webnovel

Chapter Thirty: His POV- Unconditional Love

Tumikhim ako upang maghiwalay ang dalawa, damn! Para ako unti-unting pinapatay pag pinagmamasdan ko sila. Bahagya akong nakaramdam ng kaunting pag-asa ng makita ko sa mga mata niya ang paghanga sa akin. Matalim kong tinitigan si Howard.

"Ituloy mo lang ang plano mo, hindi mo gugustuhin makita ng maaga si kamatayan... Lalo't na buntis ang magaling mong asawa."Nakangisi kong banta sa kaniya.

Kaya lang niya patuloy na ginagamit si Freya for their protection. Hindi alam ni Freya pero unti unti kong pinababagsak ang pamilya nito. Satillan hospital na lang meron sa kanila.

Nang makita kong umiiyak na naman ulit siya sa bar ko ay sa inis ko ay binangga ko mismo ang sasakyan ni Howard.

Yes, ako ang may gawa kung bakit siya na coma. Dahil kulang pa yan!

Konting konti na lang makukuha ko na ang hospital nila, pero hindi ko tinuloy dahil sa batang nasa sinapupunan ni Veronica. Anak lang siya, pero wala siyang kasalanan. Kaya pinalampas ko alang-ala sa bata.

Ginamit pa ang bata.

"Nakikiusap ako... para lang sa apo ko."Nagmamakaawang sabi ng ina ng gagong nakaratay sa hospital nila. Walang imik ang asawa nito at ang ama ni Howard. I respected them before, but they disrespected my queen. Wala akong nagawa, totoong nag-uumpisa nang maghirap ang pamilyang ito.

"Kung susuko ang babaeng ito sa pulisya pagkatapos nitong manganak. Ibabalik ko ang kinuha ko sa inyo, buong buo. Hustisya ang pinaglalaban ko."Doon ko sila nakitang natigilan.

"May isa akong salita."Malamig kong sabi, pero nakita ko ang takot sa mata ni Veronica.

Hindi siya aamin, ako ang mismong nagsabi sa magulang ni asawa niya. Nakita ko ang matinding pagsisi nito. Kahit magsisi kayo, wala pa yan sa kalingkingan na dinanas ni Freya.

Napangisi ako ng maalala ang ginawa ko sa kaniya bago maaksidente ang gago. Pero kaagad napawi ng marinig ko ang boses ni Liniea.

"Gigil na gigil kuya Gabriel!"Halakhak nito habang naririnig ko ang tawa ni Russie sa telepono.

"Dahan dahanin mo kuya! Sige ka baka kumawala na naman yang best friend ko! "Nailayo ko ang telepono nang may biglang sumigaw ang hari ng karagatan.

F*ck! Nasa Pilipinas na naman ang loko.

"Anong sinasabi mong dahan dahanin, mag-iisang dekada na yan si Pareng Anghel na naghihintay! "

"Kuya pakibilisan, lumalaki na si Greene! "Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng kapatid ko; binabaan ko na sila ng telepono.

Hinayaan ko ulit siya umalis. Tahimik lang ako sa malayo, habang pinapanood siyang nakikipag-usap sa mga estudyante niya. Kuntento na ako. Kahit abutin ako ng siglo, ikaw lang ang hihintayin ko. Hinintay kong makapanganak si Veronica bago ko siya sinundan.

Naririndi na ako sa pagmamakaawa ng ina ni Howard, pero hindi ko pinaubaya sa batas. Masama bang ilagay ko sa mga kamay ko ang batas para lang makamit ng hustisya na inaasam-asam ng babaeng mahal ko. Wala nang nagawa ang gagong ito nang makulong ang asawa niya.

Wala akong nararamdamang awa para sa kanila pero sa bata, oo. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ang mga litratong nakadikit sa pader ng silid na ito. Bakit ba ako pumayag sa babaeng yun na dito ipaskil ang mga litrato ng babaeng mahal ko habang kasama ang gago kong kaibigan.

Mutikan na akong maahawaan ng kabaliwan ng babaeng iyon.

Pero napatigil ako nang makita ko ang litrato kung saan hinayaan kong bumalik ako sa dati. Ang Senyoritong kinatatakutan ng lahat. Napakuyom ang kamao ko nang malaman kong nakatakas ang isa kanila.

"Kailan mo balak sabihin sa kanya ang totoo, kuya? "I didn't answer him.

I don't know, sasabihin ko rin sa kaniya pag wala ng banta sa buhay niya. Pero sana pala sinabi ko na, iyon pa ang naging dahilan na muntikan ng mamatay ang pangalawang anak namin. Nandito ako ngayon kung saan na minsan na rin siyang halos tumira na dito.

Napalingon ako sa parents ko na kasalukuyang masama ang loob sa akin. How can I tell them so easily if I have a lot of unfinished problems? Masama ang tingin na ipinupukol sa akin ni mom, at bakas ang pagkadismaya sa mukha ni dad.

I hope it is so easy to tell. Two days passed, bago nagising si Freya, but hindi pa ako nakakalapit ay pinalabas na ako ni mom.

Damn!

That's why I don't want to tell them about her.

One week later, I received a call from my hired private investigator. I looked around my office before I answered the call.

Silver Jace Company is my own company.

"How's the lead? "I seriously asked.

"Sir, kaya pala po Sir, hindi natin mahanap kasi matagal na po kasing patay ang pinahahanap niyo.'"

Napabutong hininga na lang ako ng malalim. Dahil dito muntikan ng mawalan ang pangalawang anak namin. Ang daming nasayang na sana ay ginawa ko na. I am not perfect, but I can be for her, for my family, and for myself.

This is what I promised her father: I will wait for her no matter what happens. I will purge her without needing condition. My love for her is eternal; it's unbreakable and pure.

•••

Unconditional love will only found with Him. He loves us more than we love Him.

So, never tell you are not alone in this world. No, you're not. We have Him, even sometimes we forget to thank Him. Our life is a blessing, a grace. People wants to live but they can't anymore. So, don't waste your life. Enjoy and live every moment. Live.