"('Yong libre mo?)"

"I can't"

"(Wala ka palang silbe. Hindi bagay na ituring na kaibigan. You're a lier, weak, naive, ruthless and rude. And, oh. You're also a bitch)" anito. Hindi na ako nagulat. Alam ko naman na dadating ang araw na 'to, 'yong araw na sasabihan ako ng masasakit na salita ng mga taong walang gusto sa akin o kaya't sa mga taong naiinggit sa akin.

"Okay" ani ko at kaagad na pinatay ang tawag. Tinapon ko iyong cellphone sa higaan at umupo sa upuan.

Psh, If they don't need me, neither do I...

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ng biglang tumunog 'yong tiyan ko na senyales ng aking pagkagutom, pumunta ako doon sa ref at kumuha ng gatas.

Tinungga ko 'yong gatas at kaagad na umupo si bakanteng upuan na nasa gilid ko. Nahagip ng mga mata ko ang aking ama na papalapit sa gawi ko, pero hindi ko ito pinansin at kinain na lamang ang pagkain na nakalapag sa mesa.

"Hija, lumabas ka na pala" ani nito. Tumango lang ako at nilinisana ng bara ng aking lalamunan.

"Ma'am, adobo po" ani ng kasambahay namin at akmang lalagyan niya ng adobo 'yong pinggan ko ng itulak ko palayo 'yong kamay niya.

"I don't like adobo" saad ko at nagpatuloy na kumain.

"Pero ma'am sayang naman po 'yong linuto ko----"

"Sinabi ko bang magluto ka? Don't force me okay? You're not my mom and you will never be my mom" ani ko.

Huminga naman ng malalim ang aking ama mula sa tabi ko. "Take it away" utos nito kaya umalis naman 'yong kasambahay namin habang dala-dala iyong adobo na nakalagay sa kwadradong pinggan.

"Kumain ka na at kailngan mo na ring matulog" Ani nito kaya tumango lang ako kahit na kakabago ko pa lang gumising at kaagad na nag-paalam na aakyat sa kwarto. Pumanhik na ako sa taas at linublob 'yong sarili sa mainit at maligamgam na tubig.

After I took a hot tub, nagbihis naman ako at kaagad na natulog. Kahit na masyadong maaga pa ang paligid.

- - - -

"Nasaan si Daddy?" Tanong ko sa mga kasambahay namin na kanina pa naglilinis na walang katpos-tapos.

"May pinuntahan lang po, Ma'am, babalik rin daw po siya mamaya"ani nito kaya tumango lang ako at naglakad papunta sa sala. Kakatapos ko lang kumain kaya naisipan kong magpapahinga muna total hindi rin naman ako papayagan ni Daddy na pumunta sa mall.

Aish, nakakainis. Bwesit na buhay, walang kalayaan ang halay-halay...

Nanouod lang ako ng palabas hanggang sa marinig ko na may bumusenang sasakyan sa labas ng mansion. Narinig ko naman ang pagbukas ng Main Gate. Kilala ko na rin kung sino iyong dumating, kaya hindi ko na ito tiningnan.

Nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa akin pero hindi ko ito nilingon. Seryoso lang akong naktuon sa pilikula na matagal ko nang kinawiwilihan na siya ring naging dahilan na minsan ay matagal akong natutulog. Nakarinig ako ng tikhim pero wala akong ginawa.

"Hija" tumayo ako't lumingon sa ama ko na seryosong nakatayo malapit sa pintuan. Napasulyap ako sa matipuno't makisig na lalaki na nakatayo sa tabi niyo habang nakasuot ng polo at denim jeans.

Matangkad ito at parang hanggang balikat lang ako nito kung sakali ma'y pagpapantayin kami.

Tumingin ako sa kabuohan ng mukha nito, matangos ang ilong niya at may singkit na mga mata. Mapupula rin ang mga labi nito kaya masasabi mong gwapo ito.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa maamong mukha nito. Ito ang kauna-unahang beses na matagal akong napatitig sa isang lalaki at sabay na nagagwapohan pa sa maamong mukha nito. Kahit na ito'y seryoso lang, pero masasabi mong may katawang modelo at may mukhang artista ito.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya binaling-baling ko ang aking tingin sa palaki at sa aking ama. Napalunok naman ako ng tumitig sa mga mata ko ang lalaki.

"D-dad. Who is he?" Ito 'yong unang pagkakataon na nauutal ako, hindi ko rin alam kung bakit iyon ang unang naging tanong ko nang makita ko sila.

Siguro dahil may hindi ako kilala na dumating rito sa bahay. Pero pag may ibang tao rito hindi naman ako mauutal. I have different feelings towards this guy.

"Siya 'yong tinutukoy ko kahapon na gusto kong ipakilala sa 'yo, hija." ani nito kaya nakatungo lang ako habang tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa.

Why is this has to be this handsome?...

"H-he is?"

What the hell!...

Why am I stammering sa tuwing makakasalubong ko 'yong mga titig ng lalaking ito. Parang kinakabahan ako na may halong pagkakagalak.

Tss, what happened to me?...

"Skyler Han Baldassare, your Taekwondo Master" nagulat naman ako sa sinabi ni Daddy. Nawala 'yong galak na nararamdaman ko ng marinig ko ang mga salitang iyon, hindi ako nakapagsalita at parang inuulit-ulit pa sa aking isipan ang sinabi ng ama ko. Nakatingin lang ako sa kanila na parang blangkong papel.

Taekwondo?...

"My what?" Pag-uulit ko rito.

"Your Taekwondo Master" mahampas ko naman 'yong noo ko sabay irap ng sabihin iyon ng ama. "Hija"

"Why do I have to do that... That Taekwondo thing?" Pagrereklamo ko sa kanya at sumulyap sa katabi nito. Nakatingin lang ito sa amin at hindi man lang nagsasalita.

"I want you to learn self defense" sarkastiko naman akong tumawa sa harapan nila.

"No, dad. I won't and you can't make me. Hindi ko na 'yan kailangan pa"

"You need this, hija. Paano ka na lang kung papalitan ko na 'yong mga bodyguards mo?"

"Edi mabuti, wala naman ako kailangan sa kanila eh. Kayo lang naman ang nagpupursige na gawin silang taga bantay ko. Hindi ko sila kailangan"

"I can. Sapat na 'yong dalawang beses na nakidnap ka. I don't want it to happen anymore. I want you to protect yourself whenever I'm not around. Pagbigyan mo na ako, this is only what I want"

"Pero, Dad, taas noo ko pong sasabihin sa inyo that taekwondo is for boys"

"Correction, Taekwondo don't choose genders" sabat naman ni Skyler.

"So? Wala na akong pake. I don't need to do that. Wag niyo po akong pilitin, with all due respect" Seryosong sagot ko rito. May bahid na inis ang boses ko pagkasabi ko niyon.

Wala sa intensyon ko ang magalit ngayon, pero mukhang gusto ko nang magalit ngayon.

"Ms. Pérez, you need to" seryosong saad nito.

"Teka lang, bakit ka ba sabat ng sabat?"

"I'am just encouraging you to join"

"Well, I don't want to. Wala na kayong magagawa niyan, I don't want to join and that's final. Period. Period. Period" Saad ko sabay lagay ng dalawang kamay sa magkabilaang parte ng aking beywang, tumingin naman ako kay Sky na ngayo'y pinansingkitan ako ng mga mata, pero hindi ako nagpapaapekto rito at sinalubong rin ang mga tingin nito.

Umiwas ito ng tingin at tumikhim sabay tingin sa aking ama. "With all due respect Mr. Pérez, gusto ko lang sabihin sa anak ninyo na I also won't risk my life to a brat. A spoiled and rude one"

What the! How can he say that?!...

Masasabi kong ayaw ko siya kausapin. Medyo prangka ito at nakakasakit ng damdamin 'yong sinasabi niya. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay kung bakit harap-harapan niya pa itong sinabi na hindi man lang iniisip ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.

"Pasensya ka na, hijo" pag-papaumanhin ng aking ama kaya tinalikuran ko sila at umupo ulit sa sofa. "Hija, hindi mo ito desisyon. Ako ang may gusto, kaya sundin mo. Hindi sa lahat ng bagay ikaw ang dapat na masusunod"

"Dad, please... I'm not going to do this"

"It's okay, Mr. Pérez" sabat ni Sky. Lumingon ako sa kanila at sumulyap kay Sky. Seryoso't walang emosyong itong nakatingin sa amin ng ama ko.

"No, hijo. Hindi iyon okay. We're going to settle this right here, right now"

"Dad, hindi niyo po ba ako maiintindihan? Mahirap po ba talaga akong intindihin?" Kumalma muna ako at lumunok habang pinikit ang mga mata at tsaka rin dumilat.

"Faris, ayaw ko na may tumutol sa akin. Hindi gawain ng mga Pérez ang ugali mo. Ang pinagtataka ko talaga ay kung bakit ka ba namin pinalaki ng ganyan. Malaki ang pagkakamali namin at pagkukulang sa iyo. Wala na ang Mommy mo. Oras na oara baguhin mo ang nararapat na baguhin sa anak ng mga Pérez. Be a real Pérez, just for once. Please..." ani nito at nagmamakaawa sa akin, kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan ko at dumapa sa sahig para lang mapapayag ako.

I hate seeing my father begging...

Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi habang nakatingin kay Sky. "Fine" sagot ko.

Bigla namang sumigla ang mukha ng ama ko at bumalot ang kasayahan sa buong mukha nito. Mabilis siyang tumingin kay Sky habang may malawak na ngiti sa labi.

"Skyl, kailan mo ba planong magsimula?" Ani nito kay Sky at hindi mawala-wala sa labi ang mga ngiti. Natatangi kong masaya ito na pumayag ako.

"Tomorrow" Napakurap naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Sky. Napa-awang na lamang ang labi ko sabay tingin rito. Nakapamulsa lang ito habang nakamasid sa amin ng ama ko

"Tomorrow? Nababaliw ka na ba?" Agad na tanong ko ng bumalik ang ulirat ko.

"It's better to be early, than to be late" kalmang ani nito kaya nasapo ko 'yong noo ko at bumuntong-hininga.

Oh my ghad...

"Okay ba 'yon, hija?" Sabat nga ama ko ng tumahimik ako.

Sumulyap naman ako rito at kumurap-kurap habang nagiisip sa isasagot ko.

"Aish, fine" napipilitang saad ko sabay tingin sa TV. Kinuha ko 'yong remote at pinatay iyon.

"Wake up at 5:30 AM so, set your clock now and you'll have your morning exercise before we start" seryosong saad nito.

"5:30? Seriously?"

"Yes, I'm serious"

"6:30" ani ko.

"5:30"

"6:30"

"5:30"

"Fine! Fine! Kayo na ang masusunod" pagsuko ko rito at padabog na ginulo ang bubok.

He got me, first time na may kumontra...

"Good" anito at ngumiti sa akin, sinimangutan ko lang ito habang nakatingin sa maamong mukha nito. Nalilito na ako kung ano 'yong gagawin ko. Isa akong Pérez, pero parang walang pumasok sa isipan ko at puro mukha lang ng lalaking ito.

He seems to be pompous...

"You may leave" deretsong saad ko at umiwas ng tingin. Nahuli ko pa itong sumulyap sa akin, pero umaakto lang ako na hindi ko ito nakita.

"Salamat, hijo" rinig ko mula sa ama ko.

Thank you, huh?

"Walang ano man po"

Masasabi kong iba ito magsalita sa ama ko kumpara sa akin. Napakaseryoso't strikto nito ng makausap ko siya, pero pagdating sa ama ko parang ako pa 'yong kawawa.

Hay...

Narinig kong may umandar na sasakyan kaya napasilip ako sa bintana. Umalis na pala ito.

Mabuti naman kung gano'n...

"Salamat naman at pumayag ang unica hija ko" ani ni Daddy at tumabi sa akin habang may bahid na ngiti sa mga labi.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko" wala sa sariling sagot ko. Nakaramdam naman ako ng akbay mula sa ama ko, kaya tumingin ako sa balikat ko.

"Mabuti kung ganon, hija. I bet magkakasundo kayo, he's just 28"

Twenty-eight?

Twenty-two pa lang ako. Hindi ko masasabing magkakasundo kami lalo pa't mapili ako pagdating sa mga kaibigan. Mas matanda rin ito sa akin kaya hindi ko na rin aasahan na magkakasundo kami.

Ngumiti naman ako rito. "Too old" saad ko, but honestly... he is damn handsome. Mabuti na lang maldita ako at hindi ko maipapakita sa kanya na nagagwapohan ako sa kanya. He's a pompous guy, who would have thought?

"Yes too old, but he's strong" okay, I know. He wouldn't be a Taekwondo Master if he's weak.

Tss, Sarcastic...

"Saan ba 'yong training na 'yan?" May bahid na kuryosidad sa boses ko.

"Sa training hall lang naman, hidni rin kalayuan sa mansion natin. Ihanda mo na 'yang sarili mo. Mahirap iyon kakalabanin" ani ng ama ko kaya huminga ako ng malalim at naglakad paalis sa kanya. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at tiningnan 'yong langit.

Sky? Skyler Han. Hmm, it's beautiful. Maganda 'yong kombinasyon ng pangalan niya.

Naglakad ako pabalik sa sala at doon muna tumambay hanggang sa umabot na 'yong oras ng aming hapunan.

"Hija, oras na ng hapunan. Kumain na tayo ng makatulog ka ng maaga" ani ng ama ko. Mabilis naman akong tumayo papunta sa kusina. May nakahanda namang mga pagkain sa mesa at iba't-ibang putahe ang mga ito. Umupo na ako sa sa harapan ni Dad, kaya magkaharap kami ngayon.

Tahimik lang akong kumakain hanggang sa biglaang magsalita si Daddy.

"Skyler was the first guy who ... Hmm.. who talked to you strictly" natatawang saad ni daddy. Napangiwi naman ako at bumuga na lamang ng hangin.

Totoo rin naman 'yong sinabi ng ama ko. He's really the first one or the first guy, na gano'n lang kadali sa kanya ang makikipag usap sa akin. My father is not strict, but my mom is. Pero she died because of some accident.

Binalik ko ang pansin sa ama ko at tumango rito.

"Absolutely, grotesque" ani ko at patuloy na kumain. I hear him chuckled pero hindi ko ito pinansin at kumain na lamang.

Kaagad naman akong pumasok ng kwarto ko ng nakaramdam ako ng antok.

Mabilis akong nagbihis at kaagad na lumundag sa higaan. Hindi rin nagkalaunan ay nakatulog ako, na medyo matagal-tagal rin ng kaunti.