webnovel

Chapter 15

Faris' POV

"Dad, may bago pong labas na cellphone. Bilhan niyo po ako" ani ko kay Daddy at yinakap ito sa beywang.

"And?" Tanong naman nito habang nakatingin sa picture ng mga tao na nasa cellphone niya.

"Wala, bilhan niyo po ako daddy" nakangiting saad ko rito.

"Magkano ba 'yan?"

"Hindi naman po mahal. Nasa 300,000.00 plus lang naman po"

"Diba maayos pa 'yong cellphone mo?" Napasimangot naman ako nang maalala ko 'yong ginawa ni Sky sa cellphone ko.

Masaya ako, dahil hindi ako linagnat. Pinagpala ata ako kahapon, natakot sa akin 'yong lagnat kaya dumaan lang ito sa akin at hindi huminto.

Funny right? Pfft...

"Dad, matagal na to eh, mas mabuti na kung bago. Ito po kasi ang uso ngayon, dad. Nakikisabay na rin" pagbibiro ko rito.

Wala naman talagang uso, trip ko pang 'to para mapapayag ang aking ama.

"Hija, w--"

"Dad, nakakalungkot naman po kung hindi niyo ako bibilhan. Hindi niyo na po ba ako mahal, dad?" umakto ako na kunwari'y nagtatampo.

Psh, ang panget naman ng naisip ko...

"Fine, fine, fine.. May training pa kayo, my secretary will take care of it. Ako na ang bahala sa lahat, hintayin mo na lang 'yong package" mabilis naman akong napatayo at yinakap ito ng mahigpit habang may ngiting nakaukit sa aking labi.

Ang galing ko naman talaga. Hindi pala panget, maganda pala, kahit na ang OA pakinggan, duh...

"Thank you, daddy!" masayang sigaw ko, narinig ko naman na may tumikhim sa likod ko kaya lumingon ako rito. "Oh, hi Sky" nakangiting saad ko.

Nakita ko naman kung paano umiba ang panlasa ng mukha nito at parang gulat pa sa sinabi ko.

Why is he gulat?Is there something nakakagulat in me? Wala namang nakakagulat sa sinabi ko eh, duh...

"Let's go?" Nakangiting yaya ko sa kanya at ako na ang kusang humila nito papalabas ng bahay. "Bye, dad. Love you!" Masayang sigaw ko at kaagad na sumakay ng sasakyan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong agad ni Sky.

Hindi ko alam kung nagtataka ba siya o nag-aalala. He's face's expression is unreadable. Hindi ko talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng expresyon nito.

"Wala lang, masaya lang ako, bakit? Akala mo nababaliw na ako?" Nakangiting tanong ko pero umiling lang ito at kaagad na pinaandar 'yong sasakyan.

Hindi man lang ma alis-alis sa bibig ko ang mga ngiti na kanina ko pa suot.

Last week pa lumabas ang cellphone na 'yon, since busy si Daddy hindi ko muna sinabi sa kanya, ayaw ko munang istorbohin ang aking ama lalo pa't marami-rami rin ang mga trabaho na inaasikaso nito. Hindi naman siya mahal eh, sakto lang.

In my father's age, I also think that he needs some vacation. Matanda na kasi ito at halos sa lahat ng mga oras nito ay trabaho na lang ang inaatupag nito.

Habang nagmamaneho si Sky napasulyap ako sa rito ng bigla niyang liniko 'yong sasakyan papunta sa pinuntahan namin kahapon.

"Training how to shoot?" Tanong ko rito at tinitignan ang mukha nito. Umiling-iling naman ito.

"No, I left something there. Naalala ko lang na naiwan ko pala kamagkailan lang 'yong wrist watch ko. I left it inside the house" sagot nito kaya tumango naman ako.

Huminto kami sa lugar na iyon at kaagad nitong binuksan ang pintuan at agad itong lumabas. Hindi ako sumunod rito at nanatili lang na nakaupo sa loob.

"I'll wait you here" nakangiting sagot ko.

"Are you sure?" Bigla naman akong napangiti nang marinig ko ang boses nito na may bahid ng pag-aalala.

"Hmm, I'm sure. Don't worry" nakangiting sagot ko.

"Baka----"

"Go, kunin mo na 'yong gusto mong kunin, hihintayin na lang kita rito"

"Ikaw"

"Ha? Anong ako?" Tanong ko rito at lumapit sa bintana.

"Ikaw ang gusto kong kunin. Come with me" Napiling na lamang ako habang nakangiti.

Ewan ko ba...

"I'm good, pumasok ka na doon. Sige na"napipilitan naman itong umalis.

Mahina akong bumuntong-hininga saka tiningnan 'yong cellphone ko.

Nakakita nanaman ako ng mga threats kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Sinarado ko 'yong bintana at umidlip muna.

Hinintay ko lang si Sky dito sa loob, pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito dumating, napagpasyahan ko na lumabas muna at puntahan ito.

Binuksan ko na 'yong pintuan saka sumilip sa labas. Wala naman akong napapasin kaya agad akong bumaba at humakbang papalapit sa bakuran ng naturang bahay.

Habang naglalakad ako napansin ko na may nakasunod sa akin kaya napalingon ako sa likod ko, wala namang tao rito kaya naglalakad ako ulit hanggang sa makalapit na ako sa bahay.

Hindi na ako mapakali, ramdam na ramdam ko talaga na may nakasunod sa akin.

Napipilitan akong huminto at kunyari ay may tinitingnan sa hardin ng bahay.

Nagdadalawang-isip ako kung lilingon ba ako sa likod ko o hindi. Napansin ko na huminto rin 'yong naglalakad at mismo nakatayo pa ito sa likod ko.

Hindi muna ako gumalawa at sinulyapan ang anino nito mula sa likod ko.

Pinakiramdaman ko muna ang prisensya nito at kunyari ay kumakanta. Pasulyap-suklyap lang ako sa anino at hindi muna gumawa ng hakbang.

Nakatingin lang ako sa anino hanggang sa tinaas nito ang kanyang kamay, kaya mabilis akong lumingon rito at walang pagdadalwang-isip na suntokin ito sa mukha at agad itong dinaganan kaya bumagsak ito sa sahig.

Pinulupot ko naman 'yong braso ko sa leeg nito kaya nahihirapan itong magsalita at gumalaw.

Ang sakit!...

Kala niyo sa akin ha, useful rin pala 'yong taekwondo. Huh! Don't mess up with me you damn idiot...

"A-ara..y... B-bitawan m-mo...mo ak-ak..ko" nahihirapang saad nito kaya mas lalo ko pang hinigpitan 'yong pagkapulupot niyo. Tiningnan ko naman ang mukha nito.

Teka! Kilala ko to ah?! Kilala ko tong gagong to!...

"What are you doing here?" Inis na tanong ko at mas lalong hinigpitan ang pagkapulupot ng braso ko sa leeg nito. Namumula na ang mukha nito at malapit na rin itong mauubusan ng hininga.

Napahawak ito sa braso ko at nagpupumigalas. "I said what the hell are you fvcking doing here?!" Sigaw ko sa pagmumukha ng lalaking ito.

Siya lang naman 'yong driver na kumidnap sa akin nong kasama ko 'yong mga so called friends ko sa mall, 'yong may grotty phone. Pakiramdam ko talaga, may mastermind ang mga lalaking ito.

Naisipan ko lang naman iyon, dahil siya na mismo ang nagkukusang kumidnap o ano man 'yang gagawin niya sa akin.

Matagal na silang naghahabol sa akin at alam ko iyon. Minsan nakakaramdama ako ng mga tunog mula sa balkonahe ng kwarto ko at meron ding nagmumula sa bubong.

Oo, minsan natatakot ako, pero masyadong matigas 'yong sarado ng buong kwarto ko kaya mahirap itong buksan.

Nasisiguro ko na hindi sila makakapasok sa bubong ng masion namin.

"G-get of m-me k..kid" ani nito kaya binitawan ko ito at humarap sa kanya at diretso ko itong sinikmuraan dahilan ng mapasalampak ito sa sahig habang may tumutulong dugo sa bibig nito.

I'm so sorry, kuya. I won't let you kidnapped me ever again...

"Pasensya ka na, kuya. Wag ka pong mag-aalala hindi po kita papatayin" nakangiting saad ko habang nakatingin sa kanya na nakahiga sa sahig. "Hindi kita papatayin, dahil I will hired someone to kill YOU! TANGINA KA KUYA! NAKIDNAP NIYO NA AKO DI PA BA YON SAPAT?! NAKUHA NIYO NA 'YONG GUSTO NINYO NG MGA KASAMAHAN MO, KULANG PA BA 'YON?! ANONG GUSTO NIYO?! IBIBIGAY NA NAMIN LAHAT NG PERA NAMIN?! ANO KA SINUSWERTE?! MALAS KA! HINDI KA SWERTE! MALAS KA! ALAM MO, KUYANG GAGO? WALA KA NA NGANG AMBAG, MANGINGIDNAP KA PA! PWEH! ANG KAKAPAL NG MUKHA NINYO! SINO BA ANG NAGUTOS SA IYO, HA? IHARAP NIYO SIYA! SINO?!" Humugot muna ako ng kaunting hangin, dahil malapit na akong uubusan ng hininga kakasigaw.

Juiceko naman! Ma mamatay ata ako ng maaga nito...

"GUSTO MO AKO NA 'YONG PAPATAY SAYONG HAYOP KA?! GUSTO MO PUTOLIN KO YANG NASA ILALIM MO?! AY WAG NA LANG PALA! BAKA MAKAKUHA PA AKO NG TANGINANG LAGUNA DISEASE NA 'YAN! GAGO KA! HAYOP! YOU SON OF OF A LEPROUS DONKEY! GO TO HELL O GUSTO MO IPAPAKUHA PA KITA NI KAMATAYAN?! PWEH! I'LL SUE YOU! PWEH!" Sigaw ko at kaagad na bumunot ng hininga.

Whew! Salamat naman at nakakahinga na ako ng maluwag, woah!

Asan ba kasi 'yong Sky na 'yon?

Tiningnan ko muna 'yong lalaki at binelatan ito, mabilis naman itong napatayo at kaagad na tumakbo papalayo sa akin kaya tumawa naman ako.

Hindi ko alam kung galit ba ako o masaya. Ang alam ko lang ay natatawa ako sa pinagsasabi ko kanina.

"LOS COJONES!" Sigaw ko rito habang nananakbo ito palayo. "TAKBO KA NA! SANA MABANGGA KA NG SASAKYAN, TANGA KA!" Natatawang sigaw ko rito.

"Hey, I heard you were shouting kaya mabilis akong pumunta rito, what happened? Okay ka lang ba? Sinabi ko na sa 'yo eh, sumama ka na lang sa loob"

Mabilis naman akong napaharap sa taong nagsasalita sa likod ko habang natatawa pa rin iniisip 'yong lalaking takot na takot ang mukha.

Ang lakas ng loob na kumidnap, dyutay pala.

Kumurap ako at tumingin kay Sky na ngayo'y nag-aalalang nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti ng labi ko at napalitan ito ng seryoso.

"Okay lang ako, natakot siya eh, kaya ayon tumakbo papalayo" natatawang saad ko.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit kaya hindi ako nakapagsalita at napalunok na lamang, biglang lumakas aat bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahan na humina ang buong paligid.

Hindi talag to normal eh, balikan ko kaya 'yong doctor.

"Oh, you're okay. Salamat naman, akala ko kung ano na ang nangyari sayo" nag-aalalang saad nito at hinalikan 'yong noo ko at bumalik sa pagkakayakap sa akin.

Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. "Thank you. Salamat at walang masamang nangyari sayo. I don't know.. k-kung ano ang gagawin ko kung nalaman ko na nasa panganib... ang buhay mo" kinakabahang saad nito at bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Bahagya naman akong napangiti rito.

"Ginamit ko 'yong tinuro mong Taekwondo sa akin eh" ani ko at ngumiti sa kanya, tinapik niya naman 'yong ibabaw ng ulo ko at ngumiti sa akin, piningot niya pa naman 'yong ilong ko kaya napapikit ako.

"That's good. Dapat ganyan, tell yah, it's useful" sagot nito at hinila ako papasakay ng sasakyan.

"Bakit ba ang tagal mo?" Tanong ko rito.

"Nandoon kasi 'yong head ng CIA and we have a little conversation..No, not a conversation, but a meeting, indeed. We are also discussing about my retirement at sa last mission ko. I'll be leaving for a week para sa misyon na iyon, then I can live my own life. Nandoon rin sa loob si Kajhaine" sagot nito habang seryosong nagmamaneho.

Napakurap ako ng tatlong beses dahil sa sinabi nito.

He's leaving for a week? Meaning? Hindi kami magtetrain. YES!...

"Wish me luck, baka hindi na ako makakabalik pa" saad nito habang nasa daan ang tingin. Pinalo ko naman 'yong braso nito at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit mo naman 'yan nasabi? Alam mo, naoaka advance mo" Inis kong saad rito at mas lalong tiningnan siya ng masama.

"Sinabi ko lang naman kung baka ma mamatay ako at hindi na ako makakabalik pa, diba ayaw mong magtrain? You're now free. Top Agent ang ipinapadala ng boss namin and that means we have a hard mission. So, if I died you're free to go" nakangiti nitong sagot pero hindi ko na lang ito pinansin at tumingin na lamang sa bintana.

Nangarap ka naman na mamamatay!...

Napabuntong-hininga na lamang ako at sumulyap sa kanya.

"Gusto mo bang mamatay?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa bintana.

"No... What I mean is... Pag---"

"Yeah, I know" sagot ko at ngumiti sa kanya.

Kaagad ko ring binalik ang tingin ko sa bintana hanggang sa makarating kami sa training hall.

Nauna na akong maglakad sa kanya hanggang makapasok ako sa loob ng training hall, hindi ko ito pinansin at derederetso lang sa paglalakad papunta sa CR para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis pumunta na ako sa harapan ni Sky at walang buhay itong tiningnan.

"Let's start" aniya kaya mabilis kong pinatid 'yong tiyan nito at pinulupot ko naman sa leeg niya 'yong binti ko ng bumagsak ito.

I think I'm angry... Parang biglang uminit 'yong ulo ko nang sabihin niya na baka ma mamatay siya...

"Aray!" Sigaw nito ng mas lalo kong higpitan 'yong nakapulupot kong binti ko doon sa leeg niya.

"WHY?!" Sigaw ko sa kanya.

"What? Anong why?"

"Bakit mo sinabi na baka ma mamatay ka?! Do you really wanted to die?! Gusto mo ba talaga ma mamatay ng maaga?!" Inis kong tanong rito at kaagad na binitawan siya para tumayo.

Hindi ito kaagad nakapagsalita at tumayo rin ito at hinarap ako.

"Baka lang naman 'yong sinabi ko eh, mahirap ang misyon na 'yon Faris, I don't think I can survive.. I mean, what if we got caught?" ani nito kaya napakamot naman ako ng ulo ko.

Napaka-advance niya talaga mag-isip. Nangarap ang gago...

"Then think positively" giit ko rito.

"Look, hindi ko ito pwedeng sabihin sa iyo, but I will tell you this one" bumuntong-hininga siya.

"My mission is gather some informations about one of the biggest Mafia Organization from Europe, nandito sila ngayon sa Pilipinas and I'am heading to their headquarter here in the Philippines"

"May headquarter sila dito at kailangan kong makakuha ng impormasyon tungkol sa Organisasiyong iyon. Actually, their organization has over forty five thousand of members. What if I get caught? So, I die" aniya habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko. Bumuntong-hininga ako at sinalubong ang mga titig niya.

Aish! Ano ba 'yan...

"Fine, pero bakit ba minsan ang nega mo?" Tanong ko rito.

"Nega? What's nega?" Tanong niya kaya tumawa naman ako sa tanong nito.

"Nega... Negative? You're very nega talaga" sagot ko, ngumiti lang ito sa akin.

"I was just stating possibilities, Faris. There is a possibility that I can't survive and there is also a possibility na mabubuhay ako. Wish me luck, wag kang mag-aalala, I'am one of the best CIA agent. Magaling ako pagdating sa gathering informations"

"You sound so cocky" saad ko at tumawa. Tumawa rin naman ito at hinagod ang ulo ko.

"Bakit ba ang concern mo sa 'kin, huh?"

Bakit nga ba?...

Hindi ko rin alam kung bakit. Feeling ko lang talaga na mag-aalala ako sa kanya eh. Parang nasasayangan kasi ako sa buhay nito.

"D-dahil, wala na akong pompous prick Taekwondo Master. Saka rin mawawalan na rin ako ng magaling na bodyguard" pagsisinungaling ko. Wala akong maisip na dahilan kaya mas better kung 'yon na lang ang isasagot ko.

"Really?"

"O-Oo naman. Kahit h-hate ko 'yong taekwondo at tsaka baka wala nang manglilibre sa akin at baka rin wala na ring sasama sa akin papunta sa mall. Ikaw pang naman 'yong tao na madadala sa mga pamamaraan ko" pag-hahanap ko ng paraan.

"Hmm? Your nose turned big when you lie" natatawang saad nito kaya mabilis naman akong napahawak sa ilong ko. Sinamaan ko ito ng tingin nang malaman kong hindi naman ito lumalaki eh.

"You lied" saad ko at nagpout habang hawak-hawak pa rin ang ilong ko.

"No, you lied... Nevermind, kung ayaw mong sabihin, okay lang. Walang sekreto na hindi mabubunyag. I'll catch up on that"

"Tangina ka!"

"Quiet, baby. Magbihis ka na, maaga tayong uuwi. I need to be ready for tomorrow. Hindi muna tayo magkikita for one week, I'll be busy, okay? Huwag kang maging pasaway habang wala ako" aniya kaya mahina lang akong tumugon at kaagad na nagbihis at sumakay ng sasakyan.

"Tatawagan mo ba ako?"

Ha? Bakit ko ba 'yon natanong?...

"No, maybe, I don't know, it depends kung buhay pa ako o hindi"

"Ayan ka nanaman. Patayin na lang kaya kita ngayon, ano?" Tanong ko sa kanya.

"No, baka hanapin ako ng girlfriend ko" ani nito kaya tumahimik na lamang ako.

May girlfriend nga pala siya. Hay, sana makita ko na 'yang girlfriend niya. Baka mas maganda pa ako diyan eh.

Pagkarating namin sa bahay kaagad naman itong nagpaalam sa ama ko na wala ito bukas at nagpaalam na rin ito sa akin.

Hay sana naman tatawag siya...

I mean sana tatawagan niya 'yong girlfriend niya. 'Yan, sana tatawagan niya 'yong girlfriend niya, Hehe.